LoveTruyen.Me

The Untouchable Beast

Chapter 34: Caught

"Aray! Dahan-dahan naman, Dee!" Naiinis na singhal ko kay Dee.

"Sorry, sorry. Do I have to pull this over?" nag-aalalang tanong nito.

"Sige nga, bunutin mo nga muna at ipasok ulit. Pambihira naman, Oh! Sa entrance pa nga lang ang sakit na, ano pa kaya kung naipasok mo na 'yan lahat?"

Naramdaman ko namang dahan-dahan niya itong binunot kaya nakahinga ako nang maluwag. Huminga ako nang malalim para humugot ng lakas ng loob.

"Ipapasok ko na ulit, Mee," deklara nito.

"Okay, dahan-dahanin mo lang, ah?"

"Alright. I'll be gentle, Love. Ready?"

"Ready na ready, Dee!"

Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata nang maramdaman kong ipinasok niya itong muli ngunit--

"ARAY! DEE NAMAN, EH! 'DI BA SINABI KONG DAHAN-DAHAN LANG! PAGKA TALAGA DUMANAK ANG DUGO RITO, IPAPADILA KO SA'YO! MAKIKITA MO!" malakas na bulyaw ko sa kanya dahil ipinasok niya ito nang buong-buo.

"Sorry, Love... Sorry. To tell you honestly, this is my first time to do this," mahinahong sagot niya.

Kaya naman pala.

"Talaga, Dee? Ako ang pinaka-unang babae na sinuotan mo ng hikaw?" 'di-makapaniwalang tanong ko.

"Y-yeah." Napakamot ito sa kanyang batok. Kawawa naman ng dragon na 'to, napag-iwanan ng kabihasnan.

"Sige na nga, ilagay mo na yung lock ng earrings ko, Dee. Pambihira talaga, thirty minutes mo na 'yang ginagawa ngayon mo lang naipasok. Ang sakit pa ng tainga ko."

"Sorry na love," nakangusong wika nito at yumakap sa bewang ko.

"Okay na. Medyo nawala na naman ang sakit, eh."

Totoo namang ang tagal-tagal niyang isuot sa'kin ang hikaw, eh. Tinanggal kasi ito ng mga doktor noong inoperahan daw ako.

Dalawang linggo na ang nakalipas magmula nang lumabas ako ng hospital. At sa araw-araw na 'yon ay hands on sa pag-aalaga sa'kin si Dee kahit pa may trabaho siya.

Dito na rin ako nakatira sa mansyon dahil mag-asawa na raw kami. Balak nga sana ni Dee na lumipat kami sa penthouse niya pero hindi pumayag si grandma dahil wala daw akong makakasama pag nasa trabaho si Dee. Ayaw nilang katulong daw ang mag-aalaga sa'kin.

Ang bait talaga ng pamilya ni Dee. Pakiramdam ko nga baby ako e, kasi ayaw nila akong mapabayaan. Palagi akong niri-remind na uminom ng gamot at vitamins. Kaya nga minsan gusto ko nang umamin na wala talaga akong amnesia , e kaso nauunahan ako ng hiya. Siyempre hindi ko iniinom ang gamot, baka kasi matuluyan akong magka-amnesia.

"What are you thinking?" Tanong nito habang nakalingkis pa rin sa katawan ko.

"Wala naman, Dee. Iniisip ko lang na i-upload sa Facebook at Youtube 'yong video ng sayaw mo no'ng birthday ko. Siguradong magti-trending 'yon. Hehe."

"What the-!"

"Joke lang po! Ayaw ko ngang pagpiyestahan ng ibang babae yang abs mo. Private property ko kaya ang mga 'yan." Napatawa siya nang mahina at tumayo.

"Of course, I'm all yours, my love," malambing na saad niya.

"Talaga lang, ah? Kasi I'm all yours din eh, unfair naman kung hindi ka akin, 'di ba?" Tinaasan ko siya ng kilay ngunit tinawanan lang niya ulit ako.

"Come. I have a surprise for you Mee," anitong nakalahad ang kamay kaya tumayo na rin ako.

Bumaba kami sa sala at doon ay nakita ko si Mama na kausap si mommy Amethyst at daddy Stan. May isa ring nakatalikod sa amin na hindi ko nakikilala.

"Mama?" mahinang wika ko na ikinalingon nilang lahat.

"Anak, nandito ka na pala. May sorpresa sana kami sa'yo, eh."

"Waah! Talaga, Mama? Ano po 'yon?" Sinalakay ng excitement ang aking dibdib.

"Anak, 'di ba nangako ako sa'yo noon na hahanapin ko siya? Narito na siya, anak." Kumunot ang aking noo sa sinabi ni Mama.

"Anak, siya si Anthony, ang papa mo," turo nito sa may edad na lalaki na katabi niya.

Bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan.

Walang hiya! Surprise nga! Hindi ako prepared, eh!

"A-anak?" wika ng lalaki at nilapitan ako. Kamukhang-kamukha ko talaga siya kahit may edad na ang kanyang itsura.

Matangos rin ang kanyang ilong tulad ng sa'kin. Mahaba ang kanyang pilik-mata na perpektong nakakurba at manipis at namumulang labi na hugis puso. Pati ang hugis ng kanyang kilay ay kuhang-kuha ko rin.

Huminga ako nang malalim at mariing kinalma ang aking sarili.

"Bakit bumalik ka pa? Hindi kita kailangan! Masaya na ako, masaya na kami kahit wala ka pa! Pero bakit nagpakita ka pa? Ang kapal naman ng pagmumukha mo! Bumalik ka nalang sa pinanggalingan mo kung ayaw mong ipatapon kita sa kangkungan!" madramang bulyaw ko sa kanya na ikinatigil nilang lahat. Niyakap din ako ni Dee na parang pinapakalma ako.

"A-anak... P-patawarin mo sana ako. Hindi ko alam, anak. Patawad..." nagsusumamong wika ng nagpakilalang papa ko raw. Umiiyak na rin si Mama at nangungusap ang mga matang nakatingin sa'kin.

"Joke lang po! Hehe... Papasa na ho ba akong kontrabida? Bagay ho ba sa'kin?" tanong ko sa kanila. Narinig ko naman ang sabay-sabay nilang pagbitaw ng pinipigilang hininga.

"A-anak?" wika ulit ng aking papa kaya dali-daling akong bumitaw kay Dee at dinamba siya ng yakap.

"A-anak ko!" aniya at tinugon ang aking yakap.

"Waaah! Kaya pala ang gandang-ganda ko kasi napakaguwapo n'yo rin, Papa! Salamat sa genes niyo, ah?" masayang wika ko habang yakap-yakap ko siya.

Narinig ko ang pagtawa nilang lahat pati na rin ni Dee. Nakita kong umiiling na nangingiti si daddy Stan at niyakap si mommy Amethyst na parang nabunutan ng tinik.

Ilang segundo rin kaming nagyakapan ni Papa bago bumitaw sa isa't isa. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at masuyong tiningnan.

"Tama nga ang iyong Mama. Ang ganda-ganda mo, anak, at napakabait mo pa."

"Aba'y tumpak na tumpak kayo, Papa! Kaya nga tinawag akong extinct, 'di ba? Kasi mag-isa lang ako sa mundo."

"Ibig bang sabihin nito ay hindi ka galit sa'kin, anak?" Tanong ni Papa.

"Bakit naman po ako magagalit? Kung may pagkakamali man po kayong nagawa ay likas lang ho iyon sa tao. Sayang ang panahon kung mag-gagalit galitan pa ho ako, 'di ba? At saka, 'di ba ho wala naman tayong mapapala kung uungkatin pa natin ang nakaraan? Ang mahalaga ho ay narito na kayo para ituloy ang naudlot ninyong forever ni Mama, 'di ba po, Mama?"

Napatingin kaming lahat kay Mama na tahimik lang at biglang namula. Hihihi. Kinikilig ang isang 'to.

"Mama, 'di ba po?" pag-uulit ko.

"Aah... eh..." nauutal na wika niya.

"Oh, kita n'yo na, Papa? The one that got away rin pala ang peg ninyo ni Mama tulad nila kuya Nito at Lady M. 'Di ba narito kayo para ligawan ulit si Mama?"

Tumikhim si Papa at tiningnan si Mama.

"Of course, anak. Nakahanda akong pakasalan ang Mama mo anumang oras kung hahayaan niya lang akong pumasok ulit sa buhay niya."

"Ay! Oo na 'yan, Papa. Papayag na 'yan. Sayang ang oras, oh. Ang tanda-tanda n'yo na kaya para mag-drama," sabi ko at pinaghugpong ang kanilang mga kamay.

"Oh, ayan ho. Pag-usapan n'yo ho kung kailan kayo magpapakasal. Pati na rin ang venue, motiff at kung ilang bisita ang gusto n'yo. Idetalye niyo na lang ho sa amin 'pag tapos na kayong mag-usap."

Napakamot sa kanyang batok si Papa ngunit hindi niya naman binitiwan ang kamay ni Mama, bagkus ay hinigpitan pa ang pagkakahawak nito.

"Tara na, Dee. Buhatin mo na ako paakyat. Tatapusin ko na lang 'yong ginagawa ko."

"Huh?" naguguluhang untag ni Dee. Tiningnan ko naman silang lahat ngunit parehong nakangiti ang kanilang mga mukhang nakatingin sa akin.

"Ang sabi ko buhatin mo na ako, Dee!"

Napatampal ako sa aking noo at 'di-makapaniwalang tiningnan si Dee.

"Ang kupad-kupad mo talaga kahit kailan! CEO ka ba talaga?"

"Sabi ko nga, Mee, bubuhatin na kita," nakangiwing wika nito at binuhat ako papanhik ng spiral staircase pero bago 'yon ay nilingon ko muna sila Mama.

"Ma! Pa! Bilisan ninyong mag-usap, ah? Magba-bonding pa tayo, eh!"

Napangiti ako ng nag-thumbs up sa'kin si Papa.

"You're really unbelievable. Tsk! Tsk!" komento ng dragon kong jowa habang karga-karga ako.

"May sinasabi ka?" singhal ko sa kanya. Alam ko kasing pagod siya at inaantok dahil nakatambak ang kanyang trabaho lalo na at may ginagawa silang internal auditing ngayon sa opisina.

"Nothing. Ang sabi ko ang suwerte ko naman at nakapag-asawa ako ng endangered species," malambing na saad nito kaya napangiti ako.

Marahan niya akong inilapag sa kama pagkapasok namin ng kuwarto at nahiga ito.

"Dee, pahiram ulit ng laptop mo, ah? Itutuloy ko lang ang ginagawa kong story sa Wattpad," pagpapaalam ko kahit nakapikit na siya.

"Story?" bigla itong napadilat at tiningnan ako.

"Oo. Ginagawa ko kasi ang love story nating dalawa. Ang dami na ngang reads kahit hindi pa tapos eh," nakangiting wika ko at binuksan ang laptop niya.

"Why? Do you want to be a writer?" Tanong niya at bumangon saka dumungaw rin sa laptop.

"Hindi naman, Dee. Gusto ko lang ibahagi sa iba 'yong love story natin. Ikaw ba kailan mo 'ko aayaing magpakasal sa simbahan? Malapit na 'to mag-epilogue eh, hindi mo pa rin ako niyayaya. 'Di ba gano'n dapat 'yon? Ang kasal sa ending palagi. Ang ganda kaya ng title ng story natin, Nisyel: Ang Dyosang Sekretarya. Oh, 'di ba ang ganda? Sinong mag-aakalang isa lang akong dakilang assistant mo noon na palagi mong binubulyawan at inuutus-utusan pero asawa mo na ngayon. Nilagay ko nga rito sa Chapter 3 ang mga tanong mo noong interview, eh, what's the matter at why should I hire you. Nilagay ko rin ang unang araw na napangiti kita pati ang pinaka-unang araw na kumain ka ng sibuyas. Pati na rin ang pagliligawan natin ay idinitalye ko na rin. 'Tsaka pati na rin 'yong first date sana natin na hindi natuloy dahil nahulog ako sa hagdan at dinala sa hospital. Pati na rin 'yong pagpapaalis mo sa'kin sa SDM Empire nang malaman mo ang tungkol kay Mama kasi akala mo niloko kita. Hanggang sa naaksidente ako at na-comatose nang mahigit isang taon," mahabang wika ko at pumalakpak.

"Oh, 'di ba parang telenobela ang--"

Natigilan ako nang biglang tumahimik si Dee at nakatingin sa akin nang malamig.

"So you remember everything and you didn't lose your memory all this time?" Walang emosyong wika nito.

Napatutop ako sa aking bibig nang maalala ang lahat ng aking sinabi.

Waah!

Walang hiyang bibig 'to!

My amnesia nga pala ako!

Ang tanga-tanga ko!

I'm DEAD!

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me