LoveTruyen.Me

Heredera Series 1 Hera

  WALANG salitang namagitan sa dalawa hanggang sa makabalik sila sa cabina ni Gideon mula sa pamamasyal. Pagkababa ni Hera ng kabayo ay kinuha ni Gideon ang kamay niya at magkahawak kamay na tinungo ang cabina. Hindi nagsasalita si Gideon at tahimik na nagpapatangay na lang din si Hera.

"Bossing!" mabilis na napatayo si Barok mula sa pagkakaupo nang makita si Gideon at Hera. Nasa mesa itong nasa ilalim ng puno ng pili. Parang namamangha si Barok habang nakatingin sa magkasalikop na mga kamay ni Gideon at Hera.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Barok?" tanong ni Gideon hustong makalapit sila. Noon umangat ng mukha si Barok.

"Kayo na ba?" tanong ni Barok. Giniya siya ni Gideon paupo at umupo naman ito sa tabi niya. Muli ring upo si Barok.

"Magpapakasal na ba kayo? Kailan? Para naman makondisyon na natin ang kakataying baka at baboy. Sigurado naman akong walang pakialam si Sir Gavin kahit ilang baka pa ang katayin natin. Kapag umalma siya yari siya sa 'kin." Sabay silang natawa ni Gideon. Masyado namang advance ang kaisipan nitong si Barok. Ni hindi pa nga nangliligaw itong si Gideon kasal na agad.

"Hindi pa kami mag-boyfriend and girlfriend ni Gideon," aniya. Napatingin sa kanya si Gideon.

"I mean.. hindi niya ako girlfriend, hindi naman siya nangliligaw," pagbabago niya sa pangungusap. Para naman kasing ang dating ng una niyang pangungusap ay umaasa siyang maging mag-on sila ng binata. Hindi nga ba?

"Sayang naman! Akala ko pa naman ay lalagay na sa tahimik itong si Bossing. Kung makapag-holding hands naman kasi kayo wagas!" napapalatak nitong sabi. Muling natawa si Gideon at Hera.

"Pero maiba ako, alam mo ba Bossing na nandito raw ang heredera ng Monticello. Nagbabakasyon raw ngayon dito at ang ganda-ganda raw. Narinig kong pinag-uusapan sa paradahan ng tricycle kanina." Nawala ang ngiti sa labi ni Hera at biglang kinabahan. Napatingin siya sa mukha ni Gideon at bigla ang pagbabago ng timpla ng mood nito. Pero umaliwalas din kapagkuwan saka siya binalingan.

"Kalokohan 'yan. Ang babaeng katabi ko ngayon ang pinakamaganda sa lahat ng maganda." Malapad na napangiti si Hera at agad na nawala sa isip ang namuong tensiyon sa sinabi ni Barok kanina.

"At ikaw naman ang pinakaguwapo sa lahat ng guwapo!" Hera said happily. Nagtitigan ang dalawa at wala ni isa man ang gustong putulin ang tila lubid na nag-uugnay sa mga mata nila.

"In love ka kay Miss Hera, Bossing! Yayayay!" Noon naputol ang pagtitigan ng dalawa at binalingan si Barok na tuwang-tuwa.

"Bakit hindi mo ligawan si Miss Hera? Tapos ako naman liligawan ko rin ang Heredera ng Monticello."

"'Yan ang 'wag na 'wag mong subukang gawin. Baka nakakalimutan mong apo iyon ng masamang si Don Fausto." Bigla ang pagtiim ng bagang ni Gideon.

"Nagbibiro lang ako. Hindi ko nakakalimutan iyon. Siya ang dahilan kung bakit maaga kaming naulila sa ama."

Naguluhan si Hera sa sinabi ni Barok. "Ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya.

"Siya ang dahilan kung bakit namatay ang ama ni Barok. kapag ang mga tauhan ng Monticello ay napadpad sa lupain ng de Buenvista ay hindi binubuhay at gan'on din ang ginagawa ng mga Monticello. Bata pa lang ako ay gan'on na ang naging patakaran ng dalawang don. Malulupit sila. Nakita ko kung paano patayin ng tauhan ni Don Fausto ang ama ni Barok kahit na nagmamakaawa pa ito. Dahil lang iyon sa bunga ng mangga na kinuha ng isang butihing asawa para sa naglilihing asawa nito. Walang ginawa si Don Fausto. Nakasakay ito sa kabayo at basta na lang iniwan ang kaawa-awang matanda at hinayaang barilin ng tauhan niya."

Hindi makapaniwala si Hera na kayang gawin iyon ng kanyang abuelo. Napakabait nito sa kanya at wala siyang makitang kahit na anumang karahasan sa matanda.

"Baka nagkakamali lang kayo," aniya.

"Sukdulan ang kasamaan niya. Siya ang nararapat na mamatay, Hera."

"That's impossible!" Wala sa loob na sambit ni Hera. Nilukob siya ng matinding pangamba sa sinabi ni Gideon. Kapansin-pansin ang matinding galit sa boses nito. Paano pa niya ngayong sasabihin na isa siyang Monticello rito. Niyakap ng nakakabinging katahimikan ang tatlo ng ilang sandali.

"I'm sorry, Barok," bigla na lang lumabas sa bibig niya.

"Bakit ka nag-so-sorry, Miss Hera?" tanong ni Barok.

She forced to smile. "Sorry sa pagkamatay ng tatay mo." Ngiti lang ang ibinigay ni Barok saka tumayo.

"Mauna na ako sainyo. Gusto ka raw makausap ni Sir Gavin, Bossing. Puntahan mo raw siya." Tumango si Gideon saka naman nagpaalam si Barok.

"May problema ba, Hera? Bigla kang natahimik." Tanong ni Gideon nang maiwan silang dalawa. Mataman itong nakatingin sa mukha niya na tila ba pinag-aaralan nito ang bawat sulok ng kanyang mukha.

Umiling siya. "Kailangan ko nang umuwi."

Hinatid siya ni Gideon sa kabila ng talon kung saan niya iniwan ang kanyang kabayo. Matamang nakatitig si Gideon sa kabayo at hinaplos nito and saddle ng kabayo.

"Friesian," sambit ng binata pero ang mata ay nakatuon sa letter "M" na nakaukit sa brown leather saddle.

"Friesian is a horse breed originating in Friesland, in the Nitherland. Hindi biro ang halaga ng ganitong klaseng kabayo. Iilang rancho lang ang may nagmamay-ari ng ganito."

Ang kabayo ng kanyang lolo ang ginamit niya. Nakaramdam siya ng awa sa kabayo niya dahil araw-araw na lang niyang ginagamit kaya naisip niyang pagpahingahin naman . Mas malaki ang kabayo ng kanyang lolo pero wala siyang ideya kung ano'ng breed nito. Chestnut ang kulay nito at talagang napakatikas. Pero si Gideon. Mukhang marami talagang alam sa hayop. Sabagay, agribusiness ang tinapos nito at laking rancho at talagang mukhang gusto nito ang pag-aalaga ng hayop.

Binalingan siya ni Gideon.

"Mahigit dalawang linggo na tayong magkakilala pero hindi ko pa rin alam kung saan ka nakatira dito. Haciendera ba ang kaibigan mo? Anong pamilya? Siguradong kilala ko lalo kung galing sa mayamang angkan." Parang dinakma ang puso niya sa mga tanong ni Gideon. Hindi pa niya kayang sabihin ang totoo lalo na sa mga narinig niya kanina. Parang hindi niya kaya kung bigla na lang siyang iiwasan nito.

"Ahm.. I have to go, Gideon. Hapon na, baka hinahanap na ako ni... ni Mitzi.." Sobra na ang kasinungalingan niya pero sasabihin naman niya ang totoo pero hindi muna ngayon. Pagkatapos ng mga narinig niya kanina, mas lalong siyang natatakot ipagtapat dito ang totoo.

"Napaka-misteryosa mo, Hera. Minsan naniniwala na akong isa kang diwata. Ako ba ang natipuhan mo para dalhin sa mundo mo." Gumaan bigla ang nararamdaman niya sa birong iyon ni Gideon. Pero nanatiling seryoso ang mukha nito.

"Just in case na tama nga ang hinala mo, sasama ka ba sa mundo ko?" nakangiti niyang tanong.

Humakbang si Gideon palapit sa kanya. Hinawakan nito ang baba niya at inangat ang kanyang mukha. Marahan nitong pinisil ang baba niya habang nakatingin sa mga labi ni Hera. Bumababa ang mukha ni Gideon at mariing inilapat ang mga labi sa kanyang labi. Hindi iyon gumagalaw at nanatili lang na nakadikit at talagang napakasarap sa pakiramdam sa tuwing maglalapat ang mga labi nila.

"Hindi ako nababagay sa mundo mo, Hera," he whispered against her lips before pulling away. Ipinihit siya nito patalikod. Hinawakan siya magkabilang baywang at binuhat para isampa siya sa kabayo.

"'Ingat, Hera."

"Hindi ako naniniwala sa sinabi mo. I believe that you belong in my world and so as my world belongs to you." Aniya na hindi nililingon ang binata. Hinila niya ang renda ng kabayo at tumakbo ito palayo. Nararamdaman niyang pareahas sila ng nararamdaman ni Gideon; na may pagtingin din ito sa kanya. Naniniwala siyang kaya niyang palitan sa puso nito si Tamara.

NAIWAN si Gideon na nakamasid sa papalayong dalaga hanggang sa mawala ito sa paningin niya nang pumasok sa masukal na kakahuyan.

"Sino ka ba talaga, Hera?" umiling-iling si Gideon para alisin ang bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Pero kahit ano'ng gawin niya hindi mawala ang isang bagay na pilit nagsusumiksik sa kanyang utak.

"Hindi ka Monticello.." usal niya at napaupo sa malaking ugat ng isang malaking puno. Breniesse Dela Cruz ang alam niyang kabuuang pangalan ng heredera ng Monticello. Sa loob ng dalawang linggong samahan nila ni Hera ay hindi niya ito natanong kung ano ang apelyido nito.

He became suspicious nang mapag-usapan si Don Fausto at nag-iba ang ekspresyon ng dalaga. Parang gusto pa nitong ipagtanggol ang matanda. At ang suspetsa niya ay pinagtibay lalo nang makita ang letter "M" sa saddle. Tanging Monticello lang ang alam niyang rancho na may letrang "M" sa unahang pangalan. Idagdag pa pag-iwas nito nang tanungin niya kung saan ito nakatira. Kaya rin marahil wala itong ipinapakilalang kaibigan dahil wala naman talaga.

Gusto niyang tanungin ang dalaga kung ano ba ang kabuang pangalan nito pero hindi niya magawa. Natatakot siya sa maaaring maging sagot nito.

"Oh, Hera!" He ran his hands through his face frustratedly.

"GIDEON." Natigil si Gideon sa akmang pagpasok sa mansiyon ng de Buenavista nang may tumawag sa kanya. Binalingan niya iyon. Si Mang Kardo na isang tricyle driver— ang naghatid kay Hera noong mapadpad ang dalaga sa cabina niya.

"Oh, Mang Kardo, kumusta po?" nilapitan niya ito na kasalukuyang tinutulungan ang kawaksi ng mansiyon sa paghango ng mga pinamili. 'Inantay muna nitong makaalis ang katulong bago siya hinarap.

"Iyong babaeng kasama mo noon... Iyong maganda si..."

"Si Hera ho, kaibigan ko." Gulat ang bumalatay sa mukha ni Mang Kardo sa sinabi ni Gideon.

"Kaibigan mo ba kamo?" tumango siya.

"Hindi ba delikado ang ginagawa mong pakikipagkaibigan sa nag-iisang Heredera ng Monticello." Siya naman ngayon ang nagulat sa sinabi ni Mang Kardo. Bigla ay parang binundol ang dibdib niya.

"Hindi po siya isang Monticello. Taga Maynila at nagbakasyon lang siya sa lugar natin, sa isang kaibigan." Pilit niyang pinapaniwala ang sarili niyang mali ang hinala niya. Baka naman kasi nagkakamali lang siya at gan'on din si Mang Kardo.

Umiling-iling ang matanda.

"Hindi ako maaaring magkamali. Hinatid ko siya mismo sa Mansiyon ng Monticello. Tinawag pa siya ng mga tauhan doon na Senyorita Breinesse."

Nahigit ni Gideon ang kanyang paghinga. Imposible! Hindi maaari! Walang paalam na iniwan ni Gideon ang kausap. Tinungo ang wrangler jeep. Ang inay niya ang tatanungin niya. Siguradong may alam ito. Agad niyang pinasibat ang sasakyan. Ang dapat na pakikipag-usap niya kay Gavin ay hindi na natuloy. Maaari naman iyong ipagpaliban. Mas mahalagang malaman niya ang tungkol sa pagkatao ni Hera. Pero alam niyang totoo ang hinala niya at pinagtibay pa iyon ng sinabi ni Mang Kardo.

NAPAGDESISYUNAN ni Hera na sabihin ang lahat kay Gideon. Pinag-isipan niya itong mabuti kagabi. Malakas ang pakiramdam niyang mauunawaan siya ni Gideon. He will forget his anger towards his grandfather for the sake of their friendship. At alam niyang higit pa sa pagkakaibigan ang turing ni Gideon sa kanya. Nararamdaman niya iyon sa paraan ng paghalik nito sa kanya. Kung maaari lang na siya na ang magtapat sa binata ay ginawa na niya pero may natitira pa naman siyang kahihiyan sa katawan.

Pumasok si Hera sa cabina ni Gideon. Nabungaran niya ang binata na nakaupo sa kawayang sofa. Nakayuko ito habang ang dalawang siko ay nakapatong sa mga hita habang ang mga kamay ay nakahawak sa likod ng ulo.

"Gideon," tawag niya rito.

Gideon tilted his head and looked sideway at her. Parang may iba. Hindi ito ganito. Sa tuwing makikita siya nito ay agad siya nitong lalapitan at babatiin na para ngang gusto pa siyang yakapin at halikan na ikinakikilig niya.

Muli itong nagyuko ng ulo. Mahaba-habang katahimikan ang namagitan sa pagitan nilang dalawa bago ito nagsalita.

"Bakit hindi mo sinabi ang totoo?"

Napalunok si Hera at bigla ang pagbilis ng pagtahip ng kanyang dibdib. Mukhang alam na niya kung ano ang tinutukoy nito. Alam na kaya nito ang totoo niyang pagkatao?

"Gideon, hayaan mo akong magpaliwanag." Tumayo ito at hinarap siya. Nahigit niya ang kanyang hininga sa nakikitang anyo nito. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang ekpresyong nakikita sa mukha nito. Halo-halo ang ekpresyong humahalili sa mukha ni Gideon. Pero isa ang sigurado at kaya niyang pangalanan. Galit.

"Bakit hindi mo sinabi, Hera o Breinesse?" matigas na pagkakasabi nito.

"I'm— I'm Hera. Hera Breinesse. I'm sorry kung hindi ko kaagad nasabi sa 'yo na isa akong Monticello. Natakot kasi ako. Nang marinig ko ang balita tungkol sa awayan ng dalawang pamilya at napapadpad ako rito sa bahay mo natakot ako. Natakot ako na baka saktan mo ako. Plano kung sabihin sa 'yo ngayon pero naunahan mo na ako."

"Huli na, Hera. Dapat noong una pa lang sinabi mo na! Hindi mo na pinatagal pa. Hindi na sana tayo umabot pa sa ganito."

"Gideon, we can still be friends. Wala namang kinalaman ang pagiging Monticello ko para hindi tayo maging magkaibigan eh."

"Malaki ang kinalaman n'on, Hera."

"Gideon, wala namang kasalanan sa 'yo ang lolo ko. Sa kaibigan mo siya mayroon kasalanan hindi sa 'yo. And you are not even related to de Buenavista para magalit ka sa kanya. You are just a ranch helper— oh! I'm sorry.." nanghihina siyang napaupo.

"I didn't mean to dishonor your job.. Specially you. Ang sinasabi ko lang Gideon, hindi ka de Buenavista kundi isang tauhan. Bakit ganyan ba katindi ang galit mo sa lolo ko?" muling umupo si Gideon sa pang-isahang bamboo seat sa katapat ni Hera. Tinitigan siya nito

"Isa akong de Buenavista, Hera.." napatuwid ng upo si Hera at natilihan. She was just staring at him, she was entirely devoid from her astonishment.

"Malaki ang kasalanan ng lolo mo sa 'kin, Hera. Siya ang naging dahilan kung bakit.. kung bakit ako iniwan ng nanay ko. Ang awayan nila ni Don Bernardino."

"Ano ang ibig mong sabihin?" Her astonishment and confusion increased even more. Halos hindi kumukurap si Hera habang nakatitig kay Gideon.

"Kinupkop ako ng mag-asawang Sandagon sanggol pa lang ako. Iniwan ako ng sarili kong ina pagkapanganak pa lang sa akin. Ako at ang mga magulang ko lang ang nakakaalam sa tunay kong pagkatao. Kahit ang kapatid kong si Gavin ay hindi alam ang pagiging magkapatid namin." Hindi siya makapaniwala sa mga narinig mula sa binata. At ano naman ang kinalaman ng abuelo niya.

"Ano ang kinalaman ng lolo ko?"

Umiling ito. "Hindi ko na gustong pag-usapan ang bagay na iyan. Iyan ang parte ng pagkatao ko na gusto ko na lang kalimutan, Hera." Inihilamos nito ang kamay sa mukha. Frustration, anger and sadness written all over his face. Pero mas napansin ni Hera ang matinding kalungkutan sa mukha ni Gideon.

"You are sad.. nakikita ko ang kalungkutan sa mga mata mo." Sinalubong nito ang mata niya.

"Dahil sa 'yo," sagot ng binata. Napapikit si Hera at napayuko.

"I'm sorry if I lied.." hindi niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha. Muli siyang tumingin sa binata.

"Noong una ay natakot ako na baka saktan mo ako kapag nalaman mong isa akong Monticello. Pero nang makasama kita, natakot akong sabihin sa 'yo ang totoo dahil baka layuan mo ako.. I— I like you, Gideon. I really do.. Hindi lang bilang isang kaibigan—"

"Stop it, Hera!" saway sa kanya nito at yumuko. Itinukod ang mga siko sa mga hita at mapaulit-ulit na pinapadaan ng kamay ang buhok.

"Kalimutan mo ang nararamdaman mo para sa 'kin. Walang patutunguhan 'yan. Isa kang Monticello—"

"Hindi ako Monticello," agaw niya sa sinasabi ni Gideon. Mabilis na nag-angat ng mukha ang binata. Kalituhan ang bumalatay sa guwapong mukha nito.



Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me