LoveTruyen.Me

My Vicious Cycle of You: Mika (On Hold)

Chapter 01 - Can you buy me a planet? (September 07, 2018)

forgottenglimmer

#MVCOY01

Mikaela Jean Fernandez is playing MadCell Rising. Isang fantasy MMORPG game in her laptop, habang nakatutok sa harap ng malaki at natatanging industrial fan sa bahay nila, habang ang nanay niya ay nanonood ng TV. Maya-maya, parang may kumagat na langgam sa gilid ng mata. Hula niya ay baka nilipad ng hangin mula sa bentilador kaya napunta sa kanya.

"Aray..." Sapo-sapo niya ang mga mata.

"Ayan ang sinasabi ko sa'yo. Eh di sumakit na 'yang mata mo? Sa kaka-computer mo 'yan."

"Hay nako ma!" Gustong matawa ni Mikaela. Pero at the same time medyo naiinis na naman siya. Talaga namang lahat ng masamang bagay na mangyari sa kanya, isinisisi nito sa computer.

"Tigil-tigilan mo na 'yang computer na 'yan Mikaela, ha. 'Yan ang sisira sa buhay mo. Sinasabi ko sa'yo. Palagi ka na lang puyat. Tignan mo sa pasukan, baliktad na naman ang tulog mo. Mahirap ka na naman gisingin!" Gusto sana niyang sumagot na langgam naman talaga ang may may sala sa pag-sakit ng mata niya. Pero hindi na lang siya nagsalita.

Gusto niyang sabihin na bakasyon pa naman. Ni hindi pa nga nagdidilim sa labas eh para pagsabihan siya na nagpupuyat lang siya sa kakalaro. Pero alam niya namang nagpapasaring lang ito sa isa sa pinakagusto niyang bagay sa mundo. Dahil may sapat itong dahilan.

Kaya kahit hindi pa siya nakaka-join sa guild, naglog out na siya at umupo sa sofa. Kahit ang totoo, wala namang kaibahan kung maglalaro siya o sasamahan ang nanay niya na manood ng TV. Parehas lang na masasayang ang oras niya. Sayang lang at hindi na niya mawiwitness ang final battle ng favorite teams niya sa MCR. Ine-expect pa naman sana niyang mawiwitness niyang maglaro ulit ang favorite players niyang na sina AFrenchKiss44 at UnladenJay, kahit na sinasabing hindi naman sila maglalaro ngayon at tsismis lang 'yun.

Ang totoo, medyo bored din siya sa laro ngayong araw dahil ang kulit-kulit lang ng boyfriend niyang si Jupiter. Halos hindi siya makaconcentrate sa pinaggagagawa nito. Kanina pa PM ng PM sa kanya ang character nitong si JupiterFreeyas sa loob ng game na magpakasal na daw sila. "Magpakasal" not in real life, pero sa loob ng MadCell Rising. Kanina pa ito send ng send ng motion request na "Will You Marry Me" pero panay reject na lang siya.

Hindi naman sa ayaw niyang ikasal, pero naghahanap sana siya ng mas mataas ang level na partner sa laro para naman mapakinabangan niya. Tutal hindi naman ito real life eh. Laro-laro lang naman. Pero si Jupiter, napakaseryoso sa kasal na 'yun at ayaw pumayag na ikasal siya sa iba na akala mo magchi-cheat talaga siya.

Bored na nililipat-lipat niya ang channels nang tumunog ang landline. Saktong patayo rin ang nanay niya kaya ito na lang ang sumagot. Raising an eyebrow, lumingon siya sa kinaroroonan ng telepono. Who the hell dials a landline in this day and age? Eh halos hindi na nga lang nila pinapatanggal ang telepono na 'yun dahil wala naman daw kabawasan sa internet cost, mawala man o hindi.

Hindi niya na lang pinansin at nagstay na lang sa News Channel. Balita ngayon ang pago-open ng ManSoft, isang bagong local software company, to be a publicly traded company. Mika couldn't understand anything about Initial Public Offering pero ang alam niya, may sabi-sabi na ang founder daw ng ManSoft ay bata pa. Pero ngayon, isa na ito sa mga batang billionaire sa bansa. Hindi niya alam kung totoo 'yun dahil noong sinearch niya naman ang ManSoft sa wiki, babaeng 60+ na ang may ari. Pero ganoon pa man, hanga pa rin siya sa kumpanyang ito. Isa lang naman gaming app na sumikat sa dami ng nagda-download a few years ago, hanggang sa lumaki ng lumaki, hindi lang sa Pilipinas, kundi sa ibang bansa.

Mikaela muses over the fact that someone is earning billions dahil lang sa isang app. Idol niya ang founder nito dahil kahit ngayon, kahit sab-sabi lang, binansagan na itong billionaire with no face dahil hindi pa rin nagpapainterview sa media. Pangarap niyang maging katulad nito kahit ang totoo, hindi naman siya ganun ka genius para ma-achieve 'yun. Kaya kahit siguro magtrabaho man lang sa kompanya kagaya ng ManSoft pagkagraduate niya, magiging masaya na siya.

"Mikaela. Si ano mo."

Napalingon siya sa nanay niya na ngayon ay naglalakad na papuntang kusina. She knew exactly who the caller is kahit hindi pa sabihin ng nanay niya ang pangalan. Bakit nagtaka pa siya? It's Jupiter. Hindi niya naisip na alam pala ng boyfriend niya ang landline number nila. She sadly looks at her phone and her failed effort na patayin ito.

She bit her lip as she walks towards the landline.

"Hello? Ano 'to Piter?" Tinignan niya ang cellphone. Wala naman itong bagong message bukod sa mga pangungulit nito kanina.

"Ba't ka naglog-out bigla?"

"Ano?" Hindi siya makapaniwala sa tinatanong nito. "Bakit dito? Piter naman."

"Anong bakit dito? Hindi ka naman sumasagot sa tawag sa cellphone eh. Hindi mo pa inaaccept 'yung marriage request ko sa'yo sa game. Ano ba gusto mong gawin ko?"

"Hindi ba sabi ko sa'yo, huwag kang tatawag. Alam mo namang badtrip sa'yo si mama ngayon eh." Mahinang sabi niya. Alam niya kasing nakikinig ang nanay niya mula sa kusina.

"What choice do I have? Saan ba kita pwedeng ma-contact?" His voice is perfunctory. Halos parang hinihingal.

Parang lalo tuloy na-konsensya si Mikaela. Ang totoo, wala naman talagang kasalanan si Jupiter sa kanya. Masama lang talaga ang position niya ngayon sa pamilya niya, lalong lalo na sa nanay niya, dahil sa isang malaking desisyon na ginawa niya a few months ago.

Supposedly, she is graduating this Academic Year. 5th year college na sana siya sa kursong Business Administration and Accountancy. Her last year in college kahit na graduate na last April halos lahat ng mga kaibigan niya. Malapit na ang first day si Alyanna sa papasukan nitong ad agency. Nagrereview na lang rin si Zylie para LET at makakapagturo na ito anytime soon. At ang longtime boyfriend nitong si Silver, with his brain, sobrang tagal na nitong natapos ang kursong Chemical Engineering kahit na parehas lang naman silang limang taon dapat ang kurso.

Napag-iwanan na talaga si Mikaela.

"I'm sorry." She said but deep in her heart, Mikaela knows she's not.

Dahil alam niyang kaya lang naman bad mood ang nanay niya ngayon ay dahil sa paglipat niya ng kurso. It took her 4 long years bago niya malaman ang gusto niya. Okay lang sana kung first time niya lang magshi-shift ng kurso, pero pangalawa na.

Pumasok si Mikaela ng Lakewood Portico College sa kursong A.B. Psychology dahil noon, wala lang talaga siyang alam kung ano ang gusto niya. Umiikot lang ang mundo niya noon kay Jupiter. Wala siyang ibang alam 'nung high school na gusto niyang gawin at gustong maging. Sapat na sa kanya 'yung pagpa-plano na magkasama dapat sila ng boyfriend niya. Same course. Kahit hindi same year, at least puwedeng maging same work. Tapos magpapakasal. Magkakaanak. Akala niya ganun lang 'yun kadali. Parang bullet points lang na dadaanan. Parang checklist na tatantosan mo lang kapag nakarating ka na sa milestone na 'yun ng buhay mo.

Pero hindi pala. Ang hindi niya alam, marami palang in between. Mga bagay na hindi mo nakikita at nararamdaman dati, dadating siya na parang balitang hindi mo inaasahan. 'Nung nabuksan na 'yung mata niya kung gaano kalaki ang mundo, parang nalaman niya sa sarili niya na... hindi naman pala talaga siya para sa Psychology. Na pangarap lang ito ni Jupiter. Hindi sa kanya.

Kaya after 2 sems, nagtransfer siya. Kahit ang totoo, hindi niya pa rin alam kung ano na ba talaga. Basta ang alam niya lang, ayaw niya na. Hindi niya nakikita ang sarili niya sa kahit ano mang magiging trabaho ng nagtapos ng kursong ito. Hindi pala sila magkatulad ng boyfriend niyang si Jupiter. Kaya lumipat siya. Business Administration and Accountancy ang pinag-shift-an niyang course. Mahirap, pero nag-overload siya. Makabawi man lang sa sakit ng ulo na dinulot niya sa nanay niya. She promised, na makakahabol siya at makakagraduate on time, hindi man kasabay nila Zylie at Yanny, dahil 5 years ang kursong ito, but she will make sure, na hindi siya mae-extend ng 5 years.

Pero, sabi nga, promises are meant to be broken. Ayaw man ni Mika na baliin ang pangakong binitawan niya sa mga magulang, kailangan niyang gawin. Nakatapos na siya ng 4th year ng BAA, na puro pagod at puyat dahil sa pagooverload, at katakot-takot na letters para makuha niya ang isang subject. Matapos niyang makahabol, at on time na siya kasama ang mag ka-batch, natauhan siya.

Nalaman niya na talaga kung anong gusto niya. At hindi Business Ad and Accountancy.

Computer Science. 

Nandito pala ang puso niya. One day, nagising na lang siya eh. Gusto niyang maging games developer, o kaya naman, web designer, o programmer, o software engineer! Bigla na lang parang nabuksan 'yung mga mata niya na dito pala siya nababagay.

It took her so many years in college para ma-pinpoint kung ano talaga 'yung nasa puso niya. She wished na ganito na at alam niya na sana ito high school pa lang. But there's no way for her to know these things. Na 'yung Business Ad and Accountancy, kinuha niya lang para makaalis sa Psychology.

Pero 'eto? Ang computer science? 'Eto na talaga eh! Sigurado na talaga siya.

Pero siyempre. Ang pamilya niya, sobrang nadisappoint sa pagshi-shift na naman niya. At naiintindihan niya 'yun. Siguro sa tingin ng mga 'to, nagsasayang lang siya ng pera. Na sobrang fickle minded niya. Na sumusuko na siya agad, kapag nahirapan.

Dahil hindi 'yun totoo. Pero kahit anong gawin niyang paliwanag, hindi na yata naririnig ng nanay niya. Masamang-masama lang ang loob nito at inggit na inggit sa mga classmate niya nung high school, at mga anak ng mga kaibigan nito na nagsi-graduate na. Dahil heto siya, back to zero.

Lahat ng mga pinaghirapan niya sa mga majors, mauuwi sa wala. Maliban siguro sa mga minor at general electives, wala siyang mapapakinabangan sa lahat ng units na kinuha niya simula freshman.

Wala mang nagawa ang nanay niya sa desisyon niya, (dahil hindi pa rin naman siya maisako at matapon sa ilog dahil anak pa rin naman siya) pero nawalan naman na na ito ng giliw sa lahat ng bagay tungkol sa kanya na kaya ngayon, kahit na kay Jupiter, na boyfriend niya for 7 years, indirectly, nasisisi na rin ng nanay niya. Napapagbuntunan din ito ng inis at disappointment.

"I'll be there okay?"

"Ha? Anong oras na ba? Mamaya pa tayo magkikita di ba?"

May usapan kasi silang lahat. Siya, si Jupiter, si Zylie at Silver, si Alyanna at ang pinsan ni Jupiter na si Ellie, na magkikita-kita para kumain sa bagong bukas na Buffalo Wings Place sa susunod na town. Alas kwatro ang usapan nila, at pagtingin ni Mikaela sa orasan ay alas dos pa lang naman.

"H-ha? Grabe naman baby love, hindi ba man lang tayo mauunang magkita muna? Di mo na nga ako kinakausap at mini-meet sa laro, pati ba naman sa totoong buhay?"

Mika cringed at the term of endearment. Hindi niya talaga alam kung anong nangyayari sa kanya ngayon. Siguro dahil na rin sa masamang lagay ng state of mind niya dahil sa mga recent events, pero parang nahihiya siya na tinatawag na baby love. Na para bang hindi siya nasanay na tinatawag ng ganoon ni Jupiter. Na para bang hindi niya ito tinatawag ng ganito ever since.

"Piter, huwag ngayon please. Huwag ngayon."

Isang malalim na buntong-hininga ang narinig niya mula sa kabilang linya. Nakonsensya na naman siya. Pero hindi niya din maintindihan kung bakit ipipilit pa rin ni Jupiter na magkita sila na katulad ng dati. Na mauuna sa bahay nila, magsi-siesta at maghintay ng ilang oras bago sila dumiretso ng kahit anong lakad. Okay lang naman dati eh. Legal naman sila at sanay na sanay lang ang nanay at buong pamilya ni Mikaela na nakikita si Jupiter na para na ring pamilya.

Pero iba ngayon. Iba dahil kahit anino mismo ni Mika hindi na ganoon kaganda. Paano pa sila makakatambay ng katulad ng dati? Pero 'yun ang hindi niya maintindihan kay Piter. Kung bakit parang hindi nito ito nararamdaman. Kung gaano siya nagigipit. Kung gaano siya naiipit.

"Alright. Alright."

Binaba na nito ang tawag. Matagal ng naging busy ang dial tone, pero nakahawak pa rin dito si Mikaela. Hindi niya kasi matantsa ang totoong nararamdaman niya. Kung naiinis ba siya o nagi-guilty. Nagkulong na lang tuloy siya sa kwarto at nagpasyang aantayin ang oras para makapagbihis.

3:20pm pa lang, tapos na siyang mag-ayos. Kilay lang naman kasi ang pinakaimportanteng make up para sa kanya. Hindi dahil kilay is life, pero wala talaga siyang kilay kapag hindi naglagay. Mukha siyang Mona Lisa. Hindi niya alam kung bakit numipis ng ganoon ang kilay niya dahil dati naman, parang gubat ito na magulo at medyo makapal.

"Ate!" Marahang kumakatok si John Pierre, kapatid niya, sa labas ng pintuan ng kwarto nila. Magka-share na kasi sila ngayon ng kwarto. Nahihiya na lang din dahil kahit forever baby brother ang turing niya dito, binata na ito ngayon. John Pierre is already 18 years old this year. Nasa Grade 12 na ito ngayong pasukan at magaabot na sila sa college sa susunod. Kung hindi nga lang sana ito naabutan ng K-12 program, talagang nasa college na rin si Jap. Kaya ang weird na hanggang ngayon ay magkasama pa rin sila sa kwarto ngayong may girlfriend na rin nga ito.

Ang totoo, Tatlo naman talaga ang kwarto nila sa bahay. Sapat lang talaga para sa kanilang pamilya. Kahit magkatabi talaga sila ni Jap dati, ginawang maliit na kwarto na rin 'yung isang parte ng bodega sa likod at ginawang kwarto ni Jap noong magsimulang magbinata.

Pero 5 years ago, bago sila gumraduate ng high school nila Zylie at Alyanna, namatay ang lolo ni Mikaela sa probinsya. Ang tatay ng nanay niya na nakatira sa probinsya. Umuwi ang nanay niya noon para mag-asikaso ng libing, pero pagbalik, kasama na nito ang lola Lolita niya, ang tito Arlington at ang buong pamilya nito. Matandang kapatid ng nanay niya si Arlington pero wala itong trabaho, rumaraket-raket lang kung saan-saan. Dala-dala nito ang asawa nitong si Nana, at anak na si Kassandra na ilang taon lang ang tanda niya.

Biglang sumikip ang bahay nila noon. May hindi talaga pagkakaunawaan sa pagitan ng nanay niya at ang pamilya nito. Hanggang ngayon, pinipilit ng pamilya ng nanay niya na bayaran ang sustentong hindi nito binigay sa mga ito noong maglayas ang nanay niya noon at iwan ang mga ito sa probinsya. Bagay na hindi maintindihan ni Mika. Kaya ngayon, tumitira ang pamilya ng nanay niya sa kanila na halos libre.

Kaya lalong mainit din ang ulo ng nanay niya. Hindi nito maaway ang mga kapamilya kahit minsan, sumosobra na.

Kaya ang siste, ay nagkaroon na lang ng divider at kurtina ang kwarto nilang magkapatid. Kahit mga dalaga at binata na, hindi nila maiwasang hindi magsolo.

"Oh? Wait lang Jap. Nag-aayos lang si ate." Nagkakaroon lang ng mga ganitong pagkakataton na kailangan talagang may lumabas at kumatok sa kanilang dalawa. "Saglit na lang!"

"Hindi ako papasok ate, nasa baba kasi boypren mo."

"H-ha?!"

"Nasa baba si kuya Piter." Inulit ng kapatid niya sa pag-aakalang hindi niya narinig.

"Hay alam ko!" Sigaw niya pagbukas niya ng pinto. Halos hindi pa plakado 'yung kilay niya pero patakbo siyang bumaba.

Nakita niya si Jupiter na nakaupo sa sofa. Her mom out of sight pero alam niyang nandoon lang siguro ito sa kusina o sa banyo. Sinasadyang hindi lumapit sa boyfriend niya. Nakaramdam na naman tuloy si Mikaela ng bigat sa dibdib dahil dito. Sa cold na pakikitungo ng nanay niya, siguradong sermon na naman ang abot niya paguwi nila. Imbes na lakad ng barkada ang ipinaalam niya, mafo-focus na naman sa pagboboyfriend ang ii-issue ng nanay niya.

Pero mas lalong nairita si Mikaela nang makitang tatawa-tawa pa si Jupiter katabi ng pinsan niya.

"Haha! Medyo buo-buo pa 'yung caramel."

"Grabe naman 'to si kuya Jupiter." Maliit pa ang boses na ginamit ni Kassandra na may halong landi.

Iritang-irita si Mika. Bakit ba siya lang ang nakakakita ng kalandiang ito? Papunta na sana siya para sugurin si Kassandra pero naramdaman niyang pinipigilan siya ni Jap na nasa likod niya.

"Te. Mamaya mo na awayin si ate Kass. Magpapaalam pa ako kay mama, pupuntahan ko si Alecia mamaya eh." Bargain ni Jap sa kanya ayaw nitong magkagulo hangga't hindi pa siya nakakapagpaalam. Alam nilang dalawa na kapag naapektuhan na ang mood ng nanay nila, wala nang makakatakas na magpaalam. Badtrip na lang ito buong araw.

"Ikaw. Umuwi ka mamaya agad ah. Huwag ka masyado papagabi dun sa girlfriend mo." Bulong niya dito habang hinahanap ng mga mata niya kung saan nandoon ang nanay niya. At saka niya lang niya ito nakita

"Oo ate. Go na. Larga na kayo ni kuya Piter. Iinit na naman ulo ni ermats."

Tumango siya kay Jap at pumunta kay Jupiter.

"Halika na." Hinawakan niya ito sa braso at hinila palabas. Ni hindi niya na lang din binigyan ng pansin si Kassandra.

Narinig na lang nila ang litanya ng nanay niya: "Umuwi ng maaga. Tipirin ang pera, hindi tayo nagtatapon ng salapi. Buti sana kung nagtatrabaho ka na para nakakatulong dito eh, hindi pa naman..."

"Opo ma. Alis na po kami." Walang emosyon na sabi niya habang naglalakad sila palabas.

Alam na alam niya naman na pinaparinggan lang siya ng nanay niya. Kahit naman kasi nagtatrabaho na si Jupiter as Human Research Associate sa isang kumpanya sa malapit, part-time lang ito dahil nagaaral pa rin si Jupiter ng Masters in Psychology. Kaya para sa nanay niya, wala pa rin itong trabahong matino at wala pa ring patutunguhan ang relasyon nila. Dahil para sa mga magulang, stable na trabaho lang naman ang magde-define sa perfect significant other eh. Stable job din ang magpapapatahimik sa nanay niya— na ngayon ay parang wala sila.

Kaya parang indirectly, sinasabi nito na pera pa rin ng nanay niya ang ginagastos niya sa mga lakad na ganito.

Kung sabagay, tama naman talaga ito. Wala siyang sariling pera. Umaasa lang siya sa magulang at parang binigo niya ang mga ito sa pagshift. Sa paulit-ulit na pag-shift. In an ideal world, iniisip niya na susuportahan siya ng mga ito with no questions. Pero she's not in this ideal world. Wala silang sapat na pera. Alam niyang mahirap ibigay ang suporta kung ubos na lahat ng pinagkukunan nila ng yaman.

Kaya naiintindihan niya talaga sila ng sobra dahil siya talaga ang may kasalanan. Her mistake is her indecision. Pero hindi siya hihingi ng tawad na pinipili niya ngayon ang landas na gusto niya. Hinihingi niya lang na intindihin siya dahil natagalan siya— sa pagdedesisyon, sa pag-iisip. Sa pagkapa kung anong kinabukasan ang gusto niya.

"Hindi ba sabi ko sa'yo, huwag ka na ngang pumunta." Malumanay na sabi ni Mikaela kay Jupiter noong malayo na sila sa bahay. She's soft spoken, but deep inside, kumukulo talaga siya.

"Sinundo lang kita."

Napapikit siya. Like it made a lot of difference. Hindi nga sila tumambay sa bahay, nakita pa rin ito ng nanay niya. Okay na nga kanina ang pagpapaalam niya sa get together nila ng mga kaibigan niya eh. Wala na ulit siyang narinig. Pero ngayon ang sama na naman ng pinakita ng nanay niya dahil sinundo siya ni Jupiter.

"Mika. Kung 'yung pinsan mo na naman. Alam mo namang 'di ko papatulan 'yung childish na bata na 'yun. Sa harap pa ng pamilya mo? Eh hindi nga masarap 'yung caramel cupcakes na ginawa—"

"Hindi 'yun! Wala akong pakialam sa spoiled na palamuning babaeng 'yun na umuubos ng pera namin!"

"Mika!" Nagtaas ng boses si Jupiter. Bahagyang tumingin sa likod nila dahil hindi pa sila nakakalayo ng bahay. "Kung makapagsalita ka, eh pinsan mo 'yun."

"Hindi nga kasi si Kassandra!" Halos sumigaw na si Mikaela. "Hindi mo talaga ako naiintindihan Piter?"

Napatigil na lang tuloy si Jupiter sa pagsasalita. Now, all ears.

"I thought naiintindihan mo. 'Di ba lahat naman naiintindihan mo sa human behavior? Bakit 'di mo magets 'yung posisyon ko ngayon sa nanay ko? Hindi ba dapat alam mo na 'yun? Hindi ba magaling ka?"

Jupiter remained silent. 'Yung issue pa rin pala sa nanay ni Mika ang ipinuputok ng butsi nito.

"Mika, ang unfair naman kasi. Wala naman akong kasalanan. Bakit parang ako 'yung magtatago? Naiintindihan naman kita eh. Pero sana naiintindihan mo rin ako."

"Naiintindihan mo ako? Pero anong nangyari dun sa pinapakiusap ko sa'yo? Favor nga 'di ba? Nakiusap ako sa'yo tapos nag-okay ka naman." Nanginginig na ang laman niya. Wala siyang karapatang magalit pero ito talaga 'yung nararamdaman niya kaya pinipigilan niya na lang tumaas ang boses. "Sana maki-cooperate ka man lang kasi ako 'yung uuwi doon at forever papakiharapan 'yung nanay at tatay ko eh. Ineexpect nila, gagraduate na ako eh. Na malaki na itutulong ko sa gastusin pagtapos ng year na 'to. Tapos panibagong gastusin na naman. Paulit-ulit na lang ba tayo dito? Magpalamig muna tayo. Ilang libong beses ko ba sasabihin para naman hindi ka manggulat sa bahay?"

"May trabaho naman kasi ako eh. Kung gusto mo, magbigay rin ako sa inyo?"

Mikaela scoffed.

"Nasisiraan ka na ba? Wala ka bang pamilya? HIndi ka ba nagbibigay sa pamilya mo? Mayaman ba kayo?" Mika said with all sarcasm.

"Hindi naman sa ganun. Mik."

"Besides, nag-aaral ka pa rin. At 'di pa naman tayo mag-asawa!"

"Pero dadating naman tayo doon. Siyempre dadating tayo doon."

"Pero wala pa tayo doon!" Mikaela's voice almost wavered. Lalo na nang mamataan niya ang sakit sa mata ni Jupiter. "P-pero. Hindi 'yun 'yung point!" Tumaas na ang boses ni Mika. Nagtinginan tuloy ang mga ibang nasa paligid. Ito pa naman ang pinaka-ayaw niya. Maging isa sa mga couple na nagaaway in public. Pilit niyang pinapakalma ang sarili. "Just please understand. Magpalamig muna tayo kina mama."

Tahimik si Jupiter.

"Alright. I'm sorry."

"Ayan ka na naman sa alright, alright mo. Tapos 'di mo naman pala naiintindihan."

"Sorry na nga." Hinimas nito ang dalawang balikat niya. "Okay? I'm sorry." From Jupiter's previous stern expression, bumalik ang puppy eyes nito. "Promise. Hindi muna ako magpapakita kina tita. I promise. I'm sorry. Huwag ka ng magalit."

"Do you even know what you're sorry for?" Mika doesn't even know why she can't let go of the issue. Siguro dahil nainis talaga siya na akala niya malinaw usapan nila noong nakaraang araw up until kanina na magkausap sila sa telepono. Pero biglang nagpakita pa rin ito.

Parang tanga lang?

"Hay nako, Mikaela Jean."

Nakita ni Mikaela na naglabas si Jupiter ng sigarilyo. Hindi nito sinindihan pero alam niyang kapag nakarating na sila sa bus stop at stressed pa rin ito, magyoyosi ito doon. She knew him too well at alam niyang pinagpapasensyahan lang din siya nito. Pero nanatili lang siyang tahimik.

Noong tanaw na niya ang bus stop, nakita niyang wala pa ang mga kaibigan niya dito. Walang tao bukod sa isang lalaking nakasuot ng purple. Kinuha ni Mikaela ang cellphone para itext si Alyanna at Zylie na magmadali na. Awkward din kasi siya sa pagtayo kasama ni Jupiter with her mixed and confused feelings of guilt and irritation.

Hindi niya alam na puwede palang maramdaman ng sabay ang ganoong klaseng pakiramdam.

Katulad nga ng naisip niya, pagtapak na pagtapak nga nila sa bus stop, lumayo sa kanya ng ilang dipa si Jupiter. Alam kasi nitong ayaw na ayaw niya ng yosi. Nakita niya sa peripheral vision niya na sinindihan na ni Jupiter ang sigarilyo. She checks her phone. Sumagot na si Zylie- malapit na daw ito at kasama ni si Alyanna.

Itatanong pa lang ni Mikaela kung kasama ba si Silver, nang magsalita ang lalaking naka-purple at kinausap si Jupiter.

"Excuse me, but can you buy me a planet?"

Doon lang natitigan ni Mikaela ang lalaki. Uncharacteristically, the guy is wearing a thick purple hooded jacket. He's very slender na pati ang mga daliri nito na tanging nakikita ni Mikaela mula sa mahabang sleeves ng jacket, ay parang sa babae. And he looks so pale na parang may sakit.

"What?" Sagot ni Jupiter pagkatapos ibuga ang usok. He has this WTF look in his face sa unusual question ng kaharap.

"I am asking you if your money can buy me another planet?"

Doon lang natawa si Mikaela. Nakatingin ang lalaki sa sigarilyo ni Jupiter, completely annoyed of his smoking. Mika is shocked that out of all things to tell a smoker, ito pa talaga ang napiling sabihin ng lalaki. They guy is full of subtexts and sarcasm na parang sinasabi kay Jupiter na wala siyang karapatang manigarilyo kung wala siyang pambili ng ibang planetang paglilipatan niya sa parang sanctimonious na lalaking ito.

Walang nagawa si Jupiter kundi ihulog ang yosi at tapakan. It's the first time that he has encountered such man. Pero mas lalong sumama ang tingin ng lalaki, halos hindi pumipikit. Napilitan tuloy si Jupiter na kunin ang cigarette butt at maglakad palayo para maghanap ng pagtatapunan.

Dito, hindi na talaga napigilang tumawa ni Mikaela. Such an entertainment right before her eyes! But she immediately felt bad. Hindi dapat niya pinagtatawanan si Jupiter. Not when they're not exactly in good terms.

"Mika!!!"

Napalingon si Mikaela sa mga bagong dating. At last, dumating na rin ang dalawang bruha niyang kaibigan.

"Ang tagal niyo ha."

"Grabe, on time kami." Sagot ni Zylie. Magkakabit ang braso nito kay Alyanna.

"So true. Ikaw kaya ang napaaga. Nasaan si kuya Piter?"

"Ayun oh." Tinuro niya si Jupiter na papalapit na sa basurahan sa 'di kalayuan  Hindi niya tuloy maiwasang tignan ulit ang makulit na lalaking naka purple, na tahimik na ulit sa gilid. Parang namumukhaan niya ito, hindi niya lang maalala kung saan niya ito nakita.

"Oy! Teacher Zyla, Boss Alyanna!" Sabi ni Jupiter nang makalapit. Di naman maiwasan ng dalawa na kiligin matapos banggitin ang kani-kanilang propesyon. Parang hindi pa rin makapaniwala. "Si Engineer?" Tanong nito nang makitang wala si Silver.

Zylie shrugged.

"'Di ko na inimbita. May plant inspection pa siya today eh. Biglaan kasi may problema daw sa planta."

"Ano ba 'yan Zylie, hindi ba siya pwedeng mag-leave? O tumanggi? Napag-usapan na natin 'to eh." Pagpupumilit ni Alyanna. Pero ngumiti lang si Zylie, thinking what's best for Silver.

"So, ako lang pala lalaki ngayon."

"Okay lang. Woman rules. Feminism rocks." Tatawa-tawang sagot ni Yanny. Pati si Mikaela ay natawa na rin. Para kasing wala sa hulog ang mga sinasabi nito.

"Eh nasaan si Ellie?" Tanong ni Zylie. Napagisip din tuloy si Mikaela. Dahil sa pagtatalo nila simula sa bahay, hindi na tuloy niya naisip na dapat kasama nga pala ni Jupiter ang pinsang si Ellie.

"May gagawin daw eh."

"Miks! Kamusta ka and your palamunin extended family?" Taklesang tanong ni Alyanna.

"Baliw ka talaga!" Si Zylie ang sumaway.

Hindi na lang sumagot si Mikaela. Napatahimik na lang din si Jupiter. Sa totoo lang, sobrang daming beses nang itinatanggi ni Mikaela ang katotohanan na ito. Hangga't maaari, hindi niya sinasabi ang salitang palamunin. Pero ang totoo, sa loob-loob niya, ilang beses niya rin bang sinabi ito sa isipan niya?

Ni hindi man lang nagtatrabaho ang tito Alex niya. Pero kung makahingi sila ng pera sa mga magulang ni Mika, akala mo sila ang umuupa sa mga ito. Ang sabi ng tatay ni Mika, kaya lang naman hinahayaan ng nanay niya na gawin ng mga kapamilya nila ito sa kanila ay dahil sa utang na loob na inalagaan nila sa probinsya ang lola't lolo nila Mikaela.

Pero para kay Mika, hanggang kelan ba ang utang na loob na 'yun? Lalo na kung ang madadatnan niya ay katulad ng nakita niya kanina? Si Kassandra, hindi niya na naman alam kung saan nito kinuha ang pinang-bake ng cupcake na ipinapakain pa kay Jupiter. Porke't ba, sila ang nagalaga at nagpa-aral sa nanay niya, may karapatan na ang mga itong gawin ang lahat ng gusto, sundin lahat ng luho at lustayin ang kakarampot na kinikita ng mga magulang niya? Hindi naman sila mayaman?!

Ilalagay niya sana ito sa likod ng utak niya pero nahihirapan na naman siya ngayong ibahin ang lagay ng iniisip niya dahil sa mga sinabi ni Alyanna. Panahon sana nila ngayon para maggala at maglibang— at para sa kanya ay tumakas sa stress na dulot ng mga problema sa loob ng bahay. 

Mabuti na lang, maya-maya, dumating na rin ang bus na inaantay nila. Hindi na kailangang pag-usapan ang extended family niya. Pinauna na ni Jupiter ang mga babae para sumakay. Pero hindi nila inaasahang sisingit ang matangkad na lalaking naka purple.

"Ay!" Si Alyanna ang unang nagreact. Hindi niya inaakalang may mauunang pumasok pa sa kanya gayung papaapak na siya sa unang baitang ng hagdan ng bus. "Parang gwapo sana 'di naman pala gentleman." Bulong nito.

"So this is feminism for you?" Malakas na sabi ng lalaking naka-purple bago humarap kay Yanny.

*later*

>>Next Chapter: Chapter 02 - Confession on Sept 10

A/N: This story is best viewed in white BG because of my annoying borders. So sorry amoled users.

Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me