My Xl Boss
Napatayo si Grace ng tutukan ng baril ng kanyang ama si Sojiro, at kahit di hamak na mas maliit siya sa kanyang boss ay talagang kinoberan niya ito. Baka mamaya ay maiputok nito ang baril kay Sojiro, mas lalong malaking problema 'yon pag nagkataon.
"Tay naman ibaba niyo po 'yang baril niyo." Kinakabahan na sabi ko dahil talagang totoong baril ang hawak ni Papa at hindi 'yon baril-barilan lang. Lisensyado siya humawak ng baril at hindi lang isang baril ang mero'n siya kung hindi apat na iba't-ibang klaseng baril. Diyos ko masasabunutan ko talaga ang hapon na 'to eh. Sabi ko wag sasabihin ang tungkol sa kasal namin pero heto at talagang sinabi pa nga! Kung ako ay takot na takot ngayon siya naman ay hindi ko alam kung ano ba ang naiisip niya. Pero bahala muna siya, dahil ang importante ay mapa-kalma ko muna ang tatay ko.
"Hindi ako tanga Grace, akala niyo ba hindi ko alam na nag-sisinungaling kayo sa akin simula pa kaninang pagdating niyo dito? Ano 'yang sinasabi ng lalaki na 'yan na kasal kayo? Totoo ba ha? Dahil kung totoo ay bakit hindi niyo sinabi man lang sa amin ng Nanay mo ang tungkol diyan?" Mahaba at galit na litanya ni Marcelo sa anak. Hindi pa din niya binibitiwan ang hawak na baril, dahil kayang-kaya niya talagang iputok 'yon.
"N-Nagbibiro lang po ang boss ko Tay, hindi po totoo ang sinasabi niya." Takot na sagot ko, dapat nga talaga ay hindi muna ako umuwi dito sa bahay eh. Pumunta pa naman si Nanay sa talipapa dahil binigyan ko siya ng pambili ng ulam. Nag-request kasi ako sa kanya ng pinaupuang manok para sa hapunan namin.
Kinabahan na din naman si Sojiro, hindi niya akalain na matapang pala talaga ang ama ni Grace. At sa itsura nito ay alam niyang hindi din ito nagbibiro. Pero gusto niya lang namang sabihin ang totoo tungkol sa kanila ni Grace. He want them to be legal dahil oras na mabuntis niya talaga ito ay hindi na nito 'yon matatago dahil lalaki nga ang tiyan nito, at wala namang masama kung kasal na sila dahil hindi naman na din ito menor de edad.
"Ikaw alam mo ba ang pinasok mo ha? Anong sinasabi mo na kasal kayo ng anak ko ha? Na asawa mo na siya?" Baling ni Marcelo sa nagpakilalang boss ng anak niya. Hindi siya tutol kung mag-asawa na ang anak niya. Pero para sa kanya ay napaka-seryosong usapin ng ganitong bagay. Panganay si Grace at oo kahit may maayos siyang trabaho noon bilang sundalo ay malaki talaga ang naitulong ng anak niyang ito sa pamilya nila ng mga nakaraang taon. Nakapag-patayo ito ng bahay kung saan komportable silang pamilya. Pero hindi porket nakakatulong ito sa kanila ay ayos lang na mag-asawa ito ng hindi nila nalalaman, sagrado ang kasal. At ngayon lang din naman niya nakita ang lalaki na ito tapos hindi pa Pilipino.
Tiningnan muna ni Sojiro ang katabi, hinila niya kasi ito sa tabi niya matapos nitong iharang ang sarili sa ama nito. She look pale right now, at kahit hindi niya itanong ay alam din niyang kinakabahan ito lalo pa at totoong baril ang nakatutok sa kanya mula sa ama ni Grace. "T-Totoo po ang sinabi ko sa inyo Sir, were really married. Asawa ko na po talaga ang anak niyo."
"Sojiro!" Napalakas na ang tawag ko sa pangalan niya, parang may sumakit sa sintido ko dahil sa sinabi niya. Ano bang ginagawa niya? Gusto niya bang mabaril ni Papa o gusto niyang malibing ng buhay?
He held her hand, kahit kinakabahan ay walang alinlangan na hinawakan ni Sojiro ang kamay ni Grace. Marami na siyang pinag-daanan sa buhay, at marami na din ang nagtangka sa kanyang buhay. Kaya hindi siya gano'n katakot na matutukan ng baril. "Let's admit it to your father Grace, I'm willing to woo him so he will like me too soon."
Oh my God.. Nasapo ko na lang ang ulo ko dahil siguradong hindi kaming dalawa makakaalis dito sa bahay ng hindi kinakausap ni Papa. At lalong hindi titigil ang tatay ko na malaman ang totoo tungkol sa amin ng boss ko slash asawa!
Nagawa namang kumalma ng ama ni Grace na si Marcelo pagdating ng kabiyak nito. Itinago din ng kanyang may bahay ang baril na pinang-tutok niya sa lalaking kasama ng anak. Wala silang kaalam-alam na ang panganay nilang si Grace ay may asawa na pala. At hindi lang pala nito basta boss ang kasama nito. At natural bilang magulang marami siyang gustong malaman.
"Hindi naman kami tututol ng Papa mo Grace kung nagsabi ka lang sa amin."Naiiyak pa din na sabi ni Laarni, ang ina ni Grace. "Buntis ka ba? Binuntis ka ba ng lalaking 'yan ha?"
Napakagat labi ako, ito 'yong gusto mo lang naman umuwi sa inyo para makapag-pahinga pero hindi nangyari dahil may kasama kang hindi marunong mag-sinungaling. "Sorry po Ma, sorry po Pa, oo na po nag-sinungaling na po ako sa inyo. Pero for convenience lang naman po ang pagpapakasal namin at ginawa lang namin 'yon dahil nagkasakit ang Daddy ni Sojiro. At hindi din po ako buntis, hindi po talaga. 'Y-Yon po kasi ang hiniling ng Daddy niya sa kanya kaya p-pumayag ako." Siyempre hindi ko na sasabihin ang pangalawa naming usapan ni Sensei tungkol sa pagkakaroon ng anak dahil baka masakal na ako ng Tatay ko at tuluyang barilin niya na si Sojiro.
"Pero hindi pa din tama ang ginawa mo Grace, saka bakit kailangan mong mag-lihim tungkol diyan? Samantalang sagrado ang kasal at hindi 'yan laro-laro lang." Seryoso pa din ang boses ni Marcelo, masama ang loob niya sa anak dahil nag-sinungaling at nag-lihim ito sa kanila. Mahigpit siya sa kung sa mahigpit sa mga anak nila pero ginagawa lang niya 'yon dahil gusto niyang maging maayos ang mga buhay ng mga ito.
"Kaya nga po nagso-sorry ako kasi nag-sinungaling ako sa inyo. I-Isa pa, puwede naman pong ipa-divorce 'yong kasal namin kasi sa Japan kami nagpakasal ni S-Sensei.." Mahina kong sabi, sarap kurutin ng Sojiro na 'to eh. Matapos umamin-amin kanina ngayon naman ay tahimik lang siya at ako itong nagpapaliwanag ng totoo.
"Divorce? At sa tingin mo magiging maganda para sa 'yo ang pag naging diborsyada ka? Hindi 'yan puwede." Matigas na sabi ni Marcelo na talagang tumayo pa mula sa pagkakaupo. At saka niya tiningnan ang katabi ng anak. "Pakakasalan mo ang anak ko dito sa Pilipinas at gusto ko ako ang masusunod."
"Tay!" Hindi makapaniwala na sabi ko sabay tingin kay Sensei na nakangiti naman ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me