The Forced Marriage
Namumula ang mag kabila kong pisnge habang kausap nila Mommy yung doctor ko. Pinayagan na kasi akong lumabas ng hospital ngayon kaya andito sila Mommy para pirmahan ang mga papers. "Are you really sure okay ng lumabas ang anak ko Doc? Akala ko po ba kahapon ay nag patawag kayo ng code blue?" Nag aalalang tanong ni Mommy na mas lalo lang ikinapula ng mukha ko. Haish Mommy, if only you knew na ibang lagutan ng hininga ang nangyari.Napatingin naman ako kay Ate Didi na naka smirk lang sa may tabi ko. Pabiro ko siyang inirapan na ikinangisi niya lang lalo."Yes po. It was a false alarm po Mrs. Santiago, your daughter is okay. It's the machines fault." Nakangiting saad ng doctor. Tumango tango naman si Mommy bago ipag patuloy ang pag pirma ng mga hospital papers ko. Nang matapos na siya ay inalalayan na ako ni Ate Didi palabas at pasakay sa kotse. Finally no more smell of medicine! I'm free!"What do you want to do when we get home?" Tanong ni Ate Didi nang makasakay na din siya. Si Mommy ang mag hahatid sa amin sa bahay dahil nag aalala daw siya sa akin. Pinag bawalan niya din akong mag drive ng kotse for the mean time, ibinilin pa niya iyon kay Ate Didi kaya alam kong hindi talaga ako makakalusot. "Hmm...let's have a date." Agad kong sagot at ngumiti sa kaniya. "Gusto ko mang pumayag pero hindi ka pa pwedeng mag gala. The doctor said you need to rest for a few days para masigurado na ayos ka lang." Turan niya kaya napasimangot ako. "All I did was rest and rest and rest. Nakakapagod na mag rest." I respond and pouted my lips. "Pero kailangan padin natin sundin ang bilin ng doctor para makasigurado na ayos ka lang talaga. Tsaka nalang tayo mag date kapag pwede ka na talagang gumala, okay?" She said and smile at me. "Pero I want to have a date with you now. Nung isang araw ko pa talaga plinano yun pero something happened kaya naudlot, ayoko mag intay ulit ng another days." Pag mamaktol ko at napasimangot nanaman. "Love, please don't be stubborn." Ate Didi said and sighed. Napabuntong hininga nalang ako. "Hmm...okay." "Pwede naman kayong mag date ng hindi nalabas ng bahay. Order nalang kayo ng food sa labas." Sabat naman ni Mommy na hindi ko alam na nakikinig pala sa amin. Yikes, ngayon nalaman na niya ang pag kapabebe ko. "Pero Mom baka hindi na mainit yung food pag dumating sa amin." "Hmmm...then ikaw nalang ang mag luto. Masarap ka naman mag luto eh, lutuan mo si Dionne. Mas special yun kasi with effort." Mommy said and smile at me. Napangiti naman din ako at tumingin kay Ate Didi nakatingin din sa akin."Okay then. Lulutuan nalang kita laloves, lahat ng paborito mo lulutuin ko." Excited kong turan. "Wait for me, I'll help you." She said before kissing my cheeks. Napakunot naman ang noo ko. "Aalis ka?""Oh shoot, I'm sorry sweetie. I forgot to tell you that I need Dionne at the office for a bit. May documents lang na kailangan siyang asikasuhin. I'm sorry." Saad ni Mommy at nginitian ako ng bahagya. "Your friends are at your house waiting for you kaya may kasama ka padin naman." Kaya pala hindi sila sumama sa pag sundo sa akin sa hospital dahil nasa bahay na sila. Akala ko pa naman hindi na nila ako mahal. Mag dadrama na sana ako."No worries po Mommy. Hindi naman po siguro kayo aabutin ng super gabi diba?" Tumango tango naman si Mommy. "Madali lang yun promise. Makakaabot si Dionne sa date niyong dalawa."Nakangiti lang akong tumango tango din sa kaniya. Hindi na tuloy mapakali yung pwet ko sa kinauupuan ko. Gusto ko na agad makarating sa bahay para makapag simulang mag luto. Ganito ba talaga kapag inlove? Or sadyang abnormal lang ako?
*~*~*
"Patikim ng--Aray!" Daing ni Mon nung hampasin ko ang kamay niya. Kukuha kasi siya nung niluluto kong pag kain para sa date namin ni Ate Didi. Sabi niya ay intayin ko siya pero alas sinco na at tumawag siya sa akin na baka matagalan pa siya ng konti dahil may pinadagdag na gawain ang Dad niya sa kaniya kaya sinimulan ko ng mag luto. "Ang damot, akala mo hindi kami tumulong." Nakasimangot nitong turan. Inirapan ko naman siya. "Anong tinulong mo? Ang pag tikim?" Taas kilay kong tanong sa kaniya habang nag sasalin ng naluto kong ulam sa isang lalagyan. "Oo, to make sure na tama ang timpla mo. Baka mamaya matabang pala or maalat, diba? Ang laki kaya ng naitulong ko." Sagot niya at binatukan ako. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Hindi ko nalang siya sinagot at dinala nalang ang naluto ko ng ulam sa may lamesa para ihain iyon. "Wow, kainan n--Aray." Hinampas ko ang kamay ni Margaux dahil kukuha din siya ng niluto kong ulam. "Para kay laloves ko yan." Saway ko sa kaniya kaya napasimangot siya. "Sana all nilulutuan. How about me naman? When kaya? Taga sana all nalang ba ako foreve--""Sabi mo hindi mo ako gustong mapagod kaya ikaw na ang mag luluto para satin." Saad ni Mon habang nakataas ang kilay kaya naputol ang sinasabi ni Margaux. "Hehe, sabi ko nga joke lang." Alanganing turan ni Margaux at napakamot nalang sa batok niya. Lumapit siya kay Mon at niyakap ang nakasimangot niyang bebe. Sila na ba? Edi wow.Napailing iling nalang ako sa kanilang dalawa at bumalik na sa kusina para ilabas na din yung ibang mga naluto ko pa. Tinotoo ko yung sinabi ko kay Ate Didi na lulutoin ko lahat ng paborito niyang pag kain. Mula main course hanggang dessert and with the help Monique, I did it all. Nang maihanda ko na ang lahat sa may lamesa ay sinimulan ko ng ikalat lata yung mga petals ng roses para romantic tapos yung kandila ay nilagay ko na din. Mamaya ko na sisindihan kapag nakaalis na itong mga tipaklong na 'to dito. "Wow naman effort na effort ah." Komento ni Yves habang nakatingin sa lamesang puno ng pag kain at may mga rose petals. "Syempre ako pa." Pag mamayabang ko at ngumiti habang nakatingin din sa may lamesa. "You really do love her." Miss Cleomonte said while hugging Yves from behind. Lahat sila may kayakap, edi sana all diba. Mga buset. Sasawayin ko na sana sila na wag silang mag landian dito ng tumunog ang cellphone ko. I received a text from Ate Didi saying that she's on her way home."She's on her way na daw mga beh, pwede niyo na akong iwanan at doon na kayo mag landian sa bahay niyo." Nakangiti kong pang tataboy sa kanila. Hindi ako mapakali. Para akong kinakabahan na hindi. Sobrang excited ko lang siguro kaya ganito nararamdaman ko. "Aba pinalayas na kami ng luka." Nakasimangot na turan ni Mon habang tinutulak si Margaux na parang tuko sa gilid niya. "Syempre Mon hindi sila kakagawa ng milagro kapag andito tayo." Yves said and teasingly smile at me. Namula naman ang pisnge ko at hinampas siya. "Ang bastos mo!" Tinawanan niya lang naman ako bago naiiling iling na lumingon kay Miss Cleomonte. "Let's go? Baka nag hihintay na din si Yuan sa atin, sabi niya kanina bilhan daw natin siya ng jollibee." Saad nito kay Miss Cleomonte. "Okay, we'll buy jollibee for Yuan." Sagot nito kay Yves bago hinalikan sa pisnge. Lumingon naman si Yves sa akin. "Una na kami bebe ha. Wag kana lumabas, intayin mo nalang si Miss Laurel dito. Tawagan mo kami agad kapag may kailangan ka ha." She said and hug me. I nod at her and told them to take care. "Una na din kami. Gusto ko ng maligo, ang lagkit ko na dahil sa kakadikit ng tuko na 'to sa'kin." Mon said and glare at Margaux. "Luh, sinasabi mo ba na madumi ako? Hindi ka naman nag rereklamo kapag iba dumidikit na malagkit sayo a---ajdvwkwisg." Agad na tinakpan ni Mon ang bunganga ni Margaux at namumulang napatingin sa amin. "Call us if you need anything. Lock the door muna habang wala pa si Ate, do you understand me Keoni?" Mon said and I nodded my head at her. Sabay sabay silang nag lakad papalabas ng bahay at naiwan akong nakaway kaway lang bago mawala ang mga sasakyan nila. Nang hindi ko na maaninag ang sasakyan nila ay sinarado ko na ang pinto at bumalik ng kusina para sindihan ang kandila. Pinatay ko na din yung malaking ilaw at yung maliit na ilaw nalang ang binuksan ko para mas romantic yung vibes. Isinaboy ko din yung tinira kong petals ng bulaklak sa sahig mula sa pinto hanggang sa may upuan niya para maganda. When I was satisfied with what I did, I sat down in my chair and waited for Ate Didi's message na malapit na siya. Nag scroll scroll lang muna ako sa tiktok habang hinihintay siya. Chineck ko yung oras at alas syete na ng gabi. Saktong sakto sa dinner ang pag dating niya, I'm sure na gutom na siya dahil madami siyang ginawa sa office ngayon. Nag sisimula nanaman akong kabahan sa hindi malamang dahilan. Parang first time ko makikipag date jusko. Bumalik ako sa panonood ng mga kung ano anong makita ko sa tiktok at sa facebook para hindi ako kabahan. It helps naman dahil nabawasan ng konti ang pag kakaba ko.
~*~*~*~
Minutes turns into hours, nag sisimula na nanamang kumabog ang dibdib ko sa kaba. Mag aalas dies na pero wala padin si Ate Didi. Sinubukan ko siyang tawagan pero unattended yung phone niya. May bago nanaman bang inutos ang Daddy niya? Baka may bago ngang inutos tapos nakalimutan lang mag text sa akin dahil na lowbat ang phone niya...right? Napatayo ako ng makita kong natunaw na yung kandila na sinindihan ko kanina. Nilinis ko yun agad para mapalitan ko ng panibagong kandila dahil baka dumating na si Ate Didi. Lumamig na din yung mga niluto ko kaya medyo nadissapoint ako.Nang mapalitan ko ang kandila at masindihan ulit iyon ay sinubukan ko ulit tawagan si Ate Didi pero katulad ng kanina ay unattended padin iyon. I took a deep breath to calm my self. Iniiwasan kong isipin na baka may nangyaring masama sa kaniya. Baka lowbat lang talaga siya, sana lowbat lang talaga siya. Nag pauli uli ako ng lakad sa may sala habang hawak hawak ang cellphone ko dahil baka mag text siya or tumawag. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nag papauli uli ng lakad sa may sala at hindi mapakali bago ako nag decide na tawagan na si Mommy. Nakatatlong ring bago sagutin ni Mommy ang tawag ko.
'Sweetie, are you okay? May nangyari ba kaya ka napatawag? Do you want me to go there?' Sunond sunod na tanong ni Mommy.
"Wala po Mom, I'm fine po. Nothing happened. I just called to ask kung andiyan pa po si Ate Didi, patay po kasi ang cellphone niya baka nalowbat."
'She went home a few hours ago. If I remember correctly it's around seven o'clock. Wala pa din siya diyan?' Lumakas na ang kabog ng dibdib ko sa sinabi ni Mom.
"No Mommy. She's not here yet." Mahina kong sagot bago nag paalam na sa kaniya.
Wala na akong pake kung bawal ako mag drive at lumabas ngayon. Basta ko kinuha ang susi ng sasakyan ko at agad na pinaandar iyon papaalis.
Dahan dahan lang ang pag papatakbo ko ng sasakyan ko habang binabaybay ang dinaanan niya papuntang opisina dahil baka nasiraan siya or something kaya hindi pa siya nakakauwi.
Kinalma ko lang ang sarili ko at paulit ulit na iniisip na ayos lang siya.
Malapit na ako sa may opisina niya at wala akong nakitang nasiraan or kung ano kaya napag pasyahan kong dumiretso nalang talaga sa opisina niya dahil baka andun pa siya at hindi lang alam ni Mommy dahil mag kaiba sila ng floor.
Paliko na sana ako papunta sa may opisina nila ng mahagip ng mata ko ang pamilyar na sasakyan na nakaparada sa may plaza.
It's Ate Dionne's car.
Agad akong lumiko at ipinarada sa bakanteng parking sa hindi kalayuan ang kotse ko para mapuntahan ko ang kotse ni Ate Dionne.
Bakit siya andito sa park?
Nag mamadali akong lumapit sa may kotse niya ng makita ko siyang bumaba doon kaya nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong safe siya.
Kita kong nilapitan niya yung batang babae na nag titinda ng bulaklak at nag abot ng pera dito. Iniabot naman nung bata ang lahat ng bulaklak na hawak niya kay Ate Didi.
Napangiti ako. Kaya siya andito para bumili ng bulaklak para sa akin.
Baka nalate talaga siya ng uwi at hindi na nakapag message sa akin. Tatanongin ko nalang siya, I'm sure my reason siya kung bakit siya nalate.
Kita kong umupo si Ate Didi sa may bench at pumikit. Lalapitan ko na sana siya ng may kumapit sa akin na batang babae.
"Ate bulaklak po, baka gusto niyo bumili." Pag lapit sa akin ng isa pang batang babae. Ngumiti ako sa kaniya at sinabi ko na bibilhin ko lahat ng bulaklak na tinda niya.
Tuwang tuwa niya itong binilang bago ibigay sa akin. Binayadan ko siya at hindi na kinuha ang sukli at sinabihan na umuwi na siya dahil gabi na.
Muli kong tiningnan si Ate Dionne na nakaupo padin sa may bench at nakapikit.
Dahan dahan akong nag lakad palapit sa kaniya habang hawak hawak ang bulaklak na binili ko sa bata kanina.
Nang malapit na ako ay kita kong may lumapit na lalaki sa kaniya. Nag mulat siya ng mata at tiningnan yung lalaki bago ito yakapin at....halikan...
Why did she kissed that Man?
Napatigil ako sa pag lapit sa kanila. Nakatalikod si Ate Didi sa akin at tanging yung lalaki na nakasumbrelo lang ang kita ko. Medyo hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nakatakip ito ng sumbrelo.
"I love you Dionne." I heard the man said before kissing Ate Didi again.
Naikuyom ko ang kamao ko at nag patuloy sa pag lalakad para suntokin sana ang lalaking kasama ni Ate Didi pero agad din napatigil ng marinig ko ang isinagot ni Ate Dionne sa kaniya.
"I love you too Keiro."
Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me