LoveTruyen.Me

My Vicious Cycle Of You Mika On Hold

#MVCOY15

Magang-maga ang mata ni Mikaela at John Pierre kinabukasan.

Hindi na alam ni Mikaela kung anong oras na sila nakatulog matapos ang mahabang sermon. Ang totoo, hindi niya naman pinagalitan ng pinagalitan ang kapatid, kumpara sa mga na-imagine niyang eksena from the past. Maraming beses na rin kasing sumagi sa utak niya ang bagay na ito. Jap is on the height of his hormones. At napapadalas ang pagtulog nito sa girlfriend. Kaya dati, akala niya, masasampal niya ang kapatid o makakaladkad papunta sa mga magulang nila tapos pagtutulung-tulungan nilang bugbogin.

Pero hindi pala ito ganun kadali kapag nangyari na sa totoong buhay.

Disappointment ang una niyang naramdaman nang sabihin ng lumuluhang si Jap ang sitwasyon niya. Nagaaral pa kasi ito, tapos ngayon magiging ama na? Ni hindi pa nga ito tumatapak sa kolehiyo pero may mabigat na itong responsibilidad.

Pero naramdaman niya rin ang awa. Naramdaman niya ang pagiging ate niya nang ang una niyang ipinangako dito ay ang suporta na hindi mawawala sa kahit anong desisyon na gawin nito para sa magiging pamilya.

At ang napagkasunduan nga nila, hindi muna nila sasabihin sa mga magulang. Dahil sa hinaharap na problema ng pamilya nila ngayon, they agreed to wait for a good timing before they can break this crucial news to their parents. Lalong-lalo na siguro sa alpha-female na nanay nila.

"Anong nangyari sa mga mata niyo? Nag-away ba kayo?" Suway ng nanay nila paglabas nila ng kwarto kinaumagahan. Talagang walang nakakaligtas sa mata nito.

Nagtinginan silang dalawa. At saka nagsalita si Lola Lolita na nandoon na at nanonood ng telebisyon, nagkakape habang nakataas ang paa.

"Mabuti pa itong si Kassandra ko. Walang kaaway kasi napalaki ng maayos. Ewan ko ba sa mga anak mo, Lanie."

Mikaela rolled her eyes. Gusto niyang sumagot na ang lola din naman ang nagpalaki sa nanay nila, at kung isisisi man nito ang upbringinging, dapat niya ring kuwesiyunin ang sarili niya. Ang dami-dami niya sanang isasagot but she decided against it. Dapat silang tumahimik ngayon dahil sa tinatago nilang sikreto. Hindi ito puwedeng mapurnada.

"Nanood akong k-drama. Nakakaiyak grabe. Ewan ko diyan kay Jap nakikinood pala sa'kin. Hahahaha!" Ani Mikaela.

Gumawa na rin ng malakas na tawa si Jap pero hindi nagsalita.

Nang matapos ang niluluto ng nanay ni Mikaela, lahat na sila ay umupo sa hapagkainan. Sa ilalim ng mesa, naramdaman ni Mika na hinawakan ni John Pierre ang braso niya. She felt warm inside. Alam niyang siya lang ang masasandalan ng kapatid. But at the same time, gusto na naman niya itong batukan. How can her little baby bro manage to make a baby of his own. Ang alam niya sa sarili niya, baby pa rin ito!

Habang tinitignan ang kapatid na parang meek and mild sa tabi niya, at saka naman nagsalita ang extended family nila.

"Tita Lanie. Pwede ba akong humingi ng 250? May project kasi ako eh..."

Naramdaman ni Mikaela na humigpit ang kapit ni Jap sa kanya. Halata ang inis sa pinsan.

"Ah... sige. Titignan ko kung may pera pa ang tito mo ha."

"Meron pa naman." Sagot ng tatay niya.

Mikaela chewed her food violently. Sobrang sakit ng panga niya but this is her only way to relieve her stress kaysa magmura siya sa hapagkainan.

"Ako, Lan, may hypertension yata. Kailangan kong magpadoktor. Bigyan mo muna ako kahit 1k."

"1k? Anong nangyari sa binigay kong puhanan kuya sa pagpapatayo mo ng chicken feed shop?"

"Eh hindi pa nga bumabalik 'yung puhunan anong gagawin ko? Basta magbigay ka muna ng 1k."

Hindi na nagsalita ang nanay ni Mikaela pero alam niya na mamaya, magbibigay rin naman ito. Nakakaramdaman na naman siya ng stress dahil sa eksenang ganito. Bumuntonghininga na lang siya at mabilis na kumain para makatakas na.

Naghahanda silang papasok sa school nang naramdaman niyang nakatulala na lang ang kapatid niya habang inaayos ang buhok.

"Jap."

"Ate... paano ko masasabi kila mama?"

"Usapan, hahanap tayo ng time 'di ba? Huwag kang mabaliw diyan." Pinalalakas niya ang loob nito. "Mag-usap kayo ni Alice ha? Importante din na malaman ng pamilya niya, kasi siya 'yung lalaki 'yung tiyan."

"Kinakabahan ako ate."

Nasa dulo ng dila niya ang paninisi. Gusto niyang sabihin na ginusto naman nito kaya huwag itong kabahan. Pero dahil ate siya, at hindi na naman mawawala ang pagkabuntis ng girlfriend nito kahit ano pang sisi niya, niyakap niya na lang si Jap.

Pagpasok sa university, wala pa rin si Juan Danyel. Hindi niya maintindihan kung bakit para itong kabute na lumilitaw na lang tapos nawawala. Pero isang linggo na rin. Sobrang distracted tuloy siya lalo na't wala siyang partner sa mga group works.

"Ano? Enjoy ba si Thunders? Baka sumakit tuhod kaya hindi na nakakapasok?" Pangaasar ni Clementine sa kanya na for the nth time, hindi niya pinatulan. Masyado na siyang matanda para makipagpalitan ng mga childish na salita.

Pagtapos ng klase, parang si Mikaela naman ang natulala.

Gustong-gusto na niyang magtext kay Juan Danyel ng bagay na gustong-gusto niyang oo-han, pero hindi niya alam kung paano niya sisimulan. Ni hindi na nga ito nagtatanong ulit eh.

Kanina niya pa rin ito pinagiisipan. Marami silang problema, pero si Jap ang pinaka-naiisip niya ngayon. Paano nila mabubuhay ang isa pang tao, kung sila pa nga lang hindi na nila mapagkasya ang kinikita ng mga magulang niya.

Marami siyang drafts na tinatype sa phone niya pero sa huli, binura niya rin 'yun lahat dahil wala siyang masabi sa lalaki.

Nang magpunta siya sa CR, may natanggap naman siyang text mula sa mama niya.

FROM: MAMA

Ate, puwede ko ba bawasan muna bagon mo for next week? Medyo gipit tayo eh.

Bigla niyang isinara ang pinto ng cubicle dahil tumutulo na naman ang luha sa mga mata niya. Hindi dahil sa mababawasan ang baon niya, pero dahil alam niyang sa likod ng desisyong ito ng mama niya, eh 'yung mga kapamilya niyang nanghihingi sa kanila ng pera.

Saka niya naisip na baka mabigat nga talaga sa loob ng mga magulang niya na magshif-shift siya at patuloy na mag-aral kahit walang wala na nga sila. Na siya pala talaga ang pinakaselfish sa kanila dahil hirap na hirap na nga pagkasyahin ang pera nila, dagdag pa siya.

Nakokonsensya si Mikaela na nagalit at sinagot-sagot niya ang nanay niya dahil lang sa quarter life crisis niya — na kung tutuusin ay wala naman siyang karapatang maramdaman. Sa hirap nila, hindi na dapat siya namimili ng kurso. Dapat pinagpatuloy niya na lang 'yung Psychology at baka nakakapagbigay na siya ngayon sa pamilya.

Dito na ulit siya nagsimulang magtext kay JD.

TO: JUAN DANYEL

Payag na ako. Hire me.

Sobrang sama ng loob niya.

Siguro hindi pa nga ito ang panahon para sa sarili niya. Magiging tita na siya. Baka nga tama ang nanay niya, baka hindi niya dapat ito inuuna. Dapat magtrabaho na siya.

The next day at company, lahat ng members of the board ay amazed sa parang milagrong nagawa ni JD. Hindi nila alam kung paano natapos ng maayos ang isang bagong-bagong version ng 7 Elements.

"Well... we did our 8th beta-testing earlier and it is up and running. We can launch 7 Elements anytime." Taas noong sabi ni Kiko sa lahat ng nagmamaliit sa kaibigan niya. He just saved their asses.

Tinignan niyang tatango-tango lang din si Alexei. Wala na silang problema. 6am ang board meeting at hindi niya alam na kumpletong dadating ang mga ito kahit na napaka-aga. Siguro anxious din ang lahat na malaman ang resulta ng development.

Sa development room ay nagiiyakan ang mga employees, hindi dahil sa hirap, kundi dahil natapos ang lahat ng maganda at matiwasay. Walang-wala pala ang leak na naganap dahil ang bagong 7 Elements game a hundred times better than the original.

"Matapos ang board meeting at ang scheduling ng launch, nagpabili si Kiko ng pagkain para sa mga napuyat na employees at dinismiss ang mga ito ng maaga. They all deserved it. Ito 'yung mga redeeming moments na gustong-gusto niya. Na sa sobrang hirap ng nangyari, everything was worth it. Gusto niyang tumawa ng malakas dahil sa mga mukha ng mga board members nang malaman na hindi nila mapapaalis sa kumpanya si Danyel. Because what were they thinking? Sino pa ang gagawa ng mga apps at laro para sa kanila kung wala ito? Kiko swears they can never find someone as good as JD.

Nang umalis na ang ibang empleyado, pumasok na siya sa opisina ni JD and can't help but crinkle his nose because of the smell and the mess. Sobrang kalat! May mga natapon pang kape sa gilid na, of course, walang naglinis dahil takot naman ang kahit na sino na pumasok sa dragon's lair na ito.

"Jades?" Tawag niya sa kaibigan who is out of sight.

Paglakad niya sa likod ng table nito ay nakita niyang nakahilata ito sa sahig at natutulog. Parang palaboy na walang pakialam sa paligid.

"Loko talaga." Napailing si Kiko nang makita ang itsura nito. After not sleeping for so many days, wala ring ligo-ligo, medyo hindi na maganda ang itsura ni Juan Danyel. Naawa siya dito pero proud din na nagawa nitong gawing mabilis ang revisions sa 7 Elements.

"Jades?" Marahan niya itong sinisipa.

Nagbago lang si Juan Danyel ng posisyon pero hindi tumayo.

Biglang nag-ring ang telepono nito na nasa lamesa.

"JD may tumatawag sa'yo."

Wala pa ring reaksyon si Danyel.

"Juan Danyel, tumayo ka kaya diyan. Doon ka matulog sa sofa mo."

"Eh..." Nagkamot si JD at tinakpan ang tainga. Naiingayan kay Kiko.

"JD. Umaga na. Gising na." Binuksan ni Kiko ang blinds ng bintana. "Look... may araw na!"

Nasilaw si JD at napasigaw.

"Anong gagawin ko sa araw? Magpho-photosynthesis ba ako?! Isara mo 'yan matutulog pa ako."

Natawa na lang si Kiko, pero deep inside, he agrees. Hindi ba't halaman naman talaga ang kaibigan niya. Walang pakiramdam. Walang lovelife. Walang awa.

Susuko na sana siya nang mag-ring na naman ang telepono nito sa lamesa. He realized it's Mikaela calling. JD's Mikaela.

"JD, your wife is calling..."

"Hmmm..." He only manages a grunt at hindi pa rin gumalaw.

At saka napansin ni Kiko ang notification ng message ni Mikaela.

His eyes sparkeld.

"Jades. Payag na daw si Mikaela. Hire mo na daw siya."

At mabilis pa sa alas kwatro, parang patay na nabuhay si Danyel at tumakbo palabas.

"Hoy cellphone mo!"

Bumalik si JD at hinablot lang ang telepono sa ibabaw ng lamesa bago muling nagtatakbo palabas.

"Hindi ka pa naliligo hoy! Maligo ka muna bago ka makipagdate!" Sigaw niya bago tuluyang sumara ang pinto.

Napailing na lang si Kiko.

"At dumating na nga po ang magdidilig sa halamang ito..." Aniya sabay tawa.

*later*

A/N: OMG! It has been a year pala since I last updated this. I am so sorry! I thought I was making this this year lang. Time flies so fast talaga, I neglected Danyel huhu. It was a short update but I hope I can get the fire back and continue this. 

To everyone who has been reading this, huuuuug!

Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me