The Untouchable Beast
Chapter 7: Sticky Notes
"WHAT ARE YOU DOING?" madiing pag-uulit nito na puno ng awtoridad.Biglang nanindig ang lahat ng puwedeng tumindig sa buong katawan ko. Hindi ko na nagawang i-minimize ang browser sa sobrang gulat.Holy mother of Facebook!Patay ka ngayon, Nisyel.Isip. Isip."Eh... Hehe... K-kwan..." Napakamot ako sa ulo habang iniikot paharap sa kanya ang swivel chair ko."Sir talaga. Para kayong sira. Kita n'yo nang nagfi-Facebook ako nagtatanong pa kayo. Akala ko ba sabi sa magazine mataas ang IQ n'yo," feeling close na sabi ko at tinapik pa siya sa braso. Baka sakaling madala. Hihihi."WHAT?" Tuluyan na akong napatayo sa kinauupuan ko nang bigla itong nag-transform sa dragon.I'm dead."Is that part of your job description, Miss Borara?" Nagsalubong na naman ang mga perpektong kilay nito at halatang gusto-gusto na niya akong sapakin. Subukan lang niya dahil ipapakulong ko rin siya sa kaka-murder niya ng apelyido ko."Syempre naman po, Sir. Naghahanap kaya ako ng family picture ninyo. Ipapa-frame ko po sana at idi-display ro'n sa table n'yo." Bravo! Bravo! Ang galing-galing mo talaga, Nisyel. Isa kang kabigha-bighaning dyosa. Ayan na.123-"WHAT?" Sinasabi ko na nga ba, what na naman. Hindi ba pwedeng why na lang?"Alam niyo, Sir, gusto ko lang naman ma-inspire kayo, eh. Baka sakaling mawala ang pagkabugnutin ninyo kung makikita mo 'yong family pic-""Dang!" Kita n'yo na? Siya na nga ang tinutulungan siya pa ang may ganang magmura. "Bakit po, Sir? Ayaw n'yo ba sa family picture n'yo? Gusto n'yo ba 'yong selfie pictures niyo na ico-collage ko--""CUT THE CRAP, MISS BORARA!""Borora po Sir. B-O-R-O-R-A, ayan ini-spell ko na po, ha?" Napahilot na naman siya sa kanyang sentido. "I don't give a damn about your surname. Just do your job or else--""I'll fire you right now," pagtatapos ko sa sasabihin niya. Tiningnan niya na naman ako na parang hindi makapaniwala."Do you really want to lose your job in your first day, Miss Borara?" Dapat masanay na yata akong minu-murder ang apelyido ko. Hindi lang isang beses niya itong pinatay, hindi rin ito na-double-dead, chinap-chop na niya at ginawang giniling."Eh kayo, Sir? Gusto n'yo bang mawalan ng pinakamagandang secretary sa balat ng mga dyosa?""What the-?" "Siyempre po hindi, Sir. Kayo talaga hindi na mabiro. Hindi n'yo ba nakikita ang oras Sir? It's 12:08, ibig sabihin, Sir, lunch break pa." Napatingin naman ito sa kanyang pambisig na relo.Oh? Ano ka ngayon, Sir Sungit? Natameme ka rin."Just--" Namaywang siya gamit ang kaliwang kamay at napahilamos sa kanyang mukha ang kabila."Just--" anitong muli."Just what, Sir?" Shems! Napapa-english pa tuloy ako. Napatingin naman ito sa'kin habang nakapamewang pa rin. Salubong na naman ang mga kilay nito na anumang oras ay magtutukaan na."Just do your job and stop wasting your time with those nonsense!" Nanggagalaiting untag nito na parang sasabog sa sobrang inis.Lesson learned:Palaging inisin si Sir Sungit para mahaba ang kanyang sasabihin.Man of few words daw?Eh, ilang beses na niya kaya akong binara at pinagalitan sa araw na 'to. First day pa lang pero quota'ng-quota na yata ako."Masusunod po, kamahalan. Ngunit bago po 'yan, hayaan n'yo munang lagyan ko ng pagkain ang aking tiyan."Sumaludo ako pagkatapos ng maikling tula na sinambit ko. Bigla namang tumalikod si Sir
Sungit pero nasa sentido nito ang kanyang kanang kamay.Anyare?Hindi ko na lang muna pinansin si Sir. Kinuha ko muna sa loob ng bag ko ang baon kong kanin at ulam at inilapag sa ibabaw ng mesa ko.Akmang uupo na ako ulit nang mapansin kong hindi pa rin umaalis si Sir sa kanyang kinatatayuan na malapit sa connecting door ng office niya."Sir?" Napalingon naman ito sa'kin pero nagitla ako nang mapansing namumula ang kanyang mukha at parang may luha ang kanyang mga mata. Kinakagat kagat din nito ang kanyang mga labi na parang may pinipigilan.Hala!Di kaya?No.Wala naman akong may natatandaang may nasabi akong nakakaiyak, ah. Na-touch kaya siya dahil concerned ako sa kanya?Eh?"Kain po tayo, Sir." Inginuso ko sa kanya ang baon ko pero wala man lang itong naging tugon. Tiningnan niya lang ako nang walang emosyon.Ano kaya ang gagawin ko para ngumiti itong masungit na 'to?Alam ko na!Hmm.Masubukan nga mamaya.Dahil wala man lang reaksyon si Sir Sungit sa alok kong pagkain, binuksan ko na lang ito at nagsimulang kumain. Bahala siya. Kung ayaw niya eh 'di mabuti. Wala akong kahati sa estopadong manok na baon ko. Sarap na sarap pa rin ako sa pagngunguya ng saging na sahog nitong manok nang maramdaman kong may nakatitig sa'kin. Tumagilid ako para mahanap ito.Pero napatigil sa ere ang akma kong pagsubo ulit nang magtama ang mga mata namin ni Sir Sungit. Nakatingin ito sa akin na parang hinahalukay ang buong sistema ko.Naiinggit siguro 'to sa pagkain ko. Gusto pa atang pilitin ko siya. Hmp. No way. Paborito ko kaya 'to.Pero..."Saging, Sir, gusto n'yo?" Alok ko sa kanya. Ang isang dyosa ay mabait at mapagkalinga sa kapwa kaya dapat ibahagi ko sa iba ang kung anumang meron ako."Don't talk when your mouth is full. Tss," masungit na tugon niya.Eh, bakit ba kasi niya ako tinititigan kung hindi siya naiinggit sa pagkain ko?Aha!"SIR!" Malakas kong tawag sa kanya nang makita kong pipihitin na nito ang pinto papasok sa kanyang opisina. Napatigil naman ito at humarap sa akin pero wala pa ring emosyon ang kanyang mukha."What?" Sinabi ko na nga ba. Favorite word niya talaga ang what."Kung ayaw n'yo po sa selfie pics niyo eh di litrato ko na lang po ang ipapaframe ko at ilagay 'don sa table niyo. Siguradong ngingiti kayo sa tuwing maki-""What did you say?" Anito na namumula. Pansin kong namula rin pati ang kanyang tenga. Lumikot ang mga mata nito at tila naghahanap pa ng sasabihin."Ang sabi ko po litrato ko na lang ang ilalagay ko sa mesa niyo. Tutal isa naman akong dyosa kaya-"Napaigtad ako nang bigla itong pumasok at sinara ng pagkalakas-lakas ang pinto.Sungit!Nagsu-suggest na nga ako para sa kaligayahan niya, siya pa ang may ganang mag-walk out. Ang drama naman ni Sir. Hay naku.Hayaan na nga. Susubukan ko na lang mamaya ang technique ko. Tingnan natin kung hindi siya ngingiti.
"WHAT THE HELL!"
©GREATFAIRYTwitter: PinkMijares
FB Group: FAIRYNATICS

...
"WHAT THE HELL!"
©GREATFAIRYTwitter: PinkMijares
FB Group: FAIRYNATICS
Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me