LoveTruyen.Me

Heredera Series 1 - HERA

Chapter five

Whroxie

"HERA, baba na baka mahulog ka!" Sigaw ni Gideon. Nasa itaas ng puno si Hera at namimitas ng mangga. Mababa lang ang puno pero hitik sa bunga.

"Oh saluhin mo!" Sigaw ni Hera saka inihagis nang sunod-sunod ang tatlong piraso ng mangga kay Gideon na nakatingala mula sa ibaba ng puno. Nasalo naman iyon ni Gideon lahat.

"Wow! Ang galing ah." Napakamot si Gideon sa ulo. Nag-aalala ito sa kanya.

"Hera, sige na baba na. Ako na ang mamimitas ng mangga para sa 'yo. Bumababa ka lang diyan."

"Sige na nga." Marami na rin siyang napitas. Hindi niya akalain na masaya pala ang ganito.

Hindi pa niya nasubukan ang umakyat ng puno buong buhay niya. Inilipat niya ang kanyang paa sa isang sanga at sinunod ang isa pang paa. Pero bigla siyang napatili nang mag-crack iyon. Ililipat niya sana ang paa niya pero bigla na lang nabali iyon at bumulusok siya pababa. Ang tanging nagawa na lang niya ay ang tumili at ipikit nang mariin ang mata. Mabuti na lang at nasalo siya ni Gideon. Pero sa lakas ng impact ng pagbagsak niya ay sabay silang bumagsak sa lupa. Nakapatong siya sa ibabaw ni Gideon. Sinimangutan siya nito.

"'Tigas kasi ng ulo eh." Nakagat niya ang pang-ibabang labi.

"Sorry," halos malakas lang sa bulong ang boses niya. Bigla ang malakas na pagtahip ng kanyang dibdib dahil sa pagkakalapit nila ni Gideon nang ganito. Dinig na dinig din niya ang tibok ng puso ni Gideon at halos hindi na siya makahinga dahil sa pagtitig sa kanya ng binata. Those warm, dark eyes made her muscles tense. Hindi niya alam kung bakit gan'on ang epekto nito.

Tumaas ang kamay ni Gideon. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na humarang sa mukha niya at isinabit sa likod ng tainga niya. Hera closed her eyes and tried to remain calm when Gideon gently caressed her cheek down to her jawline with his knuckles.

"Ilang lalaki na ba ang nakapagsabing napakaganda mo, Hera?" noon siya dumilat at ang unang nabungaran ng mga mata niya ay ang mga labi ni Gideon. Those bright red sexy lips that Hera wanted to taste again. Ang mga labi nito ay tila hinihikayan ang labi niyang lumapat dito at pagsaluhan ang isang mainit na halik.

"Gusto mo ba akong halikan, Hera?" noon ay tila nahimasmasan si Hera.

Her gaze flickered back to his eyes. The teasing grin was lurking behind his dark eyes. Mabilis na gumulong palayo sa lalaki si Hera. Umupo siya sa tabi nito na hiyang-hiya. Bumangon si Gideon mula sa pagkakahiga at napapangiting tinitigan ang babaeng napahiya. God! Bakit ba siya naakit sa mga labi nito?

Gideon stood up and reached out for her. She gazed up at him, inismiran niya ito bago inabot ang kamay at hinila siya patayo. Hindi kasi mapalis-palis ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito.

"Hindi kita gustong halikan 'no! Feeling ka!" angil niya sa binata. Malakas na humalakhak si Gideon.

"Defensive," tukso ni Gideon. She automatically lifted her brow at him.

"I'm not defensive and there is nothing to defend. I'm just..." she paused, unsure what to say.

"You're just?" Gideon urged her. Think, Hera, think!

"Um.. I was just staring your lips. It looks dry kasi parang kailangan ng lip balm. I have lip balm, bibigyan kita." What a lame excuse. Damn! His lips were moist and kissable at hindi kailangan ng lip balm.

Gideon's lips twitched with humor. Humakbang ito palapit sa kanya. Inilapit nang husto ang mukha sa kanya at halos ilang dangkal na lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. Gideon wet his lips na ikinalunok naman ni Hera. That was so sexy.

"Tingin mo kailangan ko ng lip balm?" umangat ng tingin si Hera.

Nagtagpo ang mata nila at nagtitigan. Parang may kung ano sa mga mata nitong naghahatid ng kung anong damdamin. Parang may mga paru-parong nag-wi-welga sa sikmura niya dahil sa titig nito. At parang gusto niya itong yakapin at halikan. She clenched her palms, fighting the urge to throw her arms around his neck and claim his lips. Ugh! What the hell is wrong with her? Bakit naaakit siya rito at nakakapag-isip ng mga hindi kanais-nais na bagay na hindi naman niya gawain.

"You are a wizard!" She uttered and turned away from him. Siguro mangkukulam ang lalaking 'to at ginagamitan siya ng black magic kaya naaakit siya.

Narinig niya ang malakas na tawa ni Gideon. Naiinis niyang tinungo ang cabina. Hindi naman iyon kalayuan sa kung saan nakatirik ang mangga. Padabog siyang umupo sa upuan sa harap ng bilog na mesa sa mismong ilalim ng puno ng pili sa harap ng cabina ni Gideon. Lalo siyang napasimangot nang makita si Gideon na papalapit. Hawak ang isang basket kung saan nakalagay ang mga manggang pinitas niya. Ang lapad ng pagkakangiti nito kaya lalo siyang naiinis kasi ang guwapo-guwapo nito. Hindi niya alam kung saan siya naiinis. Sa binata o sa sarili niya.

"Bakit ganyan ang mukha mo?" Gideon asked and sat across from her. There was that humor glint in his eyes and his lips twisted into a satirical smile.

"Are you making fun of me, Gideon?" nakataas kilay niyang untag. Humalakhak ang binata.

"Bakit ko naman gagawin 'yon? Ang cute mo kasing mainis." Kumuha ito ng isang mangga at kutsilyo na naroroon sa mesa.

"Ipagbabalat na lang kita ng mangga." He said and shot her a mischievous wink. That wink vanished her irritation instantly. Napangiti siya at kinikilig.

Apat na araw na rin silang ganito ni Gideon. Magkukuwentuhan. Mamimitas ng kung ano-anong prutas at talagang masaya siya. Para ngang napakaiksi ng isang buong maghapon para sa kanya. Komportable na rin siyang kausap ang binata at hindi na siya naiilang. 'Wag lang mapapatitig sa mata nito dahil para siyang timang na napapatulala na lang bigla. Kaya hindi niya masabi rito na isa siyang Monticello dahil baka hindi na ito makipagkaibigan sa kanya.

May mga nalaman na rin siya tungkol dito. Kung ano ang tinapos nito at kung saan nag-aral. At maging siya ay nagkuwento na rin dito ng tungkol sa kanya. Tungkol sa mga kaibigan niya, kung anong course ang tinapos niya at kung saang university siya nagtapos.

Malapad ang ngiti ni Gideon habang nagbabalat ng mangga kaya lantad na lantad ang mapuputi nitong ngipin. Pero bakit ba kung makangiti ito wagas? Hindi tuloy mapigilan ni Hera na mapangiti na rin habang tila nangangarap na nakatitig sa guwapong binata.

"Hay, Hera, it's impolite to stare. Naiilang tuloy ako sa ginagawa mo." Nawala ang pagkakangiti ni Hera at mabilis na napayuko. Nakagat niya ang pang-ibabang labi sa pagkapahiya. Bakit ba hindi man lang niya namamalayan na napatitig siya rito? Argh! Nakakainis!

HALOS isang linggong araw-araw na nagkikita si Gideon at Hera. Walang araw na hindi sila nagkikita ng binata maliban ngayong araw. May gagawin daw ito ngayon kaya naman nagpunta na lang siya sa stall ni Aling Ising. Hays! Namimiss niya agad si Gideon. Parang hindi mabubuo ang araw niya kung hindi makikita ang binata. Marahan siyang umiling para alisin ang mga nasa isip niya. Bakit ba ganito ang nararamdaman niya. Sa bawat araw na nakakasama niya si Gideon ay parang lalong tumitindi ang admiration na nararamdaman niya para sa binata. Parang lalong lumalalim ang nararamdaman niya para sa lalaki.

"Miss Hera." Lumingon siya nang marinig ang isang boses ng lalaking tumawag sa pangalan niya. Ito ang lalaking kaibigan ni Gideon. Ang pagkakatanda niya ay Barok ang pangalan nito.

"Ikaw nga!" Masayang bulalas nito.

"Sa wakas nagkaharap din tayo ng face to face."

"Hi, you're Barok, right?" Nakangiti niyang bati sa lalaki.

"Ate Hera, ito na po." Muli niyang binalingan si Cecille at kinuha ang empanada at sago't gulaman.

"Bakit hindi kayo magkasama ngayon ni Bossing? Himala 'yon ah." Ngumiti si Hera at umupo sa mahabang kahoy na upuan. Inilagay sa tabi niya ang sago't gulaman na nasa plastic disposable glass. Parang alam yata nito na madalas silang nagkikita ni Gideon.

"Busy yata siya ngayon." Kumagat siya ng empanada.

"Ibig sabihin lagi kayong magkasama ni Gideon, Hera, kapag hindi kayo nagpupunta rito?" tanong ni Mang Mando. Muntik nang masamid si Hera sa tanong na iyon ni Mang Mando. Hindi alam kung paano niya ito sasagutin.

"Ibang klase talaga si Gideon, masyadong mabilis. Lahat na lang ng chicks sa kanya nagkakagusto. Ano bang meron siya na wala ako?" sabi ni Langkoy at nagtawanan ang lahat na naroroon.

"Magsalamin ka kasi para malaman mong lahat ng mayr'on si Kuya Gideon ay wala ka." Lalong lumakas ang tawanan sa sinabi ni Cecille.

Tumabi si Barok kay Hera.

"Baka nasa kural si Bossing ngayon. Gusto mong sumama sa 'kin sa rancho? Matutuwa iyon kapag dinalaw mo siya," ani Barok.

"Huh? Sa Rancho de Buenavista?" tumango si Barok.

HINDI alam ni Hera kung tama bang sumama siya kay Barok. Paano kung malaman dito na isa siyang Monticello.

"Miss Hera, tara." Aya sa kanya ni Barok nang hindi siya tuminag sa kinatatayuan niya. Magkasama silang nagtungo ni Barok ng rancho sakay ng kanyang Audi. Tumango siya saka sumunod kay Barok.

Papalapit pa lang sila sa isang open cottage na pahingahan marahil ng mga tauhan ay matindi na ang kabog ng dibdib niya. Lalo nang makita niyang lahat ng mata ay nakatuon sa kanila o mas tamang sabihin sa kanya. Kumaway si Barok sa mga tauhan.

"Sino ang magandang dalaga na 'yan, Barok?" tanong ng isang babae hustong makalapit sila. Mga late-forties siguro ang edad.

"'Nay, girfrend ko po," pagbibiro ni Barok. Muntik nang matawa si Hera sa naging reaksiyon ng lahat dahil sa sinabi ni Barok. Halos lahat ay nanglaki ang mata.

"Seryoso ka? Aba'y napakaganda naman ng mamanugangin ko." Namamanghang sabi ng nanay ni Barok.

"Baka naman, Barok, ginayuma mo 'yan? Aba'y kapag nagsuot ng mataas na sandalyas iyan baka hanggang baywang ka na lang niya." Sabi ng isang matandang lalaki na ikinatawa ng lahat. Napakamot naman si Barok sa ulo. Maliit kasi ito at hanggang tainga lang ni Hera. Limang talampakan at tatlong pulgada lang yata ang taas nito na maliit para sa height ng isang lalaki. Si Hera naman may taas na limang talampakan at limang pulgada.

"Siya po si Hera, girprend ni Bossing." Pagkasabi ni Barok niyon ay nagsitayuan ang ilan at nagsilapitan pa sa kanya.

"Totoo ba iyan? Aba'y himala at nagka-nobya na uli si Gideon. Anim na taon din halos na walang nobya ang batang 'yon pagkatapos ng paghihiwalay nila ni Tamara. Halika, Hera, maupo ka... Ako nga pala si Mang Domingo."

"Kinagagalak ko po kayong makilalang lahat." Magalang niyang sabi saka umupo sa upuang gawa sa kawayan. May parehabang mesang gawa rin sa kawayan sa gitna ng cottage. May alak sa mesa, manggang hilaw, bagoong at iba pang pamulutan.

"Ang mga type talaga ni Gideon iyong mga sosyalin 'no? Saan ka naman nakilala ng lalaking 'yon?" nakataas kilay na tanong ng isang babae na nakaupo sa kabilang bahagi, sa katapat ni Hera. Isang pulang halter top ang suot nito at halos kita na ang cleavage.

"Magtigil ka nga diyan, Ara! Huwag mong tinatakot si Hera," sita ni Barok.

"Girlfriend ka ni Gideon?" tanong ni Ara na parang hindi narinig ang pagsaway ni Barok.

Marahang umiling si Hera. "Hindi, kaibigan lang niya ako." Umirap ang babae sa hangin.

"Sabi na nga ba eh. Kalokohang magka-girlfriend na ang lalaking 'yon. Hindi nga ako pinapatulan kahit anong pang-aakit na ang ginagawa ko. Hindi pa rin talaga 'yon maka-move-on kay Tamara. 'Yon kaya ang una't huling girlfriend niya. Apat na taon niyang naging girlfriend 'yon 'no!" May kasama pang irap na sabi nito.

Kumuha si Barok ng maliit na pinirasong mangga at binato ang dalaga at sapol ito sa mukha. "Ang daldal mo!" Angil ni Barok sa babae.

"Tse! Nagsasabi lang ako ng totoo. Ang dami ng babaeng nagpahiwatig kay Gideon pero may pinatulan ba siya, wala 'di ba? Kahit nga ang anak ni Mayor na lantaran kung magpa-cute kay Gideon ini-snob. Katawan lang ni Gideon ang nakuha nila pero hindi ang puso niya."

"Malay mo naman si Hera na ang hinihintay ni Gideon," sabat ng isa pang babae na mukhang hindi nalalayo sa edad niya at nginitian siya nito. Mas mabait at mukhang palakaibigan ito kumpara kay Ara.

Bigla ang pag-ahon ng kuryusidad kay Hera dahil sa mga narinig. Of course, inaasahan naman talaga niya na nagka-girlfriend na si Gideon, pero ang hindi niya inaasahan ay ang malaman na isa lang ang naging karelasyon nito. Ang inasahan niya ay marami dahil sa guwapo ba naman ng lalaking 'yon. Apat na taon ang relasyon ni Gideon kay Tamara at ayon sa sinabi ni Ara na kahit may mga nagpapahiwatig ditong babae ay hindi pinatulan. Ibig sabihin lang niyon ay talagang malalim ang pagmamahal ni Gideon sa Tamara na 'yon at hanggang ngayon ay mahal pa rin nito.

Biglang parang may pumisil sa puso niya. Pilit niyang sinupil ang kirot na nararamdaman. Bakit ba niya nararamdaman ang ganito? Kung admiration lang ang nararamdaman niya para sa lalaki dapat ay hindi siya nasasaktan.

"Hays! Huwag kang malungkot diyan, Hera. Naku! Mukhang balat sibuyas ka. Mayaman ka 'no? Halata sa itsura mo at sa sasakyan pa lang na dala mo. Talaga kayong mayayaman masyadong ma-emote." Tuloy-tuloy na sabi ni Ara. Kumuha ito ng baso at sinalinan ng alak— Emperador Light.

"Samahan mo na lang kaming uminom. Bawal ang maarte rito." Inabot nito sa kanya ang basong may lamang alak.

PAGHIMPIL ni Gideon nang wrangler jeep na ginagawa niyang service na pag-aari ng mga de Buenavista sa mismong tabi ng isang sasakyang pamilyar sa kanya ay agad siyang umibis. Pinagmasdan niya ang naturang sasakyan.

"Kay Hera ito ah." Agad niyang ipiniling ang paningin sa pahingahan ng mga tauhan. Naningkit ang mata ni Gideon nang makita si Hera.

Kinurap-kurap pa niya ang mata para masigurong hindi siya dinadaya ng kanyang paningin. Si Hera nga iyon. Nagsasayaw ito habang napapaikutan ng mga tauhan ng rancho habang may nagtitipa ng gitara at nagda-drum na siyang ginagamit sa tuwing nagkakasiyahan ang mga tauhan ng rancho.

Nakalugay ang mahaba at alon-alon na buhok ng dalaga, may nakasabit na pulang gumamela sa tainga nito. Nakapantalon ito at white T-blouse pero may makulay na sarong na ipinatong na nagsilbing bestida nito. Kasama nitong sumasayaw si Ara na nakasarong din at may bulaklak sa tainga. Suwabeng humahampas ang balakang ni Hera sa ere habang ang kamay ay kumukumpas sa hangin, umiikot-ikot pa ito habang may nakakaakit na ngiti sa mga labi. Tinatangay ng hangin ang mahabang buhok ng dalaga.

Napabuntong-hininga si Gideon at napailing dahil sa nakikitang pagtitig ng mga kalalakihan sa dalaga. At ano ang ginagawa nito rito? Siguradong si Barok ang may dala kay Hera rito. Nakipagkita siya sa isang kliyente na gustong kunin ang Rancho de Buenavista para maging supplier ng baka at baboy sa meatshop nito. Dumaan siya sa stall ni Aling Ising para tingnan kung naroroon si Hera. Ang sabi ni Aling Ising ay nandoon raw kanina pero umalis din agad at kasama nga si Barok na ipinagtaka niya. Hindi niya naman alam na nandito ito.

Wala siyang cellphone na magagamit para tawagan si Barok. Hindi niya talaga gusto ang gumagamit ng aparatong iyon kahit na sinasabi ni Gavin na kailangan niya iyon para sa pakikipag-usap sa kliyente. Kalokohan iyon para sa kanya. Maayos niyang nagagawa ang trabaho niya noon pa man kahit walang cellphone. Si Barok ang madalas tawagan ni Gavin sa tuwing gusto siya nitong makausap dahil ito ang may cellphone. Maging ang mga kliyenteng gusto siyang makausap ay kay Barok rin tumatawag saka siya makikipagkita sa mga ito. Minsan naman ay sinasadya siya ng mga kliyente sa rancho. Pero kapag naririto si Gavin ay ito ang nakikipag-usap sa malalaking kliyente.

Agad na lumapit si Gideon at kinalabit si Barok na nakaupo sa bilog na silya habang tuwang-tuwang pumapalakpak-palak pa.

"Uy bossing, ikaw pala!" Bulalas nito nang lingunin siya.

"Ano'ng ginagawa ni Hera rito? Bakit hinahayaan mong magsayaw 'yan!" Kastigo niya kay Barok.

"Eh gusto naman niya. Ang galing nga niyang sumayaw." Muli lang siyang napabuntong-hininga.

"Gideon, halika," hinila siya bigla ni Marie papunta sa gitna kung saan sumasayaw si Hera at Ara.

Nagulat si Hera nang makita siya pero malapad itong napangiti.

"Sayawan mo si Gideon, Hera," sabi ni Marie at hinila na nito si Ara para maiwan silang dalawa.

Hinawakan niya ang kamay ni Hera para hilain paalis sa gitna pero hinila naman siya nito pabalik kaya nagdikit ang katawan nila ng babae. Agad niyang nasamyo ang hininga nitong amoy alak.

"Uminom ka?" kunot-noo niyang tanong pero nginitian lang siya nito nang pagkatamis-tamis na kayang pumawi sa kapaguran niya. Nagsimula itong sumayaw habang hawak ang kanyang kamay. She swayed her hips sexily but rhythmically to the beat of music. She swayed like a pagan goddess. Napakaganda talaga nito. Nang bumilis ang tugtog ay bumilis rin ang paghampas ng balakang ni Hera at nagpaikot-ikot habang hawak ang kamay.

Maagap niyang nahapit ang baywang ng dalaga nang muntik na itong matumba nang mawalan ito ng balanse dahil sa pabilis na pabilis nitong pag-ikot. Tumawa ito nang malakas. Hindi naman maalis ang mata ni Gideon mula sa pagtitig sa magandang mukha ng dalaga. Nang mapansin nito ang pagtitig niya ay tumigil ito sa pagtawa at sinalubong ang kanyang mata. Nag-iba ang tempo ng musika. Isang romantic music ang pumailanlan mula sa gitara. Gumapang ang kamay ni Hera mula sa dibdib niya patungo sa balikat niya hanggang sa ipaikot ng dalaga ang mga braso sa batok niya.

Ilang sandaling nakatayo lang sila hanggang sa kusang gumalaw at nagpatangay ang sariling mga katawan sa malamyos na musika habang matamang nakatitig sa mga mata ng bawat isa. Hindi na alintana ang mga matang nakamasid sa kanila at halos lahat ay kinikilig matanda man o bata. Bumababa ang tingin ni Gideon sa mga labi ni Hera. Ang mapupula at malalambot nitong mga labi na kay sarap hagkan. Gustong-gusto niya ulit iyon halikan. His fingers flexed against her waist as he tried his very best to fight the urge to claim her lips. Kung siguro ay silang dalawa lang baka kanina pa niya inangkin ang mga labi ng dalaga.

Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me