LoveTruyen.Me

The Untouchable Beast

Chapter 35: Surprise

24 days later..

"Dee, ito pa. Say ahh..."

"Busog na ako. Excuse me."

Napakagat ako sa aking ibabang labi nang umalis si Dee sa hapag kainan kaya napatigil sa ere ang hawak-hawak kong kutsara na may lamang pagkain na isusubo ko sana sa kanya.

"Hindi pa rin ba kayo bati ni kuya Skeet, Ate?" tanong ni Silver na kaharap ko sa hapag. Iniling-iling ko ang aking ulo at ibinaba ang kutsarang hawak ko.

"Hayaan mo, ate, gusto lang yata ni kuyang lambingin mo siya. Alam mo naman si kuya magulo ang utak," ani Gold at hinimas-himas ang aking likod.

Tumango-tango na lang ako kahit na sa totoo lang ay gusto ko nang magtampo kay Dee. Tatlong linggo na niya kaya akong hindi pinapansin. Humingi na naman ako ng sorry sa kanya, ah.

"Nawalan na rin ako ng gana. Akyat na 'ko, ha?"

"Ate--"

Hindi ko na lang pinansin ang pagtawag ng dalawa at tinalikuran ko sila sa dining room. Tinungo ko ang sala para pumanhik ng hagdan ngunit nakasalubong ko si Dee na nakabihis at pababa ng hagdan.

"Saan ka pupunta, Dee? Walang opisina ngayon ah," turan ko na ikinatigil niya. Inaayos nito ang pagkakatupi sa siko ng light pink na polong suot niya habang pababa ng hagdan.

"Mag-o-overtime ka ba, Dee?" Tanong kong muli ngunit tiningnan niya lang ako at hindi sumagot. Blangko ang kanyang mukha kaya ang hirap niyang basahin.

"Dee!" Malakas na tawag ko ngunit nilagpasan niya lang ako.

Aalis na naman siya kahit Linggo?

Napabuntonghininga ako at umupo na lang ng hagdan.

Kailan kaya ako papansinin at kakausapin ni Dee? Miss na miss ko na siya. Halos hindi na kasi kami magkita kahit na nasa iisang bahay at kuwarto lang kami.

Araw-araw ay gabing-gabi na siya umuuwi kaya nakakatulog ako sa sobrang paghihintay sa kanya. Pagkagising ko naman sa umaga ay wala ng ni anino niya dahil maaga raw siyang umaalis sabi ng mga katulong.

"Bahala ka sa buhay mong dragon ka! Ang sungit mo! Hmp!"

Inirapan ko ang litrato niyang walang kangiti-ngiti sa tabi ng TV saka umakyat ng hagdan.

Bakit ba kasi ako nakapag-asawa ng pinakasupladong tao sa mundo? Ayan tuloy kawawa ang kagandahan ko. Tsk!

Nahiga na lang ulit ako sa kama dahil wala naman akong gagawin. Hindi naman ako pinapayagang umalis na walang kasama baka raw kasi mapahamak ako. Ang OA talaga ng mga tao dito, nabuburyo na kaya ako rito sa bahay.

Balak ba nila akong gawing bagoong?

Saan kaya pupunta ang dragon na 'yon?

Ang bastos talaga ng ugali ng isang 'yon. Kinakausap hindi sumasagot. Umaalis nang hindi rin nagpapaalam.

Namumuro na talaga siya sa'kin. Kahit ang mga damit na inihahanda kong susuotin niya araw-araw pang-opisina ay hindi niya sinusuot.

Gano'n na ba siya kagalit sa'kin?

Eh, bakit sila Mama hindi naman nagalit nang malaman nilang wala naman talaga akong amnesia? Natuwa pa nga sila eh, lalo na si Gold.

Galit ba siya kasi inuto ko siya?

Galit ba siya kasi nagpabebe ako sa kanya?

Siya nga kahit hindi siya humingi ng sorry sa'kin no'ng inaway niya ako noon ay pinapansin ko pa rin siya.

Hindi nga ako nagalit noon nang hindi sila nagkasundo ni Mama, eh.

Ang duga talaga ni Dee. Ang arte-arte pa niya. Nagpapakipot pa siya, akala niya yata bagay sa kanya.

Eh, kung lalayasan ko kaya siya? Makikita niya!

Ano kaya ang gagawin ko para kausapin na ako ng dragon na 'yon?

Hmm.

Tinungo ko ang office niya rito sa bahay at kumuha ng isang letter sized bondpaper 'tsaka nag-umpisang sumulat.

Dee,

Sana mabasa mo itong huling habilin ko sa'yo. Mukha namang ayaw mo na sa'kin e, hindi mo na kasi ako pinapansin. Ayaw mo namang tanggapin ang sorry ko kaya hindi na ulit ako magso-sorry sa'yo. Neknek mo! Sa mga oras na 'to ay marahil nasa lansangan na ako at nagpakalat-kalat. Maghahanap na lang ulit ako ng sasakyan na bubundol sa'kin para tuluyan na akong magka-amnesia. Siguro masaya ka na ngayong wala na ako sa pamamahay mo. Huwag kang mag-aalala kasi tanggap ko naman na hindi ikaw ang forever ko. Maghahanap na lang ako ng mas guwapo, mas macho, mas yummy at mas mabait kaysa sa'yo. Kahit masakit sa dibdib titiisin ko para sa kaligayan mo. Bahala ka na sa buhay mong dragon ka! Ayaw ko na talaga! Happy birthday at Merry Christmas na lang para susunod na taon. Paalam.

P.S. Hinding-hindi kita mami-miss. Hmp!

Ang dyosa mong asawa,
Mee

Tiniklop ko ito nang mabuti at ipinatong sa ibabaw ng kama para madali niyang makita.

Dali-dali kong kinuha ang lahat ng damit ko sa closet at inilagay sa dalawang maleta. Tagatak ang aking pawis dahil ang dami ko palang damit na binili ni Dee. Nang masarado ko na ang mga maleta ay itinago ko ang mga ito sa ilalim ng kama.

Kinuha ko ang pink kong back pack at nag-tiptoe pababa ng hagdan. Binitbit ko na rin ang laptop ni Dee para may mapaglilibangan ako.

Nasa kuwarto na kaya sina Gold at Silver?

Sumilip ako sa komedor at napangisi ako nang makitang wala ng katao-tao roon. Wala ring katulong.

Hihihi. Kung sini-suwerte ka nga naman.

Mabilis akong tumungo ng kusina at kumuha ng pagkain sa fridge. Pinuno ko ng chocolates ang aking bag at kumuha rin ako ng softdrinks in can.

Nagmumukha na yata akong akyat bahay nito.

'Di bale na. Ang mahalaga ay hindi ako magugutom.

Dumaan ako sa back door at tinungo ang tree house na nasa likod ng mansyon.

Alam kong hindi nila maiisip na pupunta ako rito dahil hindi naman talaga ako pumupunta rito. Kay Silver kasi ang lungga na 'to at sinadya niya raw talagang ipagawa.

Sosyalin pala itong tree house ni Silver. May malambot na kama at flat screen TV din pala rito. Hindi mahahalata sa labas kasi gawa ito sa pawid at nipa.

Ano naman ang gagawin ko rito buong araw?

Makapag-Facebook na nga lang muna. Papalitan ko na lang kaya 'yong status ko.

Relationship status: from married to separated.

SAVE.

Nag-scroll lang ako sa newsfeed nang may nag-pop up na notification.

Gold Reign Mijares commented on your status.

Gold Reign Mijares: Waah! Ate bakit? Anyare?

Nisyel Dyosa: Hiwalay na kami, eh. Walang forever.💔💔💔

Tumingin tingin na lang ulit ako sa newsfeed dahil wala naman akong magawa. Binuksan ko ang isang ferrero at kumagat nang maliit.

Natigilan ako nang biglang may nag-pop up sa chat box.

Gold Reign Mijares: Ate nasaan ka? Bakit wala ang mga damit mo sa kuwarto n'yo ni kuya? Ate lagot kami nito, eh!

Waah! Mabilis akong nag-log out at pinatay ang laptop. Mahirap na baka mabuko nila ako.

Makapagbasa na nga lang ng story sa Wattpad.

Ano kayang magandang basahin dito?

Hmm...

Ah eto--

"Aaah!"

Muntik ko nang maitapon ang aking cellphone nang tumunog ito.

Gold calling....

Deym!

Dali-dali ko itong pinatay at tinanggal ang baterya.

Wooh! Muntik na 'yon, ah!

Dahil wala naman akong magawa ay kumain na lang ako ng chocolate at uminom ng softdrinks.

Ang boring naman pala rito.

Bakit ba dito ko pa naisipang pumunta?

Makatulog na nga lang. Siguro naman paggising ko ay darating din si Dee at hahanapin ako. At siyempre 'pag hahanapin niya ako ay papansin niya na ako. Mihihi.

Dahil sa sobrang boring ay nakatulog agad ako.

...

"Pambihira naman 'tong si Ate, pinag-alala pa tayong lahat dito lang pala nagtatago."

"Hayaan na nga, kambal. Mabuti nga hindi 'yan lumabas ng mansyon, eh. Lagot tayo kay kuya 'pag nagkataon, masisira ang plano niya."

"Ang tagal naman niyang magising. Kung gisingin na lang kaya natin siya nang masimulan na ang pag-aayos sa kanya."

Naalimpungatan ako sa mga boses na nagbubulungan. Marahan akong dumilat at nanlaki ang aking mga mata nang makita si Gold at Silver na nakaupo sa sofa.

"Waah! Paano n'yo nalamang nandito ako!" Bulalas ko na ikinatigil nilang dalawa. Napansin ko rin na may kasama silang dalawang bakla.

"Pft!"

"Nakita ka namin sa CCTV camera, Ate." Natatawang wika ni Silver.

"CCTV? Meron no'n dito?"

"Buti na lang pala may CCTV dito kundi lagot kami kay kuya. Muntik na kaya magwala 'yon kanina nang tinawagan namin siya at sinabing naglayas ka," umiiling-iling na wika ni Gold.

Weh?

"Talaga?"

Hihihi. Sinasabi ko na nga ba effective ang pagda-drama ko.

"Teka, bakit ganyan ang ayos ninyong dalawa at saka sino naman sila?" Inginuso ko ang dalawang bakla na tulalang nakatingin sa'kin.

"Sila ang mag-aayos sa'yo, Ate. May party tayong pupuntahan ngayon. Nando'n na si kuya, at ang sabi niya isasama ka namin."

Ano raw?

"Party? As in 'yung party na pang mayaman?" Excited na tanong ko.

"A-ah oo, ate. Iyon nga, pak na pak. Kaya tumayo ka na riyan at lumipat sa bahay nang maayusan ka na kasi naghihintay na si kuya."

Mabilis kaming lumipat ng bahay. Naligo ako nang parang kidlat sa bilis at ibinlower ang aking buhok.

"Mga ateng puwede n'yo na akong ayusan," nakangiting wika ko sa kanilang dalawa.

"Ay! Hindi mo naman pala kailangan pang ayusan at lagyan ng kolorete, sissy. Ang ganda-ganda mo na!" napapalatak na saad ng isang bakla.

"Correctness, sissy, kaya 'yung buhok mo na lang ang aayusin namin," wika naman ng isa.

Napangiti ako sa kanilang sinabi. Napaka-honest naman ng dalawang 'to.

Nagpaalam na sina Gold at Silver na magbibihis lang at babalikan na lang nila ako.

Nilagyan na lang nila ng powder ang aking mukha at lip gloss ang aking bibig para hindi raw masira ang natural beauty ko. Nilugay na lang nila ang aking buhok at nilagyan ng hair crown na pabilog na may disenyong bulaklak.

"Waah! Bakit ganyan ang gown ko? Bakit hindi pink o red, o 'di kaya ay itim?" gulat na tanong ko nang inilabas nila ang gown.

Full length na white flowing gown ito na kumikintab dahil silk. Tube din ito at may naka-sequence na silver beads.

"A-ah ano kasi, ateng... y-yung theme kasi ng party na pupuntahan mo ay parang fairies kaya ganyan ang gown mo."

"Aah..." tumango-tango ako. Nakaka-excite naman ng party na 'yon. Nai-excite na rin akong makita si Dee. Miss na miss ko na kasi siya, eh.

"Sissy, ang mabuti pa, isuot mo na 'tong gown kasi baka nagsisimula na ang party."

Pumasok ako ng banyo at isinuot ang gown. Buti na lang puwedeng gawing strapless ang aking bra kaya hindi na ako nahirapan maghanap.

Lumabas ako ng banyo at umikot-ikot sa harap ng malaking salamin. Hihihi. Ang galing naman, fit na fit sa'kin 'yung gown.

"Woah! Sissy! Mukha kang engkatada ng kagandahan!" pumapalakpak na wika ng isang bakla na si Wenny.

"Talaga?"

"Ay! Talagang-talaga! Siguradong lalaki ang mata ng gro--"

"Ano 'yon, ateng?"

"Aah... I mean siguradong lalaki ang mga mata ng mga a-attend ng party."

Hihi. Tama sila. Bagay na bagay sa akin itong gown. Mukhang pang-engkantada.

"Ate, ang ganda-ganda mo!  Kambal, ikaw na lang ang tumabi sa kanya nai-insecure ako!" naghihysterical na saad ni Gold na bumababa sa hagdan.

"Ano ka ba, sisteret! Ang ganda-ganda mo nga rin diyan sa royal blue mong gown, eh!"

"Pero mas maganda ka pa rin, Ate. Inubos mo na yata ang biyaya ng kagandahan sa mundo eh," nakalabing wika nito.

"Tss. Tara na nga, kambal, naghihintay na silang lahat don. Napa-paranoid na rin si kuya," sambit Silver na napakagwapo sa suot nitong gray suit.

"Ang ganda-ganda mo nga, Ate. Siguradong tutulo ang laway ni kuya 'pag nakita ka niya," nakangiting wika pa nito na ikinanlaki ng tenga ko.

"Hehe... salamat, ah? Ang honest n'yo talaga!"

Sumakay kami ng isang puting limousine na nangingintab pa. Ang sosyalin talaga ng mga Mijares.

Kumunot ang aking noo nang tumigil ang limousine sa isang...

Garden?

Huh?

"Teka, teka... Sigurado ba kayong ito 'yung venue ng party?" kunot-noong tanong ko ngunit ngumiti lang sila pareho at inalalayan na ako pababa.

"Relax ka lang, Ate, this is your big day kaya dapat confident ka," makahulugang untag ni Gold.

Pero... huh?

"What took you so long?" nagulat ako nang biglang sumulpot sina Mama at Papa.

"Waah! Anong ginagawa n'yo rito, Papa?"

"It's your wedding day, anak. Come. Kanina pa naghihintay ang groom mo."

"ANO?"

Nanlaki ang aking mga mata sa tinuran ni Mama.

Kasal?

Ako?

Ikakasal?

"Mama naman, eh! Bakit hindi n'yo naman sinabi? Surprise ba 'to? 'Tsaka nasaan na 'yong boquet ko?" sunod-sunod na tanong ko ngunit para akong hinahabol sa sobrang kaba.

Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko.

Gulat.

Excitement.

Kasiyahan.

Hindi ko na maintindihan ang aking nararamdaman.

"Heto,  anak."

Huh?

"Aanhin ko naman ang wand na 'yan, Mama?"

Napakunot ang aking noo nang inilahad sa akin ni Mama ang isang gold na wand na may disensyong mga bulaklak. Kumikintab rin ito dahil sa kulay.

"Ang wand na yan ang magsisilbing boquet mo ate. Fairyland nga kasi ang theme ng wedding ninyo ni kuya," nakangiting singit ni Gold.

Waaah!

Ang duga naman nila!

Bakit hindi man lang ako na-orient?

©GREATFAIRY   

Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me