LoveTruyen.Me

Heredera Series 1 - HERA

Chapter ten

Whroxie

KINUHA ni Hera ang pantalon niyang nasa paanan ng kama at isinuot.

"Bossing! Totoo ba ang nabalitaan ko na isa kang de Buenavista at Monticello?" narinig niya si Barok mula sa labas ng silid. Hindi man niya ito nakikita pero napi-picture niya ang mukha nitong namamangha. Sinuklay niya ang mahabang buhok gamit ang kanyang mga daliri saka tinungo ang pinto para lumabas.

"Grabe, Bossing. Bakit wala kang—" nabitin sa lalamunan ang anumapamang sasabihin ni Barok nang makita si Hera. Parang nakakita ng multo ang itsura ni Barok habang nakatingin kay Hera.

"Ano'ng ginawa niyo? 'Di ba magkapatid—"

"Wala kaming ginawa, Barok! 'Wag ngang marumi ang utak mo. Nagpalipas lang ng gabi si Hera." Marahang angil ni Gideon sa kaibigan.

"Siya nga pala may kasama—"

"Gideon!" Hindi pa man tapos ang sasabihin ni Barok ay may babae nang pumasok. Halos patakbo itong lumapit sa kinatatayuan ni Gideon at yumakap sa lalaki.

"God, Gideon! I missed you so much!" Hindi agad nakakilos si Gideon na mukhang nagulat sa pagdating ng babae. Napapaisip naman si Hera kung sino ang babae. Maganda ito at halos kasingtaas ni Gideon.

Kumalas ang babae mula sa pagkakayakap kay Gideon.

"Tamara.. A-anong ginagawa mo rito?"

Nahigit ni Hera ang hininga niya. Parang hinugot ang puso niya mula sa ribcage niya sa narinig. Kung gayon ay ito ang ex-girlfriend ni Gideon.

"Kakarating ko lang kahapon, pumunta ako sa rancho para makita ka. Eh sabi ni Barok nandito ka raw, sakto papunta siya rito kaya sumama na ako sa kanya." Buong suyo nitong hinawakan ang mukha ni Gideon at kitang-kita sa mukha nito ang pananabik.

"Sobra kitang na-miss. It's been two years.. Ngayon lang ulit ako nakauwi."

Bigla ay nakaramdam ng pagkailang si Hera at sakit sa puso. Literal na nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib dahil sa pagtitig ni Gideon sa babae at parang nakalimutan na naroroon siya. Napaatras si Hera at hindi sinasadyang maatrasan ang bilog na silya at natumba iyo sa simento na lumikha ng ingay. Lahat ay napatingin sa kanya. Ang babae ay bakas ang gulat nang makita siya. Ngayon lang siya nito napansin.

"Ahm.. Mauna na ako," agad siyang napayuko at kinuha ang horse-riding boots na nasa gilid ng bamboo seat. Umupo siya at nagmamadaling isinuot ang boots. Gusto niya agad makalabas at baka hindi na niya mapigil ang luhang kanina pa gustong kumawala mula sa mata niya.

"Ihahatid na kita, Hera," Gideon offered.

"H-hindi na. I can manage myself." Pilit niyang tinatagan ang boses.

Tumayo ito at hinarap si Gideon.

"Makikiusap uli ako sa 'yo, Gideon. Puntahan mo si lolo. Kahit para sa 'kin na lang. Kahit alang-alang na lang sa pinagsamahan natin. Kahit naman papaano may nabuong pagkakaibigan sa pagitan natin 'di ba?"

Mabilis na tumalikod si Hera. Kasabay ng pagtalikod niya ay pumatak na ng tuluyan ang luha niyang kanina pa pinipigil. Mabilis siyang lumabas ng bahay. Huminga nang malalim at pilit na kinakalma ang sarili.

"Sino 'yon?" narinig niyang tanong ng babae.

"Si Hera, kapatid ni bossing sa ina."

"Oh, I see, she's pretty, huh." Hindi agad si Hera umalis. Nanatili siya sa labas ng pinto. Inaantay ang sasabihin ni Gideon. Umaasa ang puso niyang itatama ang maling akala ni Barok; na hindi sila magkapatid at may pagtingin ito sa kanya.

"Ano nga palang ginagawa mo rito? Bakit bigla kang umuwi." Bagsak ang balikat ni Hera sa narinig. Bakit ba siya umaasa ng gan'on? Tingin ba niya sasabihin iyon ni Gideon sa first love nito.

"Nakakagulat ang rebelasyon sa pagkatao mo. Galing ka pala sa dalawang pinakamayayamang angkan sa buong Don Bernardino."

"Nasa kolehiyo pa lang tayo alam ko na ang tungkol doon," sabi ni Gideon.

"College day. Iyon ang isa sa mga hinding-hindi ko makakalimnutan. Kung pupuwede lang ibalik ang panahon na iyon. Kung pupuwede lang ibalik ang dating pagmamahalan natin noon ay ginawa ko na. Nagsisisi ako na ipinagpalit kita sa ambisyon ko, Gideon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para sa 'yo. At alam kung gan'on ka rin sa 'kin, mahal mo pa rin ako kaya sa tuwing magbabakasyon ako rito ay nakikipagkita ka pa rin sa 'kin at hanggang ngayon ay wala ka pa ring girlfriend." Mahabang sabi ni Tamara na para bang nagre-reminisce sa mga nangyari sa nakaraan at sinundan pa nito ng mahinang tawa.

Agad na umalis si Hera. Ayaw niya ng marinig pa ang magiging sagot ni Gideon. Baka hindi niya kayanin ang sakit. Luhaang tinawid ni Hera ang talon at tinungo ang kabayong magdamag niyang iniwan sa punong pinagtalian niya.

HINDI akalain ni Gideon na makakaramdam siya ng matinding kaba sa nakatakda nilang paghaharap ni Don Fausto. Nagpasya siyang puntahan ito para pagbigyan si Hera. Yes. He did this just for Hera. Pero hindi niya napaghandaan na mararamdaman niya ang ganitong kaba nang nasa tapat na siya ng pinto ng silid ng don. May mga pagkakataon na nakikita na niya si Don Fausto. Nakakasalubong sa daan habang nasa sasakyan ito. Pero galit ang nararamdaman niya para sa matanda.

Binuksan ni Celestina ang pinto at seninyasan siyang pumasok. Reluctantly, he went into the room. Nakita niya si Don Fausto na nakaratay sa kama. Hinang-hina ito habang nakakabit ang oxygen mask. Lumapit si Celestina sa ama at niyuko ito.

"Nandito siya, Papa. Nandito si Gideon, ang apo mo." Umungol ang matanda. Nilingon ni Celestina si Gideon. Inilahad ang kamay sa kanya. Humakbang siya palapit dito.

"Maiwan ko muna kayo." Pinisil ni Celestina ang braso niya bago ito lumabas ng silid. Naiwan si Gideon na nakatunghay lang sa matanda. The old man was too weak. Hindi makikita ang isang imahe ng isang masamang tao. Isang mahina at walang kapasidad na manakit ang nasa harapan niya ngayon. Does this man deserve to suffer?

Umungol ang matanda at pilit na inabot ang oxygen mask para tanggalin. Pero masyado na itong mahina para magawa ang nais. Marahan niyang itinaas ang kamay at siya ang nagtanggal ng oxygen mask. Tumaas ang kamay nito at pilit siyang inaabot, panay ang ungol nito. Kumilos si Gideon, itinukod niya ang dalawang kamay sa kama at yumuko sa matanda. Inilapit ang gilid ng mukha rito para marinig ang nais nitong sabihin.

"Patawad... apo," wika nito sa ng hihinang tinig. Gideon swallowed the lump in his throat. Parang naipon sa lalamunan niya ang lahat ng hangin na hindi man lang niya namamalayang pinipigil pala niya.

"Mapapatawad mo ba ako?" sumungaw ang mainit na luha sa sulok ng mga mata niya pero pinilit niyang huwag iyon bumagsak. Ang tila bakal na kandato ng puso niya ay nasira at kumawala roon ang kagustuhang ibigay sa abuelo ang kapatawaran.

"You are a Monticello. Angkinin mo ang lahat na pag-aari ko, Gideon." Isa iyong basbas mula sa naghihingalung matanda. Buong buhay niya ay hindi man lang sumagi kahit sa kanyang hinagap na mangyayari ang ganito. Don Fausto acknowledged him as his grandson, as an heir. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa mga oras na ito.

"Alagaan mo ang mommy mo.." the old man continued in his weak voice.

"At si Breinesse.." sa huling sinabi nito ay napatitig siya sa mukha nito na kanina pa niya iniiwasang tingnan. A weak smile broke his dry lips, and the happiness was visible in his eyes.

"'Wag mo siyang papabayaan. Mahal ka niya.." nahigit ni Gideon ang hininga sa sinabi ng don. Hinawakan siya nito sa braso at marahang pinisil iyon.

"Forgive me, apo, forgive me." Humugot ito ng isang napakalalim na hininga.

Marahang kinuha ni Gideon ang kamay nito at inilapat niya sa kanyang noo ang ibabaw ng palad nito. "Pinapatawad na kita... lolo." Nangislap ang mata ng matanda sa sobrang kaligayahan.

Bigla ang paggaan ng kalooban ni Gideon nang sabihin niya iyon. He had been holding onto resentment, anger and pain for a long time. Ang galit sa puso niya kailanman ay hindi nawala. Pero ngayon, bigla na lang parang bulang nawala ang lahat ng galit at hinampo sa tunay na pamilya.

"Salamat. Mapapayapa na rin ako sa wakas.." Nanghihina nitong ipinikit ang mata. May munting ngiti sa labi. Muli niyang ikinabit ang oxygen mask. A small smile broke his lips.

Rest, old man! Batid niyang pagod na ito. Masyado ng matanda ang don. Huminga siya ng malalim bago tumalikod at nilisan ang silid.

Paglabas niya ay nakita niyang nasa labas si Dianna. Nakaupo ito sa couch na malapit sa may hagdan. Tumayo ito at nakangiting lumapit sa kanya. Pinalo siya nito sa braso.

"Ikaw, ah. Anak ka pala ni Ma'am Celestina at ni Ernesto de Buenavista. Grabe! Napakasuwerte mo, Gideon!" Kaklase niya si Dianna mula elementarya hanggang sa sekondarya.

"Paano ako naging masuwerte, eh buong buhay ko naman silang hindi nakasama."

"Whatever! Masuwerte ka pa rin, instant millionaire ka."

"Gideon." Sabay na napalingon ang dalawa sa pinanggalingan ng boses. Si Hera iyon at mukhang kakalabas lang ng silid. Bakas ang gulat sa mukha nito.

Nang lumapit ito ay nagpaalam naman si Dianna at pumasok sa silid ng don.

"You came. Nag-usap na ba kayo ni lolo?"

"Oo, nagkausap na kami." Malapad na ngumiti si Hera.

"Thank you, Gideon."

Umiling siya. "Hindi, Hera, salamat sa 'yo. Kung hindi dahil sa pamimilit mo sa 'kin hindi ako pupunta rito. Parang nawala ang bigat na nararamdaman ko. He acknowledged me, Hera."

"Of course, nag-iisa ka niyang apo. Siguro kinain lang si lolo ng matinding galit niya sa de Buenavista kaya nadamay ka."

Silence fell between them. Nakatitig lang siya kay Hera habang ang dalaga ay parang naiilang na iniiwas ang tingin sa kanya. Marahan niyang hinawakan ang baba ng dalaga at inangat ang mukha nito.

"Kumusta ka?" buong suyo niyang hinaplos ang baba nito gamit ang thumb.

"Na-miss kita." Nagkikita pa lang sila nito kahapon pero totoong miss na miss niya ito.

"Gideon, I—" naputol ng isang malakas na tili ni Dianna ang sasabihin ni Hera. Sabay nilang naipiling ang paningin sa silid ni Don Fausto.

"Si lolo." Mabilis na tinungo ni Hera ang silid at agad naman siyang sumunod. Nabungaran nila si Dianna na shock habang nakatingin kay Don Fausto na tila wala ng buhay.

"Wala na siya," usal ni Dianna. Napasandal siya sa dingding at totoong nakaramdam ng kalungkutan. Si Hera ay tahimik na nakamasid sa matandang wala ng buhay. Para itong itinulos sa kinatatayuan at tahimik na lumuluha.

DALAWANG araw na ang nakakaraan mula nang ilibing ang labi ni Don Fausto. Limang araw itong ibinurol at inilibing ang mga labi sa tabi ng asawa nito. Hindi na rin sila nagkausap nang masinsinan ni Gideon. Simpleng "hi" and "hello" lang ang nagagawa nila sa tuwing magkikita sa burol ni Don Fausto. Lagi nitong kasama si Tamara at pinagkakasya na lang ni Hera ang sarili na pagmasdan ang binata. Bago ang huling gabing lamay ng kanyang lolo ay nakita pa niyang magkayakap ang dalawa. Nasasaktan siya nang husto sa tuwing nakikita ang dalawa pero wala naman siyang karapatan. Si Tamara ang mahal ni Gideon mula noon hanggang ngayon.

Siguro ay magsasama na ang dalawa. Bigla na lang nawala si Gideon at ayon sa mommy niya ay nagtungo ang binata sa Manila para puntahan daw si Tamara. Nagpunta raw kahapon ng umaga si Gideon sa mansiyon at nagpaalam sa kanyang mommy. Hinahanap daw siya ng binata pero tulog pa raw siya kaya hindi na lang siya inistorbo nito. Bakit pa ba siya kailangan nitong puntahan? Magpapaalam sa kanya? Hihingi ng tawad dahil hindi nito kayang suklian ang pagmamahal niya para rito?

Naputol ang daloy ng isip ni Hera sa mahinang warning knock sa pinto at bumukas iyon. Sumilip roon ang kanyang mommy.

"Ready, honey?" pumasok ito at muling isinara ang pinto.

"Yes, mom. I am done packing my stuff." Sinulyapan niya ang Loui Vuitton suitcase na nasa ibabaw ng kama. Hindi pa niya ito naisasara pero naayos na niyang lahat at ready na siyang bumayahe pabalik ng Manila.

She decided to go back to Manila at tanggapin na ang alok ng isa sa TV network. She has to move on from the heartbreak. Kailangan niyang kalimutan si Gideon. Kaya ba niya? Kakayanin ko.

"Problem?" untag ng kanyang mommy at tumabi sa kanya sa kama.

"Nothing, mom," pagkakaila niya. But knowing her mother, siguradong hindi ito kumbinsidong ayos lang siya. Kilala siya nito. Pero wala siyang balak magkuwento. Hindi na niya gustong ma-bother ang kanyang mommy sa pinagdadaanan niya.

"Ayaw mo na ba talagang hintayin ang pagtitipon? Sa susunod na linggo na iyon."

Walang ganang umiling si Hera. "Hindi na, mom, gusto ko na pong bumalik ng Manila. Namimiss ko na ang ingay ng syudad." Pilit niyang pinasigla ang boses niya.

Gaganapin ang pagpapakilala kay Gideon bilang isang de Buenavista at nag-iisang heredero ng Monticello. Siguro aalukin na rin ni Gideon ng kasal si Tamara sa araw na iyon dahil pinuntahan pa nito ng Manila, baka susunduin. Hindi niya gustong masaksihan pa iyon. Hindi na niya sasaktan pa ang sarili niya. Tumingala si Hera at ipinikit ang mata saka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.  

Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me