LoveTruyen.Me

The Untouchable Beast

Chapter 27: Tears

AMETHYST'S POV (Skeet's Mom)

Galos-galos na katawan.

Putok ang mga labi.

Naliligo sa sariling dugo.

Hindi ko napigilang mapaiyak matapos naming makausap ang saksi sa pagkakabundol kay Nisyel. Kusang sumuko ang driver ng sasakyan matapos ang hindi sinasadyang aksidente. Ang sabi ng mga nakasaksi naka-green daw ang traffic lights kaya walang kasalanan ang driver dahil bigla na lamang sumulpot si Nisyel sa gitna ng kalsada.

Parang nadudurog ang aking puso nang makita siya kanina na walang malay na nakahimlay sa stretcher habang ipinapasok sa emergency room.

Bakit kailangang mangyari ito sa kanya?

Ano'ng kasalanan niya para parusahan siya ng ganito ng pagkakataon?

Si Nisyel na walang ginawa kundi ang magpakita ng kabutihan sa kanyang kapwa.

Napapangiti niya ang sinumang nasa paligid niya.

Maaaliw ka sa tuwing kakausapin mo siya.

Masayahin siyang babae sa kabila ng pinagdaanan niya.

Marami kang matutunan sa kanya kahit sa simpleng biro niya.

Unang kita ko pa lang sa kanya nahulog na agad na ang loob ko rito.

Napakadali niyang mahalin.

Dahil sa kanya nagkasundo ang aking mga anak.

Dahil sa kanya muling bumalik ang dating Skeet Alvan ng aming pamilya.

Dahil sa kanya nakita ko ang iba't ibang emosyon ng aking anak.

Napangiti at napatawa niya si Skeet, higit sa lahat napaiyak niya ito.

"DANG IT!"

"THIS ALL MY FAULT!"

Napahikbi ako habang pinagmamasdan si Skeet na paroo't parito sa harap ng pinto ng emergency room. Napapasabunot ito sa kanyang buhok at umiiyak.

Umiiyak ang anak ko. Sinisi niya ang kanyang sarili sa nangyari kay Nisyel.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong muli ko siyang nakitang umiiyak sa loob ng mahigit dalawampung taon.

"This is all my fault! This is all my fault!" Paulit-ulit na sambit nito habang umiiyak. Parang sinaksak nang paulit-ulit ang aking dibdib na masaksihang naghihirap ang kalooban ng aking anak.

"Tama na, Kuya, malalagpasan 'to ni Ate. Malalagpasan niya 'to," umiiyak na sambit ni Gold at niyakap ang kanyang kuya.

Gusto ko sanang matuwa na nakikita kong magkalapit na ang dalawa pero sa maling pagkakataon pa. My son looks so weak and devasted.

Napatingin ako kay Andrea na nakapangalumbaba sa sahig at nakasandal sa pader ng ER. Tulala ito ngunit masaganang umaagos ang mga luha sa kanyang mga mata. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip na siya ang ina ni Nisyel.

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin pero nilapitan ko siya at ginaya ang kanyang posisyon. Niyakap ko siya at isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat. Isa rin akong ina at alam ko kung ano ang pakiramdam na nasa panganib ang sarili mong anak.

"Ang sama-sama ko. Ang sama-sama kong ina!" Impit na wika nito sa gitna ng kanyang paghikbi.

"K-kasalanan ko ito! Sana ako na lang! Sana ako na lang ang nabangga! Sana ako na lang!" Humagulgol ito at gumanti sa akin ng yakap.

"Tatagan mo ang loob mo, Andrea. Manalig tayo sa Itaas. Hindi Niya pababayaan si Nisyel," pag-aalo ko sa kanya sa gitna ng aking pag-iyak.

"N-natatakot ako! Natatakot ako, Amethyst. Baka... baka iwan ako ng anak ko. H-hindi ko iyon kakayanin! H-hindi ko kaya! Kasalanan ko kasi 'to lahat. S-sana hinayaan ko na lang siya. S-sana hindi ko na lang siya kinuha kay Skeet."

Umiling-iling ako.

Magsisi ka man, Andrea, hindi mo na maibabalik ang lahat.

GOLD'S POV (Skeet's sister)

Parang bombang sumabog sa gitna naming lahat nang malaman namin kaninang nabundol ng sasakyan si ate Nisyel.

Nasa mall kami ni mommy no'n at nasa Cebu naman sina daddy at kambal kaya hindi sila nakarating. Nabigla na lang kami nang tumawag si kuya habang umiiyak at sinabing nandito siya sa Suarez Medical Center.

I felt like my heart stopped beating when I saw her lying in a stretcher covered with so much blood.

Walang tigil sa pagluha ang aking mga mata habang yakap-yakap ko si Kuya Skeet. Higit kaninuman alam naming siya ang pinakanasasaktan. Puno ng katanungan ang aming isip kung paano humantong sa ganito ang lahat.

Ngayon ko lang din nakitang umiyak si kuya. Wala siyang pakialam kahit nagmumukha na siyang basang sisiw. Pulang-pula ang kanyang mukha hanggang leeg. Naghahalo na rin ang kanyang pawis at mga luha. Duguan ang kanyang damit dahil siya mismo ang nagdala kay ate Nisyel dito sa ospital. Ang sabi nila sa harap daw mismo ng company nabundol si ate.

Ramdam ko ang panginginig ni kuya. Ang lakas-lakas din ng tibok ng puso niya. Alam kong sundol sa langit ang kabang nararamdaman niya ngayon.

Papa God, sana po tulungan N'yo si ate Nisyel. Hindi po namin kakayanin kung mawawala siya.

Mahal ko si ate Nisyel, hindi dahil girlfriend siya ni kuya. Mahal ko siya bilang siya. Pinaramdam niya sa akin ang pagmamahal ng isang ate kahit sandaling panahon pa lang kami nagkakilala at nagkasama.

Hindi ko tuloy mapigilang itanong sa sarili ko, bakit si ate Nisyel?

Bakit sa bilyon-bilyong tao siya pa?

Wala naman siyang nagawang masama para parusahan siya nang ganito. Ang bait-bait nga niya at masayahin. Kahit sa ibang pagkakataon kami nagkakilala alam kong mahuhulog pa rin ang loob ko sa kanya. Hindi mahirap mahalin si ate dahil wala na yata akong mapipintas sa kanya. Bukod sa taglay niyang kagandahan ay ubod din siya nang bait.

Naalala ko ang unang araw na niyakap niya ako dahil inaway ako ni kuya Skeet. Iyon ang pinakaunang pagkakataon na nakaramdam ako ng kakampi. I know Mom and Dad loves us all at wala silang pinapanigan sa amin kaya hindi nila alam kung ano ang nararamdaman ko sa tuwing niri-reject ako ni kuya.

Hindi ko rin alam kung anong ginawa ni ate Nisyel ngunit nabigla na lang ako isang araw na kinatok ako ni kuya Skeet sa aking silid at sinunggaban ng yakap. Iyon din ang kauna-unahang pagkakataong kinausap niya ako na kaming dalawa lang.

I'm very sorry, princess.

Hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon. Ang araw na humingi ng sorry sa'kin si kuya. Tinawag pa niya akong princess. Si daddy at kambal lang kasi ang tumatawag sa akin ng gano'n.

Alam kong malaki ang naging papel ni ate sa pagbabago ni kuya. Noon madalas siyang nasa business trip o 'di kaya tumambay sa penthouse niya at malimit lang umuuwi sa mansyon. Ngunit nang dahil kay ate Nisyel nagbago ang lahat. Natuto siyang makitawa sa usapan at nakita ko rin kung gaano niya kamahal sa ate.

Sa tuwing dinadala niya si ate Nisyel sa mansyon ay parang may fiesta. Maraming handa at niri-request niya palagi sa mga katulong na iluto ang mga paborito ni ate. Kahit matakaw kumain si ate ay nakakatuwa siya. Iyong tipong mawiwili ka sa kakatitig sa kanya habang kumakain siya. Kaya nga palagi kong nahuhuli si kuya na nakatitig kay ate at wala sa sariling ngumingiti.

Hindi nga nagtagal ang paboritong pagkain ni ate Nisyel na estopadong manok ay naging paborito na rin ng buong pamilya. Natutunan ko rin sa kanya kung paano kumain nang nagkakamay. And it was really fun.

Kung totoo ngang may anghel na bumababa sa lupa ay masasabi kong si ate Nisyel ang anghel na ibinigay sa amin. Binago niya lahat. Binago niya ang aming pamilya.

She made us realize the real meaning of love. And she herself is a living symbol of love.

Sa tuwing naalala ko ang araw na unang kumain ng onions si kuya Skeet ay gusto kong magpagulong-gulong sa katatawa. Kitang-kita ko kung paano siya ngumiwi noon pero ipinakita niya pa rin ang perpektong ngiti niya kay ate Nisyel.

Pinakasusumpa ni kuya ang sibuyas dahil ayaw niya raw ng amoy nito. Ang sabi nga ni mommy noong bata pa raw si kuya ay nagkulong daw ito sa banyo ng school dahil nakita niya ang picture ng sibuyas sa chart.

Sa maikling panahon ay nakita ko kung gaano niya kamahal si ate Nisyel. Handa siyang gawin ang lahat.

Pero bakit gano'n?

Kung sino pa ang pinaka importanteng tao sa buhay mo ay 'yon pa ang pilit inaagaw sa'yo ng traidor na tadhana?

Sabay-sabay kaming napatayo nang bumukas ang pinto ng emergency room at lumabas ang doktor at sandamakmak na nurses na akay-akay ang walang malay na si ate Nisyel.

"W-what's happening, Doc?" Natatarantang tanong ni mommy. Si kuya naman ay pilit nilalapitan ang stretcher ni ate Nisyel ngunit hinaharang siya ng mga nurses. Maraming nakakabit kay ate at may oxygen din.

"DAMN IT! LET ME HOLD MY GIRLFRIEND!" Umiiyak na sigaw ni kuya at nakikisiksik sa mga nurses kaya hinuli ko siya at niyakap siya mula sa likod.

"Kuya, huminahon ka."

"She lost a lot of blood and we need to transfer her to the ICU. Masyadong kritikal ang kalagayan ng pasyente, don't bother about the blood, may available namang type B na dugo sa blood bank. The patient needs to undergo several tests, lalo na sa kanyang ulo. Ang kailangan n'yo lang gawin ay manalangin na sana makipag-cooperate ang katawan ng pasyente. Excuse us, nagmamadali kami," ani ng doktor at nagmamadaling sinundan ang mga nurses na nagdala kay ate.

Loud gasps filled the hospital's hallway. Napabitaw ako sa pagkayakap kay kuya dahil biglang nanginginig ang aking katawan.

It can't be?

"AAAHHH!"

"Diyos ko! Anak!"

Nataranta si mommy nang malakas na sinuntok ni kuya ang pader kaya bumusawit ang dugo mula sa kanyang mga kamay.

"DAMN IT!"

Hindi pa nakuntento si kuya, pinagsisipa niya ang mga upuan kaya tumaob ang mga ito kahit gawa sa steel.

"A-anak, huminahon ka..."

"I can't lose her, Mom! I can't!" Parang bata na umiiyak si kuya at sumubsob sa balikat ni mommy.

"Hindi siya mawawala anak. Manalig ka."

Napakislot kaming lahat nang biglang natumba si Tita Andrea.

"Andrea!"

Mabilis na dinaluhan ni mommy si tita na nahimatay. Hindi ko nagawang lumapit bagkus ay unti-unting humakbang ang aking mga paa.

Tumalikod ako at tinahak ang chapel ng hospital.

"Diyos ko, parang awa N'yo na, oh. Tulungan N'yo naman si ate Nisyel. Bigyan N'yo po siya ng lakas para lumaban. Kailangan siya ni kuya, kailangan namin siyang lahat. Napakabuti niyang tao kaya bigyan N'yo naman po kami ng pagkakataong masuklian ang lahat ng kabutihan niya. Hayaan N'yo naman po kaming ipakita sa kanya kung gaano namin siya kamahal. Bigyan N'yo po kami ng pagkakataong makasama siya. Iligtas N'yo po siya sa kapahamakan. Maraming salamat po."

BIANCA'S POV

Taranta akong nagmaneho papuntang hospital nang mabalitaan ko mula sa mga empleyado ng SDM Empire na nabundol daw si BFF.

Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. Namamawis din ang aking mga kamay. Hindi ko alam kung paano ako nakarating na buhay sa hospital sa sobrang panginginig ng katawan ko. Agad akong nagtungo sa information desk para magtanong.

"Miss, si Nisyel Love Borora?" Nagitla ako nang umiling-iling ang babae bago sumagot.

"Nasa ICU ho, Ma'am."

Nanlaki ang aking mga mata at natutop ko ang aking mga bibig.

No!

BFF naman, eh!

Dali-dali kong tinungo ang ICU at naabutan ko sa labas si Skeet at Gold na parehong umiiyak.

"A-ano'ng nangyari? Ano'ng nangyari sa BFF ko?" Tanong ko sa nanginginig na boses.

Walang sumagot sa akin. Biglang tumayo si Skeet at umalis. Sinipa pa nito ang upuang nadaanan niya kaya tumalsik. Tiningnan lang ako ni Gold at umiling habang umiiyak.

Sumilip ako sa glass window ng ICU. Ngunit halos hindi ko makita si BFF na pinagkukumpulan ng maraming doctor at nurses.

Niri-revive siya!

Parang piniga ang aking dibdib.

Bakit?

Bakit si BFF pa?

ANDREA'S POV

Nagising ako na puro puti ang aking nakikita.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses.

"A-amethyst?" Bumuntong hininga ito. Namamaga ang kanyang mga mata.

"Nahimatay ka kanina nang makita siya." Bigla akong napabangun sa hospital bed.

"Ang anak ko! N-nasaan na ang anak ko?!"

"N-nasa ICU na siya, Andrea."

"K-kailangan ko siyang puntahan. K-kailangan ako ng anak ko."

"Sigurado ka bang maayos na ang pakiramdam mo?"

Tinanguan ko si Amethyst at tumayo ngunit bago kami lumabas ay hinawakan niya ang aking kamay.

"Magpakatatag ka, Andrea. Magpakatatag ka para sa anak mo."

"Maraming salamat, Amethyst, dahil sa kabila ng lahat ay tinutulungan mo pa rin ako."

"Huwag na muna nating pag-usapan ang nakaraan, Andrea. Ang mahalaga ngayon ay ang kaligtasan ni Nisyel."

Sabay naming tinungo ang ICU kung saan may kalalabas lang na doktor.

"Who's the immediate family of the patient?"

"Ako ho ang ina niya, Doc."

"Kailangan ninyong pirmahan ang waiver na 'to, Misis. Nagkaroon ng internal bleeding ang ulo ng pasyente dulot ng malakas na pagkakabagok nito at may nakita rin kaming mga bubog sa kanyang mga mata. Kaya kailangan niyang sumailalim ng dalawang operasyon. And we need an eye donor as soon as possible."

"WHAT?" Tumaas ang boses ni Skeet na kakarating lang.

"Gusto ko lang kayong paalalahanan bago niyo pirmahan ang waiver na 'yan. Kritikal ang kalagayan ng pasyente dahil sa tinamo niyang impact ng aksidente. The patient has only 50 percent survival. Ibig sabihin ay hindi tayo makakasigurado kung magiging successful ang operation," mahabang paliwanag ng doktor.

"THEN DO EVERYTHING TO SAVE HER LIFE!" Malakas na sigaw ni Skeet bago sinakal ang doktor.

©GREAFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me