LoveTruyen.Me

The Forced Marriage

Keoni's pov





Nakatago ako sa may gilid ng classroom at inintay siyang dumaan.

After a few minutes ay nakita ko na siyang papalapit kasama ang iba pang mga proffesors.

"I love you, Miss Dionne Laurel!!" Pag sigaw ko. Napatigil naman siya sa pag lalakad at luminga linga para siguro hanapin ako pero kalahi ko sa naruto kaya mabilis akong nakapag tago.

"Keoni mukha kang tanga diyan. Bakit ka nakasiksik diyan?" Rinig kong tanong ng kung sino kaya agad kong nilingon kung sino yun.

"Hi, Ungol..." Halos pabulong kong bati sa kaniya at sumilip ng dahan dahan para tingnan kung andun pa sila Ate Didi.

Nakahinga naman ako ng maluwag at napahagikhik nalang ng makitang wala na sila dun.

"Anong kalokohan nanaman ang ginawa mo?" Taas kilay nitong tanong sa akin.

Tiningnan ko naman siya at kinurot ang mag kabila niyang pisnge kaya pinag hahampas niya ako kaya binitawan ko ang pisnge niya.

"What the fuck is wrong with you?" Nakasimangot na tanong nito sa akin habang hawak hawak ang pisnge niyang kinurot ko.

"Wala, masaya lang ako ngayon. Ba't ba?" Nakangisi kong tugon sa kaniya at napahagihik nalang ulit.

"Are you drunk or naka drugs ka!?" She irritatedly asked and smack the back of my head.

"Piste, ito nanaman siya sa kabrutalan niya! Bugbog sarado nanaman ako nito." Nakalabi kong turan sa kaniya na siyang ikinangisi niya.

Tsk. Yawa ang ferson.

"Tara puntahan natin si Yves. Andun daw siya sa just dance na booth, nag aala dancer siya. Pigilan natin bago pa masira ang buhay niya." Pag hila ni Ungol sa akin kahit hindi pa ako umaagree.

Nag pahila nalang ako at hindi na nag protesta para makasali nalang sa pag sasayaw ni Yves sa kung saang booth man yun.

Start na kasi ng intramural namin kaya wala kaming pasok at palaboy laboy lang dito.

"Aray!" Daing ko ng mabangga ako sa likod ni Monique dahil bigla siyang tumigil sa pag lalakad eh nasa may likod niya ako.

"Teka, puntahan muna natin si Ate dun oh. May sasabihin lang ako." Turan nito at akmang hihilahin na ako papalapit sa kung nasaan si Ate Didi ng agad akong lumayo sa kaniya at umiling iling.

"Ahm ano... ikaw nalang. Una na ako kay Yves, baka kanina pa nag iintay sa atin eh!" Agad kong saad at nag babye sa kaniya bago tumakbo papalayo at hindi na inintay ang isasagot niya.

Ayaw ko kasing mag pakita kay Ate Didi dahil baka makalbo niya ako ng wala sa oras dahil sa ginagawa kong pantitrip sa kaniya. Simula kasi ng dumating ako dito sa school ay wala na akong ibang ginawa kundi ang sundan siya at sumigaw ng sumigaw na mahal ko siya. Well, totoo naman din ang isinisigaw ko kaya sobrang natutuaw ako sa kalokohan ko.

Nang makalayo na ako ay tumigil ako sa pag takbo at nilingon sila mula sa pwesto ko. Napangiti ako ng makita kong natatakpan yung pwesto ko ng malaking halaman sa may harap ko kaya dun ako pumwesto.

I cleared my throat before shouting. "I love you, Miss Dionne Laurel!!!"

Agad ulit akong nag tago pag katapos kong sumigaw at napatawa nalang sa kabaliwan kong ginagawa.

Siya kasi ang naisip kong pag tripan dahil kaninang umaga ay iniwan niya ako sa bahay at hindi man lang ginising kaya late ako. Buti nalang talaga at intramural kaya okay lang na malate.

Tsaka pang ganti ko na din dahil sa ginagawa niyang pag pipiga ng utak ko sa klase niya, akala niya ba nakakatuwang hanapin ng hanapin ang X ng math na yun? Tsk. Napakarupok naman kasi ni math iniwan na nga hinahanap pa.

"Santiago?"

Agad kong hinigit ang dahon na nakasangga sa akin kanina at tinakip ko sa mukha ko ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko.

"I can still see you kahit na itakip mo pa yang buong halaman sayo Santiago." Saad naman nung tumawag sa akin kaya kakamot kamot ako ulo na inalis yung halaman sa pag kakatakip sa ako. Tsk, pahamak na halaman hindi man lang ako itinago ng ayos.

"Ahm..Hello po Miss Devon." Alanganin kong pag bati sa kaniya.

Napairap naman siya sa akin. "I've been looking for you for the past hour, where have you been?"

"Bakit niyo po ako hinahanap? Oyyy, namiss ako ni Miss Devon kaya niya ako hinahanap." Nakangising kong tugon sa kaniya na siyang ikinataas ng kilay niya.

"Crazy. Ako ang nag checheck ng mga students kung nasa kaniya kaniya na silang assigned booth and guess what I found? Wala ka sa booth niyo." She respond and shake her head at me.

Napalunok naman ako at alanganing tumawa. "Nag banyo lang po ako saglit kaya wala ako dun hehe."

"Really Santiago?" Hindi naniniwala nitong tanong.

"Hehe, sabi ko nga po joke lang. Ito naman si Miss Devon hindi mabiro, sige po balik na ako sa assigned booth ko." Kakamot kamot sa ulo kong saad sa kaniya at dahan dahang nag lakad palayo sa kaniya.

"Hmm... I'll come with you to make sure na dun nga ang punta mo." She said and began walking beside me.

"Luh Ma'am hindi na po kailang--- Sabi ko nga shut up nalang ako." Putol ko sa sarili ko ng samaan niya ako ng tingin.

Ang init ata ng ulo niya ngayon. May dalaw ba siya? Jusko mga babae nga naman.

Tahimik kaming nakadating sa booth kung saan ako na assigned. Hinatid talaga ako ni Miss devon at ibinilin sa mga kasama ko na tawagin ulit siya kapag umalis ako.

Tsk, badtrip naman oh gusto ko pa naman mag libot libot.

Napaasimangot nalang ako at nag halumbaba habang walang ganang tinitingnan yung mga freshman na nag titilian habang binabanggit ng mga kasama ko yug crush nila.

Hindi ko alam kung anong tawag sa booth namin kasi hindi ako nakinig sa kamember ko nung ineexplain niya. Basta ang pag kakaalam ko lang ay mag babayad ka ng ten pesos kung gusto mong ipashout out yung crush mo or kung may gusto kang message na ipasabi kahit kanino.

Isusulat mo iyon sa maliit na papel tapos ididikit sa ginawang wall ng mga kasama ko tapos babasahin nila yun ng malakas using megaphone na kinabit sa speaker para sobrang lakas talaga at rinig ng sinasabihan nila hanggang sa kabilang buhay.

"Keoni, ikaw muna dito. I need to submit this to my professor real quick." Pag tawag sa akin ng kamember ko at basta inabot sa akin ang megaphone na hawak hawak niya.

Tsk, akala ko pa naman makakatakas na ako.

"Ahm... I don't know what to do..." Alanganin kong saad habang nakatingin sa mga nakapilang estudyante na gustong mag pashout out.

Oh, Lord...

"Megan, ikaw nalang dito ako nalang diyan." Kalabit ko sa kasama kong nag aayos ng mga dinidikit na papel sa wall.

"Uh eh...Nahihiya kasi ako Keoni eh. Kaya dito ako inassigned ni Girly." Kinakabahan niyang sagot sa akin.

"Sinong Girly?" Taka kong tanong sa kaniya.

"Ahm...Yung leader natin dito. Yung umalis kanina." She respond and smile at me. Alanganin nalang din ako na napangiti sa kaniya.

Shocks, Girly pala pangalan nun? Tsk, hindi kasi important.

"Miss Santiago! Nag kakagulo na yung customers niyo pero nakatayo ka lang diyan!" Sigaw ni Miss Devon sa akin ng makita niyang nag kakagulo na yung mga estudyante na nakapila sa may labas booth namin.

Hala ka shit...Paano ba kasi 'to?

"Santiago!" Muling sigaw ni Miss Devon at pumasok na sa may booth namin. "What is taking you so long to do your assigned task?"

"Ahm...wala po. Ito na nga po oh..." Alanganin kong sagot at lumapit kay Megan.

"Megan...anong gagawin ko ba?" Tanong ko dun sa nag aayos ng sandamakmak na sticky notes sa may wall.

"Pinag sunod sunod ko na yan Keoni. Need mo lang basahin ang mga yan gamit yang megaphone na hawak mo." Nakangiti naman nitong pag papaliwanag sa akin.

Ayy.. ang tanga naman Keoni. Oo nga naman, ako ang mag babasa kasi ako ang may hawak ng megaphone. Tsk, akala ko kasi hahawakan ko lang eh.

Kinuha ko ang sticky note na itinuro ni Megan sa akin at binasa iyon.

****

~ Shout out sa crush kong taga criminology department na si Eric. Ligawan mo na ako bebe, hindi ako mag papakipot.

-From Chuchay ng buhay mo.

Napangiwi naman ako ng mag tilian ang mga babaeng nag aabang sa may labas ng booth namin.

Omg, ang lalandi ha.

I rolled my eyes at kinuha nalang ulit ang kasunod na note. I need to finish this ASAP para makagala na ako. Haish, ayaw kong matrap dito at mag shout out ng mga talandi nilang messages.

***

~ Pashout out sa jowa ni Romeo na si Joy, gusto ko lang sabihin na ako ang kabet ng jowa mo pero huwag kang magagalit kasi mas bet kita kesa sa kaniya. Intayin kita sa may likod ng gym mamayang lunch break, guntingan us.

- From Mirabel Malabagong Buhay

"Whoooo! Ipag patuloy ang kabaklaan!!" Rinig kong hiyawan ng mga kasamahan nung si Mirabel ata.

"Sana all mahilig sa arts kaya mag guguntingan. When kaya ako?"

Nag tawanan naman ang mga estudyante kaya tumawa nalang din ako kahit hindi ko alam kung bakit sila tumatawa.

Dahil ba wala akong bebe or dahil nakiki sana all ako? Ayy ewan.

At dahil nag sisimula na akong matuwa sa mga kalandian nilang pashout out kaya kumuha ulit ako ng isa para basahin.

***

~ Hello sayo Brenda, ako 'to si Artur na mahal na mahal ka. Balik kana sa akin, ikaw padin ang baby ko kahit na may baby na kayong dalawa.

-Nag mamahal Arturo.

"Eyy, wala 'to guys marupok si Arturong pangarap maging kabet. Jusko ka Arturo humanap ka nalang ng iba, I'm sure may itsura ka naman kaya may mag kakagusto sa--"

"Pwede bang ikaw nalang Keoni?" Putol sa akin ng lalaki at nginisihan pa ako na akala mo'y ang gwapo niya.

"Ikalma mo kalandian mo boy, hindi tayo talo. Maganda din hinahanap ko." Pag irap kong sagot sa lalaki na siyang ikinatawa ng mga nakikinig.

Masaya pala itong ginagawa ko. Shout out na may halong pambabardagul sa mga pisteng fersons dito.

"Shhh! Tahimik na, ang gugulo niyo para kayong mga bulbo-- Nevermind." Agad kong putol sa sarili ko dahil naalala kong naka megaphone nga pala ako kaya for sure ay sobrang lakas ng boses ko at baka mapagalitan pa ako ng principal.

Pero teka...papagalitan ba nga talaga ako ng abnormal na si Margaux or baka makipag apir pa siya sa akin?

"Keoni sige na! Ang tagal mag basa!" Sita sa akin ng isa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Gusto mo ikaw na mag basa dito eh. Masyado kang excited." Irap ko sa kaniya bago kinuha yung kasunod na sticky note na nakadikit at binasa iyon.

***

~ Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo ang nararamdaman ko kaya hayaan mong alayan nalang kita ng kanta...

Napatigil ako sa pag babasa ng marinig ko nanaman ang hiyawan ng estudyante.

"Yan na Brenda! Yung sayo na yung binabasa!" Rinig kong sigaw nung isang babae habang hila hila yung isa niyang kaibigan na kumakain ng fishball.

"Oy Keoni ayusin mo pag kanta ha!" Saad pa ng isa na parang siya ang nag sulat nun. Napakamot naman ako sa ulo ko.

Bwiset hindi ko alam na need ko din palang kumanta dito. Tsk.

Nakasimangot kong tiningnan ang isinulat niya at napatingin sa kaniya ng may pag tataka.

"Paano ko 'to kakantahin eh puro lang naman 'to numbers?" Reklamo ko na siyang ikinatawa naman niya.

"Sasabayan ka namin wag kang mag alala. Saulo namin yan." Panigurado niya sa akin na siyang ikinatango din ng barkada niyang kasama sa likod niya.

"Saulo niyo pala eh bakit hindi nalang kayo ang kumanta? Papahirapan niyo pa ako." Pag rereklamo ko nanaman.

"Eh kasi panget mga boses namin kaya ikaw nalang kumanta. Sige na!" Pamimilit niya at nag paawa na hindi naman bagay sa kaniya. Para siyang natatae na ewan.

"Tsk. Okay, fine!" Pag suko ko at kinuha ulit ang papel kung saan naka sulat yung ipapakanta daw nila.

"1, 2, 3, 4, 5, 6, 7..." Tumigil ako ng sumabay na sila sa kanta habang nasigaw sigaw pa na akala mo'y nasa discohan.

"8, 9, 10! Count to ten! Count to ten mo ako at kacount to ten kita!! Mag count to tan tayong dalawa!! Mag count tota---"

"Keoni Santiago!!" Rinig kong sigaw ni Yves, Monique, Margaux, Miss Devon at ni Ate Didi na hindi na maipinta ang muka.

"Hi guys! Mag count tot--"

"Put that fucking Megaphone down!!" Sabay sabay nilang sigaw sa akin kaya agad kong ibinaba ang hawak hawak ko habang nag tatakang nakatingin sa kanila.

"What the hell did I do again?"

Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me