LoveTruyen.Me

Jonah Complex Gl Hss 3 Completed

"Ah, na-miss ko ang SM!" Kulang na lang magpanggap akong hindi ko kilala si Valeen nang exaggerated langhapin niya ang lamig ng hangin nang makapasok kami sa loob ng mall. Ang daming tumingin tuloy sa kanya. "Leggo!"

"Umayos ka nga," Natatawang sabi ko. Wala naman siyang pakialam at umikot pa ng isang beses bago lumapit sa akin. Inangkla niya ang braso sa akin. "Ang ligalig mo."

"Ella, my friend, kailan ba huling gala natin sa mall? Tagal na, 'di ba?"

"Parang last month lang." Bulong ko na alam ko namang narinig niya dahil natawa siya.

Hinila niya ako, automatic na 'to kung saan kami pupunta—sa National Bookstore. As usual ay naka-plain shirt lang siya at short, para siyang nasa bahay lang makapaggala rito, palibhasa walking distance lang yung mula sa bahay nila hanggang dito.  Sasabihin pa niya sa akin na second home na niya ang SM. Parang sira.

"Magkano pera mo?" tanong niya. "Kapag na-short ako, alam mo na, ah."

"Hindi ako mayaman."

"Eh, only child ka, mas spoiled ka sa mga momshie mo." Napapangiwi talaga ako kapag ganoon ang tawag niya sa magulang ko. Parang tropa lang, eh. "Ako, Ella, marami akong kapatid. Sampu!"

"Only child, oo, pero hindi naman ako laging binibigyan." Napakamot ako sa ulo. Nakarating na lang kami sa National Book Store na ganoon ang usapan. "Tsaka tatlo lang mga kapatid mo, makasampu ka."

"Counted kasi yung mga anak ni Papa sa iba." Tatawa-tawang sagot niya.

Sa lahat yata ng kilala ko, siya itong napaka-positive kahit na ganoon ang family situation nila. Kilala niya lahat ng mga kapatid niya sa mga naging babae ng papa niya. Unlike sa mga kapatid niya sa mama niya, siya lang itong naging accepting sa ibang mga kapatid niya pa. 

"Ano bang bibilhin mo?" tanong ko na lang.

"Ikaw ba may bibilhin?"

"Kung may makita akong gusto ko."

"Same. Basta, ah. Pahiram kapag na-short ako. Kakain pa tayo tsaka maglalaro, eh."

Natatawang tumango na lang ako. Nag-ikot na kami sa mga shelves.  Umupo siya sa may gilid, nang tingnan ko si Valeen ay sa mga anime magazines naman siya nakatingin. Then kinuha niya yung isang Pinoy comics na BLACKink. Dalawang babae yung nasa cover no'n.

"Ella! Yuri, yuri!" Ang lamig pero namumula siya dahil sa excitement. "Ella, girlxgirl!"

"Oo, oo." Natawa ako. Ni wala siyang pakialam kahit napapatingin yung ibang tao rito sa amin. Ito naman ang gusto ko kay Valeen, kahit hindi ko alam kung phase niya lang itong sexual orientation niya o hindi, she's not ashamed to show it. Hindi naman sa pinagkakalat niyang bisexual siya, pero nandoon yung kimikilos siya na hindi niya kailangang magtago.

"Korni, puro BL." Nakangusong tinuro niya sa akin yung isang comics pa. Dalawang lalaki ang cover no'n. Saka ko lang napansin na puro BL nga yung naka-published sa BLACKink. "Ano, so isang gxg lang mabibili ko? Daya!"

"Akala ko ba libro bibilhin mo?"

"Counted naman as babasahin ang comics, eh. Okay na 'yon. Pero ang daya talaga."

"Eh, maraming may gusto ng BL, eh. Siyempre kahit straight girls mahilig diyan."

"Daya talaga. Cute naman babae sa babae, ah." Hindi maalis yung pag-pout niya, halatang masama ang loob. Totoo naman kasi na kung may LGBT themed mang libro or comics na nap-publish, madalas laging BL. "Parang yung PrideLit. Kaimbiyerna, girl!"

Napatango na lang ako at napakamot sa ulo. Tuwing ganito talaga, eh, lagi siyang may reklamo. She's trying to make a point na dapat hindi puro BL ang nailalabas sa public. Iyon daw kasi yung napansin niya nang mag-search siya ng books sa website ng PrideLit. Wala raw gxg except doon sa isang anthology book.

"Like kahit kapag naghahanap ako ng stories sa Wattpad, nakakasabay sa dami ng reads, votes, comments, and followers yung mga BL writers sa mga hindi LGBT writers. Tapos yung gxg kaunti lang. Korni, eh. Sobrang underrated nila, Ella!" Umismid siya at niyakap yung BLACKink comics na gxg. "Kung may talent lang ako magsulat edi nagsulat na ako!"

"Oh, ang puso." Tinapik ko siya sa likuran at hinila palayo ro'n sa mga comics na nirereklamo niya.  Huminto kami sa mga Wattpad books na mostly ay published by PSICOM. "Ayan, huminga ka. Inhale, exhale."

"Girl, lalong hindi ako makakahinga." Hinampas-hampas niya ako sa balikat, palakas iyon ng palakas kaya hinawakan ko na siya sa kamay pero ginamit niya ang isang kamay para hampasin ulit ako. Nakatingin siya sa akin pero parang distracted siya. "Girl!"

"Ano ba!" Nakakasakit na 'tong babaeng 'to, ah. Malaman ako kaya masakit, akala niya ba. Aba, nakakasakit na yung buto niya.

"Ella, huwag kang lilingon, ah." Sabi niya. Para ngang may tinatanaw siya. Automatic namang lumingon ang ulo ko pero hinawakan niya yung ulo ko at pinilit ipinaharap sa kanya. Napangiwi ako sa puwersa habang pinandilatan naman niya ako ng mata. "Sabi ko huwag kang lilingon, 'di ba!"

"Eh, sabi mo huwag edi na-curious ako!"

"Kapag sinabi ko bang huwag kang tatalon ng bangin, tatalon ka?"

"Hindi!"

"Oh, edi huwag kang lilingon! Baligtad naman ng brain cells mo!"

"Ano ba kasing meron?" Natanong ko na lang bago pa kami umabot sa laitan. Ang ending din naman sasabihan niya akong kamukha ko si Jollibee kahit walang koneksyon sa usapan.

"I feel this is tadhana," parang sira nitong sabi. Hinila niya ako at pumunta sa ibang shelves.

Saka lang ako iniharap ni Valeen sa kung ano mang tinitingnan niya. Automatic na kumabog ang dibdib ko nang makita yung taong nakatagilid mula sa amin. Iyon pa lang, alam ko na kaagad kung sino. Kaya naman pala biglang parang nasiraan itong kaibigan ko. Si West ang nakita.

"Girl, this is tadhana." Pagpipilit niya.

"Tadhana, hindi pwedeng may bibilhin lang talaga siya?"

"Ay, kontrabida ka, Jollibee." Inirapan niya ako. "Hayaan mong tadhana namin ni West my love—"

"Jowa mo?"

"Manahimik! Jollibee ka!" Kinurot niya ako sa pisngi na ikinangiwi ko.

"Aray ko!" Napalakas kong sabi. Napalingon yung ibang mga nagliliwaliw dito. Muntik na rin kaming lapitan no'ng lady guard na naglilibot. Bigla akong kinabahan, kahit si Valeen parang nanigas na puno. Parehas kaming nakahinga nang maluwag nang lagpasan na niya kami sa wakas. "Ikaw kasi, Valeen, eh."

"Ako ba yung sumigaw?"

"Huwag kang magpapalibre, ah."

"Joke lang, ito naman hindi mabiro." Niyapos niya ako sa braso. "Cute mo talaga, Ella, my friend."

"Hey."

Parehas kami ni Valeen na nagulat nang marinig yung familiar na boses ng crush niya. Mabilis kaming napalingon sa kanya. No'n ko lang mas napansin ang ayos niya. She looked simple but appealing on her white loose shirt tucked on her vintage pants. Basta ang ganda niyang tingnan, kung ako siguro magsusuot no'n mukha lang akong normal na nagdamit.

"Narinig ko yung boses mo," Tumingin siya sa akin ng diretso, hindi ko alam pero nakaka-intimidate siya ngayon. "Okay ka lang?"

Napatango ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Gusto ko siya kausapin pero umaatras yung dila ko. Hindi ko rin maintindihan yung kabog sa dibdib ko, lagi ko naman siyang nakikita sa school pero iba ngayon. Ang weird!

"Anong bibilhin mo, West, my friend?" As usual ay makapal talaga ang mukha ni Valeen magtanong. Lumapit pa siya kay West at umakbay  na akala mo close silang dalawa. Kunwari chill siya pero deep inside kinikilig.

"Nagpapabili kasi yung kapatid ko." sagot naman ni West. She looked at me, natigilan pa ako nang ngumiti siya ng maliit. "Ella, hi."

"H-hello," bati ko, hindi na napigilan ang pagkautal. Friends naman kami pero nakaka-caught off guard talaga siya. "Ikaw lang?"

Tumango siya. Bumitaw na si Valeen sa akin at muling tumabi sa akin, inangkla ang braso sa braso ko.

"Mahilig ka bang magbasa ng books?" tanong ng best friend ko. Tumango naman si West. "Nice! Edi gusto mo bang sumama na sa amin? Ano bang kailangan mong bilhin? Hindi mo sinagot kanina, eh."

"A few pens and paints."

"Nagd-drawing ka?"

Umiling siya. "Yung kapatid ko."

Naalala ko naman bigla yung ate niyang si South. Para naman akong kinilig, ang ganda talaga ng mata no'n, eh. Mukha lang talagang may kasungitan. Pero baka katulad niya rin si West na nice naman pala kahit mukhang hindi siya friendly.

"Okay, samahan ka na namin."

Mukhang ayos lang naman kay West na bumuntot kami sa kanya. Nagpunta kami sa section na puro pencils, mabilis lang siyang pumili na parang alam na niya kung anong klase ang kukunin niya. Pagkatapos no'n ay namili siya ng mga paint na kung anu-ano. Parang balak pa nga niyang limasin lahat ng paint sa shelves.

Umalis ako saglit at mabilis na kumuha ng blue cart. Pagbalik ko ay napangiti siya at tinaas ang dalawang kilay niya ng sabay. "You're on time."

Inilagay niya sa cart yung mga napili niyang art materials. Akala ko tapos na siya sa pagpili pero pumunta naman siya sa mga puro brushes. Kumuha lang siya basta, iba't ibang size. Wala naman akong alam sa mga ganoon, lalo na 'tong si Valeen kaya nakatingin lang kami sa ginagawa niya.

"Done." sabi ni West. "Dito ba kayo bibili ng libro?"

Sabay kaming napatango ng kaibigan ko. Tumango lang din siya pabalik, ewan ko pero parang natawa ako sa reaction niya. Para siyang hindi sanay na may kasama na oo. Pumunta na kami sa section ng mga libro. Dumiretso kami sa puro PSICOM ang laman. May mga new release doon na nagkataong lahat halos ay bet ni Valeen kaya mabilis itong nagkaroon ng sariling mundo, tumitingin ng libro na naalis na yung plastic cover ng kung sinong loko na mahilig magbasa ng pasimple dito.

"Anong libro bibilhin mo?" tanong ko kay West nang umatras kami ng kaunti palayo kay Valeen na busy sa mga libro para makapag-usap. Ang hyper kasi ng friend ko, pakiramdam ko mawawalan ako ng chance na makausap si West anytime.

"Reference book." Maikling sagot niya, sinamahan niya pa iyon ng kindat at paggalaw ng kamay na parang nagsusulat siya sa hangin. Doon pa lang na-gets ko na kung anong ibig niyang sabihin. So, gumagamit din pala siya ng ibang libro as ideas sa pagsusulat.

Mukhang mahirap nga talaga magsulat. No'ng time na na-discover ko ang Wattpad at naadik sa pagbabasa, naisip ko rin no'n na gusto kong magsulat. Sinubukan ko dati sa notebook ko muna, pero tinamad din ako at hindi na tinapos. Mabilis akong maubusan ng idea, eh. Tsaka ang hirap humanap ng salita kahit maingay ako sa personal. Nakakaloka.

"Ano bang books binabasa mo?" tanong ko.

"Kahit ano basta interesting."

"Akala ko ba kailangan mo ng reference book?"

Tumawa siya ng mahina at pabirong tinapik ako sa balikat. "It's hard to explain."

"Ella," Siniko ako ni Valeen ng mahina. May dala siyang mga libro. Mukha siyang batang kawawa kaya natawa ako. "Confirmed, mas-short nga ako."

"Okay." Tumawa ulit ako. Sabi na, eh. Magiging maikli yung usapan namin ni West.

_____

Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me