LoveTruyen.Me

My Vicious Cycle Of You Mika On Hold

#MVCOY14

"Ano bang mangyayari? Ilang araw na lang ng launch? What is supposed to happen now?"

"May nagagawa ba? Kaya pa bang gawin? We should have hourly updates for this, to be honest. How much time should we wait?"

"Better yet, we should just release a statement that we'll be postponing the launch in a later date? Maybe it should save us some face."

"No, we can't do that. That's just admitting to everybody that Black Diamond's new game is really better than us. And that we're just delaying to save our asses."

"But don't you think it's better than nothing? 'Yung wala tayong statement at wala tayong maire-release na produkto on the promised date?"

"This couldn't have happened, if only Juan Danyel is treating his secretaries right."

"No. This won't happen, if he isn't sharing important trade secrets to people not crucial to the game development. What do you think Francis? Dapat inaalalayan mo siya ng ganito."

"As far as I know, Miss David wasn't just a secretary for JD. She was his executive assistant. And inevitably, she will have to know everything." Kiko replied matter-of-factly.

"Pero look at what happened?"

"Wala bang binding non-compete clause to prevent our employees from applying to other companies na direct competition?"

"We aren't even sure kung si Miss David nga ang may kasalanan that's why Black Diamond is releasing the same game as ours."

Sumakit lalo ang ulo ni Kiko sa nakikita at naririnig. Gusto niyang magsisigaw. Dahil ang totoo, wala naman siyang opisyal na posisyon sa kumpanya. Totoo na ilang porsyento ng stocks din ang pagmamay-ari niya, pero hindi dapat siya kasama sa meeting na ito.

Pero anong ginagawa niya ngayon? Hindi lang para kay JD, but also to keep all the anxious members of the board at bay, dumalo si Kiko ng board meeting. Nakaupo sa gilid, tahimik, pero handang sumagot if needed. If Juan Danyel gets pressed.

Gusto niya mang awayin ang mga ito pero wala siyang magawa. Sa isip-isip niya, hindi naman makakatulong lahat ng pagaalala nila at hindi pagtitiwala kay Juan Danyel na kahit pa sabihing walang alam sa business, siya pa rin ang puno't-dulo kung bakit nage-exist ang kumpanyang ito. Without his genius, wala sila lahat produkto. He may not have the vision and the business mind, pero pagmamay-ari nito ang lahat ng games, applications, at software na binebenta ng kumpaniyang ito.

"People... People..." At saka lang tumigil magsalita ang mga tao nang magsalita ang nakaupo sa kabisera. Ang CEO at Chairman of the Board ng kumpanya. Juan Danyel's mother, Minerva Sobrevega-Tanangco.

She has all the aura and grace na kayang magpatahimik at magpanganga sa lahat. She looked at Kiko intensely. Parang gusto niya tuloy tumakbo.

"How is he doing, Francis?"

Kiko clasped at his cupped fist. Hindi talaga siya kumportable sa presensya ng nanay ni Juan Danyel kaya kahit mali na gustong-gusto talaga ng kaibigan niya na paalisin ang babaeng ito sa buhay nito, parang naiintindihan niya na talaga. Kung ikaw rin naman ang magkaroon ang nakakatakot na nanay na ganito, hindi niya rin masasabi.

"They're working on it. We're working on ot." Matatag na sagot niya. Kahit ang totoo ay may kaunting pagdududa din siya kung kakayanin ba ni JD and his team of developers ang lahat.

Ang totoo, sinabihan na siya ni Vincent, ang internal producer nila na hindi talaga kaya na gumawa ng completely different game from what they have planned. Vincent manages the development team, schedules, reports progress, hires and assigns staff at lahat ng mga kinatatamaran at hindi kayang gawin ni JD katulad ng Public Relations, contract negotiation, liaising ng staff at stakeholders, scheduling at budget maintenance, quality assurance, beta test management, and localization. Ito dapat ang humaharap sa mga board meeting na ito.

But just when they asked for the impossible, Vincent resigned. At hindi naman ito masisisi ni Kiko. With all the pressure from the management at ang utos na magproduce ng mga bagay na parang hindi naman kakayanin, alam ni Kiko na hindi na nito kaya talaga. 'Yun lang at hindi niya alam na siya pala ang papalit ng panandalian sa posisyon nito for this meeting.

May tiwala man siya kay JD, pero hindi niya alam kung tama ba ang sinasabi at ginagawa niya ngayon. Totoong tiwala lang talaga sa kaibigan ang pinanghahawakan niya. Tiwala na wala lahat ng board members, pati na rin yata si Minerva, of all people.

"What do you think Alexei?" Tumingin si Minerva sa lalaking nakaupo sa kanan niya. Pinsan ni JD. Si Alexei Mansueto. Anak ito ng pinsang lalaki ni Minerva.

Napatingin din dito si Kiko. This guy. Ito ang paboritong tao ng lahat sa kumpanya and Kiko at least can understand why. He is charming. Sa unang tingin pa lang, with his affable face, alam na kapag kumandidato itong presidente ng Pilipinas, baka nga manalo pa ito. And he studied business for undergrad and gradschool. Basically, he is everything Juan Danyel is not. At ngayon gusto itong sakalin ni Kiko para hindi magsalita ng isang bagay na sobrang kokontra kay JD, because he is sure na 100% papanigan ito ng members of the board.

"Uhm, I personally suggest we wait until tomorrow. If Juan Danyel says he can finish and we can release, then we have to wait."

Parang nakahinga ng maluwag si Kiko. Bihirang-bihira kasi na kumampi ang lalaking ito sa pinsan niya. Ang hula nga ni Kiko ay sa oras na maging malaki na ang kaalaman ni Alexei sa software at game development, gagawin nito ang lahat para mawala si JD sa kumpanya.

But of course, right now, he can't. Hindi pa nila kaya na mawala si Juan Danyel. Nakakainis man ang buong pagkatao nito, he's the necessary evil in this company. And even more. He is the brain. And Kiko doubts na kahit ano pang pagaaral ang gawin ni Alexei, he can't reach the level of intellect that JD has. Kahit sa ngayon na nagsisimula pa lang itong mag-aral ng kolehiyo, at si Alexei ay nakapagtapos na ng undergrad at gradschool, hindi mapapalitan ng isang taong aral lang, ang kabaliwan ng utak ni Juan Danyel.

"But."

Napailing si Kiko. Sinasabi na nga ba niya. It can't be that easy.

"But what?" Tanong niya.

"We can sue him."

"S-sue him?" Tanong ni Minerva. Ramdam na ramdam ang pagpipigil ng emosyon. No matter how neutral Minerva wants to be, of course she doesn't want to throw her own son under the bus.

"Sue him if he doesn't deliver."

"How can you sue your own employee?"

"Technically, he doesn't want to sign any contract relating him to this company and whatnot. Hindi ko alam if this is because of his laziness or just his inability to understand that everything in this company has to be binding. So our HR department is treating him like an outsourced client. So if he doesn't deliver like he promised, we can also sue him."

Ginagawan na nga niya ng paraan, siya pa ang mapapasama? What kind of company is this?

Napapikit na lang si Kiko at nagdasal na matapos talaga ni Juan Danyel, ng designers, ng artists, programmer, level designer, sound engineer, at tester, lahat ng mga dapat gawin bago pa man humanap na naman ng lusot ang mga taong gustong magpaalis kay Juan Danyel sa kumpanya.

Para namang makukuba si Mikaela sa pagbubuhat ng napakalaki niyang bag. Buong araw niya itong dala-dala. Bukod kasi sa baon niya na punung-puno ng kanin para makatipid, ilang kilo ba ang lumang laptop niya? Tatlo.

Idagdag pa ang napakalaking Falcon workstation ni Juan Danyel na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya. Hanggang ngayon pa rin pala ay nasa kanya ang napakamahal na laptop na ito. Mabuti na nga lang at naubos niya na rin ang lunch niya kaya medyo gumaan.

"Anak ng tokwa. Bakit bakit ba hindi ito kinuha ng mga taga Low Grounds? At bakit ba pumayag ako na hindi nila ito tanggapin? Hindi ba mas safe ito sa kanila kesa naman sa'kin?"

"Huy. Sinong kausap mo?"

Lumingon si Mikaela sa likod niya at

"Ellie?! Kamusta?" Tumayo siya para i-beso ito. "Anong ginagawa mo dito?"

"Wala binibisita ko lang si Clem. Mag-classmate nga pala kayo ah."

"Ah. Oo. Sa ibang subjects, oo." Napakamot si Mika. Hindi niya alam kung anong ia-akto sa harap ng pinsan ni Jupiter. Hindi niya alam kung anong alam nito sa estado ng relasyon nila. Lalong hindi niya alam kung nagku-kwento ba si Clementine sa naging kinapuntahan ng real-life relationship niya, ngayong magkaklase at nagkikita na rin sila sa totoong buhay. Para kasing mas close sila noon bilang guild members at magkakilala lang online, kaysa ngayong magka-klase na sila ni Clemclem.

Dahil na rin kasi kay JD. Baka nga may kinukwento pa si Clementine kay Ellie na baka makarating pa kay Jupiter. Bakit hindi niya agad naisip ang koneksyong ito?

"Ah... O-oo nga daw. Oo." Awkward na sagot ni Ellie which confirms Mikaela's thoughts na baka nga may alam ito.

"Uhm. Kamusta?"

"Eto. Job-hunting." Umupo na rin ito sa tabi niya after a couple of awkward paces. "May mga return calls na kaya, mamimili na lang. Medyo matagal lang ang processing."

"Wow. Saan naman 'yan?"

"Basta... Baka ma-jinx kapag sinabi ko eh. Kapag confirmed na at okay na ako sa final interview, sabihan agad kita." Nakangiting sabi ni Elleana.

"Ang saya naman."

At saka lang naalala ni Mika na graduate na nga pala ito. A surge of envy has run through her veins. Bakit bigla siyang nainggit? Only then did she realize na si Ellie indirectly ang dahilan ng lahat. Kung bakit niya nagustuhan ang paglalaro. Kung paano siya nagkaroon ng interes sa mga computers in general.

Na bakit hindi niya ba ito na-realize noong nagsisimula pa lang siya ng kolehiyo? Naiinggit siya na high school pa lang siguro si Elleana, she already knew what she wants to be.

Bakit ba kasi walang nagsasabi sa mga graduating high school dati na isang napakaimportanteng desisyon ang pagpili ng kurso. O siguro merong nagsabi, pero hindi siya nakikinig. Baka siya talaga ang may kasalanan kung bakit hindi niya ito binigyan ng importansya noon.

Sa pagtitig niya kay Ellie, naisip niya na ito ang shadow self niya. Na kahit halos magka-edad sila, mas maaga nitong mararating 'yung mga gusto niya ring marating. Na kahit kung tutuusin, siya naman ang nanggaya, nakakaramdam pa rin siya ng inggit. Ng pagkabalisa. Ng anxiousness na sana, makatapos rin siya ng ComSci ng mas mabilis pa.

"Miks... May tatanong ako."

"O-oh?" She feigned ignorance. Pero naramdaman niyang mas lalo pa itong naging give-away sa kaba niya. Alam niya na kasi ang patutunguhan ng usapan na ito eh.

"Ano na bang nangyayari sa inyo ni kuya Piter? Balita ko—"

"Elleana!"

Naputol ang sinasabi ni Ellie nang dumating si Clementine kasama ang mga kaibigan nito. Parang gusto tuloy ni Mika na umatras.

"Uy, Clem!"

"Ah sige. Ellie. Mauna na ako. Tapos na talaga klase ko eh. Bye... Clem..." Pero hindi man lang siya pinansin ni Clementine na parang wala lang siya doon habang hinihila si Elleana papunta sa mga classmates nito.

Bigat na bigat si Mikaela na pumila sa hintayan ng jeep hanggang sa gusto niya na lang umiyak. Hindi niya alam kung dahil ba sa frustration niya sa malaking bag, sa projections ba ng nararamdaman niya kay Elleana, o sa pagkabuwisit sa mga pinapakita sa kanya ni Clementine.

Bigla na lang siyang pumara ng taxi at dumiretso sa Low Grounds.

Pagpasok pa lang, sumimangot na ang attendant sa front desk na parang nagaalala sa bagyong dulot niya at sa laptop na dati niya pa gustong iwan.

Dahil ganoon pa rin ang sinasabi ng mga ito. Katulad pa rin ng mga linyahan ng mga ito noong unang beses na isinasaoli niya ang malaking laptop na ito.

"Please. Hindi naman kasi siya pumapasok. Hindi siya nagrereply. Hindi kami nagkikita. Ibibigay ko lang naman eh. Siya naman may-ari nito hindi ba? Bakit hindi pwede?"

"Madam, hindi po talaga pwedeng mag-soli dito. Baka mapagalitan po talaga kami ni Sir JD."

"Bakit hindi pwede? Wala naman 'tong bomba ah. Kay Danyel talaga 'to please. Bigat na bigat na ako." Naiiyak na sabi niya. Hindi niya alam kung anong kabigatan ba ang ibig niyang sabihin. 'Yung laptop pa rin ba o 'yung nararamdaman niya sa dibdib niya?

"Madam, please po. Hindi po sa gusto namin kayong pahirapan o ano. Huwag na po kayong umiyak." Lumapit ang isang babae at pilit siyang inaalo. Ayaw na rin siguro siyang mageskandalo pa lalo na't may pumapasok. "Kahit po kaibigan nila ni sir Francis, may sinoli po dati, kami pa rin ang napagalitan. Kaya please po, ginagawa lang po namin ang trabaho namin."

Pero hindi na talaga siya magpapapigil. Hindi niya alam kung bakit sobrang badtrip niya ngayong araw pero kailangang mabawasan ang mabigat na dinadala niya sa kahit anong paraan.

Kaya mabilis niyang binuksan ang bag niya at inilabas ang laptop ni JD.

"Ma'am. Please po. Kahit antayin niyo po muna. Tatawagan lang po namin si Sir Francis kasi baka pwedeng siya 'yung humawak nito. Please po."

Pero hindi sumagot si Mikaela. Inilapag niya lang ang laptop sa bar at mabilis na naglakad palayo.

Parang butler si Kiko na sumusunod lang sa bawat galaw ni Juan Danyel. Para itong robot sa mga ginagawa. Systematic. Sobrang bilis. At higit sa lahat, hindi napapagod.

Maganda sana ito dahil ngayong may hinahabol silang launch date, dapat talaga hindi sila napapagod. Pero ang problema, hindi ito healthy na work ethic. At hindi lahat ng tao, katulad ni JD na kapag umandar ang adrenaline rush, parang hindi na nararamdaman ang paglipas ng oras.

"Jades."

"You! Level designer." Turo ni Juan Danyel sa isang empleyado na malapit ng makatulog sa desk nito.

"M-michael po." Pagpapakilala nito sabay punas sa bibig sa pagaakalang may natuyong laway.

"I don't care what your name is. What I care are our newly introduced features to be applied in all levels of the game. Alam mo naman na dahil sa nilagay ko, lahat ng features sa old levels obsolete na, so the levels developed early on may be repeatedly developed and discarded. Or do I have to tell this again to you?"

"JD Ano ba." Suway ni Kiko. Pinipigilan ang kaibigan na umakto na naman para kainisan siya ng mga katrabaho.

"Pero sir. We developed all these for 12 months and you expect us to finish the upgrade in a couple of days? Sobrang hirap ng—"

"I don't care you little piece of peevish sht. We are all working for this project under a tight deadline at lahat ng tao naghihirap hindi lang ikaw. Just in case you don't know, everybody is suffering even before your parents squirted sticky things at each other to produce such insufferable big baby like you."

Hindi na kinaya ni Michael at kinuha na nito ang bag at umalis.

"Juan Danyel ano ba?!"

"Good riddance."

"Good riddance good riddance? Hindi mo ba aayusin ang ugali mo? Gipit na nga kayo, hindi ka pa magtino. Ano ng gagawin mo ngayon nabawasan pa kayo ng level designer?!"

"What's the difference between having him sleeping here or not?"

"Jades, ilang araw na kayo nagtatrabaho! Hindi mo pinauuwi 'yung mga tao mo."

"What? Ilang araw ka diyan? It's been only..." Napatingin si Juan Danyel sa relo. And that's when he only realize that he has been working nonstop.

Kiko facepalmed.

Naiintindihan naman niya si JD eh. Ang totoo. Siya lang ang nakakaintindi dito. It's not that he's being deliberately cruel towards his people. Sadyang wala na lang din kasi itong konsepto ng oras.

"How many days has it been?"

"See? Kaya mainit na na rin ulo mo eh. Magpahinga ka muna."

"Nope. Nope. If you want to send all these people out then do it. Just... just don't disturb me okay?"

Pinagpatuloy ni Juan Danyel ang ginagawa.

Samantalang may message na nagpatigil sa kanya.


From: Fayre Elizabeth

Hi, Francis. I'm in Manila for a while. Dalawin kita soon ha. Miss you.


"Puta."

"Sino?"

"O akala ko ba. Huwag kang istorbohin."

"Sasalita-salita ka ng puta diyan."

"Si Fayre kasi. Nandito daw."

"Si Fayre puta?"

"Gago ka ah."

Ngumiti lang si JD at saka lang nilabas ang headphones. Planong hindi na talaga pansinin si Kiko.

"Ewan ko sa'yo. Juan Danyel ah. Ayusin mo buhay mo. Kausapin mo 'yung si Michael bukas at magaling pa naman 'yun. Hoy Jades!"

Pero hindi na nito siya naririnig.

Kaya kahit nang magring ang sarili nitong cellphone sa lamesa, hindi na nito pinapansin. Tinignan ni Kiko ang tumatawag.

"Jades, Low Grounds HQ. Tumatawag." Iniharap pa niya dito ang cellphone pero dinaplisan lang ito ng tingin ni Juan Danyel at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Maya-maya, nawala na ang tawag bago pa man ito sagutin ni Kiko.

Mabuti na lang at tumawag din ito sa sariling number ni Kiko dahil nagaalala na rin siya kung meron bang problema ang isa pang business nila. Pero ang unang hula niya ay baka maagang mas nakarating na dito si Fayre.

"Hello?"

("Ah, sir Francis. Sorry po sa abala—")

"Sino 'to? Si Mari?" Nabosesan niya ang manager sa kabilang linya.

("Opo sir. Pasensya na talaga sir. Ano lang kasi.")

"Ano bang problema? Dumating ba diyan si F-fayre?"

("Po? Hindi po.")

Para tuloy napahiya si Kiko na siya mismo ang nagvolunteer ng information sa taong wala namang kinalaman. Hindi niya alam kung napanatag siya o lalong naging anxious.

"So anong nangyayari diyan? Busy si JD, mainit ang ulo nito ngayon kaya sa'kin na kayo dumiretso kung may problema." Sumulyap siya sa kaibigan na nakatingin sa triple monitor habang nakasuot pa rin ang headphone.

("Kasi po may babae po dito kanina. Iniwan po dito 'yung gamit ni Sir JD. Eh hindi po namin tinatanggap talaga dahil nung nagsoli po dito si ma'am Fayre hindi ba—")

"Eh kung hindi niyo tinanggap bakit nandiyan?"

("Tumakbo na lang po 'yung babae pagtapos ilapag dito sa mesa.")

"Ah ganun ba? Ano bang iniwang gamit? At saka sino ba?"

("'Yung laptop niya po. Mikaela daw po 'yung pangalan. Noong isang araw pa nga po iniiwan dito pero hindi po namin tinatanggap. Pero kanina, iniwan niya na lang po dito...")

Hindi na narinig ni Kiko ang sinasabi ni Mari dahil lumapit siya kay JD para tanggalin ang headphone.

"Ano ba?!"

"Sinabi mo na kay Mikaela mo na ikaw may-ari ng Low Grounds?"

"Kiko. Stop. Bothering. Me."

"Pero 'yung laptop mo."

"My alone time is sometimes for your safety." Ibinalik na ni JD ang headphones sa tenga niya at bumalik sa ginagawa.

"So ruthless. Tangina. Tapos mamaya tatanungin ako kung bakit nasa Low Grounds laptop niya. Sinabi-sabi naman pala niya sa asawa niya. Ako na nga lang kukuha ng laptop mamaya pagalitan mo na naman staff natin. Bwisit 'tong gagong 'to." Mabilis na naglakad si Kiko palabas ng opisina at papuntang Low Grounds.

Natatawa-tawa na si Mikaela habang nakasakay sa bus habang inaalala kung panong naiiyak na lang siya minsan ng wala sa lugar. Ni hindi siya naiiyak kapag nagaaway sila ni Piter eh. Tapos, tumutulo luha niya sa mga ganito? Inisip niya na siguro nga pagod na lang siya minsan, at kapag napapagod, emosyonal lang talaga. Sensitive sa kahit anong nangyayari.

Naisip niya na dahil talaga 'to sa toxic Filipino panganay culture eh. Na sobrang daming pressure ang nakapatong sa balikat niya, kasama pa talaga ng problema sa pamilya, pangarap, pera. Parang wala ng mapaglagyan 'yung stress niya.

Akala niya dati, hindi totoo 'yung sinasabi ng iba na mawawala sa isip mo 'yung love life kapag dumating na 'yung mga adult problems. Pero ngayong nakarating na talaga siya dito sa puntong ito ng buhay niya, mas iniiyakan niya na lahat, at pinakahuli niya ng naiisip kung ano mang problema nila ni Piter.

Parang 'yung kahit 'yun man lang ayaw niya nang mamroblema pa.

Pagkadating niya ng bahay, umakyat agad siya sa kwarto dahil ang totoo, medyo awkward pa rin sila ng nanay niya matapos ang sagutan at iyakang naganap ilang araw na rin ang nakakalipas. Hindi man siya masyadong kinagagalitan katulad noon, parang medyo nagiiwasan naman sila.

Nang makarating siya sa kwarto, binuksan niya agad ang pinto pero mahigpit na seradura ang sumalubong sa kamay niya. Ayaw pumihit. Naisip niya kung kelan ba huling nag-lock si Jap ng pinto? Inisip niya kung may ginagawa ba itong kababalaghan at mamaya na lang sana siya papasok. May mga pangangailangan din ang mga growing boy na katulad ni Jap kaya bababa na sana siya nang marinig ang mahinang pag-iyak sa loob.

"Anak ng. Anong nangyayari diyan? Jap?"

Kumatok siya. Medyo nawala ang pagiyak pero hindi siya natahimik. Mabilis na kinuha niya ang susi ng kwarto sa loob ng bag at agad binuksan ang pintuan.

Nakita niya si Jap na marahas na pinupunasan ang mukha ng bimpo pero halata naman ang pagiyak sa sobrang pagkamaga ng mata nito.

"John Pierre ano ba?! Anong nangyayari sa'yo?"

"Ate..."

"Ano?!" Kinakabahan siya.

"Ate si Alecia."

"Anong nangyari kay Alecia?" Tinatanong niya, pero doon pa lang may kutob na siya.

"Buntis ate si Alice. Anong gagawin ko? Ate, tulungan mo ako."

Parang nanlambot ang mga tuhod ni Mikaela at napaupo na lang sa sahig.

*later*

Hey guys. Sorry kung hindi maka-update. I rly have an outline for the 3 consecutive updates but it's C1Originals this week starting last Friday and I just have to support my friends who have entries doon. There are 9 entries and other World Cinema features so hindi ko lang masulat. But it's here. Kapag may time, I'll write all these backlogs and makakahabol ako, I promise.

>>Next Chapter: Chapter 15 - Photosynthesis

EDIT (11/12/2019)

Basically, this was updated a year ago. And this one's the last chapter I've written. Hiatus to, so I'm sorry if umabot ka dito and wala pang next chap. Will try to get back to this pero naka-focus kasi ako sa WYSLMT but thanks for reading!

-G

Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me