Soulmate Meenbabe
MEENBABE
Chapter 7: Lomi
" El "
" Angel? anong ginagawa mo dito? tsaka paano mo nalamang dito ako nag do-dorm " takang tanong ko sa kanya.
" Hindi ba't hinatid na kita dito? " seryosong sagot niya.
" Oo nga pala, eh bakit ka nga pala narito? "
" Ayaw mo ba? Sige aalis na ko " bilis naman nitong mag tampo.
" Wala naman ako sinabing ayaw ko na narito ka nag tataka lang ako kung bakit ka pumunta dito ng hindi ka nag sasabi, kanina kapa dito? "
" Hindi naman.... siguro mga 1 hr palang " mahinahon niyang sagot.
" 1 hr? sana nag text ka sakin na hinihintay Moko para sana umuwi agad Ako. "
" Kung tinext kita edi hindi ka naman mag eenjoy sa dinner niyong dalawa, siya nga pala kamusta date niyo? "
As if naman nag enjoy ako eh siya nga yung laman ng isip ko.Marahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya at mapang asar ko siyang tinanong" Bakit nag seselos ka? "
" No " maikli niyang sagot.
" Talaga? Sige nga eye to eye tayo " wika ko pero umiwas naman siya at dumistansya sa akin.
" Hindi mo manlang ba ko pauunlakan pumasok sa dorm mo? " Tanong niya't nauna na sa pinto.
The last time naman na inaya ko siya ayaw naman niyang pumasok tapos ngayon gustong gusto na niya himala yata umiba ihip ng hangin.
Kinuha ko ang susi sa bulsa ko't sinuksok iyon sa pintuan.
" Pasok ka hintayin mo na lamang ako dito sa Sala kukuha lang ako ng malalagyan nitong lomi sa kwarto para makain muna"
" Nag uwi ka ng lomi for me? " Seryoso niyang tanong na para bang ayaw niya.
" Oo bakit ayaw mo ba? "
" Syempre gusto ko actually hindi pa nga ako kumakain eh " pansin kong biglang nangilid ang kanyang mga luha.
" Okay ka lang? " nag aalala kong tanong sa kanya.
Tumango lang siya sa tanong ko, ramdam kong may mabigat siyang dinadala na para bang matagal niya ng kinikimkim at hindi niya kayang sabihin.
" O-okay lang ako " wika niya.
Alam kong sinabi niya lang yun para hindi na siguro ako mag Tanong.
" Okay po pero upo kana muna ikukuha lang kita ng malalagyan nitong lomi para makakain kana "
Nginitian niya lamang ako at umupo na siya mabilis akong tumakbo pa puntang kwarto para ikuha siya ng lalagyan nag Dala na din ako ng tubig Hindi nga lang malamig bawal kasi ref dito sa dorm eh malakas daw sa Kuryente nag bitbit na din Ako ng tissue at wipes baka kasi mag tapon tapon yung sabaw ayaw ko naman mag akyat baba nakakangalay.Pagka baba ko inasikaso ko agad ang pagkain niya."Oh kainin mo na to hindi na yan masarap kainin kapag Hindi na mainit "" Thank you" naka ngiti niyang Sabi.Hinawi ko ang buhok niyang naka harang sa Mukha niya at isinampay iyon sa kanyang Tenga subalit patuloy Padin iyong nalalaglag kaya't kumuha Ako ng Isang hairpin na nasa Ulo ko saka inilagay sa kanyang buhok." Saan kapa uuwi niyan? " takang tanong ko habang siya'y sumusubo ng lomi." Sa Las Piñas "" Ha? Las Piñas ? Gabi na ang layo naman ng uwian mo " " May kotse naman kayang kaya ko yun Wala naman kasi akong tutulungan dito sa tagaytay " wika niya." Eh bakit hindi ka na lang mag condo? " " Ayaw ko baka mamaya pasukin ako ng mga masasamang loob hmm.... bawal bang makitulog dito? "" Bakit balak mo bang makitulog? "" Hindi naman nag tatanong lang " " Pwede naman kaya lang sabi kasi nung ka dorm mate ko yung mas matagal pa sa akin na tumira dito kapag may makikitulog na kaibigan o kamag anak nag papadagdag daw si manong ng 200 pesos "" Sus 200 lang pala eh triplehin ko pa yan " pag bibiro niya." So balak mo nga matulog dito? " Paninigurado ko." Wala akong balak pero pwede naman, pwede ba?" sasabihin ko sanang bawal kaya lang Gabi na eh iniisip ko baka mapano pa siya sa daan." Pwede naman kaya lang Gabi na kasi eh tulog na si manong hindi kita maipapaalam "" Dibale next time na lang after ko kumain uuwi na ko " saglit akong napaisip.Dito ko na lang kaya siya patulugin itatago ko na lang siya tutal may harang naman yung higaan ko may kurtina naman yun hindi siya mapapansin nila ate.Pero kinakabahan Ako eh baka makagalitan nila ko pero paano naman nila ko makakagalitan kung hindi naman nila makikita si Angel." Huyy El kinakausap kita! " Sarkastikong wika niya." Ano ba yun?" agad kong tanong sa kanya." Sabi ko pa CR Ako " " Ah Sige Ayan lang naman mag Dala kana nitong tissue Wala kasing tissue dyan " Inabot ko sa kanya ang tissue, pagka pasok pa lang niya sa CR ay agad akong umakyat sa kwarto upang makapag linis nitong higaan ko bahala na makalat ang mga gamit nung dalawang kasama ko dito ang mahalaga malinis yung akin hihihi.Malinis naman Ako sa gamit kaya lang yung mga kasama ko hindi choice ko namang mag solo sana kaya lang napaka lalayo naman kasi ng mga condo dito ang gusto ko lang kasi walking distance lang sa trabahong pinapasukan ko.Itong bedspace lang kasi ang malapit kaya dito nako napilitan mag dorm, konti lang din naman ang gamit ko kaya hindi ako makalat sa gamit hindi kagaya nitong dalawang kasama ko na talagang ginawa ng Bahay itong dorm.Inayos ko lang ang higaan ko hindi ko naman na kailangan pang mag palit ng kumot, bedsheet at punda dahil kakapalit ko palang naman nito nag walis lang ako ng kaunti at nag spray ng konting pabango😅.Pagkatapos ay muli na akong bumaba, narinig ko na din na bumukas ang pintuan ng Cr sa second floor sign na lumabas na siya." Wag ka ng umuwi dito ka na lang muna matulog " nahihiya kong Sabi sa kanya." Hindi na next time na lang baka mapagalitan ka nung may ari nito " " Mapapagalitan lang naman ako kapag Nakita ka eh pero kapag hindi ka nakita hindi naman siya magagalit " " paano naman yung mga kasama mo dyan hindi ba Sila mag susumbong? "" I don't know pero hindi ka naman siguro nila makikita may harang yung higaan ko eh "Saglit siyang napahagikgik kaya't takang napataas ang kilay ko sa kanya." Anong nakakatawa? " taas kilay kong Tanong sa kanya." Ikaw yata may planong patulugin ako dito eh "" Ayaw mo? sige umuwi kana! " pag tataray ko sa kanya." Pikunin ka pala no? " Nakuha niya pang Mang asar talaga." Dipende, dipende sa kausap ko " " Ganon so napipikon kana sakin? Ngayon pa nga lang tayo nagkasama ng ganito ka tagal napipikon kana what more pa kung araw araw tayo magkasama "" Kung araw araw mo akong pipikunin makikita mo ng mas maaga si San.Pedro " " Hahaha edi isasama kita " pang aasar niya parin.Bago pa man ako tuluyang mainis ay iniligpit ko muna yung pinagkainan niya baka masagad niya pasensya ko siya mailigpit ko." Halika na umakyat na tayo bago pa kita palayasin!"" Nang aasar ka lang ba o seryoso ka? " Onti na lang talaga makakatikim na sakin to." Basta sumunod ka na lang " pagka pasok naming dalawa inilapag ko na muna ang bowl na bitbit ko sa lamesa.Nag palinga linga naman siya dito sa kwarto." Ito ba higaan mo? Ang kalat mo babae Kaba talaga?"" Excuse me malinis ako sa gamit ko no tsaka itong nasa kanan ang higaan ko sa kasama ko yan " sambit ko sa kanya dumiretso naman siya sa higaan ko at hinawi ang kurtina." Wow ang linis mo nga sa gamit ang bango pa dito sa higaan mo " dahan dahan siyang umupo sa gilid ng kama ko." Cyempre ayoko ng makalat eh " " Anong Oras uuwi yung mga kasama mo dito? "" Mamaya pa mga 11 or 12 " sagot ko habang namimili ng pantulog para sa kanya." Meow " ingaw ni sancy." Uy may pussy..... Pussy Pussy Pussy come here Pussy... Puss Puss come here! " wika niya dahilan upang matawa ako nakakatawa naman kasi talaga yung pag tawag niya kay Sancy." Hahahah kahit anong tawag mo dyan hindi Yan lalapit sayo bakit naman kasi pussy tawag mo? Pwede namang miming or mingming " Mapang asar kong sambit sa kanya." Ganon kasi kami tumawag ng pusa eh pero ano bang pangalan niya? "" Sancy " pagka banggit ko palang sa pangalan ng alaga naming pusa dito ay lumapit na agad ito sa akin." Meow" ingaw nito at umaligid aligid pa sa akin na nag lalambing.
" Sancy come here " muling tawag ni angel lumapit naman sa kanya si Sancy.
" Wag kang mag papakalmot o mag papakagat ha Wala pang turok yan"
" Okay " maikli niyang sagot.
" Pero sa tingin ko Wala naman siyang rabies"" Bakit nakagat kana ba niya? "
" Oo naman hindi lang kagat nakalmot pa eh Sabi nila kapag may rabies Ang aso o pusa once na makakagat daw Yun eh namamatay daw Yung aso o pusa pero hindi naman namatay si sancy Ibig sabihan Wala siyang rabies "
" Kahit na mag pa vaccine kapa rin para sure baka mamaya bigla kang maulol dyan "
" Okay lang pag Ako naulol ikaw una kong kakagatin para dalawa tayong mauulol "
" Ikaw na lang wag mo na ko idamay "
" Ito na pamalit mo mag palit kana " inabutan ko siya ng tuwalya, extra toothbrush and extra sabon.
" Wala kabang sabong naka bukas? Sayang naman to kung bubuksan ko "
" Meron kaya lang di naman Ako nakikipag share ng sabon eh Sige na gamitin mo na yan "
" Yung sabon mo nanga lang sayang to ngayon lang naman ako makikitulog eh tsaka wag kang mag alala wala akong body odor no "
" Wala naman Ako sinabing may body odor ka hindi lang Ako sanay na may gumagamit ng sabon ko pero Sige na mag palit kana ".
After naming mag palit ay humiga na kaming dalawa hindi naman ako naiilang dahil sanay naman akong may katabi matulog kapag nauwi kasi Ako sa amin ay katabi ko mga pamangkin ko o di kaya ate ko.
Ito namang katabi ko ay parang bulateng nilagyan ng asin dahil napaka likot naka talikod Ako sa kanya kaya't nilingon ko siya para mag tanong.
" Okay ka lang? "
" Medyo " maikli niyang sagot na halatang hindi talaga siya mapakali.
" May problema ba? Nasisikipan Kaba? " Muling tanong ko.
Hindi naman sobrang liit nitong kama ko may space pa nga eh kaya pa ng Isa.
" Hindi naman kaya lang naiinitan ako" wika niya.
" Hindi mo agad sinabi "
" May Aircon kayo? "
" Wala, electric fan Meron " sagot ko saka bumangon para buksan iyon binuksan ko na din ang bintana since dito naman naka pwesto ang higaan ko sa tabi ng bintana.
" Thank you makakatulog na ko " wika niya saka nagkumot.
Init na init kanina tapos ngayon nag kumot Jeeze!
Patihaya akong humiga habang nag a-update ng next chapter Nung story kong REINCARNATION.
" hindi kapa matutulog? "
" Tatapusin ko lang to tapos matutulog na ko Mauna ka ng matulog " sambit ko sa kanya.
" Okay.... " maikli niyang sagot saka isiniksik ang sarili niya sa akin habang ang Mukha niya ay nakasiksik din sa balikat ko at kanang braso niya ay naka yapos na sa akin.
" Natatakot Kaba? " mahina kong tanong sa kanya.
" Hindi naman kaya lang hindi ako sanay na walang niyayakap namamahay pa ko " paliwanag niya.
" Namamahay kapa sa lagay na yan ha "
" Shhhh mag update kana lang matutulog na ko " inaantok niyang sagot na hindi na nag angat ng tingin sa akin.
Hindi naman ako naiilang dahil nga sanay naman akong may katabi na ninibago lang ako dahil ngayon lang may yumakap sa akin ng ganito.
Parang ako yata ang hind makakatulog niyo.
Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me