LoveTruyen.Me

Master M Matias San Diego S Story Completed

Natatawa na ako kay Mommy. Parang ayaw pa rin nitong iwan sa harap ng altar si Kuya Marius. Ilang beses na niyang inayos-ayos ang tuxedo ni Kuya, naging tabingi na ito tuloy. I couldn't understand her. Kagabi pa siya iyak nang iyak. Ano naman ang gusto niyang gawin ng anak niya? Magpari? Maburo buong buhay niya? He's already twenty seven years old for crying out loud! Ang iba nga riyan nag-aasawa nang mas maaga.

"It seemed like yesterday when I took you to St. John's Academy for your first day in kindergarten and now, you're getting married!" narinig ko pang sabi ni Mom.

"I remember that day, too, Mama. It's one of the most memorable day of my life because that's when I met the most beautiful girl in the world," madamdamin namang sagot ni Kuya Marius. Masuyo niyang hinagkan si Mom at pinahiran pa ang mga luha nito.

"It's more than two decades ago, isn't it? Gano'n na pala tayo katanda?" may himig pagbibiro namang sabi ni Dad, kay Mom siya nakatingin. Humilig lang si Mommy sa dibdib niya.

"Thank you, Papa, for giving us the opportunity to study at St. John's. I would never have met her if not for you and Grandma."

Napangiti si Dad kay Kuya at umiling-iling.

"You were the one who made everything possible, son. I'm so proud of you."

Hay naku, isa pa 'to si Dad. Kaya hindi matigil-tigil sa pagsinok si Mom kanina pa kasi'y kahit siya na padre de pamilya ay pinamumulahan din ng mata. Kung anu-ano pa'ng sinasabi. Ang drama! Nakakahiya na sa mga bisita. Kitang-kita pa naman kami dahil halos nasa harapan lang kami ng altar at binibigyan ng moral support si Kuya Marius habang naghihintay sa pagdating ang bride niya.

Nang mapasulyap ako kay Markus na nasa pinakasulok ng simbahan, malapit sa side door, I felt a pang of sadness. Nakasandal kasi siya sa dingding habang nakapikit. It looked like he was crying silently. Naintindihan ko siya. Siguro gano'n talaga. Kakambal niya ang ikakasal, e. He had been with him almost all his life. Katunayan, kamakailan lang sila nagbukod ng tirahan. Kahit sino man sa lugar niya'y malulungkot din. Pero ang pagdadrama ng dalawang tipaklong sa tabi nila Grandpa at Grandma sa unang hanay ng mga upuan para sa groom's guest ay hindi expected! Ba't emosyonal rin ang mga nerds na ito? Parang gusto ko na tuloy pumunta sa gitna, agawin ang mikropono sa wedding planner at pagsabihan ang buo kong pamilya na tumigil na sa kaiiyak. Kasal ni Kuya Marius ang pinuntahan namin hindi burol! Pambihira!

Ganunpaman, napangisi ako kay Moses nang nagpapahid na siya ng umaagos niyang luha sa mukha dahil ang weird tingnan ng malaking tao na iyakin. Idagdag pa ro'n si Morris na sumisinok-sinok din sa gilid nito. They both looked ridiculous. I couldn't contain my amusement, natawa ako nang mahina. Bigla na lang napatingin sa akin si Dad at binigyan ako ng what-the-fvck-are-you-smiling-at look. Napatayo ako nang matuwid at pinilit kong magmukhang pormal. Kaso biglang lumitaw sa pinakabukana ng simbahan si Ella kasama ang iba pang bridesmaid at mukhang siya lang ang nalilito kung saan pupwesto. Sa kalilipat-lipat niya ng side natapilok siya at nabali ang stiletto heels ng kanyang sapatos. Napabungisngis ako sa hitsura niya. Lalo akong pinaningkitan ng mata ni Dad. Tinalikuran ko sila at nilapitan si Markus. Hindi niya ako pinansin.

"Sir, mag-uumpisa na po ang wedding march. Pinapapunta na po lahat ng grooms' men sa entrance ng simbahan," sabi sa akin ng isa sa mga bading na organizers.

"Susunod na ako."

Tinapik ko sa balikat si Markus. Hindi siya tuminag. Kung sa bagay, hindi naman niya kailangang sumali sa mga magmamartsa dahil siya ang best man. Kahit mamaya na siya lumapit sa harapan ng altar.

"Okay ka lang ba?" tanong ko. Hindi siya sumagot. Hindi na rin ako nagsalita pa. Sa halip sumunod na lang ako sa bading na hindi na magkandaugaga sa pag-aayos ng wedding entourage.

Ako at si Ella ang pinapuwesto nila sa unahan. Nasa likuran ko sina Moses, Morris, at mga partners nila. I thought we were all set to go nang bigla na lang may dumating pa. Napalingon ako at napanganga sa nakita.

"Ms. Shelby, dito ka sa tabi ni Mr. Alfonso. Dapat nakahawak ka sa kanya like this, okay?"

No'n ko lang nabistahan ang dalaga namin. She looked stunning in her flowing fuchsia gown. Her glowing, white skin and her flawless make up made her look like a crowned princess. Nanikip ang lalamunan ko at bago ko pa malaman ang nangyayari sa akin tumulo na ang luha ko. Moses and Morris gave me a weird look.

Teka, ba't kasama si Dela Peña sa entourage?

"What the fvck are you doing here?" I hissed at him while drying my eyes. Tumango lang siya para i-acknowledge ako pero hindi siya sumagot.

Napalingon din sina Moses at Morris sa kanya.

"Loosen up. Grandma invited him," sagot agad ni Morris.

"What?!"

"That's right," pang-iinis ni Moses at ngumisi.

Napatingin ako kay Shelby na ngayo'y parang hindi mapakali. Panay hawi nito ng imaginary hair sa mukha. Pinangunutan ko siya ng noo. She gave me a what's-wrong-with-you look. Siniko naman ako ni Ella.

"Bakit?" asik ko sa kanya.

"Umayos ka na dahil maglalakad na tayo," anas niya sa akin.

Humarap na ako sa altar at hinanda na ang sarili sa pagmartsa, pero hindi ako nakatiis. Nilingon ko ulit si Dela Peña na ngayo'y magiliw nang nakikipag-usap kay Shelby. Gusto ko siyang batukan. Nakakabanas ang pagmumukha niya. Umiwas ng tingin ang kulugo.

Siniko na naman ako ni Ella.

"Ano ba?" singhal ko na.

"Umayos ka sabi, e. Ba't lingon ka nang lingon kay Alfonso? Crush mo ba siya?"

Pinaningkitan ko ng mata si Ella. Tumawa lang ang baliw.

**********

Napangiti ako habang pinagmamasdan si Papa't Matias sa kusina. Kanina pa gustong pokpokin ni Papa ng frying pan ang ulo ni Matty dahil parang hindi pumapasok ang mga tinuturo nito sa kumag. Mahirap ba'ng maghiwa ng sibuyas in a circular pattern?

"Kahit ano naman pong hugis ng sibuyas, hindi naman po iyon importante, Mang Andoy. Ang mahalaga ay ang lasa ng niluluto!" pangangatwiran pa ng hunghang. Hindi ba nito alam na maikli ang pasensya ni Papa sa kusina?

"Beef steak nga ang niluluto natin, di ba? Ang panget kapag wala sa ayos ang sibuyas. Iyan lang naman ang puwede nating palamuti riyan."

"Are you sure, Mang Andoy? Nakikita ko sa TV mayroong steamed vegies naman on the side."

"Nene, ikaw na nga ang magturo sa batang ito?"

Pinuntahan ni Mama ang dalawa. Tatawa-tawa siya.

"Ikaw talaga, Andoy, oo. Ang hirap mong titser. Bugnutin."

"Oo nga po," sang-ayon naman ni Matias.

Lumabas ng kusina si Papa. Totoong naimbyerna ito. Nagtaka naman ako. Dati-rati'y hindi naman siya ganoon ka high blood sa mga antics ni Matty. Ba't kaya? Sinundan ko siya sa labas ng bahay. Nakita ko siyang nagtungo sa ilalim ng puno ng tsiko. Hinawakan nito ang dibdib at parang nag-i-inhale-exhale. Kinabahan ako agad. Inalala ko ang sakit niya sa puso.

"Pa? Okay ka lang?" tanong ko.

Tumigil siya agad sa ginagawa.

"May masakit po ba sa inyo?"

"Wala. Nagre-relaks lang ang tao, may masakit agad?"

"Alam n'yo ang weird n'yo. Bakit nga ba? May problema ba kayo?"

Napahinga nang malalim si Papa bago tumingin sa malayo.

"Maraming lalaki sa paligid, anak. Maaari kang pumili isa man sa kanila at wala kang maririnig sa amin ng mama mo. Pero iyang kababata mo---sigurado ka ba riyan?"

Napakagat ako ng labi. Kahit pilit naming nilihim sa kanya ang lahat, natunugan pa rin pala niya kami. Nahiya ako bigla kaya napayuko ako.

"Alam kong mahal mo siya noon pa, pero anak, iba ang ugali ng batang iyan. Hindi naman siguro lingid sa iyo kung gaano siya kabilis magpalit ng gerpren."

"Nagbago na siya, Pa."

Napaismid si Papa.

"Iyan ang sinasabi ng lahat ng playboy, anak."

Hindi na ako sumagot. Naasiwa tuloy ako nang biglang sumulpot si Matty at biru-biruin niya si Papa. Di tulad dati, hindi siya pinansin ng ama ko. Sa halip, bumalik ito sa loob ng bahay.

"Ano'ng problema no'n?"

**********

Ilang araw na lang at pupunta na ako ng Napa Valley. Hindi pa ako nakakaalis ay nalulungkot na ako. Kung kailan naging exciting ang buhay ko sa Pilipinas saka naman ito mauudlot. Hay.

"Alam mo, bumangon ka na riyan. Mamaya makita ka nila Papa't Mama na nakahilata sa kama ko akalain nila may ginagawa tayong masama," singhal sa akin ni Ella at binuksan pa nito ang pintuan.

"Ba't mo binuksan?" asik ko naman sa kanya.

"Para makita nila na wala nga tayong ginagawang masama rito."

"Lagi naman akong nagbababad sa room mo before habang nakasara ang pinto, wala namang naging problema."

"Noon iyon. Iba na ngayon."

Napangisi ako sa narinig. Nakadulot iyon ng kakaibang kiliti. Sa tuwing naaalala kong girlfriend ko na siya'y nag-iinit ang katawan ko. Feeling excited akong hindi mawari.

Dahan-dahan akong bumangon at ginulat siya sa biglang pagyakap sa kanya mula sa likuran. Napasigaw sana siya pero mabilis kong natakpan ang kanyang bunganga. Inamoy-amoy ko ang buhok niya saka ko siya hinagkan sa leeg. Siniko niya ako. Nang makabuwelo'y itinulak pa ako. Nagpabagsak ako sa kama.

"Ikaw, ha? Nakakarami ka na. Bwisit ka!"

Hinila ko bigla ang kamay niya at napasubsob siya sa dibdib ko. Mabilis akong gumulong at napapunta siya sa ilalim ko. Ikunulong ko ang dalawa niyang kamay sa bandang ulo niya at nakatawa ko siyang pinagmasdan. Niloko-loko ko siyang hahalikan at panay naman ang biling-biling niya para iwasan ako. Hindi ko lang alam kung totoo nga ba iyon o nag-iinarte lang para matakam ako sa kanya lalo.

"Ano ka ba? Hindi mo ba nakikitang nakabukas ang pintuan, ulol ka?"

"Kapag hinalikan ba kita, pipikutin mo na ako, gano'n? Hahabulin na ba ako ni Mang Andoy ng itak no'n para piliting pakasalan ka?"

"Puro ka biro! Hindi mo nga kilala si Papa!" asik niya sa akin at sinimangutan ako.

Imbes na matakot, lalo lamang akong natakam sa mapupula niyang labi. Naisip ko, in a few days hindi ko na makikita ito nang matagal at lalong hindi ko na matitikman. Without thinking about it, I closed the gap between us and kissed her warm, inviting lips. Iniwas niya no'ng una ang labi pero hindi rin niya natiis na hindi gumanti sa mainit kong halik. Unti-unti kong binitawan ang dalawa niyang kamay para haplusin ang naka-exposed niyang hita. Lalo ko pang itinaas ang maluwang niyang palda at hinagud-hagod ang malambot, at makinis niyang binti nang maramdaman ko ang mga kamay niya sa dibdib ko. Napaungol ako bigla.

"Ella, Matias!"

Bigla kaming natigilan. Pagtingin ko sa may bandang pintuan, nakita ko si Mang Andoy na namumula sa galit. Humahangos na napalapit sa kanya si Aling Nene. Kapwa na kami nakaupo ni Ella sa kama nang dumating siya, pero isang tingin niya lang sa amin nahulaan niya agad kung ano'ng nangyari. Marahil ay malala pa sa ginawa namin ang iniisip niya dahil bigla na lang siyang napahikbi. Naalarma ako nang makita kong napakuyom ng palad si Mang Andoy at napasuntok sa pinto. Mayamaya pa'y napahawak ito sa dibdib at biglang namutla. Nataranta kami ni Ella. Napasugod kami sa kanila at inalalayan namin si Mang Andoy.

"Umalis ka muna sa harapan ko, Matias," hinihingal nitong wika.

"Mang Andoy, wala naman po kaming---"

"Ano'ng wala? Gumagapang ang kamay mo sa hita ng anak ko, sasabihin mong wala?"

"Anak, huwag ka na munang magsalita. Sundin na lang muna natin ang Mang Andoy mo."

Tumangu-tango ako. Si Ella nama'y hindi magkandatuto kung ano ang uunahin. Hihilutin ba niya ang kamay ng ama o bibigyan ito ng tubig. Nang makita kong tinabig ni Mang Andoy ang kamay niya at mapaiyak siya, na-guilty ako. Ang biru-biruan namin ay nakadulot ng labis na pagdaramdam sa kanyang ama.

**********

"Walang nangyari sa amin, Pa. Maniwala ka naman sa akin, o. Kung may balak kami, disin sana'y hindi namin binuksan ang pintuan."

Napatayo si Papa at naglakad-lakad sa harapan namin ni Mama. Nakaupo kaming mag-ina sa kupasin naming sofa sa sala no'ng mga oras na iyon. Magkahawak-kamay. Mayamaya'y pinipisil-pisil ni Mama ang palad ko na tila bagang pinapahupa niya ang damdamin ko. Kanina pa kasi ako iyak nang iyak. Katunayan, simula nang pinauwi nila si Matty ay wala na akong ginawa kundi magngangawa. Hindi man lang nila ako binigyan ng pagkakataong magpaalam sa tao nang maayos. Ilang araw na lang aalis na iyon papuntang States. Iyon ang ginamit kong dahilan kung bakit kami nakapagbiruan nang gano'n.

"Pinalaki ka naming may pagpapahalaga sa moralidad. Hindi kita iginapang sa pag-aaral mo para lang maging isa sa mga babaeng taga-aliw sa batang iyon."

"Andoy, ang bunganga mo!"

"Kung magsalita kayo parang ibang tao na si Matias."

Napapikit si Papa na parang hirap na hirap bago niya ako hinarap muli.

"Kaya nga mahirap sa kalooban ko itong nangyayaring ito dahil hindi na iba ang turing ko sa kanya! Mahal ko siya pero alam ko na sasaktan ka lang niya! At iyan ang hindi ko hahayaang mangyari!"

"Ano'ng gusto n'yong gawin ko?"

"Nag-usap na tayo kanina. Alam mo kung ano ang gusto ko!"

**********

Nadatnan kong nagbubungisngisan sina Mom and Dad sa living room habang nakatunghay sa wedding pictures nila Kuya Marius. Para na naman silang baliw habang nagre-reminisce sa kindergarten days nila Kuya at Ate Vina. Inayos pa nila side by side ang childhood pictures ng dalawa at itinabi ito sa kuha no'ng kasal.

"Who would say that these two would end up together. Tingnan mo nga ito? Naalala mo ito? Sinapak ni Vina rito si Marius."

"Any girl would do that to a boy who steals kisses," natatawa namang sagot ni Dad.

Hay. How could I tell them?

Matagal na akong nakatayo sa bukana ng living room nang mapansin ni Dad.

"Hey, Matty. Ang aga mo yata?" bati pa nito. Si Mom naman, "Hi, anak," lang ang tanging nasabi at bumalik na ang atensyon sa mga nagkalat na larawan sa center table.

"Mang Andoy's mad at me, Dad, Mom," sabi ko sa mahinang boses.

"Hmn?" sagot ni Mom absent-mindedly. Nainis na ako.

"Mommy, nahuli kami ni Mang Andoy na naghahalikan!" naibulalas ko na lang bigla.

"What?" si Dad. Bagama't nabigla ito, wala pa rin sa akin ang buong atensyon niya. Nakakabanas na talaga. Kahit sabihin ko pa sigurong nabuntis ko si Ella hindi ko pa rin maagaw ang atensyon nila mula sa wedding pictures nila Kuya Marius.

"Sinong kahalikan mo?" kalmado pa ring tanong ni Mom. Parang wala lang sa kanya ang sinabi ko. Kung sa bagay, hindi ko naman siya masisisi. Lagi naman kasi akong may kahalikan.

"Alangan naman pong si Aling Nene!"
Naupo na nang matuwid si Dad at hinarap ako. Nangungunot na ang kanyang noo. Halatang hindi niya nagustuhan ang pamimilosopo ko kay Mom.

"I was kissing Ella when Mang Andoy just showed up all of a sudden. And now he's mad at me and Ella. Ayaw na po niya akong pumunta sa kanila."

Nagkatinginan ang mga magulang ko. No'n naman biglang sumulpot sina Moses at Morris. Halatang kagagaling lang nila sa football practice. May hawak-hawak pa silang bola. Tinanong nila kami kung ano'ng nangyari at mukha kaming mga weirdo. Nasabi ni Mom, sa paraang parang wala sa sarili, na nahuli kami nila Mang Andoy na naghahalikan ni Ella.

"Mapipikot si Kuya?!" halos sabay na tanong ng dalawa. Nagkatinginan sila at nagbungisngisan. Tiningnan ko sila nang masama.

No'n lang parang nag-sink in kay Dad ang posibilidad na baka mapikot nga ako. Napahawak siya sa noo sabay sabi ng, "Oh my God!"

Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me