M V Series 03 Killian Caballero
"I will hire her.." Wala ng kung ano mang pagdadalawang-isip na sabi ni Killian ng ipakita sa kanya ng kaibigang si Wilde ang papel na binigay nito. His friend visited him on his house, hindi lang para pag-usapan ang pinapaayos niya dito kung hindi dahil may hinahanapan nga daw ito ng trabaho.
"Are you sure? She just graduate at wala pang experience 'yan sa trabaho." Ang congressman na si Wilde naman ang nagsalita.
"I know her sa university namin siya nagtapos diba?" At may experience siya sa trabaho, may experience siya sa pagsasayaw sa club pero natural na hindi nito 'yon inilagay sa resume. Parang gusto sabihin ng propesor ang tungkol doon sa kaibigan. Hindi rin mawala-wala ang ngiti niya habang tinitingnan ang resume na hawak-hawak niya ngayon. Gusto niyang sabihin ngayon na small world nga siguro dahil kilalang-kilala niya ang gustong mag-apply ng trabaho . Walang iba kung hindi si Heaven.
Hinila naman ni Wilde ang resume at saka tiningnan ang kaibigan. Parang hindi niya gusto ang mga ngiti na ginagawa nito habang binabasa ang resume na hawak kanina. Abogado siya at congressman, marami na siyang nakahalubilong tao kaya alam na alam niya na ang mga ganitong tinginan. "Wag na lang ihahanap ko na lang siya ng ibang puwede niyang pasukan." Pagbawi niya sa pakiusap kanina dito na bigyan ng trabaho ang kaibigan ng asawa niyang si Jesylyn na si Heaven na kaka-graduate nga lang noong nakaraang Linggo.
Napatayo naman si Killian at muling kinuha ang resume na inagaw sa kanya ni Wilde. "Parang wala ka namang tiwala sa akin sa ginagawa mong 'yan Pare."
"Buti alam mo, sa ngiti mo Caballero wala talaga akong tiwala sa 'yo ngayon." Sabi ni Wilde. "Sa baranggay Mayumi 'yan nakatira at kaibigan 'yan ng asawa ko. At natural ayoko na magkaroon tayo ng gulo oras na tanggapin mo siya at magtrabaho sa 'yo dahil alam kong may binabalak ka na hindi maganda."
Killian shook his head, masyado talagang magaling ang kaibigan niyang ito at talagang nahulaan pa ang naiisip niya. Akala pa naman niya ay matatapos na ang kung ano mang ugnayan na mero'n siya kay Heaven dahil hindi na nga ito nag-aaral at graduate na pero heto at blessing in disguise din talaga itong si Wilde sa kanya. "I need a secretary, or 'yong mag-aayos ng mga kailangan ko sa trabaho at puwedeng-puwede siya sa akin."
Si Wilde naman ang umiling. "Sa munisipyo ko na lang siya ipapasok kaysa sa 'yo. Isa pa nakita mo naman na hrm graduate siya diba? tapos aalukin mo ng secretarial job?"
"Eh gano'n naman talaga sa umpisa diba? At alam ko na alam mo ang tungkol diyan, she need experience at magandang experience ang ipaparanas ko sa kanya."
"Tsk, lalo ng hindi. Tigilan mo nga ako Caballero. Mali ang napuntahan kong tao kaya wag mo ng isipin ang tungkol pa dito." At muling binalik ng congressman ang resume sa lalagyan nitong kulay brown na folder. Baka may bakante sa munisipyo at doon niya na lang papa-aplayin si Heaven o kaya naman magtatanong siya sa iba niyang kaibigan na may mga kompanya at negosyo na puwede nitong pasukan kung sakali.
Pero hindi puwedeng palampasin ni Killian ang pagkakataon niya na 'to, kaya naman hinawakan niya ang braso ng kaibigan. "I will hire her I swear."
"Hindi na nga, isa pa kilala kita kahit hindi tayo madalas magkita. Baka may hindi ka lang magandang gawin sa batang 'to at ako pa ang mapahiya o mapahamak sa huli at ayokong mangyari 'yon okay."
"Pero kung sasabihin ko ba na siya ang dahilan kung bakit ako nag-file ng annulment ay maniniwala ka?" Seryosong sabi ni Killian na para bang 'yon na din ang huling alas niya.
Wilde became curious on what he said to him, at dahil nagkita na rin naman sila nitong si Killian ay binigyan niya ito ng pagkakataon na magpaliwanag sa kanya. At doon niya na napagtagni-tagni ang lahat.
"My wife will get mad once she know about this, at ayoko na magalit ang asawa ko sa akin Killian."
"Pero wala nga akong gagawing masama sa kanya, believe it or not but I like her." Muling paliwanag ng propesor, kung gago-gago ang kapatid nitong si Dax ibang-iba naman ito sa kapatid dahil mas seryoso ito kumpara sa isa. At alam niyang kailangan niyang ipaliwanag ng maayos ang lahat para mapapayag niya ito ngayon na sa kanya na lang pumasok si Heaven kaya niya nasabi ang kung ano mang mero'n sila ng dating estudyante.
"Pero hindi ako naniniwala isa pa hindi pa ayos ang annulment mo kaya wag kang masyadong magpa-easy easy diyan." Paalala ulit ni Wilde.
"Hindi ako nagpapa-easy-easy at alam kong alam mo 'yan. She's the one I met in the club with your brother Wilde kaya ibalato mo na sa akin 'to."
Pinakatitigan ni Wilde ang propesor, mero'ng parte niya na hayaan na lang ito sa gusto nitong mangyari. Pero natural ayaw naman niyang may mangyari sa kaibigan ng asawa niya sa kamay ng kaibigan niyang ito. "Okay fine, sasabihin ko na magpunta siya sa 'yo at kayo ng bahala ang mag-usap na dalawa. At kung ano man ang maging desisyon nitong si Heaven ay labas na ako doon."
Killian smiled again widely. "Deal, salamat Pare.."
Hindi na mabilang kung ilang beses na bang napabuntong hininga ng malalim si Heaven habang nasa harapan ng kulay brown na pintuan. Interview niya ngayon sa nirekomenda ni Jesylyn na trabaho kaya naman kinakabahan din talaga siya. Hinawakan niya ang bag na maliit na siyang dala-dala niya bago ulit huminga ng malalim at kumatok sa pintuan. May narinig siyang nagsalita sa loob kung saan pinapapasok na siya kaya naman binuksan niya na ang seradura at pumasok sa loob.
Isang lamesang kulay itim ang una kong nakita pagpasok ko doon at malamig na buga ng aircon ang sumalubong din sa akin. Mero'n din doong upuan pero hindi naman nakaharap pero alam kong may nakaupo at 'yon nga nga yata ang mag-iinterview sa akin.
Pero halos malaglag ang panga ni Heaven ng umikot upuan ang makita kung sino ang nakaupo doon. "I-Ikaw?" Parang hindi makapaniwala na tanong niya.
"Yes ako nga at hindi mo na kailangan pa ng interview dahil kahit anong posisyon ang hingiin mo sa akin ngayon ay ibibigay ko sa 'yo Heaven." Nakangiti na sabi ni Killian.
#maribelatentastories
Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me