LoveTruyen.Me

Safe Flights Cap

The moment I woke up, I immediately covered my eyes as the sun hit my face. I rolled on my back and faced the other side of the bed. I reach for the space next to me expecting to feel Haze but instead the space next to me is empty. 

My eyes shot open and sat up, holding the blanket to cover up my upper body. "Haze?" I called out, 

I hear a chuckle by the door of the bedroom and there I saw Haze standing by the door frame holding a mug, wearing blue basketball short and a white tank top. 

"Yes?" he has this teasing smirk on his face. I rolled my eyes and laid back down on the bed, a sigh escaped my lips, "Akala ko umalis ka." turan ko habang nakapikit. 

Narininig ko ang yabag ng paa nito palapit sa akin, "Umalis ako? Bakit naman?" Nang magmulat ako ng mata ay nakita kong nakatayo siya sa tabi ko at nakakunot ang noo. 

Naupo ako sa kama, hawak-hawak ang kumot hanggang dibdib, nagkibit balikat ako, "Wala lang... baka kasi may kailangan kang gawin." sagot ko at pinanliitan niya ako ng mata. 

His head tilted a bit, "You've experienced that before, didn't you?" he asked, my lips parted a bit before slowly nodding. 

He hummed before taking a sip of... milk? 

"I'm sorry you experienced something like that. You don't deserve that. Glad you're no longer with that guy, whoever he is." he said and I pursed my lips before nodding. 

"Didn't say I was with him..." I hesitantly said, he was about to take another sip but paused. 

"Oh... feisty," he said which made us both giggle, 

"And when was that?" he asked, taking a sip from his milk, raising a brow. 

I shrugged, "Matagal na, di ko na tanda." sagot ko at tumango siya. 

Napakunot bigla ang noo niya, "Pero hindi naman noong minor kapa? Diba? You're just 21 and when you said matagal na... we're not talking about more than... 4 years, right?" he sounded panicked which made me laugh and slightly hit him on his arms. 

"No!! Ew! I was... I was... 20 yata? Or like... few months before I turn 21." I was unsure of my answer and he slowly nod. 

Then his eyes grew wide, "So... last year?!!" Napahagalpak ako ng tawa sa reaksyon niya, 

"Galit kaba?" I asked and he immediately shook his head, "No, of course not, just... ano... basta!" sagot nito at napahagalpak ako ng tawa. 

"Yieee! Selos ka ih!" Sinundot ko ito sa tagiliran at agad siyang napa-iwas. 

"Hindi 'no! Bakit naman ako magseselos? For sure mas magaling ako dun." Pagyayabang nito bago sumimsim ng gatas, may mapang-asar pa itong tingin sa akin kaya agad ko siyang nahampas ng unan. 

"Ang bastos! Haze, kadiri!!" sigaw ko rito at napahagalpak ito ng tawa habang umiiwas. "Pasalamat ka hubad ako ngayon! Hindi ako makatayo!" ani ko at napatawa siya lalo,

"What are you talking about? Clothed or not, you still can't walk properly." he said in a teasing tone, I glared at him before sticking my tongue out. 

"Nakakainis ka," bulong ko habang sinasamaan siya ng tingin, he giggled and walk towards me. he placed his mug on the bed side table before sitting down on his bed next to me. 

He brushed my hair using his fingers, "Kidding aside, does something hurt? Was I too rough?" he softly said, I rolled my eyes before looking at the other side of the bed. 

I don't care if you're too rough, I liked it either way. 

"Hey, sagot ka naman." tawag nito s aakin, humarap ako sa kaniya bago nagkibit-balikat. "Saks lang," maikli kong sagot at tumango siya. 

Bumuntong hininga ito bago tumayo, "There's food on the table, I'll be showering. If you need anything, tell me, you can also sleep more if you're still tired." he said before leaving the bedroom with his mug of milk. 

The moment the door closed, I pursed my lips and cover myself under the sheets. Even though the whole room is cold, I could feel my face heating up. It felt like everything just sinked in me. 

We just had sex! Sex!! And for some reason it felt different, it felt like I was making love for the first time. 

"Blooming ka, ano meron?" tanong ni Faye sa akin nang magkita kami sa canteen, 

Napangirit ako bago napatawa at ibinaba ang gamit ko, "Gaga, wala, ligo lang 'yan. Maligo ka rin kasi." sagot ko at napatawa si Marga, 

"Yiee, wala na 'yang pinagseselosan." Pang-aasar ni Matt na kakaupo lang, napasinghal ako bago naupo sa tabi niya, 

"Siraulo," ani ko bago sumipsip sa buko shake na binili ko, 

Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko, pagtingin ko ay tumatawag si Haze, himala, may load siya? 

"Hello?" Napalingon sa akin si Marga, 

[Hey, ahm... may class kaba ng after lunch?] tanong niya, napakunot ang noo ko, "Meron... 1PM to 2PM, bakit?" tanong ko at nag-hum ito. 

[I'll pick you up by 2:15, isasama kita dito.] Napakunot ang noo ko sa kasunod nitong sinabi. 

"Ha? Bakit?" tanong ko, napalingon sa akin si Faye at napakunot din ang noo nito. 

[Nothing... gusto lang kitang isama.] sagot niya at napakunot ulit ang noo ko, "Seryoso ka ba? Anong gagawin ko diyan? Wala ka bang klase?" tanong ko, 

[Wala, may inaasikaso lang akong papeles. Pagkatapos natin dito, aalis na rin tayo, date siguro?] sagot niya at utay-utay akong napatango. 

"Sige, sunduin mo nalang ako." ani ko at nag-hum ito, [Okay, see you, love you!] 

"Love you, bye! Take care!" Pagkapatay niya ng tawag ay inilapag ko rin ang cellphone ko sa lamesa. 

"Taray naman, walang respeto sa mga single, hindi manlang ibinulong yung 'love you'?! Kainggit ka!" ani ni Matt at napahagalpak ako ng tawa bago ito hinampas sa braso. 

"Stay inggit, I guess?" ani ko at napahagalpak sila ng tawa. 

Pagsapit ng alas dos at natapos na ang klase ko ay pumunta muna ako sa banyo para mag-ayos ng sarili. Nag retouch ako ng make up ko at inayos na rin ang buhok ko bago pumunta sa parking kung saan ako sinusundo ni Haze. 

"You're on time!" ani ko nang pagbuksan niya ako ng pinto, 

He smiled, "I'm excited," ani niya at napakunot ang noo ko. 

Isinara na niya ang pinto at umikot papuntang driver's seat. "Excited ka para saan?" Taka kong tanong habang nagmamaneho siya. 

Umiling ito, "Wala lang, I want to show you off." he answered and my lips parted, "What? Why?" I asked, confused, 

He shrugged, "I missed you--" 

"Haze we just saw each other yesterday--" 

"Kahit na! I missed you, and I want to show off my girlfriend." he said, switching glances at me and the road. 

Napatawa ako nang bahagya bago napa-iling, "Hindi kita gets, pero sige." ani ko bago sumandal sa bintana. 

Maya-maya lang din ay tumigil kami sa flying school ng SHU. Nagulat ako dahil pagkabukas niya ng pinto ay punayungan niya ako. 

"Wow ha, ready," ani ko at natawa siya habang pinapayungan kaming dalawa sa paglalakad namin. 

Pumasok kami ng isang building, agad akong napahawak sa kamay niya dahil hindi ko gamay ang lugar na ito. 

"Nakakahiya, hindi ako taga dito." ani ko at napakunot ang noo niya, "Taga SHU ka pa rin, plus you're my girlfriend, 'wag kang mahiya." Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko bago kami pumasok ng isang silid. 

Putcha... mga kaklase ba niya 'to?!

"Ooh! Ayan na si Mr. Vergara!" Bati agad ng isa niyang kaklase. 

Nanatiling hawak-hawak niya ang kamay ko nang lumapit siya sa mga kaklase niya. "Musta bro? Pang ilan na?" tanong ni Haze, 

"Number 24 palang," sagot ng isa, narinig kong sumaltik ang dila ni Haze, "Tagal ko pa, mabilis ba ang usad?" tanong niya, nanatili akong tahimik sa likod niya habang naglilibot ng tingin. 

"Medyo naman... around... 12 to 15 minutes per person." sagot ng isa at nag-hum si Haze, 

"Looks like you're with someone." Nang lumingon sa akin si Haze ay napatingin ako sa kaniya at sa mga kausap niya. 

"Akala niyo ba kayo lang ang kayang magdala ng girlfriend dito? Damn you! I brought my girl with me today!" ani ni Haze at napatawa ang mga kaklase niya, nahihiya akong ngumiti bago sumiksik pa kay Haze. 

"She's shy, introduce us, Haze!" One of his blockmate said, 

Haze chuckled before looking at me, I flashed a small smile at him. His arm wrapped around my shoulder, "Guys, this is Cassandra, my girlfriend." Nabalot ng kantyawan ang buong silid kung nasaan kami. Natawa ako dahil ang mga kasama ni Haze ay parang mga sira na nagtatalon. 

"Iba ka! Iba ka talaga, Haze! Akala ko mahina ka sa babae, grabe ka!" ani ng isa niyang blockmate, nagtawanan pa sila at nakisabay pa si Haze. 

Inilahad ng isa ang kamay niya, "Hi Cass, I've heard a lot about you, I'm Joseph." Nakipagkamay ako sa kaniya, "Hello," Nahihiya kong turan, 

"I've been wanting to tell you that noong minsan, when we were in Tagaytay, there were girls hitting up on Haze and he didn't give a fuck!" ani nito at kinantyawan si Haze ng mga kasama niya. 

"Good boy naman pala 'tong si Haze, eh!" Ginulo ng isa niyang kasama ang buhok ni Haze habang nahihiya akong tumatawa sa tabi nito, hindi pa rin bumibitaw sa kamay niya. 

"Mukha lang maangas, takot pala sa girlfriend." ani pa ng isa, 

"Hey, it's not takot, it's bare minimum, bro! I have a girlfriend, I am not available to anyone else, that's why, simple as that!" ani ni Haze at nagkakantyawan nanaman sila. 

"Babaero ka kasi kaya ka ganiyan!" ani ni Haze at nagkakantyawan sila, 

Nagulat ako nang may biglang sumisigaw ng pangalan ko, "Cass! You're here! OMG!!" Sigaw ni ate Sav, nanlaki ang mata ko bago bumitaw kay Haze at tumakbo sa gawi niya para yakapin ito. 

"It's been a while!! Miss na kita!!" ani ko bago bumitaw sa yakap, "Nagbago ang hitsura mo! Blooming ka!" ani nito at napatawa ako, "Ikaw rin, blooming ka." ani ko at napa-ismid ito, "Sus, binobola mo ako!" ani nito at napatawa ako. 

"We have a visitor?" Napalingon ako sa babaeng nagsalita sa likod ko. 

Amanda Nathalie... nagkita rin tayo. 

"She's Haze's girlfriend, Nat." ani ni Joseph, nakita kong nagparte ang labi ni Nathalie bago lumapit sa akin at ngumiti, "Hello, I'm Amanda Nathalie, Haze's friend." she was about to step closer for a hug but I stepped back. 

"Hello, I'm Andrea Cassandra, Haze's girlfriend." I said, emphasizing my last word, she looks quite taken aback with my sudden movement but flashes a smile. 

"Yes, I know--" 

"You know? I thought hindi mo alam, eh." I cut her off, narinig kong napatawa nang pagak si ate Sav sa likod ko. 

"Uh... Cass," tawag ni Haze, bahagya nitong itinulak si Nathalie patabi para lumapit sa akin, "Gusto mong kumain muna? Dadalhin kita sa canteen dito." ani ni Haze bago ako hinawakan sa kamay at hinigit palabas ng silid, "Sama ako!" sigaw ni ate Sav. 

"Si bestie mo nga pala yun." ani ni Sav habang naglalakad kami, napatawa ako, "Di ko siya gusto," Diretsa kong turan at napatawa si ate Sav, "Same! Pinagtitiisan ko nalang 'yan! Alam mo bang lahat halos ng blockmates namin na lalaki super clingy niya! Like... super! Noong minsan nga... kasama ko si ano dito, girl! Kung makapapansin! Muntik ko na sabunutan." ani ni ate Sav at napahagalpak ako ng tawa, 

"Nakakatakot kayong dalawa magsama, baka mapa-away kayo." ani ni Haze at napatawa ako, 

"Hindi naman ako mapapaaway kung walang umaali-aligid sa 'yo na ganun." Pagtataray ko, nanlaki ang mata ni Haze, "Hindi ko yun pinapansin, ha! Tanungin mo pa si Savanna! Diba?!" Tarantang turan ni Haze, parehas kaming napahagalpak ni ate Sav. 

"Oo, good boy 'yan si Haze. Hindi naman kasi talaga 'yan namamansin ng mga babae. Kung sila Lorenzo pa, baka!" ani ni ate Sav at utay-utay akong napatango, 

"Baka nga kilala na 'yan ni Lorenzo, sa dinami-dami ba namang babae nun!" ani ni Haze at pare-parehas kaming napatawa. 

Nang dumating kami sa canteen ay ibinili ako ng burger at ice cream ni Haze. Hindi rin siya nakaligtas sa kantyaw ni ate Sav at napabili na rin ng pagkain nito. 

"Alam mo bang napaka-kuripot niyan ni Haze? Sobra! High school palang daw kuripot na 'yan!" ani ni ate Sav habang kumakain kami, 

"Katabi niyo lang ako pero pinagchi-chismisan niyo ako, grabe na kayo." ani ni Haze habang kumakain ng ice cream niya, parehas kaming napatawa ni ate Sav sa tono ng pananalita nito na animo'y inaapi namin. 

Bandang alas tres ay bumalik kami sa pinuntahan namin kanina. Hinintay na naming matawag ang number ni Haze at hinintay na rin naming matapos ang papeles na kailangan niya. 

"Bro, before you go, I would like to invite you pala sa team namin sa basketball for the game day." ani ni Joseph nang paalis na sana kami ni Haze. 

Napakunot ang noo ni Haze, "I'm considering it but... kailan ba 'yan?" tanong ni Haze, 

"November 23 bro, you should really join us!" Joseph replied, I look up at Haze and saw his lips parted, 

"Bro I can't, it's Cass's birthday." Haze replied, my eyes widened. 

"No no, you should join the team. It's fine, hindi naman siguro hanggang 12 midnight ang laban, diba? We could celebrate after your game." I said, persuading him to join. I know he loves to play basketball, I don't want to be a reason for him to not play. 

Kumunot ang noo ni Haze, "You sure? I really want to spend that day with you." he softly said and I immediately nod, 

"Yes, I'm sure, I'll still spend the day with you. I'll be watching your game!" I excitedly said, 

"Oh bro, pinayagan kana ng girlfriend mo... is that a yes from you too?" Joseph asked, Haze laughed a little before nodding, "Fine, fine, I'm in, update me about our practice." Haze replied before bidding goodbyes with his blockmates and friends. 

Throughout the following days, I've been busy on seminars, paper works and reviews. While Haze became so busy and had a tight schedule due to his basketball practice. And knowing how he's so passionate about his sport, I didn't mind him spending more time with his teammates than me. 

May mga araw pa na ilang beses lang siyang mag-message, pero siyempre intindi ko naman. Kung tutuusin ay walang problema sa akin iyon lalo na at busy rin naman ako at maraming ginagawa. May mga oras lang talaga na nami-miss ko siya. 

"Hindi kana sinusundo ni kuya Haze, bakit?" tanong ni Faye habang nagluluto ng hapunan, napansin na niya ang pagsabay sa kanila pag-uwi gabi-gabi. 

"Busy yun sa basketball practice nila, may laban sa 23." sagot ko habang tumitipa sa laptop ko. 

"23? Hindi ba birthday mo yun?" tanong niya at tumango ako, hindi pa rin nag-aalis ng tingin mula sa laptop ko. 

"Oo nga, okay lang naman, hindi naman buong araw yung laro niya. Makakapagcelebrate pa kami sa gabi." sagot ko rito,

Pagkatapos magluto ni Faye ay agad na rin kaming kumain. At pagkatapos naman ay ako ang nag-urong ng lamesa at nag-ayos ng pinagkainan habang si Marga ang naghugas ng mga pinggan. 

Nagpaiwan ako sa sala habang ang dalawa ay pumunta na sa kwarto para matulog. May tinatapos pa kasi akong report. 

Naka-isang baso rin ako ng kape bago matapos, mga bandang 11pm na kaya naman halos bumagsak na ang mga talukap ko. 

Nag-check ako ng oras sa phone ko at nang makita ko ang wallpaper ko na mukha ko at ni Haze ay saka ko lang na-alala na hindi ko pa siya nakakamusta. 

Muli akong naupo sa sofa habang hinihintay niyang sagutin ang tawag ko. 

"Hello!" Masaya kong bati nang sagutin niya ang tawag, 

[Hey, bakit gising kapa?] tanong nito mula sa kabilang linya, 

"Kakatapos ko lang gumawa ng report, ikaw? Nakauwi kana?" tanong ko rito, pinaglalaruan ang remote sa kabilang kamay, 

[Hindi pa ako nakakauwi, andito pa kami sa court.] sagot niya at napakunot ang noo ko bago napadiretso ng likod sa pagkakaupo, 

"Ha? Almost 12 na, hindi pa kayo uuwi?" Nag-aalala kong tanong dito, 

[Ano... maya-maya kasi--] Naputol siya sa pagsasalita nang bigla itong umubo nang malakas, 

"Oh, inu-ubo kana, may pamalit kaba ng damit?" tanong ko rito, 

Umubo pa ulit ito bago nakasagot, [Wal... a, pero pauwi na rin naman kami mamaya.] sagot nito at napakunot ang noo ko, 

"Wait nga lang, saang court ba kayo? Nasaan ka?" tanong ko rito bago tumayo mula sa pagkaka-upo sa sofa at pumunta ng kwarto para kumuha ng malaki kong t-shirt 

[Sa court lang ng main campus, why?] tanong nito, inipit ko sa tainga at balikat ko ang cellphone habang isinisilid ang t-shirt sa isang eco bag. 

"Wala, matagal paba kayo? Mga ilang minutes pa?" tanong ko rito, lumabas na ako ng bedroom at kumuha ng sumbrero at susi ng dorm. 

[Uh... mga... 45 minutes pa, bakit?] tanong niya at umiling ako ulit, 

"Wala, sige na, bye!" ani ko bago ibinaba ang tawag. Sumakay na ako ng elevator pababa ng dorm at paglabas ay agad akong tumawag ng tricycle para makarating nang mas mabilis sa campus. 

Nagpadiretso na rin ako sa basketball court, nanghula pa ako kung saang court dahil maraming basketball court ang SHU pero nang makita ko ang court na buhay pa ang ilaw ay doon ako nagpahatid. 

Pagdating ko ay nakita ko silang naglalaro pa. Nang may makapansin sa akin ay agad ako nitong itinuro kay Haze. 

"Cass!?" Bakas sa boses nito ang gulat bago nagtatakbo papunta sa akin, "Why are you here?" Agad niya akong niyakap, "It's almost 12 midnight, delikado na sa labas." ani nito habang yapos-yapos ako, 

"Eh kasi... wala kang pamalit, inuubo kana, magkakasakit ka!" ani ko habang naiipit sa braso niya, 

Kumalas ito sa pagkakayakap bago inayos ang buhok ko, "Pero delikado na tapos... gosh, Cass. paano kung may masamang nangyari sa 'yo?" Nag-aalala nitong turan, 

"Cute niyo sana pero sakit niyo sa mata." Napatawa ako nang may magsalita siyang kasama, si Joseph pala. 

Umakbay sa akin si Haze, "Nakakahiya sa isa d'yan na nahuli nating nakikipaghalikan, diba?" ani ni Haze at nanlaki ang mata ko bago nandiri, yuck, ang bulgar naman nun. 

Napatawa si Joseph bago napakamot sa batok, "Tara na, Haze, cool down na then let's wrap it up." ani nito at tumango si Haze bago ako nilingon. "Mabilis nalang 'to, then I'll change clothes and I'll get you home." ani nito bago ako hinalikan sa noo at lumapit sa mga kasama niya. 

Naupo lang ako sa tabi kung nasaan ang bag niya para ayusin ito. Nakita ko rin ang dalawa niyang t-shirt na nakasabit sa bangko na basang-basa. 

Ilang minuto lang ang lumipas ay lumapit na sa akin si Haze, "Magbihis kana," ani ko bago ini-abot sa kaniya ang t-shirt, napatawa ito nang tingnan ang t-shirt, "Cute naman nito, girlfriend ko ang nagpapahiram sa akin ng damit." ani niya at natawa ako bago siya pabirong itinulak. 

Ilang minuto ang nakalipas at agad rin siyang bumalik suot-suot ang t-shirt ko, "Oh, sakto pala sa 'yo, eh!" ani ko at natawa siya bago tumango at kinuha ang bag niya. 

"Una na ako bro, bukas ulit," Paalam niya kila Joseph bago ako hinawakan sa kamay para itayo. Inakbayan niya ako habang hawak-hawak niya ang sapatos niya sa kabilang paa. 

Naglalakad kami palabas ng gym, "Ayos ang lakad Haze, baka mukha kang bagong tuli maglakad." ani ko at napahagalpak siya ng tawa. 

Pagdating namin sa parking ay nagulat ako dahil iba ang model ng sasakyan na dala niya. "Why not si blue car ang dala mo?" tanong ko nang pumasok siya ng sasakyan. 

Binuhay nito ang makina nng sasakyan, "Eh kasi... ang nasa isip ko hindi kita susunduin today kaya ibang sasakyan ang dinala ko. Kaso may makulit akong girlfriend, eh." ani niya bago ako pabirong sinundot sa tagiliran, 

"Ay wow, ha! I feel so special naman na ginagamit mo lang yung asul mo na sasakyan kapag kasama ako." ani ko at napatawa siya, 

"Of course, cause you're special and I know you like that car." he softly said before exchanging glances at me and on the road. 

Within just few minutes, we arrived in front of the dormitory. We bid goodbye to each other since he'll be spending the night at his place. I gave him a quick kiss on the cheeks before getting inside.  

Sa mga sumunod na araw ay patuloy ang practice nila Haze. Habang ako naman ay may mga pinuntahang seminars na required sa course ko. Medyo hassle dahil commute dito, commute doon. Minsan nga inaasar ako nila Faye na kung kailan may kailangan ko ng boyfriend ngayon para ihatid-sundo ako ay saka naman hindi ma-abala si Haze.

[Paano ka nanaman uuwi?] tanong sa akin ni Faye, mag a-alas singko na at kakatapos lang ng isa kong seminar. 

Papalabas ako ng gate para maghintay ng jeep or bus pabalik ng campus, "Siyempre commute, alangang lakarin ko, diba? Edi payat na ako pagdating ko ng dorm kung lalakarin ko 'to?" Pabalang kong sagot at napahagalpak kami parehas ng tawa. 

[Oh sige sige, ingat ka! Matanda kana, kaya mo na 'yan.] ani nito at napahagikhik ako bago tumanaw kung may parating na jeep o bus.

"Tse! Ewan ko sa 'yo! Bye na nga!" 

[Bye na gaga! Ingat!] Pagkababa niya ng tawag ay agad kong isinilid sa bag ko ang cellphone at naghintay ng masasakyan pauwi. 

Maya-maya ay may tumigil na sasakyan sa harap ko, maglalakad sana ako palayo dahil saktong sa harap ko ito tumigil nang bumukas ang pinto ng driver's seat at lumabas si kuya Lucas. 

"Cass, pinapasundo ka ni Haze." ani nito habang naglalakad palapit sa akin. 

Nagparte ang labi ko, "Po? Seryoso po ba?" tanong ko at tumango ito bago ako ipinagbukas ng pinto, 

"Oo, nakiusap na, ilang araw kana raw umuuwi mag-isa, tsaka surprise rin daw pala." ani nito bago napahagikhik. Gumuhit ang ngiti sa labi ko pagkapasok ng sasakyan niya. 

Amoy babae!! 

Ipinagsara pa niya ako ng pinto bago siya umikot sa driver's seat. Pagkapasok nito ay napabuntong hininga siya. "Sorry magulo," ani nito bago nag-ayos pa ng mga gamit sa loob ng sasakyan niya. 

Nakipag-car fun ba siya dito? Ang daming tissue sa paligid! 

"Gustong-gusto kang sunduin ni Haze kanina, kaso may coach sila, hindi maka-alis." Pagkekwento nito, napatawa ako nang bahagya, "Oo nga po, nabanggit niya." Nahihiya kong turan, 

Ilang minuto kaming natahimik bago siya napabuntong hininga, "Iba ang tama sa 'yo ni Haze," ani nito at napakunot ang noo ko bago siya nilingon. 

Nakatutok lang ito sa kalsada, "Hindi 'yan ganiyan dati, malayong-malayo sa Haze na nakilala ko noong high school." ani niya at napakunot ulit ang noo ko. 

"Bakit po? Anong klase ba yung Haze na nakilala mo?" tanong ko rito, naghahana ng chismis. 

Napatawa ito, "Hayop, gago, ganun." ani niya na parang may panggigigil pa kaya napatawa ako, "Ganun talaga siya kagago?" tanong ko at tumango siya, "Pare-parehas naman kaming gago, kaya nga kami naging magkakaibigan." sagot niya at napatawa ako, 

"Kapag nga natatauhan ako bigla, nare-realize ko nalang na... wow, nag-grow na pala sila bilang mga tao at hindi na kagaya ng dati." ani niya at natawa ako, 

Natahimik na ang buong biyahe namin papunta ng dorm. Pagkatigil namin ng dorm ay ako na ang nagbukas ng pinto ko, nagpasalamat na rin ako bago nagpaalam at agad din siyang umalis. 

Pagka-akyat ko ng dorm ay agad akong nagpalit ng damit pantulog at namahinga sa kwarto. 

Nang dumating sila Faye at Marga ay ginising ako nito dahil magpapatulong magluto. Mabuti na rin yun dahil mas mabilis kaming natapos at nakakain. 

Mag a-alas nuebe at patulog na ako nang maisipan kong tawagan si Haze para kamustahin. Siguro naman ay pwedeng mang-istorbo kahit saglit?

Ilang beses munang nag-ring ang cellphone niya bago ito nakasagot, [Hello? Cass, miss na kita, kamusta?] Iyan agad ang bungad niya sa pagod niyang boses. 

Parang may kumurot sa puso ko at gumuhit ang ngiti sa labi ko. "I'm fine, thank you sa surprise kanina, dinamay mo pa si kuya Lucas." ani ko at napatawa siya, 

[It's nothing, hindi talaga ako makaalis ng training kanina kaya pinakiusapan ko pa si Lucas. Laki rin ng bayad ko dun, ha.] ani niya at napataw ako, "Ay? May bayad?" tanong ko at tumawa siya, 

[Oo, mukhang pera yun eh-- aray! Aray!] Napakunot ang noo ko nang napa-aray siya sa kabilang linya. 

"Haze? Anong problema?" Nag-aalala kong tanong, [Ah wala ano lang... cramps, masakit lang yung binti ko.] sagot niya at napakunot ang noo ko. 

"Nasaan kayo?--" 

[Ayan ka nanaman, 'wag na, Cass. I'll be fine, normal 'to.] Putol niya at napabuntong hininga ako, 

"Fine, hanggang anong oras kayo diyan?" tanong ko at ilang segundo siyang natahimik, [11pm yata, not sure.] sagot niya at nag-hum ako, "Sige sige, ingat diyan, bye na, matutulog na ako." Paalam ko at nag-hum ito, [Okay, bye, goodnight! Sweet dreams!] 

Sa segundong ibinaba ko ang tawag ay napatayo ako mula sa kama bago lumabas ng bedroom para kumuha ng Salonpas sa medicine kit namin. 

"Puntahan ko lang si Haze! Byee!" Paalam ko kay Marga na busy manood sa sala bago lumabas ng kwarto. 

Pagkalabas ay agad akong tumakbo papuntang elevator at pumindot sa floor ng dorm nila kuya Lorenzo na kasama sa dorm ni Haze. 

Pagkakatok ko rito ay ilang segundo bago may nagbukas, nagulat ako dahil isang di pamilyar na mukha ang nagbukas ng dorm room nila. 

"Si kuya Lorenzo po? Andiyan?" tanong ko sa hindi ko kilalang lalaki, 

Kumunot muna ang noo nito bago lumingon sa kwarto, "Lorenzo! Someone's looking for you." sigaw nito, agad sumulpot si kuya Lorenzo bago umalis ang lalaki na nasa harapan ko. 

"Oh, Cassandra? Wala si Haze dito." Bungad niya agad, "Yun na nga po, eh. Saan po kaya siya nag t-training? Ayaw sabihin sakin, baka puntahan ko nanaman." ani ko at napatawa siya bago lumingon sa loob ng kwarto. 

"Xandro! Alam mo kung nasaan si Alonzo?" Sigaw nito sa loob, nakisilip ako at nakita si kuya Xandro na naguguluhan ang ekspresyon. 

"Hindi ba nasa ano yun... sports arena sa school?" sagot nito at doon palang ay tatakbo na sana ako paalis. 

"Oo nga, saang sport arena?" tanong ni kuya Lorenzo,

Napakiling si kuya Xandro habang nag-iisip, "Dun yata sa... sports arena ng tatay mo." sagot ni kuya Xandro at napatango si kuya Lorenzo bago humarap sakin. 

"Tolentino Sports Arena," ani nito at agad akong napatango, "Salamat po!" ani ko bago nagtatakbo sa hallway. 

Sumakay ako ng tricycle papunta ng university. Pagkabayad ko sa tricycle ay agad akong tumakbo papasok ng arena. Napakunot ang noo ko nang makita ko si Haze na naka-upo na sa benches. 

Tahimik akong pumasok para walang makapansin sakin, ilang metro nalang sana at malalapitan ko na si Haze nang ituro ako ng isa niyang kasamahan. "Alonzo, girlfriend mo," Turo nito sa akin, napakagat ako sa labi nang lingunin ako ni Haze, napabuntong hininga ito, "Sabi na nga ba." galit yata siya?

Nakangisi akong lumapit sa kaniya at tinabihan siya, "Hello," Nahihiya kong bati, muli itong bumuntong hininga bago ako hinawakan sa kamay at pina-upo sa tabi niya. 

Agad niya akong inakbayan at hinalikan sa noo, "I missed you so much, pero napakakulit mo. Bumyahe ka nanaman papunta rito." ani niya habang nakasandal ang pisnge sa ulo ko. 

"Nag-aalala kaya ako sa 'yo, napa-ano kaba? Bakit naka-upo kana rito?" tanong ko sa kaniya, lumingon siya sa akin at napangisi. 

"Wala eh, nag-cramps ako habang tumatakbo, napasama bagsak ko." ani niya at nagparte ang labi ko. 

"Anong nararamdaman mo ngayon? Saan masakit?" Hagas kong tanong, tumungo ito at kinapa ang binti niya, 

"Banda dito," ani niya bago hinawakan ang binti niya, nang hawakan ko ito at bahagyang pinisil ay napa-aray siya, "Sorry, sorry, may dala akong Salonpas, akin na." ani ko bago kinuha ang Salonpas sa bag ko, lumuhod din ako sa harap niya para asikasuhin ang binti niya. 

"Cass you don't have to kneel--"

"Shh! 'Wag malikot!" Saway ko rito, parang bata! 

Dahan-dahan kong inilagay sa binti niya ang Salonpas. Bahagya ko rin itong minasahe pero nang napapasinghal na siya sa sakit ay tumigil na ako. 

"Paano ka makakauwi niyan?" tanong ko sa kaniya nang tumabi ako rito, 

Lumingon siya sa 'kin, "Few minutes, nakakalakad naman ako, sumasakit lang pero makakapagmaneho pa ako." ani nito at napasinghal ako, 

"Haze naman, sigurado ka?" Nag-aalala kong tanong dito at tumango siya, "Yes, kaya ko, pero next time, please, kapag pupunta ka, fine, di na kita pipigilan pero magpahatid ka naman kila Lorenzo o Shawn." ani niya at napatawa ako, 

"Sira! Nakakahiya 'no!" ani ko at umiling ito, "No, tagapaghatid nga ako pauwi dati ni Savanna, eh. Inu-utos-utusan lang din ako ng mga yun, mababait yun. So next time, magpapahatid kana kapag pupunta ka. Magbibilin ako kila Lorenzo." ani nita at napabuntong hininga ako bago tumango. 

Nang pauwi na ay laking gulat ko dahil nasa labas ng sports arena si kuya Lorenzo at kuya Xandro. "Ano? Pilay ka 'no? Sakit mo na 'yan, Alonzo! Suki ka ng pulikat at pilay kapag lalaro." ani ni kuya Xandro bago nilapitan si Haze at bahagyang inalalayan maglakad papasok ng sasakyan. 

"Paano sasakyan mo?" tanong ni kuya Lorenzo, "Diyan na muna 'yan, babalikan ko bukas." sagot ni Haze, pinasakay muna ako ni kuya Xandro ng backseat bago si Haze na inalalayan niyang sumampa. 

"Akala ko ba kaya mo?" bulong ko sa kaniya habang bumabyahe pauwi, napatawa siya nang bahagya, "Na-alala ko mga utang ng mga 'yan sa 'kin. Oras na para maningil." sagot nito at napatawa ako nang bahagya bago napa-iling. 

Pagkadating namin ng dorm ay hindi na ako nagpahatid kay Haze sa kwarto para makadiretso na siya sa kwarto nila at makapagpahinga na. 

"Ano 'yan?" tanong sa akin ni Faye nang tumabi sa akin sa canteen.

"Review, long test." sagot ko at napasinghal si Faye,

"Nagkaklase pa pala kayo? Diba lagi kang nasa seminar?" Gulat na tanong nito at napatawa ako,

"Parang hindi ka college, alam mo naman na normal na 'to." ani ko at napatawa siya,

"Magkaiba kasi tayo ng prof diyan, malas mo, napatapat ka diyan." Ani niya bago kumagat sa sandwich niya,

Nagulat ako maya-maya nang dumating si kuya Shawn. May dalang tupperware para kay Faye habang naglapag naman ng isang paper bag sa tabi ko.

"Allison, I cooked that, kainin mo. Cassandra, pinapabigay ni Haze, kainin mo." ani niya na parang may inuutos lang kaming gawin na kung ano kaya parehas kaming napatawa ni Faye.

"Wow kuya ha, himala nagluto ka." ani nito sa kapatid habang ako naman ay binubuksan ang paper bag. Mag laman itong styrofoam container na may sticky notes na nakalagay.

'I remembered you when I saw this, hope you like it.'

"Hey! You know I like to cook. Kung makapagsalita ka naman parang ang sama kong kuya." ani ni kuya Shawn at napangisi ako habang binubuksan ang bigay ni Haze.

Sisig! Marami ang laman nito at may mayonnaise pa! Umalingawngaw ang amoy nito sa paligid na naka-agaw ng atensyon ni Faye at kuya Shawn.

Hinampas ako ni Faye sa braso, "Cass! Ang sarap! Nagugutom na ako!" ani nito at napatawa ako bago isinara ang styrofoam.

"10am palang, hintay tayo ng 11:45 bago kumain." Ani ko at napakamot si Faye bago nagpapadyak na parang bata.

Habang naghihintay magtanghalian ay patuloy ako sa pag re-review at pagbabasa. Kagabi lang kami sinabihan na may long test kami at para akong babagsakan ng lupa.

Walang biro kapag sinabing 'long' test dahil mahaba nga ito. Pakiramdam ko ay buong sem na ang inaaral ko sa sobrang dami ng aaralin.

Nang sumapit ang tanghalian ay sabik na sabik ako sa sisig. Nakadalawang kanin pa ako sa sobrang sarap nito.

Kaya naman pagpasok ko sa klase ay bundat na bundat ako.

Alas tres nang matapos ang klase ko, umuwi agad ako para ipagpatuloy ang pag re-review. Bukas na ang long test at wala pa sa kalahati ang nasa utak ko.

Pagsapit ng gabi ay um-order nalang kami para sa hapunan dahil tinamad kaming magluto.

"Paawat ka naman, Cass. Kumakain tayo, oh. Review pa rin?" tanong ni Marga, napatawa ako habang ngumunguya ng manok.

"Ramdam ko sa nervous system ko yung pagbagsak ko bukas." sagot ko bago uminom ng tubig.

Nang matapos kumain sila Faye at Marga ay nagpaiwan na ako sa lamesa dahil hindi pa ako tapos kumain at nag-aaral pa rin ako.

"Parang tanga naman, eh!" Inis kong turan nang may tumawag sa cellphone ko,

Pagtingin ko ay unknown number ito kaya naman napakunot ang noo ko bago ito sinagot.

"Hello? Sino 'to?"

[Hello, si Cassandra Gonzales ba 'to? Girlfriend ni Haze?] Napakunot ang noo ko sa tanong niya,

"Oo, bakit? Sino 'to?" Taka kong tanong na may halong kaunting kaba.

[Ano kasi... teammate 'to ni Haze, isinugod namin si Haze sa Mendoza Medical Hospital, nag-over fatigue, eh, nahimatay.]

Naramdaman ko ang pagsingaw ng init sa balikat ko at parang sumara bigla ang lalamunan ko.

"P-Papunta na po ako diyan, pupunta na!" Nauutal kong sigaw bago pinatay ang tawag.

"Anong nangyari? Okay ka lang?" Takang tanong ni Faye na kakatapos lang mag toothbrush.

Humahangos akong ilagay lahat ng gamit ko sa bag kong nakapatong sa sahig.

"Huy, okay ka lang?--"

"Si Haze raw... isinugod sa ospital... nahimatay." May pagitan ang bawat salita ko sa sobrang pagsikip ng aking hininga.

"Babawi ako sa paglilinis ng lamesa!!" Sigaw ko bago lumabas ng kwarto,

Agad akong dumiretso sa kwarto nila kuya Lorenzo para magpahatid sa ospital. May kalayuan ang MMH sa dorm at baka ma-traffic pa ako.

Pagkakatok ko sa pinto ay agad itong bumukas at sumalubong sakin si kuya Lorenzo na nagsusuot ng jacket.

"Nabalitaan mo na?--"

"Magpapahatid po 'ko sa MMH." Turan ko agad dito, tumango ito bago lumabas ng kwarto,

"Tara na, nabalitaan na rin namin." Ani niya bago kami naglakad papuntang elevator.

Naninikip ang dibdib ko buong biyahe papuntang MMH. Nag-text ako sa number na tumawag sakin kanina para humingi ng update pero hindi ito sumasagot.

Sa oras na dumating kami sa MMH ay agad lumapit si kuya Lorenzo sa receptionist.

"Where is the room of Alonzo Haziel Vergara? Isinugod dito ng emergency vehicle due to over fatigue." Ani nito sa receptionist, para akong batang hinabilin sa likod niya. Nakapajama na ako, naka-clam lang ang buhok ko at dala-dala ko sa likod ang backpack ko.

"Thank you miss," hindi ko narinig ang sagot ng nurse sa receptionist pero agad akong hinigit ni kuya Lorenzo papuntang elevator,

Nakita kong floor 14 ang pinindot niya at nang makarating kami doon ay hinigit niya ulit ako patakbo sa hallway.

Nanginginig ang kamay ko nang buksan ni kuya Lorenzo ang pinto ng kwarto ni Haze.

Bumungad samin ang mga teammates nito sa na nasa loob ng kwarto.

"Kamusta siya?" Tanong ni kuya Lorenzo sa mga teammates ni Haze habang ako naman ay diretso papunta kay Haze,

"He'll be fine," bulong ni Joseph bago bahagyang umurong para makalapit ako kay Haze,

Napalunok ako ng laway bago ibinaba ang bag sa sahig, "Anong nangyari?" Tanong ko habang hinihimas ang buhok ni Haze na wala pa rin malay.

"Biglaan eh, naglalaro kami, he was running and he has the ball in his hand. Tapos bigla siyang... tumigil at kasunod nun, bumagsak na siya." sagot ni Joseph at tumango ako, pinipigilang maluha.

"Kumain ba siya ng hapunan? Heavy ba yung training niyo?" Tanong ko, nakatuon pa rin any atensyon kay Haze.

"Nag pizza kami around 4pm, tapos wala pang kasunod yun." Sagot niya at utay-utay akong tumango.

"Hindi pa rin siya nagigising?" Tanong ko ulit, pinagmamasdan ang hitsura ni Haze,

"Nagising siya on the way here. Nakausap namin siya, he was short in oxygen pero sinabi niya na nandilim lang daw paningin niya. Pinatulog muna siya ng doctor para magpahinga." Sagot ni Joseph at tumango ako,

Binigyan ako ng isa nilang kasama ng bangko para maupo sa tabi ni Haze.

"Una na kami Cass, tuloy pa training namin, eh." Paalam ni Joseph at saka lang ako nag-alis ng tingin kay Haze.

"Ingat kayo, mag dinner na kayo." Bilin ko rito, ngumiti lang si Joseph bago sila umalis ng mga ka-teammates nila at naiwan kaming tatlo nila kuya Lorenzo sa loob.

"Uh Cass... sabi raw ng doktor... over fatigue lang talaga yung dahilan kung bakit nahimatay si Haze. Alam kasi namin kulang na sa tulog 'yan at sobra naman sa pagod. Pagpahingahin lang daw muna at magiging okay din siya." Turan ni kuya Lorenzo,

Tumango ako habang nakatulala kay Haze, "Sige po,"

"Papapuntahin ko rito sila Xandro at Lucas para magbantay. Ihahatid na kita, balita namin may long test ka raw bukas." Lumingon ako kay kuya Lorenzo na nakatayo sa may lamesa at nakapamulsa,

Umiling ako, "Babantayan ko po siya," sagot ko at napakunot ang noo ni kuya Lorenzo,

"Pero bukas pa raw ng umaga idi-discharge si Haze. Paano ka makakapag-review?" Tanong nito,

"Kaya ko naman po magreview dito." Maikli kong sagot, napakamot ito sa batok,

"Paano ang pagpasok mo bukas?" Tanong niya at nagkibit-balikat nalang ako.

Kung kakailanganin kong pumasok nang naka-pajama bukas, gagawin ko.

"Sige, saglit, I'll ask someone to bring you clothes." ani niyo bago kinuha ang cellphone sa bulsa.

Nagbalik ako ng tingin kay Haze at sumubsob sa kamang hinihigaan niya habang hinihimas ang kumot na nakapatong sa kaniya.

Pinagmasdan ko ang mukha niya, ang payapa niyang tingnan. Namayat siya nang kauntian, halos hindi halata pero pansin ko. Nagka-eyebags rin siya, may mga buhok na rin tumutubo sa baba niya. Yung labi niya nanunuyo na at namamalat. Napapabayaan na niya ang sarili niya.

Ilang minuto ang lumipas na tahimik ang buong kwarto. Tanging ang ingay lamang ng aircon ang tunog sa silid.

Maya-maya ay nagsalita si kuya Lorenzo, "Howard and Shawn will be here in less than an hour. May dala silang damit mo, pagkain at toiletries." ani nito,

Bumangon ako mula sa pagkakasubsob at nilingon siya, "Thank you po," ani ko at tumango ito,

"No worries, hihintayin ko na sila tapos sabay na kaming aalis, will you be okay here alone with Haze?" He asked and I nod,

Naupo muna siya sa sofa habang nanatili akong nakasubsob sa kama ni Haze.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, nagising nalang ako nang may tumapik sa balikat ko.

"Bakit mo tinapik? Kita mo nang natutulog." Boses agad ni  kuya Shawn ang narinig ko,

"Ay sorry, ano... Cass andito na yung damit at mga gamit mo. May pagkain din dito kung sakaling magutom ka." ani ni kuya Lorenzo, nang mapagtanto kong nakatulog ako at na-alala kong kailangan ko pa palang mag review ay napatayo ako kaagad na bahagyang ikinagulat nila kuya.

"Salamat po," nahihiya kong turan at tumango silang tatlo.

"Sige, iwan na muna namin kayo." Paalam ni kuy Shawn at umalis na silang tatlo.

Tiningnan ko muna ang mga dala nilang pagkain bago hinigit ang lamesa malapit sa kama ni Haze para mag-aral.

Bandang alas dos ng madaling araw ay narinig kong gumalaw si Haze. Agad ko siyang nilingon at nilapitan.

Hindi ako nagsalita at hinintay siyang magmulat, nang makita niya ako ay agad gumuhit ang ngiti sa labi niya pero agad din siyang napasinghal dahil sa tuyo niyang labi.

"Tubig?" Alok ko at tumango siya,

Kumuha ako ng bottled water at ini-abot sa kaniya. Uhaw na uhaw siya dahil naubos niya ang isang boteng tubig.

"Gusto mo bang kumain? May pagkain ditong dinala sila kuya Howard." Alok ko bago pinuntahan ang pagkain na nasa sofa.

"May wonton soup dito, may chicken, may chao fan, anong gusto mo?" Tanong ko sa kaniya,

"Soup nalang," mahina ang pagkakasabi niya nito pero narinig ko naman.

Dala ang soup at kutsara, naupo ako sa tabi niya para subuan ng pagkain.

"Kaya ko naman," nanghihina ang boses niya,

"Ako na, alam kong kaya mo, magpahinga ka diyan." Sagot ko at napatawa siya bago ko ulit sinubuan.

Nakita kong umikot ang tingin niya sa buong kwarto, "Nag-aaral ka? 'Yan ba yung long quiz na sinasabi mo?" Tanong niya at tumango ako,

"Anong oras na? Natulog kana ba?" Tanong niya ulit at napatawa ako nang bahagya,

"2:36am na," sagot ko,

"At natulog kana ba?" Pag-uulit niya na parang nagbabanta,

Napahagikhik ako, "Hindi pa pero--"

"Walang pero-pero, matulog ka." Putol nito sa akin at natawa ako.

"Naman, eh! Kaunti nalang, 4am--"

"Makakatulog kapa ba nun?" tanong niya at tumango ako,

"Oo, kaya naman payagan mo na ako until 4am." Sagot ko at pinanliitan niya ako ng mata.

"Let me eat by myself then you continue to study." he said in a serious tone. I pouted before handing him the soup and went back to the table where I was studying.

"4am na," napatawa ako nang magsalita siya. Saktong 4:00am talaga ay pinatigil niya ako.

Medyo kuntento na rin naman ako sa inaral ko pero hindi ako confident. Nangangamoy bagsak ako sa long test na ito.

Inayos ko muna ang mga gamit ko bago tumabi sa kaniya dahil gusto niyang magkatabi kaming matutulog. Nagulat din ako dahil malaki pala ang kama niya at halos mas malaki sa kama ko sa dorm.

Alas sais nang magising ako, mabuti at hindi nakayapos si Haze sa akin kaya naka-alis ako nang hindi siya nagigising. Naligo ako at pagkatapos ay um-order ng almusal. Nang dumating ang pagkain ay ginising ko na si Haze para kumain. 

Maya-maya ay dumating na rin sila kuya Edward at Xandro para asikasuhin ang paglabas ni Haze. Bihis na si Haze at hinihintay nalang namin silang matapos, habang ako naman ay nagbabasa-basa pa ng reviewer ko. 

Panay ang tingin ko sa orasan dahil wala nang 15 ay magsisimula na ang long test namin at hindi pa rin bumabalik sila kuya Edward. 

Para akong sinisilihan sa sobrang pagkataranta ko, 7:21 na at hindi pa rin sila bumabalik. Inayos ko na ang gamit ko at naisipan nang mauna pero nang mag 7:24 na ay tinanggap ko nang late na ako sa long test namin. 

Napabuntong hininga ako bago naupo sa sofa sa tabi ni Haze, sumandal ako sa balikat nito, "Something's wrong?" tanong nito at tumango ako, "Late na ako sa long test ko, wala pa sila kuya." bulong ko habang nakatulala, 

"Shit! Oo nga pala! Tawagan ko sila!" ani ni Haze bago kinuha ang cellphone sa bulsa. 

Rinig ko ang pag-ring nito, [Hello?--]

"Bro nasaan na kayo? May long test si Cass, late na siya!" Tarantang turan ni Haze, naramdaman ko ang pamamasa ng mata ko at anumang segundo ay maiiyak na ako. 

Terror pa man din yung prof namin, kapag mainit ang dugo nun ay paniguradong hindi na niya ako pakukuhain ng long test. 

[Fuck! Oo nga pala, pabalik na kami, tell Cass don't worry, akong bahala.] Narinig kong buling ni kuya Edward sa kabilang linya, 

"Sige sige, bilisan niyo." sagot ni Haze bago ibinaba ang tawag. Sumobsob ako sa braso ni Haze at naramdaman ko ang pagyapos nito sa akin. 

Doon ay bahagya akong naluha sa braso niya, "Shh~~ gagawan ni Edward ng paraan 'to, promise. Don't worry about that long test so much." He assured me while softly rubbing my arms. 

We stayed in that position for few minutes before the door swung open. "Sorry we're late, nakasalubong namin parents ni Xandro sa hallway." turan ni kuya Edward agad akong napatayo sa sofa habang si Haze naman ay dinala na ang gamit ko. 

"Sinong prof niyo sa long test na 'to?" tanong ni kuya Edward habang nagmamaneho, "Si Sir Bautista po," sagot ko at narinig kong napatawa si kuya Xandro,

"Easy shit, favorite student nun si Edward last year." ani ni kuya Xandro at napakunot ang noo ko, 

"That means kakausapin lang ni Edward yung prof mo to explain why you're late and you'll be good." bulong ni Haze at tumango ako, 

Pagkdating namin sa university ay kasama kong pumunta sila Haze sa room, pagsilip ko ay nag te-test na sila at nasa harap ang prof namin. 

Si kuya Edward ang kumatok, "Sir?" tawag nito, sumilip ako at nakitang agad tumayo si mr. Bautista, "Sebastian, what brings you here?" tanong nito, nanatili akong nakatago sa likod ni kuya Edward. 

Bahagya akong itinulak ni kuya Xandro para makita ni Mr. Bautista, nagparte ang labi ng prof ko nang makita ako. 

"Ms. Gonzales, you're late," turan nito at para akong kinilabutan, "Yes sir, she was with Haze sa hospital po. Haze fainted last night and was rushed sa ER. Cass, his girlfriend, took care of him for the night while reviewing at the same time. Today, she was late due to we had problems discharging Haze from the hospital. I hope you'll still let her take the long test." Paliwanag ni kuya Edward, napakamot ako sa braso ko habang hinihintay ang sagot ni Mr. Bautista, nanatili rin akong nakatingin sa sahig dahil ayaw ko itong tingnan sa mata. 

Narinig ko itong bumuntong hininga, "Of course, she had a valid reason, come in miss Gonzales." ani nito at para akong nabuhayan ng kalamnan, agad akong pumasok sa room at naglakad papuntang bakanteng upuan. 

Paglingon ko sa may pinto ay nag-thumbs up sila kuya Edward at Xandro habang si Haze naman ay nag flying kiss pa. 

Dahil late ako nag-start ay ako ang kahulihang natapos ng long test habang ang iba ay naka-alis na. Mabuti nalang at busy si sir Bautista sa cellphone niya kaya hindi ako na-sermonan nang magpasa ako. 

Para akong nabunutan ng tinik nang matapos. Dumiretso ako ng canteen para kumain dahil hindi ako nasiyahan sa almusal ko kanina dahil sa pinaghalong kaba at puyat. 

Hindi man ako confident sa test ko ay at least tapos na. 

Pagkatapos kong kumain ay pumunta muna ako ng clinic para humingi ng gamot sa sakit ng ulo at matulog dito. 

Pumasok ako sa klase ko ng alas dos at pagsapit ng alas kwatro at umuwi muna ako ng dorm para kumuha ng damit dahil sa condo muna ako ni Haze titira para alagaan siya. 

[Magpahatid ka kila Lorenzo o kung sino man ang andiyan na congress,] ani ni Haze habang nag-aayos ako ng gamit, 

"'Wag na, nakakahiya, tsaka kaya ko naman mag-commute, isang bus lang na sakay yun 'no!" sagot ko at narining ko itong nagsaltik ng dila sa kabilang linya, 

[Si Xandro raw nasa lobby lang, magpahatid kana.] turan nito at napabuntong hininga ako, 

"Kulit mo naman, okay nga lang, eh." turan  ko rito, 

[Ang kulit mo rin, magpahatid kana nga, para mas mapabilis ka at hindi na hassle. Oh, ayan, nag-reply si Xandro, okay lang daw, pumunta ka nalang ng lobby.] ani nito at napanguso ako bago binuhat ang bag ko, 

"Sige na, sige na, pababa na ako, see you in few minutes, bye!" 

[See you! Ingat kayo, bye!] Pagkababa ng tawag ay agad din akong umalis ng kwarto namin at pumunta ng lobby, nadatnan ko si kuya Xandro na nag-aayos na ng gamit.

"Andiyan kana pala, alis naba tayo?" tanong nito at nahihiya akong tumango, 

Sa biyahe papunta sa condo ni Haze ay inalok pa ako nito ng candy na nasa compartment box ng sasakyan niya. Pagdating namin sa condominium building ay inihatid pa niya ako sa kwarto ni Haze dahil sa laki ng bag na dala ko. 

"Hey, I missed you, how was your test?" Sinalubong ako ni Haze ng mahigpit na yakap. Dinala niya ang bag ko papasok at agad dinala sa kwarto niya habang ako naman ay naupo sa sofa, 

"Gutiom kaba? May lasagna akong niluto kanina. I can heat it up if you want." Alok niya pero agad akong umiling, 

"Okay lang, ikaw? Kamusta ka?" tanong ko, naupo ito sa tabi ko, "Nilalagnat ako, pero 38.5 degrees celcius lang naman." sagot nito at nagparte ang labi ko. 

"Talaga? Kailan pa? Uminom kana ba ng gamot?" Nag-aalala kong tanong at tumango ito, 

"Kaninang lunch pagkagising ko nilalagnat na ako. And yes uminom na ako ng gamot after kong magtanghalian." sagot niya at tumango ako, 

"Ikaw? How was your day? How was your test?" tanong niya bago ako niyapos at sumandal sa akin, 

"It was hard, not very confident pero at least tapos na. Plus I'm surprised na close pala si kuya Edward at si Mr. Bautista." sagot ko at napatawa ito, 

"Edward's dad donated ton of medical equipment sa university around 2 to 3 years ago that's why Mr. Bautista favors Edward a lot. Though we can't really say they bribed mr. Bautista because you know Edward, he's really mr. Smarty pants." Haze answered which made me chuckle. 

We watched television for an hour or more before I decided to get up and cook us dinner. 

It has been my routine for few days to take care of him and stay at his place at night to monitor his temperature and his situation until he's finally feeling well and can go back to school and his training. But I still remind him to eat on time, don't get tired too much and to take care of himself. 

Nang mas papalapit nang papalapit ang laban nila ay madalas ko siyang binibista pagkakagaling ko university para dalhan ng pagkain at panoorin ang practice nila. Pagkakatapos ay sabay na kaming umuuwi ng dorm dahil dito na ulit siya natutulog. 

"Happy Birthday!!!" Nagising ako sa pagbati nila Faye at Marga sakin, may hawak-hawak itong pinggan na may lamang waffales with chocolate spread at kandila sa ibabaw. 

"Aww! Thank you!!" Agad akong bumangon sa kama para mag-wish at ihipan ang candle. 

Nasa kwarto rin sila Simon at Matt para sumabay samin mag almusal, may dala itong spaghetti at mga silog. 

"May klase kaba ngayon? Anong balak mo?" tanong ni Simon habang ngumunguya, 

"May isa akong klase ngayon, at ngayon din ang laban ni Haze kaya naman hindi ko na papasukan yung klase ko at manonood ako ng laban ni Haze." sagot ko at tumango ang mga ito, 

"Anong oras laban ni kuya Haze?" tanong ni Faye, "9am, after ko kumain maliligo na ako para makapunta na agad sa paglalabanan nila." sagot ko bago sumubo ng kanin, 

"Sino kasama mo pagpunta dun? Commute kaba?" tanong ni Allan at umiling ako, 

"Ihahatid ako ni kuya Lucas," sagot ko at tumango sila. 

Pagakatpos kong kumain gaya ng plano ay agad akong naligo, nagbihis at nag-ayos para makarating sa laban ni Haze bago pa man ito magsimula. Mabilis lang din akong naihatid ni kuya Lucas sa sports arena. 

"Hey! Goodluck!" Iyan ang bungad ko kay Haze nang kulbitin ko ito, 

Gumuhit ang ngiti sa labi niya bago ako niyapos, "You're here, happy birthday!" Bati niya habang isinasayaw kaming dalawa. 

Kumalas ako sa pagkakayapos niya, "Aww, thank you! How are you? Ready naba?" tanong ko at tumango siya, "Oo naman, ready na!" sagot niya at napataw ako, "Tubig mo? Gatorade?" tanong ko at doon ay bahagya siyang natigilan, 

"Wala  kaming Gatorade, bawal kasi ang plastic bottles sa arena kaya hindi na nakapagdala ng Gatorade." sagot niya at nagparte ang labi ko, 

"Paano 'yan? Okay kalang na walang Gatorade? Pocari Sweat wala rin?" tanong ko at tumango siya, "Kaya naman," sagot niya at utay-utay akong tumango habang nag-iisip ng paraan kung paano siya mabibilhan ng Gatorade. 

"Sige sige, sa bench muna ako, goodluck!" ani ko bago siya hinalikan sa pisnge. 

Pagkaupo ko sa bench ay agad akong napa-download ng Maxim app para magpadeliver ng tubigan ni Haze. Kahit hindi maalam, kahit bago lang ako gumamit ng Maxim ay nagpadeliever pa rin ako ng tubigan para kay Haze. Nahirapan pa ako dahil hindi ko gamay kung paano ito gamitin. 

Mabuti nang dumating ang tubigan ay hindi pa nagsisimula ang laro. Kinuha ko sa labas ang delivery bago tumakbo papunta sa pinakamalapit na 7/11 at doon ay bumili ng Gatorade na at isinalin ito sa tubigan na pina-deliver ko at bumibili na rin ako ng FitBar at dark chocolate. 

Naglalakad ako pabalik ng sports arena nang magsimula ang ulan. Nagtatakbo ako pabalik at sakto namang nagsisimula na ang event. Agad akong tumakbo sa gawi nila Haze. 

"Hey, I bought you Gatorade." ani ko nang i-abot ko sa kaniya ang supot. 

Nakita ko ang gulat sa mukha niya bago napatayo, "What's this? Cass you don't have to--" 

"Gusto ko, okay? Para rin may mainom ka mamaya, okay? Goodluck!" Tinapik ko sa siya sa braso at akmang tatakbo papunta sa bench nang higitin niya ako pabalik. 

Sinuklay nito ang medyo basa kong buhok gamit ang daliri niya, "Thank you," ani niya at ngumiti ako bago siya hinalikan sa pisnge at umalis na. 

Naninibago ako sa laban na ito ni Haze. Kalaban nila ang taga ibang university at kung sino-sino na ang nanonood. Hindi kagaya ng sport fest dati sa SHU na kami-kami rin ang mga nanonood. 

Nahihiya rin akong mag-cheer nang sobra dahil sa dami ng mga tao at baka ma-judge ako. Isama pa na kasama ng ibang basketball players ang girlfriends nila at ipinapakita ito sa big screen at ang gaganda nila!

Pumapalakpak nalang ako at ngumingiti na abot tenga kapag nakaka-shoot si Haze. 

May mga babaeng sumisigaw sa pangalan ni Haze. May mga nag che-cheer at minsan ay nililingon pa ni Haze pero nang mapagtanto niya na hindi ako ang sumisigaw ay agad siyang lumilingon sa gawi ko at pumapalakpak lang ako at ngumingiti. 

Pagkatapos ng 3rd quarter ay nagulat ako nang naglakad papunta sa gawi ko si Haze. Ang mga babaeng nasa likuran ko ay nagsitilian. 

Tumayo ako nang tumigil siya sa harap ko, "Why? Something wrong?" Alala kong tanong, ngumuso ito, "Mag cheer ka naman," ani niya at napatawa ako, agad nawala ang ngiti ko nang mapunta kami sa big screen at kitang-kita ang nguso ni Haze kaya bahagya akong umalis sa frame. Napakunot ang noo ni Haze at nang makita na yung camera ang iniiwasan ko ay hinigit ako nito at mas ipinakita sa big screen, naka-akbay siya sa 'kin at nakangiti na animo'y proud na proud akong ipakita sa camera. 

Pabiro ko itong hinampas, "Oo na, bumalik kana sa teammates mo, magsisimula na quarter 4." ani ko bago siya bahagyang itinulak palayo. 

"Kiss muna," ani niya at napasinghal ako, "Luh! Mamaya na! Kapag panalo na kayo!" ani ko at tumawa siya bago tumango at tumakbo pabalik sa mga teammates niya. 

Sure win naman na sila, 34 points ang lamang nila sa kalaban at patuloy ang pag-score nila Haze. Lahat sila ay nakaka-shoot pero mas madalas ang pag 3-points ni Haze.  

"Go Haze!! Go Vergara 14!!" sigaw ko nang nasa kaniya ang bola, at nang mai-shoot niya ito ng 3 points ay napatalon ako sa kina-uupuan ko,

Last 2 minutes ng laban, 64-51 ang laban at leading sila Haze. Hinahabol ng tingin  ko ang bola na si Haze ang may dala-dala, nang biglang nahulog ang cellphone ko na nakapatong sa hita ko at agad ko itong pinulot. Nagulat ako nang biglang magsigawan ang mga babae sa likod ko. 

"Hala, anong nangyari?!" turan ng isa na nakatingin sa court, agad akong nagbaling ng tingin sa unahan at doon ay nakita kong nagkakagulo ang mga medic. Napakunot ang noo ko at napatayo, hinahanap ko si Haze. Wala ito sa mga nakatayong players sa gilid o di naman kaya sa court. 

Nang maaninag ko ang asul nitong sapatos ay napatakbo ako sa gawi ng mga medic at doon ay nakita ko si Haze na nakalupasay sa sahig habang dinadaluhan ng medic. 

"Pinulikat lang si Haze," napalingon ako kay Joseph na nagsalita sa likod ko, ilang metro ang layo namin kila Haze pero tanaw na tanaw ko siya. Nakangiwi ito at bakas sa ekspresyon ng mukha niya na nasasaktan siya. Pinapanood ko lang siya ay parang nahihirapan na akong huminga at parang may kumurot sa dibdib ko. 

Hindi ako nangialam o lumapit at hinayaan ang mga medic na buhatin siya at dalhin sa benches. Nagulat ako dahil andoon sila kuya Lorenzo at Edward. 

Nanatili akong nakatayo sa gilid at hindi siya malapitan, hindi ko alam ang gagawin ko, nangangapa pa ako. Busy pa rin ang medic sa kaniya. 

"Ah-- AH!!" Napapasigaw siya nang sinusubukang masahihin ng medic ang binti niya. Nang makita ako ni kuya Edward ay lumapit ito, "Pulikat lang 'yan, sakit niya na 'yan." ani nito at napatawa ako nang bahagya, "Mukhang masakit," ani ko at nag-hum ito, "Masakit talaga 'yan, na-overwork muscles niya." sagot nito at tumango lang ako. 

Maya-maya lang din ay umalis na ang medic at saka ako nakatabi sa kaniya. Agad akong kumuha ng towel na naka-ayos sa isang bench bago siya pinunasan.

"You did so well," I softly said while wiping his sweats, humarap siya sa akin at ngumiti, "Sorry," Napakunot ang noo ko sa paghingi niya ng tawad, "Bakit ka nag so-sorry?" Taka kong tanong, bumuntong hininga ito, 

"I didn't gave you a good watching experience." he replied which made me chuckled, 

"Sira, I had fun! Ang galing-galing mo nga, eh! My Mr. MVP!" sagot ko sa kaniya at napatawa siya, "Talaga ba?" Agad akong tumango, "Oo kaya! Super astig! Super pogi! Super lakas ng dating! Super galing! Super deserve mo ng kiss mamaya!" ani ko at napatawa siya bago tumango, 

"I'm happy to have you here." he softly said, I scrunched up my nose as I cringed a little with what he said but I held him by his head to pull him closer and rest his head on my shoulder. 

"Sure win na, wag lang mahabol yung score niyo, pero panalong-panalo na kayo." ani ko habang hinihmas ang ulo niya, 

Hindi ako nagkamali dahil sila ang nanalo sa huli. Inalalayan siya ng mga kasama niya para sumama sa group picture nila. Naka-akbay pa siya sa dalawa niyang ka-team para suportahan ang bigat niya. 

"Iba na talaga sakit mo, Alonzo! Noong high school kapa ganiyan!" Kantyaw sa kaniya ni kuya Shawn, kumpleto na pala sila, agad dinaluhan nila kuya Edward at Xandro si Haze para makapaglakad palabas ng arena. 

"Akin na 'yan, Cass." Kinuha sa akin ni kuya Shawn ang gym bag ni Haze, si kuya Howard lang ang humiwalay sa amin  dahil siya ang nagmaneho ng sasakyan ni Haze pauwi ng dorm. 

Pagpasok ng dorm ay marami ang bumati kay Haze habang buhat-buhat siya ni kuya Lorenzo at Edward pa-akyat ng dorm. Ako naman itong nakabuntot lang sa kanila na parang tuta. 

Habang naglalakad sa hallway ay nanguna-nguna bigla sila kuya Adrian at Lucas sa kwarto, maski sa pagpasok ay kahulihan ako dahil naunang ipasok si Haze habang nag-excuse naman sila kuya Howard at Shawn. 

"Surprise!!" Nanlaki ang mata ko dahil sa segundong pumasok ako ay may pumutok na poppers. 

"Happy birthday!" sigaw ni Haze habang naka-akbay kila kuya Lorenzo at Edward, gumuhit ang malawak na ngiti sa labi ko. 

"Thank you! Grabe... nag-abala pa kayo!" ani ko, hindi ko alam kung ano nag magiging reaksyon ko, pinaghalong tuwa at hiya. 

"Sus! Wala yun, request ni Haze, eh." ani ni kuya Shawn, "Dapat nga sa condo niya talaga ang surprise, naka-set up na kagabi pa. Kaso nabalitaan naming nag-acrobatics nanaman sa court si Haze kaya inilipat na namin dito yung decorations." Dagdag ni kuya Shawn at nagparte ang labi ko, 

"Kaya po ba wala kayo kanina sa laro niya?" tanong ko, "Kami ni Howard may klase, pero sila oo, yun ang ginagawa nila." sagot ni kuya Adrian at utay-utay akong tumango. 

Ini-upo nila si Haze sa dining bago nagpaalam na para iwan daw muna kaming dalawa at makapag-celebrate. Palabas na sila ng kwarto nang biglang sumilip si kuya Lucas, 

"Pilay ka, ha? Baka maka-isa kapa!" ani nito at agad nanlaki ang mata ko habang may agad na humigit sa leeg ni kuya Lucas para higitin ito palabas. 

Natahimik ang kwarto nang maka-alis na sila. Nabasag ang katahimikan nang matawa ako, "Ang cute niyo naman." ani ko bago kumuha ng shanghai na nakahanda. 

"Kami? Dapat ako lang." Nakanguso na turan ni Haze, napatawa ako bago siya sinubuan ng shanghai, "Si Mr. MVP ay si Mr. Seloso rin." ani ko at napangisi siya, 

"Thank you for this, I really appreciate it. Ngayon nalang ulit may naghanda para sa 'kin." ani ko at gumuhit ang ngiti sa labi niya. 

"I'm glad you like it, thank you for today too. For every time, sa lahat-lahat ng ginawa mo during training namin. I'm really-really happy and thankful to have you." he softly said and I sticked my tongue out at him as I felt cringed with his sweetness before putting some spaghetti on my plate, 

"Corny mo, kain na tayo." ani ko at napatawa siya, kumukuha ako ng pagkain nang bumuntong hininga ito na naka-agaw ng atensyon ko. 

Nilingon ko siya at napakunot ang noo ko, "Bakit? May problema ba?" tanong ko at umiling siya, "Sobrang saya ko na girlfriend kita and I feel so blessed. I could never ask for more or anyone else. Hindi ko alam kung anong sitwasyon ko ngayon kung hindi ka dumating sa buhay ko. At hindi ko alam kung anong mangyayari sa 'kin kapag nawala kapa." 

------------
A/N: fun fact: yung ginawa ni Cass na magpa-Maxim ng tubigan, tumakbo sa 7/11 tapos pagbalik umuulan, mag cheer sa crush, ginawa ko yun lahat sa real life Haze noong intrams namin, kaso siyempre minus na boyfriend ko siya HAHAHAH, pero oo, ginawa ko yun lahat HAHAHAH 

Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me