LoveTruyen.Me

The Untouchable Beast

Chapter 38: Mrs. Mijares

"Sige na, Dee. Isama mo na ako, please?"

"No."

"Please. Pretty please?"

"Nah. Stay here, Love. I already told Manang Sonia to watch over you."

Napanguso ako at napapadyak ng paa sa inis. Ayaw kasi akong isama ni Dee sa opisina niya. Hindi ko nga alam kung bakit.

"Bakit ba ayaw mo akong isama, Dee? Hindi naman ako maglilikot doon," nakangusong wika ko at hinila ang dulo ng kanyang necktie.

"You'll just get bored there, Mee, and I don't want you to get tired. So, stay here and wait for me, okay?"

"Uupo lang naman ako ro'n kaya hindi naman ako mapapagod. Sige na kasi. Promise, hindi kita iistorbohin sa trabaho. Please?"

Nabuntong hininga si Dee at hinawakan ako sa mukha.

"Why do you insist to go with me, anyway?" tanong nito.

"Siyempre para masigurado kong hindi ka lalapitan ng mga linta," pabulong kong wika.

"What?"

"A-ah... ang sabi ko, Dee, ayaw kitang mamiss, lalo na ni baby," palusot ko. Hihi.

Hinawakan nito ang aking tiyan na hindi pa halata ang umbok at ibinaba ang kanyang mukha para halikan ito.

"Why can't I refuse to my two babies?" anitong nakangiti.

"Alright. Isasama na kita."

"YES!"

Napalundag ako sa tuwa at mabilis na yumakap kay Dee. Nagulat siya kaya muntik na kaming matumba.

"Careful, Mee... Tsk! Now I really wanted you to come with me nang mabantayan kita," seryosong wika nito habang inaalalayan ako sa bewang.

Napanguso ako at mabilis na humiwalay sa kanya.

"Sandali lang, Dee, magbibis lang ako---"

"Nah. Let me dress you up, Love..." malambing na wika nito at iginiya ako sa harap ng closet.

Mula nang maging mag-asawa kami ay palaging siya ang nagpapalit ng damit sa'kin. Siyempre libre tsansing na 'yon para sa kanya pero ayos lang dahil gustong-gusto ko naman. Hihi.

"Magso-short na lang ako Dee, ah? Hindi naman maiipit si baby kasi--"

"Nah... You're going to wear this," maawtoridad na wika nito at kinuha ang kulay peach na maxi dress.

"Dee, 'di ba sa opisina lang naman tayo? Luh? Hindi naman tayo magsisimba, ah?" Sabi ko nang inumpisahan nitong tanggalin ang suot kong pambahay.

"Stop whining, Mee. You're going to wear this or else--"

"Sige na nga, susuotin na po, mahal na hari."

"Pft! Stop pouting it's tempting me, love..."

Huh?

Naramdaman kong binuksan nito ang magic zipper ng suot kong dress. Kahit dito sa bahay ay pinagdi-dress ako ni Dee. Ang dami-dami niya ngang binili na dress eh, halos nasakop na nito ang closet namin. Ang wierd talaga ng trip ng mga tulad niyang dragon.

Nilalaro-laro ko ang aking kuko habang ibinababa ni Dee ang aking damit. Ngunit napatigil ako nang bigla nitong yakapin ang hubad kong katawan. Tanging underwears na lang ang suot ko dahil nahubad niya na pala ang damit ko.

"D-dee..."

Napapikit ako nang sinimulan nitong kagat-kagatin ang aking leeg. Gumapang din ang kanyang kanang kamay patungo sa kaliwang dibdib ko.

Huwag niyang sabihing magsi-sex nalang kami buong araw at hindi na papasok ng opisina?

Ay! Gusto ko 'yon! Hihihi.

Maya-maya'y ipinaharap niya ako sa kanya at sinakop ang aking mga labi. Inilagay niya ang kanyang kanang kamay sa batok ko at pumulupot naman sa bewang ko ang kabila bilang suporta. Nai-imagine ko tuloy na ang hot naming tingnan.

"Nagbago na ba isip mo, Dee? Hindi ka na ba papasok at magsi-sex na lang tayo buong araw--uhmm." Napaungol ako nang ipasok nito ang kanyang dila sa loob na parang may ginagalugad. Alam kong french kiss ang tawag dito dahil ni-research ko ito sa Google tapos napanood ko pa sa youtube kung paano ginagawa.

"You really are a tease, Mee," namamaos na wika nito habang kinakagat ang aking leeg. Sanay na akong ganito kami sa tuwing binibihisan niya ako. Palaging tumatagal ng kalahating oras sa pagsusuot ng damit dahil ang daming extra curricular activities ni Dee.

"Sabihin mo lang Dee kung gusto mo ulit tayong maglaro ng basketball, ah? Masaya kaya yun, ikaw ang player tapos ako ang ring, o di ba masaya yun?"

"Damn!"

Tumigil si Dee sa paghalik sa aking leeg at isinuot na sa'kin ang dress na napili niya. Tsk! Sayang talaga, akala ko makakaakyat na ulit ako sa langit. Hay.

"Let me fix your hair before I lose my senses, love," anito.

Hinigit ako ni Dee at pinaupo sa kanyang mga hita saka inumpisahang suklayin ang buhok ko. Hinalikan pa niya ito bago  'yon ginawa.

Bumaba na kami at pumasok sa sasakyan. Sa backseat kami umupo dahil si Kuya Nito ang magda-drive. Ayaw kasi ni Dee na may kahati ako sa atensyon niya habang nasa loob kami ng sasakyan. Malikot daw kasi ako. Tsk! Ako pa ang tinuro eh siya nga ang malikot e, binobosohan niya ako habang nagda-drive.

"Good morning, Sir, Ma'am!"

"Good morning, Sir at Ma'am Nisyel!"

"Good morning, Sir! Good morning, Ma'am!"

Napangiti ako sa sunod-sunod na pagbati ng mga empleyado pagkapasok namin sa SDM. Yung iba ay mga ka-close ko pa noon.

"Good morning din!" nagagalak na sagot ko. Nakaka-miss din pala ang mga tao rito.

"Uy, Dee, magbati ka naman pabalik" mahinang bulong ko sa napakagwapo kong asawa. Ang seryoso niya kasi eh.

"Tss." Kitams?

"Isa," pagbabanta ko sa kanya at diniin ang daliri ko sa kanyang palad. Magkahawak kamay kasi kami at nasa harap na ng private lift.

Wala siyang nagawa at tumigil muna saka humarap sa mga empleyado.

"Morning," labas sa ilong na saad nito at hinatak ako papasok ng elevator. Ang sungit na sweet naman nitong asawa ko kasi kahit sa loob ng elevator niyayakap ako. Hihihi.

"Kaya hindi ako naniniwalang ang mga superhero lang ang nagtatransform e, kasi ikaw palaging nagta-transform, Dee."

"Do you hate the way I am, Love?"

"Hindi naman sa gano'n, Dee. Gusto ko kasi lagi kang nakangiti."

"But my smile only belongs to you, Mee. All of me," nakangiting wika nito at hinalikan ako sa tuktok. Sweet.

Bumukas ang elevator hudyat na nasa 21st floor na kami. Bumukad sa akin ang malawak na area para sa mga empleyado. Anim na cubicle ang nandito, dinagdagan pala. May babae na ring na-assign dito siyempre sa kagustuhan ko. Unfair kasi sa iba na deserving na dapat narito. Noon kasi ay puro lalaki lang ang nandito.

Sabay-sabay silang bumati sa'min kaya nginitian ko sila at bumati rin. Ganun din ang ginawa ni Dee na siyempre utos ko na naman.

"Dee wala pa ba ang assistant mo?" tanong ko ng mapansing wala pang katao-tao ang secretary's desk.

"Tsk! Late again. Remind me to fire her later."

"Huwag naman, Dee. Baka na-traffic lang," katwiran ko. Baka kasi may importanteng ginawa lang 'yung sekretarya niya. Naiintindihan ko naman kasi minsan ko na ring pinagdaanan iyon.

"Nah. I don't care about her excuses. I will fire her--"

"Hep! Nakalimutan mo ba, Dee? 'Di ba noon nali-late din ako? Intindihin mo na lang 'yong tao basta ang mahalaga ginagawa niya ang responsibilidad niya," sermon ko sa kanya. Napabuntong hininga ito at hinila ako papasok sa loob ng opisina niya.

"Fine. I won't fire her," sumusukong saad nito pagkapasok namin sa loob. Napangiti ako. Napakamasunurin talaga ni Dee sa'kin.

May sarili akong table dito sa loob at pinagawan pa ako ni Dee ng swivel chair na tulad ng sa kanya at may sarili rin akong laptop dito. Hinatid pa ako ni Dee sa mesa ko saka bumalik sa kanyang table. Inilabas din ang table na dati kong ginagamit dito no'ng sekretarya palang niya ako. Gusto ko sanang ipagpatuloy 'yon kaso ayaw ni Dee na mapagod daw kami ni baby. Dalawang buwang buntis kasi ako.

Binuksan ko ang laptop at nag-log in sa Facebook kasi wala naman akong gagawin 'tsaka nangako ako kay Dee na hindi ako maglilikot, 'no.

Maya-maya'y bumukas ang pinto na konektado sa assistant's office at iniluwa nun ang secretary yata ni Dee. Nagbago ba ang sekretarya ni Dee?

Napanganga ako ng mapagtanto ko ang kanyang kabuuan. Nakasuot ito ng see-through na puting long sleeves at pink na mini-skirt o matatawag bang miniskirt ang paldang hanggang puno ng hita lang? Nakasuot din ito ng pink na pumps na five inches yata.

"Good morning, Sir! Sorry I'm late, traffic kasi eh," maarteng saad nito at hindi pa yata napapansin ang presensya ko.

"Get my schedule and next time don't be late, Miss Magtulis." Ma-awtoridad na wika ni Dee at hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin.

"Yes, Sir."

Pinigil ko ang aking hininga na baka lingunin ito ni Dee pero hindi ito nangyari kaya napahinga ako nang maluwag ng lumabas na ito. Parang ayaw ko kasi sa babaeng yun.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bag at nagtipa ng mensahe.

To: Gold

Dyosa kong hipag, kailangan ko ng sampung Filipiniana dress. A.S.A.P! Dalhin mo dito sa office ni Dee.

Sent!

"Are you okay?"

Natigilan ako nang magsalita si Dee.

"A-ah.... Oo naman, Dee!" nakangiting sagot ko. Baka kasi mahalata niyang naiinis ako sa sekretarya niya.

Tumunog ang message alert tone at nag-flash ang pangalan ni Gold.

Gold:

Bakit, ate? Sige na nga, diyan na lang muna ako didiretso. Tamang-tama kakabili ko lang kahapon ng mga saya.

Napakunot naman ang noo ko. Bumili si Gold ng mga saya kahapon? Aanhin naman niya kaya?

Hindi bale na ang mahalaga may maibigay ako sa sekretarya ni Dee na si Miss Magtulis. Kawawa naman kasi siya, masyadong naapektuhan ng economic crisis kaya pati sa damit nagtitipid.

Itinuloy ko na lang ang aking ginagawa sa laptop habang naghihintay kay Gold. Pagkatapos ng kalahating oras ay nagtanong ulit si Dee.

"Are you sure you're okay, Mee? Do you need anything? Juice or water--"

"Sige, Dee. Juice na lang," putol ko sa kanya. Pero wrong move yata yun dahil mabilis nitong tinawagan ang kanyang sekretarya.

"Bring me one glass of juice, Miss Magtulis," anito at mabilis na ibinaba ang intercom. Waah! Papasok na naman dito ang papaya na 'yon!

Hindi nga ako nagkamali dahil mayamaya'y pumasok ito bitbit ang isang baso ng orange juice. Kumikembot-kembot pa ang bewang nito habang papalapit kay Dee at sa sobrang taas ng heels niya ay gumegewang-gewang ang kanyang dibdib.

"You're juice, Sir." Nagulat si Dee sa kanya kaya natapon ang juice sa damit niya.

"What the hell?!" galit na untag ni Dee. Nataranta ito at mabilis na pinunasan ng panyo ang dibdib ni Dee habang paulit-ulit na nagso-sorry.

"Sorry po, sorry."

Uminit ang aking dugo nang dumampi ang kanyang kamay sa dibdib ni Dee kaya tumayo na ako at lumapit sa kanila.

"Ako na," mataray na wika ko. Mukhang nagulat pa ito nang makita ako. Pinulot nito ang basong nasa sahig na sa kabutihang palad ay hindi nabasag dahil carpeted.

Ngunit nanlaki ang aking mga mata ng tumuwad ito sa harapan ni Dee habang dahan-dahang pinupulot nito ang baso. Kitang-kita tuloy ang kanyang puwet at naka T-back lang yata siya. Lalong kumulo ang aking dugo at pakiramdam ko umakyat na talaga lahat sa aking ulo.

Bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Gold.

"Ate, ito na ang tugon mo. Aanhin mo ba ang mga 'to---"

Hindi ko siya pinatapos at kinuha ko na ito sa kanyang mga kamay saka hinarap ang ampalaya.

"Labas!" bulyaw ko sa kanya.

"Excuse me?" mataray na sagot nito. Aba!

"Hoy, malanding hitad na nagkatawang tao, walang hiya ka! Naawa pa naman sana ako sa'yo dahil naapektuhan ka ng pagbaba ng ekonomiya ng Pilipinas pero hindi pala dapat! O, ayan!"

Itinapon ko sa kanya ang lahat ng damit. Hinawakan ako ni Dee pero iwinaksi ko siya.

"Donation ko 'yan sa'yong linta ka! Hindi ka na nahiya sa damit mong yan! Tingnan mo ang dibdib mo na parang papaya sa laki! Mga biik ba ang dumidede dyan at parang aabot na hanggang bewang mo? Sa akin kasi si Dee lang!" Nanlaki ang kanyang mga mata at napatingin sa kanyang mga dibdib.

"O, ano? Lalabas ka ba o aalis?" Maanghang na bulyaw ko sa kanya.

Nalaglag ang kanyang panga at napanganga naman si Gold. Si Dee naman ay pinipigilan ang kanyang tawa.

"Pft!"

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me