LoveTruyen.Me

Missing Lightbulb



"You look extra happy today, what's up?" tanong sa akin ni Bright nang magkita kami sa cafeteria. 


Naupo ako sa harap niya at umiling, "Wala lang, wala naman. Ang lapit na ng Christmas! Meaning, may Christmas break!" Masaya kong turan, kumagat si Bri sa kaniyang kinakain na cupcake bago napatawa. 


"Excited ka masyado." Turan nito at napanguso ako. "Siyempre! It's Christmas, may papasko akong matatanggap mula sa mga relatives ko." ani ko dito at utay-utay siyang tumango. 


"Okay, I understand now. By the way, anong gusto mo? Ibibili kita, may banana cue, maruya, at... I forgot, anong gusto mo?" tanong nito, mula sa paghahalungkat sa aking bag ay napa-angat ang aking tingin sa kaniya. 


"Uhm... may turon?" tanong ko dito, tumango ito, "Meron," maikli niyang sagot at tumango ako. 


"Isang turon at maruya." Nakangiti kong turan, napangisi rin ito bago tumango at tumayo. 


Pagdaan nito sa aking tagiliran ay bahagya pa akong pinisil nito sa pisnge at agad rin na nagpatauloy sa paglalakad kaya hindi ko na nagawang gantihan ng pisil din sa pisnge. 

Habang naghihintay ay nag check nalang ako ng notes sa aking iPad na medyo matagal-tagal ko na rin ginagamit. Mayroon lang akong long quiz, dalawang project at isang recitation na kailangan paghandaan. Mahaba pa ang araw kaya kakayanin ko naman na gawin ang mga ito. 


"I also got you chocolate drink, if you don't mind." Napa-angat ako ng tingin kay Bright at nakitang ibinababa na nito ang mga binili sa lamesa. sabay takbo nito pabalik sa isang stall upang ibalik ang tray na ginamit niya. 


"Thankie! Ang sarap ng chocolate drink nila." ani ko nang matikman ang binili nitong drink. 


"Mhmm, Milo lang 'yan na nilagyan ng yelo." ani nito at napa-irap ako, "Masarap pa rin, gagawa pala ako ng Milo ice cream sa weekend." ani ko bago kumagat ng turon, ipinatong ni Bright ang siko nito sa lamesa bago nagpahalumbaba, ang baba nito ay nakapatong sa kaniyang kamay. 


"Ay! Sa weekend pala, ako na ang mamalengke, samahan mo naman ako." ani ko dito, tumango lang ito habang may maliit na angiti ang nakaguhit sa kaniyang labi. 


"Sa supermarket na tayo mamili, hindi ako pamilyar sa palengke dito, bobo pati ako sa mga ganiyan. Iju-judge ako ng mga tindera." Dagdag ko at napatawa ito. 


"Ayan, rich kid kasi." ani nito at napasimangot ako bago kumagat muli sa aking pagkain, "Says the one na nagmula sa private school at Englishero." Bawi ko dito, nasamid ito sa sarili niyang laway at napahagalpak ng tawa. 


"Wow ha, ibang usapan naman 'yon." ani niya at umirap ako bago muling uminom  ng chocolate dirnk na binili niya. 


"Iyon rin 'yon, hindi 'yon magkaiba." Pagtataray ko dito na lalo niyang ikinahagalpak ng tawa. 


"Okay, okay nevermind, sige sasamahan kita sa supermarket sa... Sabado ba?" tanong nito at tumango nalang ako. 



Nang matapos kaming mag snack ay umalis na kami ng cafeteria at naghiwalay na ng landas para pumasok sa kasunod namin na subject. 


Pag pasok ko sa classroom ng kasunod kong klase ay nakita ko na ang iba kong kaklase doon. Mabait man ako at mukhang palakaibigan pero hindi ko na magawa ang makipag close ng masyado. Okay na ako kila Tera at ang apat na A, idagdag mo pa ang mga kaibigan ni Bright na naging kaibigan ko rin. 




Si Noah lang ang pinakang kilala ko sa mga tao dito sa loob kaya dito na ako tumabi. Dahil hindi naman kami gaano ka close at dahil madalang din naman itong magsalita ay nanahimik nalang ako sa tabi nito at nagsarili sa buhay. Ilang minuto lang din ay napuno na ang classroom at kasunod na nito ang prof namin sa biology. 



Isa sa mga favorite kong subject ang biology kaya naman n ag a-advance reading ako dito. Salitan kami ni Noah sa pagsagot at minsan pa ay nag-aagawan kami sa tanong. Kaya naman tuwang-tuwa ang prof namin sa akin. Mataas din ang grade ko dito noong first sem, ipinagbubuti ko para sa mga susunod pa na sem ay mataas din ang grade ko. 



"Ganiyan dapat class, gumaya kayo kay Miss Alvarez at Mr. Gomez. Ang tahi-tahimik niyo kapag recitation." Napatikom nalang ako ng aking bibig nang sabihin iyon ng aming prof. Maski si Noah ay may maliit na ngisi sa kaniyang labi. Hindi naman sa pagmamayabang pero madalas itong mangyari sa class namin ng biology. Pero pagdating naman sa math ay ako ang tahimik sa klase. 



"Xavi..." Paalis na sana ako nang tawagin ako ni Noah, "Yes?" tanong ko dito, maya-maya ay may kinuha ito mula sa kaniyang bag, isa itong pencil case at pamilyar ito. 


"Pakibalik naman kay Yen, pakisabi salamat." ani nito habang inaabot sa akin ang pencil case. Tinanggap ko naman ito at tumango nalang bago isinilid sa bag ko ang pencil case at nagpaalam na. 




Saktong malapit na ako sa gate ay nakita kong magka-akbay si Bright at Marc, nagtatawanan pa ang dalawa kaya naman bahagya akong napangisi bago naglakad nang mabilis upang habulin ang dalawa. 


"Wuy! Pauwi na kayo?" Napa-igtad silang dalawa at napatigil sa paglalakad. 


"Uy, Xavi! Alam mo ba si Bright kanina-"

"Tumahimik ka!" Agad tinakpan ni Bri ang bibig ni Marc. 


"Uy, Bri huwag, baka masaktan si Marc." Pigil ko dito bago inalis ang kamay ni Bright sa bibig ni Marc. 


"Ano ba yun Marc? Sige sabihin mo na." turan ko dito, 



"Subukan mo lang Marc Theodore, yari ka sakin sa dorm mamaya." Pagbabanta ni Bri. 


"Bright, bad, huwag mo pagbantaan si Marc. Sige na Marc, sabihin mo na." ani ko dito, napatingin si Marc kay Bright na pinalalakihan ito ng mata. Pag tingin naman sa akin ni Marc ay nginitian ko ito. 


"Alam mo ba Xavi, si Bright kanina, inaasar ng prof namin sa kaklase namin na babae-"


"Oh my fucking God, Marc! Why would you say that?!" Parehas kaming napatingin kay Bright na napapasabunot pa sa buhok niyal. 


Napangisi ako, "Bakit? Anong nangyari?" tanong ko dito, napatingin muna si Marc kay Bright bago sa akin, "Kasi, tinulungan ni Bright na mag-ayos ng projector yung kaklase namin. Tapos ayun, bagay daw sila sabi ng prof namin." sagot nito at napatango lang ako, si Bri na nasatabi nito ay hindi na mapakali at urong-sulong sa paglalakad. Akala mo ay may pabihon. 


"Marc, yari ka talaga sa akin. You're fucking doome-"


"Hey, you don't have to be like that. Wala naman masama doon ah." ani ko at nakita ko kung paano napanganga ang dalawa. 


"What?" Takang tanong ni Bri, halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Pero bakit naman?


"Kasi... wala, ano ba ang masama doon? Ang cute nga diba? Akala niyo magagalit ako?" tanong ko at utay-utay tumango ang dalawa. 


Napahagikhik ako, "Why would I? As if they're flirting with each other, diba? Bri is just helping her." ani ko at napatango ang dalawa. 


Napangiti ako, "Kaya huwag na kayong mag-away. Bright ha, huwag mong sasakalin si Marc sa dorm niyo. Sige una na ako, bye!" ani ko bago tinalikuran na ang dalawa at napatawa nalang bago tuluyang lumabas ng gate. 






"Ayen!!" sigaw ko pagkapasok ko palang ng dorm. 



"Wala pa," napalingon ako sa sofa kung nasaan si Arven at may ginagawa. 


"Ay? Bakit daw? Nasabi ba sayo?" tanong ko dito bago naglakat sa may gawi niya, umupo ako sa isang sofa sa gilid nito. 


"Org daw, yung choir." Maikli nitong sagot, hindi manlang ako nililingon dahil sa sobrang busy niya sa ginagawa niya. 


Matagal kaming natahimik ni Arven, dahil siya ay may ginagawa habang ako ay may iniisip. Wala kasi akong organization na sinalihan. Unang-una alam ko naman na magiging sobrang busy ako sa acads kaya hindi ko muna inisip ang pagsali sa mga organization. Pero ngayon na naka adjust na ako ay parang gusto ko nang sumali. Pero saan? Tsaka hindi naman na yata pwede? Next year nalang. 



"Sumali kaya ako sa pep-squad?" Wala sa kawalan kong tanong, saka napa-angat ng tingin si Arven sa akin. 



Tumango ito, "Sige, may talent ka naman sa pagsayaw eh." ani nito at isang ngiti ang nabuo sa aking labi. 



"Pero..." napatayo ako mula sa sofa at napatakbo sa kwarto kung nasaan ang whole body mirror namin. 



"Ang taba ko!!" sigaw ko mula sa kwarto para marinig ni Arven na nasa labas. 



"Edi mag diet ka!" sigaw nito pabalik at napatawa ako. Oo nga nanman, iyon lang ang sagot. 


Hinapit-hapit ko pa ang aking damit para makita ang hubog ng aking katawan, "Bukas, start ako bukas."



Agad kong ginawa ang mga dapat kong gawin. Nagbasa-basa na rin ako ng aking mga notes para sa long quiz na aking pinaghahandaan para next week. Utay-utay nang dumating ang iba na hindi ko na gaanong pinagtuunan ng pansin. Nang sumapit ang dilim at saktong nagtatabi na ako ng aking mga gamit ay nag-akit na si Aila na magluto ng hapunan. Busy kasi ang karamihan at kaming dalawa ang nalibre na. 


Nagluto kami ng pork steak na halos si Aila lang din ang gumawa. Hindi kasi ako ganon kagaling magluto, tagahiwa lang ako at kung susumahin ay alalay niya. 



"Kain na daw po." Tawag ko sa mga dito na naipon sa kwarto. Mabuti nalang ay ang dami ng electricfan sa kwarto at may bintana rin na nakabukas kaya malamig sa loob dahil sa simoy ng hangin. Kung hindi ay baka para na silang nilalaga doon sa sobrang init. 



"Wow, steak, kayo nagluto Xavi?" tanong ni Tera nang maupo sa kaniyang bangko. 


"Ako lang naghiwa, si Aila talaga nagluto. Kung ako nagluto niyan ay malamang hindi masarap." ani ko na siyang nakapagtawa sa mga ito. 


Hindi ako gaanong kumakain sa gabi kaya naman ulam nalang ang kinakain ko. Dahil anim kami at kailangan ko magdiet ay hinahayaan ko na silang kumuha nang kumuha. 



Nang matapos kaming kumain si Arven na daw ang maghuhugas kaya ako itong naglinis na ng sarili at nagpalit ng damit pangtulog at nag toothbrush na rin. Paghiga ko sa aking kama ay nag search ako kung paano magkaroon ng healthy diet at sustainable diet. Nakarating ako sa kung ano-anong uri ng diet. Keto, vegan, may crash diet pa akong nabasa pero sa huli ay ang low-carb ang aking napili. Naghanap na rin ako ng calorie counter app para matulungan akong ma track ang kinakain ko. 


"Xav, nakita mo yung pencil case ko? Yung may gunting, glue at stapler sa loob?" Napa-angat ako ng tingin kay Ayen, ilang segundo akong nagloading bago napatayo at dumiretso sa bag ko, doon ay kinuha ko ang pencil case na pinapa-abot sa akin ni Noah. 


"Ito diba?" tanong ko dito at tumango siya, naglakad ako pabalik dito at inabot sa kaniya. 


"Na kay Noah 'yan, ipinabalik nag sa akin, nalimutan ko lang." ani ko bago muling nahiga sa aking kama. 


Bahagyang napatango si Ayen, "Okay." Maikli nitong turan bago naglakad na papalayo. 



Hindi rin nagtagal ay nakatulog na ako habang ang iba ay gising pa. Kinabukasan tuloy ay ako ulit ang naunang nagising. Lagi naman, bago maligo ay nagstretching ako sa sala dahil wala naman ibang makakita. Ilang minuto lang iyon bago ako dumiretso na ng banyo para maligo. 



Mabuti naman ay paglabas ko ay nagluluto na si Addi, nasunog pa yung isang itlog na tinawanan namin parehas. 


"Kawawa yung itlog, bhie. Bakit naman ganiyan?" Natatawa kong turan, "Ay kawasa, nagpasunog siya." sagot nito at lalo kaming napahagalpak ng tawa. 


"Paunahan nalang sa masarap na itlog mamaya." ani ko bago muling pumasok ng kwarto, gising na si Aila ngunit nakatulala lang ito. 


Nag-ayos na lamang ako ng aking sarili habang pinapanood silang utay-utay maligo at mag-unahan sa banyo. Iba talaga kapag maagap magising. 


"Uy, Yen, parang stress ka agad." ani ko dito nang makita siyang hagas sa kaniyang binabasa sa kaniyang cellphone. 


Umiling ito, "Wala 'to." Maikli niyang sagot bago bumangon na at kumuha ng isusuot. 


Tumango nalang ako at naghintay na magtawag si Addi na kakain na, paglabas ko ay may luto nang hotdog at sinaing, may niluto rin itong vegetable mix na siyang inupakan ko. 



"Starting today, mag d-diet ako. Mag au-audition ako sa pep squad next year." ani ko habang kumakain. 


"Ah yes, kaya mo yan, support." ani ni Tera at napangiti ako. 


"Oo nga Xavi, kaya mo 'yan, support ka namin." Dagdag ni Aila kaya naman mas lumawak ang ngiti ko. 


"Thank you, nakaka motivate sa buhay." ani ko sa mga ito. 



I'm just really thankful an kaibigan ko sila, na napapaligiran ako ng mga ganitong uri ng tao. Yung supportive at mapagmahal pero minsan parang ang sarap layasan. Lalo na si Addi na laging may topak. Kung ano-ano ang sinasabi. Pero masaya rin na ganun siya, lagi niyang ni li-lift up ang mood ng dorm at ng paligid. Kung wala siguro siya dito ay baka ang tahimik namin. Umiingay lang naman ako kapag may naunang mag-ingay, hinid gaya ni Addi na sa gitna ng katahimikan ay nag j-joke. 




"Why aren't you eating?" tanong sa akin ni Bright, napa-angat ako ng tingin mula sa aking IPad at nginitian ito. 


"Diet ako." sagot ko at napakunot ang noo nito. 


"Why? You look so fine." ani nito at napangiti ako, "Thank you, but I need to." sagot ko at binitiwan nito ang tinidor niya na ginagamit panturok ng fries na binili niya. 


"Why? May nang aaway ba sayo? Is someone making jokes on your body?" tanong nito, at sa tono palang ng boses niya ay alam kong hindi siya natutuwa sa mga sinabi ko. 


Umiling ako, "No, hindi ganun, huwag ka masyadong over-reacting. Its just... I want to join the pep squad next year, eh baka hindi ako makapasa kapag chubby ako." Paliwanag ko at doon ay utay-utay kumalma ang kaniyang ekspresyon. 


"Ah... no more fluffy hugs?" tanong nito at napahagalpak ako ng tawa. 


Tumango ako, "Oo, kasi magiging sexy na ako." sagot ko at napasimangot ito. Halatang nagbibiro. 


"Fine, but do it in a healthy way, okay?" ani nito at tumango ako. 


"Of course, I want a sustainable diet." sagot ko at tumango siya bago muling dinampot ang tinidor at tumurok ng fries. 


"Kaya eat this." Itinappat nito ang tinidor sa may bibig ko, wala na akong nagawa kundi ang kainin ito. 


Kaunti nalang tulog makakain ko for dinner. 




Buti nalang at naisipan nila gumawa ng spring rolls, tuwang tuwa ako dahil gulay ang laman nito at ang iba ay may laman na karne. 


"We should make more of this soon." ani ko habang may laman ang aking bibig. 


"Bagay siya sa diet ko." ani ko bago muling kumagat. Isama pa na may sawsawan kami na gawa ni Tera ay mas sumarap ito. 


"Sarap talaga mare, galing mo mag luto!" ani ko kay Ayen, siya kasi ang may gawa ng spring rolls. 


"Favorite ko na 'to mare, mag-aaral ako gumawa nito." ani ko bago inubos na ang kanino kong hawak. 


Saktong kukuha ako ng panibagong spring roll nang may tumawag sa akin, napatingin kaming lahat sa aking cellphone na nasa pagitan lang namin ni Tera. 


"Ayan na yung mas masarap para kay Xavi, si Bright." ani ni Aila habang pinapa alon-alon pa ang kaniyang kulay. 


"Kumain ka nalang." Napatawa kami nang biglang supakan ng pagkain ni Arven si Aila sa bibig. Pagdampot ko ng cellphone ko na nakataob ay akala ko si Bright o si mama lang ito. Kaya namna laking gulat ko nang makita na si Jake iyon. 


"Gaga si Jake!" Nagpapanic kong turan, 

"Oh, sagutin mo." ani ni Tera, napatakbo ako palayo ng lamesa. Bakit naman tatawag ito? Ano kayang meron? Ang alam ko ay magkasama sila ni Ken sa condo ng ate niya, sana naman ay walang nangyari masamang kay Ken. 


"Hello? Napatawag ka?" Mahinahon kong turan nang sagutin ko ang tawag. 


[Hey, busy ka sa Thursday next week?] Natigilan naman ako sa tanong nito. 


"Huh? Why?" Nagtataka kong tanong, ano bang trip nito? Madalang ko na nga maka-usap tapos biglang susulpot at nagtatanong ako kung free sa susunod na linggo. 


[Basta, free ka next Thursday?] tanong ulit nito at napasimangot ako. 


"Ano nga muna meron?" Pangungulit ko dito. 


Narinig ko itong napabuntong hininga sa kabilang linya, [Pasukan sa USTe, sama ka?] tanong nito at napakunot ang noo ko. 


Hindi ba't... "Jake... diba taga Ateneo ka?" tanong ko dito, narinig ko itong napatawa sa kabilang linya. 


[Oo nga, may kabigan si Ken na pwedeng magpasok sa akin, tapos si Ken ang magpapasok sayo. Okay ba?] tanong nito at utay-utay akong napatango. 


"Sure, magsasabi lang ako sa boyfriend ko." sagot ko dito, 


[Oo nga pala, sige sige, pero g ka naman diba? Susunduin kita sa Thursday mga 6PM.] ani nito at muli akong tumango na para naman makikita niya. 


"Oo, payag ako, sige na, bye na, kumakain kami." ani ko dito, nagpaalam na rin ito at pintaya ko an ang tawag. 


"Ano daw?" tanong ni Aila nang makabalik ako sa lamesa. 


"Inaakit ako sa paskuhan sa USTe, siyempre pumayag ako, kaibigan ko eh." ani ko sa mga ito bago muling dumampot ng spring roll. 


"Ay mabuti naman, pupunta rin kasi kami, naka-akit lang din ako kaya di ako makapangakit." ani ni Addi at napanganga ako. 


"Ako rin, inakit lang din ako ng kaklase ko, kaibigan niya taga USTe." ani ni Addi. 


"Ako rin, kaibigan ko taga USTe, inakit ako, isasama ko si Arven." ani ni Ayen, 


Lalong nahulog ang aking panga at napatingin kay Aila, "Kasama ako ni Addi." Napabuntong hininga ako. 


"Pota kayo, muntikan na pala akong maiwan mag-isa dito." ani ko bago nagpatuloy sa pagkain. 


Buti nalang nag-akit si Jake, kung hindi pala ay baka magtampo pa ako sa mga kasama ko dito sa apartment dahil hindi manlang ako sinabihan na pupunta sa Paskuhan. Pero excited ako ngayon, kasi makakapunta ako ng Pasukan sa USTe. Noong Senior High kasi ay usap-usapan yon ng iba kong kaklase at alam ko rin na masaya doon. Kaya naman nang malaman ko na papasok sa UST si Ken ay laking tuwa ko, may ticket ako papuntang pasukan. Pero hindi ko ine-expect na si Jake pala ang mag-aakit sa akin. Yung taga Ateneo pa ang mag-aakit sa akin. 



"Xav? Okay ka lang ba?" Napalingon ako sa aking likuran kung nasaan si Addi. 


"Ha? Oo naman, may dapat bang problemahin?" tanong ko bago inalis ang pagkaka cross ng aking mga braso, ang malamig na hangin dito sa terrace ay nililipag ang ilang hibla ng aking buhok papunta sa aking mukha. 


Ngumiti ito at umiling, "Wala, just checking on you, pasok na ako ha." Paalam nito at tumango lang ako. 



Napakunot ang noo ko bago muling humarap sa kawalan, "Wala naman dapat problemahin diba? Okay naman lahat." 

Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me