LoveTruyen.Me

The Forced Marriage

Dionne's pov




"Why is your face like that?" I heard Margaux asked Naomi beside me. She's been frowning all day.

"No reason." Sagot naman ni Naomi at inirapan si Margaux.

"Okay then. How about you Dionne? Why is your face like that?" Baling naman nitong tanong sa akin.

"What do you mean? My face is always like this, maganda." Sagot ko at kumindat sa kaniya.

"Eww gross ang hangin mo masyado muntik na akong matangay." She said and fake gag.

"Patpatin ka lang talaga kaya matatangay ka ng hangin." Naomi said and stuck her tongue out to annoy Margaux even more.

"Hoy Fyi! Sexy ako hindi patpatin, tsk. Porket parehas kayong bitter pag tutulongan niyo na ako. How dare you!" Irita nitong sagot kay Naomi at hinampas pa ito sa braso.

Napailing iling nalang ako at akmang iinomin yung hawak kong beer ng agawin iyon ni Margaux.

Sinamaan ko siya ng tingin pero wala lang siyang pake na inubos ang laman ng beer ko at binalik sa kamay ko ang walang laman na can.

Bastos.

"Bakit mo gusto si Sil, Naomi?" She asked Naomi and push me slowly para makaupo siya sa gitna namin ni Naomi at akbayan kami.

Napatingin ako sa nakangiting si Naomi habang nakatingin kay Yves na masayang nakikipag usap kay Honey.

Yan yung reason kung bakit kanina pa siya nakasimangot. After kasi ng game kahapon ay hindi niya makausap si Yves dahil si Honey ang kasama nito palagi.

"I don't like her. I love her Margaux, I love her since the moment I saw her." Sagot naman ni Naomi at napangiti nanaman.

Napangiti din kami ni Margaux. Minsan lang kasi ngumiti si Naomi kapag kasama kami pero kapag kasama niya si Yves napapadalas ang pag papakita niya ng mga emotion na hindi namin madalas makita sa kaniya.

Yung parang si Yves lang ang kayang mag palabas ng mga yun.

"Sana all diba." Komento ni Margaux at binalingan ako ng tingin. "Ikaw Dio? Paano mo nagustuhan ang abnormal na batang yun?"

After she asked that, napatingin ako kay Keoni na nakikipag laro kay Yuan. Nag gagawa sila ng sand castle sa may tabi ng dagat.

I remember the first time I saw her playing with my sister in the garden of our house.

*FLASHBACK*


"Ako nga kasi yung Mommy tapos ikaw yung Daddy!" Maktol ng batang kalaro ng kapatid kong si Mon habang nag lalaro sila sa may garden.

"Ayaw ko nga! Gusto ko nga ako yung anak, mag hanap ka ng asawa mo!" Sagot naman ni Mon habang nag aayos ng mga dahon na nilalagay nila sa laruan nilang plato.

"Wala nga si Kuya Kieth! Wala akong asawa! Ikaw nalang kasi!" I can see the frustration on her face habang pinipilit si Mon na maging asawa niya.

"Edi kunyare wala ka nalang munang asawa, madami na kaya walang asawa ngayon." Mon said and give the young girl the plate full of leaves. "Kain ka muna Mommy."

"Ayaw ko kumain hangga't wala akong asawa." She said and turn her back at Mon. Nakacross arms siya at parang paiyak na habang si Mon naman ay nakasimangot lang at parang paiyak na din.

"Pero Keoni ayaw ko talaga maging asawa mo. Bestfriend tayo eh bad daw yun baka kasi pag laki daw maging tayo ang destiny, ayaw ko nun." Mahinang turan naman ng kapatid ko.

Hindi naman sumagot yung batang babae na kalaro niya at nag pahid lang ng luha niya.

Is she crying just because she doesn't have a husband? That's lame but at the same time cute.

Napailing iling nalang ako sa kanila bago lumapit.

I don't know what's gotten into me when I tap the crying girls shoulder.

"Stop crying, you look ugly." I said and hand her my handkerchief.

Tiningnan niya naman ang panyo kong inaabot bago ito kuhanin at punasan ang luha niya.

"Thank you po pero wala padin akong asawa." She said and pouted. Suminghot singhot pa siya bago ginamit ang likod ng palad niya para punasan ang sipon niya.

I groan and took the handkerchief from her hands and wipes her nose with it.

"I'll be your husband, now stop crying." I said.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at nasabi ko yun. Basta ang alam ko lang ay ayaw ko siyang makitang umiiyak. She look so precious para umiyak.

"Really?" She asked. I bit my lips before nodding my head at her.

Her eyes lit up and she smile widely.

Hindi ko inaasahan ang pag yakap niya sa akin bago niya halikan ang pisnge ko.

"Tara na laro na tayo. Ikaw na ang bago kong laloves!" She said before pulling me towards the small table.

"Mon may Daddy kana!" She happily said to my sister.

Napatingin naman si Mon sa akin bago ngumiti at inabot sa akin ang plato na may dahon. "Happy family na tayo, yey!"

Napailing nalang ako at sinabayan ang trip nilang pag lalaro.

*~*

"Laloves!" Rinig kong sigaw ni Keoni sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Aalis ka daw? Diba hindi yun totoo?" She asked while the tears rolled down her cheeks.

Napalunok naman ako habang pinupunasan ang mga luhang lumandas sa pisnge niya. Since that day na nakipag laro ako sa kanila ay lagi na niya akong sinasali.

Lalaloves na din ang tawag niya sa akin kahit na ilang beses kong sinabi na Dionne ang pangalan ko.

Kapag naman nag tatampo siya ay Ate Didi ang tawag niya sa akin.

I've grown to love this kids presence and it still hurts me everytime I saw her cry.

"Ahm...yeah. I need to go back to states to finish my studies." Sagot ko sa kaniya at bahagya siyang nginitian. Tapos na kasi ang summer at need ko ng bumalik sa abroad para mag aral ulit.

Umiling iling naman siya sa akin bago isiniksik ang mukha niya sa dibdib ko.

"No! Don't leave me laloves, wala na akong magiging asawa sa bahay bahayan!" She said and sob.

Pinigilan ko ang luha kong gustong kumawala sa aking mga mata.

"I'll come back next summer, mag lalaro tayo ulit. I'll be your husband again." Sagot ko at hinaplos haplos ang likod niya.

Kumalas naman siya sa yakap at umiiyak na tumingala para tingnan ako.

"Promise?" She said with hopeful eyes.

"Yes, I promise." I respond and caress her cheeks softly before wiping her tears.

"Okay, I'll wait for you to come back my laloves." She said before forcing a smile and hugging me really tight.


*END OF FLASHBACK*

Nag kibit balikat ako habang nakangiti. "I don't know, basta ko nalang siya nagustahan ng walang dahilan."

"Sabagay, hindi naman lahat may reason kung bakit natin nagugustuhan ang isang tao." She said while nodding.

"Pero ang gusto ko talagang malaman ay kung paano naging kayo ni Kiero. Alam kong may gusto ka kay Keoni dati nung bata palang tayo kaya nag tataka ako kung bakit biglang naging kayo ni Kiero." Naka kunot noo nitong tanong sa akin.

"Itinatanong pa ba yan? It's obvious, he manipulated Dionne." Pag sagot ni Naomi at napailing iling. "That fucking bastard."

Napakagat ako sa ibabang labi ko ng maalala ko nanaman lahat ng ginawa ni Kiero noon hanggang ngayon. Bakit hindi ko napansin nung una palang yung mga kademonyohan niyang ginagawa.

It all started when he knew that I have feelings for her sister.

*FLASHBACK*


"Why are you crying?" I heard Kiero ask.

Agad akong nag punas ng luha ko bago siya lingonin. "I'm not crying."

"You are. Dahil ba hindi ka makakauwi ngayong summer?" Tanong niya na siyang nag paiyak nanaman sa akin.

I'm not usually this upset kapag hindi ako nakakauwi kapag summer but seeing Keoni's upset face when I told her that I can't come home makes me cry.

"Shhh...don't cry. Makikita mo naman din si Mommy mo next summer eh or kaya kapag bumisita sila dito." He said and smile at me.

Hindi ko naman siya pinansin at nag punas lang ng luha. "I'm not upset about that. I'm upset because I promise someone that I'll come home this summer."

"Ohh...is that someone my little sister?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Hmm...yes." Sagot ko.

"Alam mo ba na may gusto siya sayo?" He asked. Napakunot ang noo ko.

"She have a crush on me?"

He nods her head. "Yup. I heard her telling my Mom that she's gonna wait for you and marry you one day."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. "She said that?"

Gosh, bakit makarinig lang ako ng tungkol sa kaniya ay nababago na agad ang mood ko? Tsk, that kid.

"Yeah. Gross right?"

Nawala ang ngiti sa aking labi. "What? Why would it be gross?"

"Kasi may crush siya sayo tapos babae siya then babae ka din. That's gross, a woman should be with a man not another woman. Wala pa talagang isip ang batang yun." He respond and shake his head in disappointment.

"That's not gross." Turan ko at sinamaan siya ng tingin. "Meron tayong kalayaan na mamili kung sino ang magiging partner natin sa buhay. Kung gusto ng isang babae na mag pakasal sa kapwa niya babae then that's okay, you can't choose who you fall inlove with."

Napasaltik naman siya sa sinabi ko. "So sinasabi mo ba na may gusto ka din sa kapwa mo babae? Why are you defending them?"

Natigilan ako sa sinabi niya. May gusto nga ba ako kay Keoni?

"Do you like my sister?" Muli niyang tanong nung hindi ako sumagot.

Bumalik sa ala-ala ko lahat ng ginawa ko kasama si Keoni nung umuwi ako last summer. Yung pag sasayaw namin sa gitna ng garden kapag naulan while singing on the top of our lungs until the rain stopped, yung pang bubulabog niya sa akin tuwing gabi para lang hilahin ako sa labas at manood ng stars gamit ang telescope niyang nakuha niya lang daw sa happy meal box ng McDonalds.

I smile and look at Kiero.

"Yes. I like your sister and there's nothing wrong with that." Sagot ko sa kaniya.

Namula naman ang mukha niya at parang naiiritang tumayo. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit at hinila ako patayo.

"You can't like her. She's just a child." Turan nito sa akin.

"I'll wait for her." Sagot ko sa kaniya at pilit na inaalis ang kamay niya pero mas lalo lang itong humihigpit. "Kiero you're hurting me!"

Mukha namang natauhan siya at binitawan ako. "I'm sorry Dionne, nadala lang ako ng emosyon ko. I'm sorry."

Nakatingin lang naman ako sa kaniya habang hawak hawak ang namumula kong kamay.

"Look Dionne, nalilito ka lang sa nararamdaman mo ngayon. Pag lipas ng panahon marerealize mo na hindi mo pala siya gusto, well maybe gusto mo nga siya pero as a friend. Like nacutetan ka sa kaniya or natutuwa ka sa kaniya pero that doesn't mean na gusto mo talaga siya. Normal naman yung mga ganun eh." He said and smile at me.

"No, I like her."

"You don't. Ganto nalang, let me court you. Kapag nawala ang feelings mo sa kaniya ibig sabihin hindi mo talaga siya gusto. Tsaka baka pag balik mo dun ay hindi kana niya gusto, she just said that to my Mom kasi bata pa siya. Kids said that kind of stuffs all the time pero pag laki nila hindi na nila yung maaalala." Turan nito at marahan akong hinila palapit sa kaniya.

"Let me court you. Ipaparamdam ko sayo ang pag kakaiba ng infatuation sa real love." Dagdag niya at marahang hinawakan ang pisnge ko.

And I let him 'cause I thought he was right.


*END OF FLASHBACK*

That's the first mistake that I made. I believed in his words not knowing that he was wrong.

I fell for him 'cause I thought what he's making me feel is true love. But now I realized that it's all bullshits na wala talaga akong nararamdaman sa kaniya na minahal ko siya dahil akala ko ayun ang tama.

Napabuntong hininga ako at inagaw ang hawak hawak ni Naomi na baso.

"Hey that's tequil---oh, okay. You're welcome I guess." Turan nito ng basta ko inubos ang laman ng baso niya.

"I need a drink." I said and stand up. Hindi ko pinansin ang pag tawag nila sa pangalan ko.


*~*~*


"Bakit niyo kasi hinayaan mag lasing?" Rinig kong tanong ng kung sino.

Pupungay pungay lang naman ang mata kong nakatingin sa mga taong blurry sa paningin ko.

Who the hell are they? Where the fuck am I?

Umiikot ang paningin ko at hindi ko na alam ang mga nangyayari.

Basta ang alam ko ay nag uusap kami nila Naomi sa cottage namin kanina.

"Pinigilan namin yan, ayaw paawat. Nag tanong lang naman ako kung bakit niya nagustuhan si Kiero." I heard someone said.

Sinubukan kong aninagin kung sinong nag sasalita pero umiikot talaga ang ulo ko at nasusuka na ako.

"Baccla ang bigat mo!" Rinig kong turan ng kung sino at hinila ako sa kung saan.

May naramdaman akong malambot na something sa may likod ko.

"Thanks Margaux, I'll take care of her." Rinig kong saad ng malambing na boses kasabay ng pag sarado ng pinto.

Maya maya pa ay naramdaman kong may humawak sa kamay ko at itinaas iyon kasabay ng pag taas ng damit ko.

Napamulat ako at umiling iling sa kaniya.

I can see Kiero's grin while slowly undressing me.

"Keiro..." Mahina kong turan habang lumalayo sa kaniya. "P-please.."

Lumapit ang pigura at hinawakan ang mukha ko. "Kiero..."

"You want me to stop? No, you deserve it for disobeying me." He said before slapping my face.

"No...Kiero..." Pag iling iling ko. Lumayo ang pigura sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag habang unti unting nag papalamon sa kadiliman.


******

A/N: Hello, gusto ko lang sabihin na 'waaag ka--nanggg ma---waaaa-laaaaa' HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. -zyg

Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me