LoveTruyen.Me

The Forced Marriage

Keoni's pov



Nakapikit ako habang hinihilot ko ang aking sintido. Kanina pang masakit ang ulo ko simula ng umalis ako sa bahay. Sa pag kakatanda ko ay hindi naman ako uminom kagabi kaya imposibleng hang over ako.

"Are you okay Keoni?" Tanong sa akin ng katabi kong si Gorge.

"Yup, ayos lang. Medyo masakit lang ulo ko pero keri lang." Sagot ko sa kaniya at nginitian siya.

"Sigurado ka ba? Ayaw mo bang mag pahatid nalang sa clinic para makapag pahinga ka din dun?"

I shook my head at him. "Nah, no need. Hindi naman din gaanong masakit ang ulo ko. Mawawala din 'to mamaya maya."

He nods at me and told me na sabihan ko lang siya kapag gusto ko ng mag pahatid sa clinic.

"Good morning everyone. Today we will have a quiz. I don't want to see anything else on your desk except your ballpens." Agad na turan ng professor namin pag kapasok niya.

Nag tataka kong pinasadahan ang kabuoan niya. Sobrang balot din kasi siya eh, nilalamig din kaya siya?

Iwinaksi ko nalang iyon sa aking isipan at pinakinggan ang sinasabi niya.

Kakadating palang niya pero sasabak na agad kami sa gera, hindi man lang niya kami inintay na batiin siya pabalik. Tsk, may sumpong nanaman po siya.

Baka nag away sila ni Kuya Kiero dahil hindi siya umuwi dun kagabi kaya mainit ang ulo niya.

Teka...bakit ba gustong gusto kong saktan ang sarili ko? Kahapon marupok lang ako ngayon parang nagiging masokista na, aba nadaig ko pa si Yves.

"Get one and pass." Rinig kong utos ni Ate Didi kaya nabalik ako sa reyalidad. Shit, hindi pa naman ako nag aral.

"Ma'am wala pong naka sulat na question sa binigay niyo sa akin. Plain bond paper lang po." I heard one of my classmate said.

"Akin din po Ma'am." Another one said.

Tiningnan ko ang papel ko para tingnan kung meron ba ang akin. "Ahm...akin din."

"I did that on purpose. Para maiwas ang pag kokopyahan, iba ang tanong na sasagutan niyo. I will write the equations on the board." Sagot nito.

Napasimangot naman ako. Akala ko pa naman yung mga walang tanong na natanggap exempted. Haish buhay, bakit naimbento pa ang math?

Bored akong nakatingin sa isinulat niyang equations sa board na need naming sagutan. Naduduling lalo ako ag sumasakit ang ulo ko sa mga numbers at letters na nakita ko.

Bakit kasi yung alphabet hinalo sa numbers? Haish, pakening hell.

"Start answering now." Utos nito at sumandal sa table niya bago igala ang mata sa paligid.

Kinopya ko muna ang equation sa board bago ko ito pinagmasdan. Yes, pinagmasdan ko lang dahil nakalutang ang utak ko at hindi ko alam kung paano ito sasagutan.

Pag katapos kong makipag titigan sa equation sa papel ko ay nag pasya na akong sagutan yun. Baka maubos na ang time tapos hindi ko matapos lahat.

Five equations yung binigay niya kaya need kong bilisan dahil mahahaba yung solution kada isang equation.

Natapos ko na yung dalawang equation at nastuck ako dito sa patatlo. Nalilito kasi ako kung tama ba pag solve ko.

Napatingin ako kay Gorge na busy sa pag sosolve. Pasimple kong sinilip kung parehas ba kami ng sinasagutan. Nang makita kong parehas nga ay hindi na ako nahiya at marahan ko na siyang kinalabit.

"Gorge 67.4 ba ang sagot mo sa number three? Baka kasi mali pag sosolve ko.." Tanong ko. Matalino siya sa Math, siya ang laging panlaban ng department namin pag dating sa mga math competitions.

Naduduling kasi ako sa mga lintek na numbers na yan. Tsk.

"66 ang sagot ko Keoni. Paano mo ba nakuha yung sagot mo?" Tugon nito sa akin kaya napasimangot ako. Sabi na nga ba at may mali sa soultion ko.

"Minultiply ko muna i--"

"Miss Santiago and Mr. Jones, do you have anything to share with the class?" A cold voice boomed to the quiet classroom.

"No Ma'am. Keoni is just asking lang po kung tama yung sa--"

"Yung pag kabasa ko po sa question three po. Hindi ko po kasi masyadong maaninag dito kasi malabo mata ko." Pag sisinungaling ko at tumawa ng mapakla.

"You can just ask me instead of whispering there, you're disturbing my class." She said and rolled her eyes at me. "Come sit here in front."

"Uhhh... Ma'ameh dito nalang po ako, mainit kasi po diyan ayoko po baka hindi ako maka hinga."

"Tsk. Paano mo makikita kung hindi ka lalapit? Gusto mo ba yung black board nalang mag adjust para sayo?" Taas nilay nitong tanong. Umiling iling naman ako. "Mag tatanong nalang po ako ulit kay Gorge."

Hindi naman siya sumagot at sinamaan lang ako ng tingin bago nag excuse na mag babathroom daw siya kaya malaya akong nakakapag tanong kay Gorge ng mga sagot.

Bad mangopya pero needed, hindi ako maniniwala na may taong never nangopya.

"So paano mo nga nakuh--"

Malakas na bumukas ang pintuan ng classroom at may mga lalaking pumasok na may dalang tatlong electric fan kasunod si Ate Didi na walang emosyon lang na inuutusan yung mga lalaki kung saan ilalagay yung electric fan. Nakatutok iyong lahat sa bakanteng upuan sa harap ng table niya.

Kunot noo lang kaming nakatingin sa kanila hanggang sa matapos na sila at umalis na yung tatlong lalaki.

"Miss Santiago come sit here infront." Utos ni Ate Didi kaya napanganga ako habang nakatingin sa kaniya.

Nakaturo kasi siya dun sa bakanteng upuan eh.

"Wag na po okay lang naman po ako di---"

"Don't piss me off even more Keoni Santiago. " She cuts me off and glare at me kaya napalunok ako at alanganin na lumipat sa tinuturo niyang upuan.

"Is it still hot? I'll switch it to number thre--"

"H-hindi po...okay na po." Sagot ko at bahagyang ngumiti sa kaniya.

Sa totoo lang hindi naman talaga mainit eh, naka aircon kaya yung rooms dito. Tapos kanina pa din akomg nilalamig. Deputa naman bago siguro matapos ang klase ni Ate Didi nanigas na ako dito.


****


Walang energy akong kumatok sa opisina ni Miss Cleomonte. Kanina ko pa kasi hinahanap si Yves, nag babakasakali akong andito siya.

I heard Miss Cleomonte said come in kaya pumasok na ako.

"Good afternoon po." Pag bati ko ag pupungay pungay kong inilibot ang aking mata sa buong opisina niya.

"What is it Santiago?" Rinig kong tanong ni Miss Cleomonte kaya nilingon ko na siya.

"Ahm ano po, tiningnan ko lang po kung andito si Yves. Kanina ko pa po kasi siyang hinahanap, hindi din po kasi siya pumasok eh." Sagot ko at bahagyang ngumiti sa kaniya.

"Oh, she's not here. Absent siya, she's not feeling well." Tugon sa akin ni Miss Cleomonte bago tumikhim.

"Ahh ganun po ba... Sige po, salamat p--"

"Are you feeling okay Santiago?" Putol niya habang sinisipat ang itsura ko.

Tumango tango naman ako sa kaniya. "Yes po. Super oka--"

My sentence was cut off by my sneeze. Suminghot singhot ako bago punasan ang ilong ko ng hawak hawak kong panyo.

"You don't look fine." I heard Miss Cleomonte said beside me. Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa akin. Hinawakan niya ang leeg ko bago ang noo ko.

"You're hot Santiago."

Ngumisi naman ako sa kaniya. "Alam ko po Miss, since birth na po akong hot."

"Stupid. You have a fever." Irita nitong turan at hinila ako paupo sa couch na nasa hindi kalayuan ng desk niya.

"Uminom kana ba ng gamot? Bakit ka pa pumasok?" Sunod sunod niyang tanong at nag lakad papunta sa kung saan.

Napahatchi muna ako bago siya sagotin. "Ayos lang naman po ang pakiramdam ko kaninang umaga."

"Here, drink this. I'll call your parents to pick you u--"

"No need po Miss Cleomonte. I can take care of myself nanaman po eh. Thanks for the medicine." Putol ko sa kaniya at kinuha ang gamot na ipinatong niya sa table sa harapan ko.

"Take care of myself your face. Halos hindi mo na nga maimulat ng ayos yung mata mo eh. Tsk, stubborn. Drink your meds and stay here, I'll be quick." She said and rolled her eyes at me before leaving me alone in her office.

Napabuntong hininga nalang ako at isinandal ang ulo ko sa couch na inuupuan ko at ipinikit ang aking mata.

Kanina naman ay hindi pa ganito kalala ang sama ng pakiramdam ko eh. Bakit ngayon sobrang nahihilo na ako kapag nag mumulat ng mata at nagalaw?

"I already gave her medicine." Rinig kong saad ng familiar na boses.

"Did she drink it already?" Tanong naman ng isang familiar din na boses. Gusto ko man mag mulat ng mata para tingnan kung sino ang nag uusap pero hindi na talaga kaya ng mata ko.

"Clearly not. Here, ikaw na mag painom."

Nakarinig ako ng pag kaluskos at tunog ng takong na parang papalapit sa akin bago ko naramdaman na parang may umupo sa tabi ko.

"Thanks, Naomi." I heard someone say beside me.

Maya maya pa ay naramdaman ko na ang malamig niyang palad na tumapo sa pisnge ko.

"Wake up Keoni, you have to drink this medicine first." A soft voice said while softly caressing my face to wake me up.

Kung ganito mang gigising sa'kin baka mas lalo akong makatulog.

"Keoni, come on. Don't be stubborn please." Turan ulit nito. Pilit kong iminulat ang mata ko at tiningnan kung sino ang katabi ko.

I saw Ate Didi looking at me with worried eyes. "Drink this first then you can rest."

Inilapit niya sa akin yung tubig sa baso at gamot na ibinigay sa akin ni Miss Cleomonte kanina. Pilit ko naman iyong kinuha sa kamay niya at ininom.

"Nilalamig ka ba?" Ate Didi asked. Hinaplos haplos niya ang buhok ko. Tumango tango lang naman ako at sumiksik sa kaniya. Surprisingly ay hindi siya umangal at hinayaan lang ako na yakapin siya.

"Pwede bang ikaw na ang mag sabi kay Margaux na aabsent ako ngayong hapon? I need to take Keoni home." Ate Didi said and pull me closer to her.

"Sure. Gusto mo bang ipahatid ko na kayo kay Damian?" Miss Cleomonte offered. Tumango naman si Ate Didi at nilingon ako.

"Kaya mo bang mag lakad? Or I'll just carry you to the car?" Tanong niya sa akin.

"Ahm..kaya ko naman po mag lakad." Medyo paso kong sagot.

Napabuntong hininga nalang siya at hinawakan ako sa bewang para alalayan akong tumayo.

"He's waiting at the parking lot." Miss Cleomonte said and nods at Ate Didi. I thank her before Ate Didi and I leave her office.

"Isandal mo lang yung ulo mo sa balikat ko. Baka mahilo ka." Utos ni Ate Didi sa akin. Hindi na naman din ako umangal at ginawa nalang ang sinasabi niya kasi why not diba? Free tsansing.

Nakadating kami sa parking lot at agad akong pinasakay ni Ate Didi sa kotse.

Nakapikit lang ako buong byahe hanggang makarating kami sa bahay namin. Rinig ko pa na kinakausap ni Ate Didi si Damian pero wala akong maintindihan dahil sobrang sakit na ng ulo ko.

Pag katapos nilang mag usap ay inalalayan ako ni Ate Didi papunta sa taas. Medyo nag taka pa ako dahil imbes na sa kwarto ko siya dumiretso ay doon niya ako idineretso sa kwarto niya.

Inihiga niya ako sa kama at kinumutan.

"Kukuha lang ako ng pamalit mong damit." She said and walk out of her room para kumuha ng damit ko sa kwarto ko.

After a few minutes ay bumalik na siya na may dala dalang mga damit ko.

"Sit up. This will be quick, kailangan mo munang mag palit ng damit." Utos nito sa akin.

Pilit naman akong umupo at dahan dahang hinubad ang damit ko. Kita ko pa ang pag iwas ng tingin ni Ate Didi kaya napangiti ako ng bahagya.

"H-Here... change your clothes." Nauutal utal niyang turan at inilapit sa akin ang damit na kinuha niya.

Nang matapos akong mag palit ay humiga na akong muli sa may kama niya. Niyakap ko pa yung unan niyang kaparehas niya ng amoy at napangiti. Hindi ko alam na masaya palang mag kasakit.

"Just rest here, okay? Ipagluluto lang kita ng makakain para malamanan ang tiyan mo." She said and caress my hair.

"I'm not hungry po. Thank you nalang." Pigil ko naman sa kaniya.

"Are you sure? Hindi ka pa ata kumakain ng lunch." Paninigurado niyang tanong. I nod at her at nginitian siya ng bahagya.

"Hindi po ako gutom. Nilalamig lang."

"What do you want me to do? Ikukuha ba kita ng jacket pa or isa pang kumot? I already turned off the aircon para hindi ka masyadong lamigin." Tila natataranta niyang tanong habang nag aalalang nakatingin sa akin.

Hinawakan ko naman ang kamay niya. "Higa ka po sa tabi ko tapos hug mo po ako. Sabi nila nakakabilis daw ng pag galing yung body heat laloves, try natin."

"Really? Bakit parang hindi ko alam yan?" Nag aalanganin niyang tanong sa akin.

"Bagong released na ano yun...ano...ahm...research.. Opo, yun. Bagong labas na research yun." Kakamot kamot ko naman sa ulong sagot.

Tiningnan niya ako saglit bago bumuntong hininga at tumango. "Okay then."

Gulat akong napatingin sa kaniya.

Luh, naniwala siya? Tatabihan niya nga ako? For real!!??

Ramdam ko ang pag higa niya sa tabi ko bago niya hilahin ang bewang ko papalapit sa kaniya. "Now rest. Mas gugustohin kong marinig ang nakakairita mong boses kesa ang makita kang nanghihina at may sakit."

"Thank you..." Mahina kong pag papasalamat sa kaniya at ipinikit ang aking mata bago sumiksik sa may dibdib niya.

"Shh...You don't need to thank me. Fiancée duties." Rinig kong sagot niya bago ko naramdaman ang mainit niyang labi na dumampi sa noo ko.

Luh...lalo ata akong lalagnatin sa mga sinasabi niya eh. Why naman may pa ganun?

Lord wag niyo na po akong pagalingin..


*******

A/N: Ang lala po ng trust issues niyo HAHAHAHAHA anyways, pasenya kung sabaw ud ko. Sabaw din utak ko eh, try ko mag ud ng madalas para sa inyo. Lots of love, mwah!

Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me