LoveTruyen.Me

Heredera Series 1 - HERA

Chapter three

Whroxie

"IKAW?" Her voice was barely a whisper. Si Gideon ang lalaki. Nakatingin ito sa kanya pero hindi sa mukha niya. Bumababa ang tingin niya para kumpirhamahin kung ano ba ang tinitingnan nito dahil para itong natuklaw ng ahas. Napaawang ang kanyang labi nang mapagtantong naka-bikini lang pala siya at nagpipista ang mata ng lalaki sa lantad niyang katawan.

She immediately pulled her arm from his grip.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" untag niya sa lalaki. Kunot-noo itong tumingin sa mukha niya.

"'Di ba dapat ako ang nagtatanong kung ano ang ginagawa mo sa bahay ko?" balik na tanong nito sa kanya. So, ito ang nagmamay-ari ng bahay na iyan.

"Um.. naligo kasi ako sa talon. I lost my horse and my pants." Tumaas ang makapal na kilay nito na para bang may mali siyang sinabi at kapagkuwa'y ngumisi. Nakakalokong ngisi.

"Inalam mo ba kung saan ako nakatira? At ngayon ay balak mong magpakita sa 'kin na halos hubad na. Bakit hindi mo na lang inalis ang lahat ng saplot mo?" punong-puno ng pang-iinsulto nitong turan. Ang takot na nararamdaman niya kanina ay tuluyang naglaho at napalitan ng galit dahil sa pang-iinsulto nito sa kanya.

"Mawalang galang na sa 'yo, mister. Ang taas naman yata ng tingin mo sa sarili mo. Wala akong magagawa kung hindi ka naniniwala sa sinasabi ko, pero hindi ikaw ang tipo ng lalaki na aakitin at pag-aalayan ko ng sarili ko. Ang kapal ng mukha mo!" Muli lang itong ngumisi.

"Talaga lang ah!" Gideon pulled her closer to him. She gasped when he suddenly crashed his lips against hers. Mariin siya nitong hinalikan. Hindi siya makagalaw sa sobrang gulat. Hindi niya inaasahan na gagawin nito ang ganitong kapangahasan. Her grasp tightened against his bare chest as she felt his tongue invaded her mouth. As the realization hit her, she pushed him away with all the strength she had.

"What do you think you're doing?" asik niya rito. Bakas ang gulat sa mukha ng lalaki. Marahil ay hindi nito inaasahan na itutulak niya ito. Inaasahan ba nitong matutuwa siya at tutugunin niya ang halik nito?

"Bastos ka!" Gusto niyang maiyak.

Hindi ba nito alam na pinakaiingatan niya ang kanyang labi na hindi madampian ng kahit lamok man lang. Kinuha nito ng walang kahirap-hirap ang kanyang unang halik. Nagpupuyos ang kalooban niya. Tinalikuran niya ito at nagmadaling umalis. Subalit sa kanyang pagmamadali ay hindi niya napansin ang nakausling malaking ugat ng isang malaking puno. Naapakan niya iyon at natapilok. Nawalan siya ng balanse at bumagsak sa damuhan. Impit na napaiyak sa matinding sakit si Hera. Pakiramdam niya nabalian siya ng buto sa paa. Napaluha siya sa matinding sakit at galit na nararamdaman para sa lalaki.

"Miss." Hindi niya namalayan ang paglapit ng lalaki sa kanya. Dinulugan siya nito pero tinabig niya ang kamay nito.

"Don't touch me! Stay ayaw from me!" Sigaw niya rito. Sinubukan niyang tumayo pero matinding sakit lang ang nararamdaman niya sa tuwing gagalaw siya. Bigla siyang binuhat ng lalaki. Napakapit na lang siya balikat nito. Napatingin siya sa mukha nito habang naglalakad papunta sa cabina.

Ibinaba siya ng lalaki sa sofa na gawa sa kawayan nang makapasok sila sa bahay nito. Pumasok ang lalaki sa silid. Her eyes wandered through the house. Payak ang bahay pero masinop ang pagkakaayos ng mga gamit. May isang set ng sofa na gawa sa kawayan na pinahiran ng barnis. May dalawang berdeng throw pillow sa magkabilang dulo ng mahabang kawayang sofa kung saan siya nakaupo at tag-isa sa dalawang pang-isahang sofa. May maliit na hapagkainan na yari rin sa kahoy. May dilaw na pitsel sa gitna niyon. Gawa naman sa plywood ang dingding ng silid at pula ang sementadong sahig. Natigil ang pagsuri niya sa bahay nang lumabas si Gideon mula sa silid. Ngayon ay nakasuot na ito ng itim na sando at may dala na kung ano.

Lumuhod ito sa tapat niya, maingat na kinuha ang injured foot niya at ipinatong sa hita nito. Binuksan nito ang isang maliit na bote na may kulay berdeng likido. Naglagay ito sa palad at pinahiran ang bukung-bukong niya saka marahang hinilot.

"Pakisara nga ng damit mo." Bigla itong nagsalita habang hinihilot ang paa niya. Agad naman siyang tumalima. Bakit ba kasi hindi niya nagawang isarado ang kanyang damit?

"Ouch!" Napaigik siya nang galawin nito ang paa niya. Mahigpit siyang napakapit sa gilid ng upuan.

"Tiisin mo," anito na nanatiling nakayuko. Pagkatapos nitong hilutin ay binalutan nito ng bandage ang buong paa niya. Pero natigilan ito sa ginagawa at nag-angat ng mukha nang biglang tumunog ang kanyang tiyan. Nakagat niya ang pang-ibabang labi sa sobrang pagkapahiya. Bakit ba naman ngayon pa kumalam ang sikmura niya?

"Gutom ka?" tanong nito at binalik ang tuon sa ginagawa.

"No." Marahan nitong ibinababa ang kanyang paa saka tumayo.

KANINA pa parang sinisilaban si Gideon. Agad siyang kumuha ng baso at nilagyan ng tubig mula sa pitsel saka inisang lagok iyon. Muli siyang naglagay at ininom ulit. Parang gusto niyang ibuhos lahat ng tubig sa kanyang katawan para mabawasan ang init na nararamdaman. Lalaki lang siya at natural na makaramdam ng arousal kung may mala diyosang babaeng halos hubad sa harapan niya. Totoong nagulat siya nang makita ang babae kanina. Hindi niya iyon inaasahan. Noong una pa lang na makita niya ang babae ay ang lakas na ng hatak nito sa kanya at may mga oras na bigla na lang itong pumapasok sa utak niya na walang babala nitong mga nagdaang araw. Pero nang malaman niyang taga-Maynila ay agad niyang naisip ang salitang "Liberated" at mukhang totoo nga ang hinuha niya.

"Sabayan mo akong kumain," aniya at nagsimulang maghain.

"Hindi na. I'm not hungry. Salamat—"

"Taliwas sa sinabi mo ang sinisigaw ng sikmura mo," sanla niya rito at pinagpatuloy ang paghahain.

Nang matapos ay nilapitan niya ang dalaga. Walang pasubaling binuhat niya ito. Aware siyang nakatingin ito sa mukha niya. "Shock" ang ekspresiyon na makikita sa mukha nito. Nakikita niya iyon sa pamamagitan ng kanyang peripheral. Hindi niya ito magawang sulyapan at baka kung ano na naman ang magawa niya. Pinaupo niya ito sa bilog na silya sa hapagkainan at umupo siya sa katapat nito. Nilagyan niya ito ng pagkain sa plato at pagkatapos ang sa kanya.

"Kain na. Ihahatid na lang kita. Ano nga palang pangalan mo?"

"Bre— Hera," tugon nito. Nagsimula silang kumain.

"Ikaw ang nagluto? Masarap." Umangat siya ng mukha para tingnan ang dalaga na kasalukayang sumusubo ng piraso ng ulam.

"Adobong may gata. Masarap talaga ang palaka kapag inadobo," aniya. Natigil ito sa pagnguya. Gusto niyang matawa sa itsura nito na animo'y masusuka na.

"Biro lang. Native chicken kaya masarap."

She sighed with relief, she then smiled and said, "marunong ka pa lang magbiro. Akala ko pagsusungit lang ang alam mo eh."

"Pasensiya ka na sa nagawa ko kanina. Akala ko kasi..."

"Akala mo aakitin kita at pipikutin? Guwapong-guwapo ka naman 'ata sa sarili mo."

"Bakit hindi ba?" pinatirik nito ang mata na ikinangisi niya. Muli nilang ipinagpatuloy pagkain.

Hindi niya mapigilan ang sariling sulyapan ito. Hindi niya naman ito gustong bastusin kanina pero iyon ang kinalabasan dahil sa paghalik niya rito. Hinalikan niya ito dahil alam niya na iyon ang nais nito. Ang akala niya talaga ay sinusundan siya nito dahil sa unang pagkikita pa lang nila ay hinahabol-habol na siya ng dalaga. Hindi na kasi iba sa kanya ang ganoon. Madalas iyon ang mangyari lalo na kapag taga siyudad ang napapadpad sa kanilang lugar. Agresibo at walang pag-aatubiling nagtatapat sa kanya nang nararamdaman gayon kakakilala pa lang nila. Lalo na noong nasa kolehiyo siya. Madalas iyon mangyari. Bigla niyang naalala si Tamara. Ganoon na ganoon kasi sila nagkakilala ng huling naging karelasyon niya ilang taon na rin ang nakakaraan. Una't huli actually. College pa siya noon nang magkaroon siya ng girlfriend.

Pero nagkamali siya sa babaeng kaharap. Mukhang naligaw nga lang talaga sa lugar niya. Nakita niya ang galit sa mukha nito kanina nang halikan niya ito. Marahil ay talagang nais lang nitong mabayaran siya sa kinain nitong empanada kaya hinahabol siya noon. Ito ang tipo ng taong ayaw marahil na nagkakautang maliit man o malaki. Pero ang hindi niya inaasahan ay pag-usbong ng matindi at kakaibang pakiramdam nang lumapat ang labi niya rito na kahit kailan ay hindi pa niya naramdaman sa tuwing may makakahalikan siyang babae. Kahit kay Tamara ay hindi niya iyon naramdaman nang gan'ong kabilis. Inabot rin ng ilang buwan bago nahulog ang loob niya sa dating kasintahan. Parang ayaw na niyang pakawalan ang labi nito kanina at parang mas gusto niyang palalimin ang halik na iyon. Basta, hindi niya matukoy ang tamang deskripsiyon sa naramdaman niya kanina.

"Don't you know it is rude to stare?" napakurap siya nang magsalita ito at nag-angat ito ng mukha. Huli siya nitong nakatingin.

"Bossing!" Sabay silang napalingon sa pinto nang biglang may pumasok doon. Si Barok, ang kaibigan niya mula pagkabata at kasamahan niya rito sa Rancho de Buenavista.

"Ow!" Nanglalaki ang mata ni Barok habang nakatingin kay Hera. Ang paraan nang pagtitig nito sa dalaga ay parang hinuhubaran. Bumababa ang tingin ni Barok at mas lalong nanglaki ang mata. Noon niya napagtanto kung ano lang pala ang suot ng dalaga. Agad siyang tumayo at nilapitan si Barok. Tinulak niya ito palabas.

"Kailan ka pa nagdala ng chick dito, bossing?" Tanong nito na nagkakandahaba-haba ang leeg para tingnan si Hera mula sa likuran niya.

"Umalis ka na muna. Mamaya na tayo mag-usap." Taboy niya rito.

"Ipakilala mo naman ako."

"Saka na. Sige na layas na bago ko pa dukutin ang mata mo!" Napapakamot itong umalis.

"Pinapatawag ka pala ni Sir Gavin. Ang init na naman ng ulo ng amo natin. Mga de Buenavista talaga oh! May ipapatigbak yata sa atin."

"Oo na sige na. Baka ikaw unahin ko diyan." Binalingan niya si Hera na nakatingin sa kanya. Hindi niya maipaliwanag ang reaksiyon nito. Parang nagugulat na ewan. Baka dahil sa biglang pagdating ni Barok. Bumababa ang tingin niya at dumapo iyon sa makinis na hita ni Hera. Napalunok siya nang makita ang lantad nitong hita. Nakikita rin ang itim nitong panty dahil lumihis pataas ang damit nito. Pinaglandas niya ang kamay sa buhok.

"Si Barok 'yon, kaibigan ko." Tumango ito pero hindi pa rin nabago ang ekspresyon ng mukha. Pumasok siya sa kanyang silid.

KINILABUTAN si Hera nang marinig ang salitang "tigbak". Alam niya ang ibig sabihin n'on. It means kill. Are they going to kill someone? Tauhan kaya ng Rancho Monticello? Hindi nito dapat malaman na isa siyang Monticello dahil baka hindi na siya makauwi ng buhay. Kaya "Hera" ang sinabi niyang pangalan sa halip na "Breinesse" nang maalala niya ang sinabi ni Aling Magda. Kilala siya sa pangalang "Breinesse" at tanging mga kaibigan lang niya ang tumatawag sa kanya ng "Hera." Mabuti na lang din pala at "Hera" ang pakilala niya kina Aling Ising. Hindi siya sigurado pero baka kilala siya ng mga ito sa pangalan dahil siya ang nag-iisang apo ni Don Fausto. Mabuti na ang nakakasigurado.

"Hera." Napapitlag si Hera nang biglang magsalita si Gideon. Nakalabas na pala ito mula sa silid.

"Isuot mo muna 'to." Isang mahabang palda ang hawak nito. Baka pag-aari ng girlfriend. Naisip niya.

"Sa nanay ko 'to." Sabi nito na parang nababasa ang nasa isip niya. Lihim siyang napangiti sa sinabi nito. Bakit parang natutuwa siyang hindi iyon pag-aari ng kasintahan nito? Nagulat siya nang isuot nito ang palda sa kanyang ulo at hilain pababa sa kanyang baywang.

"Sa susunod huwag kang maliligo sa talon nang mag-isa. Paano kung may masamang loob ang makakita sa 'yo at gawan ka ng masama. Paano nga pala nawala ang pantalon mo?" Anito nang maayos nito ang pagkakasuot sa palda.

"Naanod 'ata." Tangi niyang nasabi. Ang takot niya kanina ay biglang naglaho. Pakiramdam niya ay mabuting tao naman ito. Nang matapos sila sa pagkain ay nagpasya si Gideon na ihatid siya. Pero sinabi niyang sa sakayan na lang ng tricycle siya nito ihatid. Sakay sila ng isang asul na wrangler jeep.

"It's rude to stare, ikaw mismo may sabi." Anito habang nakatuon ang mata sa unahan ng sasakyan. Nag-init ang mukha niya at ibinaling ang tuon sa unahan. Bakit ba kasi siya titig nang titig? Mabilis itong magmaneho at para bang anumang oras ay maari silang bumangga sa naglalakihang puno na paharang-harang si dinaraan nila.

"Saan ka nga pala naktira, Hera?" tanong nito kapagkuwan.

"Sinama lang ako ng kaibigan kong tagarito," she lied. Of course she couldn't tell him that she's a Monticello. Paano kung tigbakin siya nito?

"Tauhan ka ba ng de Buenavista?" pagliliko niya sa usapan para hindi na itanong pa ang eksaktong tinutuluyan niya.

"Oo. Ako ang nag-ma-manage sa mga tauhan ng Rancho de Buenavista. Kanang kamay ng may-ari kung tawagin." Tumango-tango siya. Hindi nagtagal ay nakalabas sila ng kagubatan. Nasa isang daan na sila at mula sa lugar nila ay natatanaw niya ang isang arko. Hinuha niya ay ang arko ito ng Rancho de Buenavista sa kung saan pumasok si Gideon noon.

Nang makalabas sila ng mapunong daan. Nilingon niya ang daan papasok sa Rancho ng kanyang lolo.

"Rancho Monticello." Binalingan niya si Gedion nang magasalita ito. Hindi siya umimik hanggang sa marating nila ang paradahan ng tricycle. Nang umibis si Gideon ay umikot ito sa passenger side at pinagbuksan siya.

"Bubuhatin na kita." Nagpatianod na lang siya. Kumapit siya sa balikat nito nang pangkuin siya ni Gideon. Dinala siya nito sa tricyle na nasa unahang pila. Dahan-dahan siyang pinaupo sa loob.

"Sigurado ka ba kasing ayaw mong magpahatid?" parang walang narinig si Hera sa sinabi ni Gideon. She was just staring at his face habang nakauklo ito. Ang lapit ng mukha nila sa isa't isa. Pinaling ni Gideon ang mukha paharap sa kanya. Ngayon ay magkaharap na ang kanilang mukha at parehas na nakatingin sa isa't isa. Parehas na parang nawala sa sarili. Both are speechless.

"Saan siya?" Parang natauhan ang dalawa nang magsalita ang driver ng tricycle. Mabilis na tumuwid ng tayo si Gideon pero napalatak ito ng mura nang mauntog sa bubong ng tricyle. Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya. Napapangiti ito habang hinahaplos ang ulong nasaktan.

"Ang tanga ng tricycle," anito at arahan siyang natawa.

LUTANG si Hera habang nakahiga at nakatingin sa kisame ng kanyang silid. She found herself smiling time to time for no reason. Meron pala. Kapag naaalala niya si Gideon. Hindi mawala sa isip niya ang lalaki. Ang paghalik nito sa kanya na bagaman ikinagalit niya ay ngayon naman ay parang ipinagpapasalamat niya bigla. Marahan niyang hinaplos ang kanyang labi ng kanyang mga daliri. Ngayon niya nararamdaman ang tamis ng halik ng lalaki. Late reaction. Pakiramdamam niya ay nakalapat pa rin ang labi nito sa labi niya.

Magkikita pa kaya uli sila? Ang dyahe naman kung pupunta uli siya sa talon. Baka talagang sabihin na ng lalaki ay sinusundan nga niya ito. Pero puwede rin naman dahil naiwan niya ang boots niya sa cabina nito. Nabulabog ang pag-de-daydream niya nang tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa bedside table. Kinuha niya iyon at tiningnan ang caller. Ang kaibigan niyang si Alexandra Ysabelle Smith.

"Hello, Alex, napatawag ka?"

"God, Hera. The Heredera Pub was forced to close by Mr. Sao."

Napabalikwas siya. "What!? Why?"

"Dahil kay Mitzi. Hindi pa rin makapasa-pasa ang gaga. Nagalit ang daddy niya at ngayon ang gusto ni tito ay tumira si Mitzi sa lugar kung saan lumaki si tito without anything. No gadgets, no money and without even her signature stuff. Kailangan raw maranasan ni Mitzi kung paano pinaghihirapan ang pera. Eh ayaw pumayag ng gaga, kaya pinagdiskitihan ni tito ang bar natin." Napabuntong hininga siya at muling ibinagsak ang katawan sa kama.

"Nothing has changed with Mitzi." Sabi niya. Medyo mahina pagdating sa klase ang kaibigan niyang iyon. Hanggang ngayon ay nasa ikatlong taon parin sa kolehiyo sa kursong HRM. Pabago-bago ng course. Hindi raw niya linya kaya magpapalit at kapag hindi na naman nagustuhan ay magpapalit ulit at iyon din ang idadahilan.

"Papayag din 'yon sa gusto ni tito. Mahal niya ang bar at hindi siya papayag na magsara 'yon."

"Any way, kumusta ka diyan? Have you already found your forever?" tanong ng kaibigan sa kabilang linya. Bigla na lang siyang napangiti nang gumitaw ang imahe ni Gideon sa balintataw niya.

"Hey! Still there?" Alex interrupted her thought.

"Huh? Yeah, still here."

"So how is your stay there?"

"Fine. I am enjoying here. Very much." Saglit pa silang nagkuwentuhan ni Alex saka sila nagpaalamanan. Ibinalik niya ang cellphone sa bed sidetable saka may ngiti sa labing ipinikit ang mata. Masaya siya sa mga nangyari ngayong araw. Nasaktan man ang paa niya, iyon naman ang naging dahilan para mas makasama niya si Gideon at mas makilala ang ugali ng binata.

Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me