LoveTruyen.Me

Water Under The Bridge

Happy Birthday

Hindi ko akalain na babanggitin pa ni Sir Hans ang tungkol sa bagay na iyon. Lalo kong napagtanto na sobrang nakakahiya ng nagawa ko sa restaurant last Sunday.

I cleared my throat to hide my embarrassment.

"Pa...Pasensya na kayo ulit , Sir. Pero huwag po kayong mag-alala, lilinawin ko kay Philip na hindi kita boyfrie—"

"You don't need to. Besides, you will definitely lose face once he finds out the truth. And he might think you want to make up with him."

Saglit akong napatahimik at napaiwas ng tingin.

"Pero ayaw ko po kayong maabala. Nakakahiya po. At saka malalaman at malalaman din naman niya ang totoo dahil—"

"Then, let's pretend as a couple in front of him. I don't really mind, as long as I can help you."

Namilog ang mga mata ko. "Seryoso kayo, Sir?"

Bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla siyang humarap saka ngumiti sabay tango. Napatulala ako.

Napakaguwapo niya pala kapag nakangiti!

"Seatbelt please," pagkuwa'y aniya.

Dali-dali ko namang ikinabit ang seatbelt ko.

Pinaandar niya na ang kotse. I can't contain the mixed emotion I'm feeling right now. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ang akala ko ay masungit siya at aloof. May itinatago rin pala siyang kabaitan.

Napapangiti ako at panaka-nakang sinusulyapan siya. Diretso ang tingin niya sa kalsada at banayad lang ang kanyang pagmamaneho. Gentleman din pala si Sir.

Nagpadala ako ng text kay Phoebe na nauna na ako. Nag-alibi na lang ako na sumama ang pakiramdam ko dahil tiyak na uusisain niya pa ako. Lalo na kapag nalaman niyang nakisabay ako sa kotse ni Sir Hans.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nagulat ako nang humimpil ang kotse sa harapan ng apartment ko.

"Sir, paano n'yo po nalaman ang address ko?"

"I've seen it in your company profile."

"Ah."

Napatango-tango ako. Namangha ako dahil hindi naman importanteng detalye iyon tungkol sa akin pero natatandaan niya. Matalas nga talaga ang memory ng mga matatalino.

"Maraming salamat po sa paghatid, Sir. Pasensya ka na ulit, naabala pa kita."

Binuksan ko na ang pinto sa gilid ko pagkatapos kong kalasin ang seatbelt. Napamaang ako nang bumaba rin siya ng sasakyan. Binuksan niya ang pinto sa likod at may kinuha.

"Sir, anong—"

"Happy birthday!" aniya sabay abot ng isang pulang paper bag. Nagpabalik-balik ang tingin ko roon at sa kanya.

"Para po sa 'kin?" untag ko.

Ngumiti siya ulit nang tipid sabay tango. Natagpuan ko na lang ang sarili kong tinatanggap iyon.

Grabe, dalawang beses niya akong nginitian ngayon! Para na rin niya akong binigyan ng mamahaling regalo.

"I heard you like collecting mugs. Maybe that's why you make good coffee."

Wala sa sariling napangiti ako. His gesture surprised me a lot.

"Maraming salamat po, Sir. Lalo na po sa pagpunta ninyo. Akala ko po kasi may prior appointment kayo."

"I made some changes."

Namulsa siya at sumandal sa hood ng kotse. "You should take a rest. May pasok pa tayo bukas."

Napatingin ako sa wristwatch ko. Pasado alas-dies na pala ng gabi.

"Maraming salamat po ulit, Sir! Ingat po sa pag-drive."

Sumaludo ako sa kanya bago tumalikod. Hindi mapuknit ang ngiti ko habang papasok sa building ng apartment ko. Nasa third floor kasi ang unit ko.

Nang makapasok na ako ay agad kong ipinatong ang paper bag sa center table saka sumilip sa bintana. Nakita kong pumapasok na sa sasakyan si Sir Hans. Tinanaw ko siya hanggang sa pinaandar niya iyon paalis.

"Sir, salamat sa pagkompleto ng araw ko!" wala sa sariling bulalas ko.

Binuksan ko ang paper bag na bigay niya sa akin kanina. May isang box doon kaya inilabas ko. Nang buksan ko ay isang customized mug na ceramic iyon. Makapal at halatang mamahalin.

Ibinalik ko iyon sa box. Dadalhin ko na lang ito bukas sa opisina para ito na ang gagamitin ko roon simula bukas. Para maramdaman naman ni Sir na na-appreciate ko ang regalo niya.

Nag-shower na ako at nagpalit ng damit pantulog saka bumulagta sa kama. Tumili ako nang hindi ko na kayang pigilan ang kilig ko dahil sa ngiti ni Sir Hans kanina.

. . .

Kinabukasan ay maaga akong nagising. It feels like a strong wave of energy is flowing in my body. Bumabalik-balik sa isip ko ang mga ngiti ni Sir Hans kagabi.

"Grabe! Umalis ka lang kagabi nang hindi nagpapaalam. Naiwan mo pa ang regalo ni Paul para sa 'yo," bungad sa akin ni Phoebe pagkarating ko sa office.

Inginuso niya ang table ko. Ipinatong niya na roon ang paper bag na may lamang regalo galing kay Paul. Nag-peace sign lang ako at ngumiti sa kanya.

"Pasensya ka na. Sumama ang tiyan ko, e. Kaya napauwi ako bigla," alibi ko.

"Weh? Pero bakit sabay kayong nawala ni Sir Hans? Sabay kayong umuwi,'no?" tudyo niya.

Napaiwas ako ng tingin. "Pinagsasabi mo? Si Philip ang nakita ko kagabi kamo kaya napauwi ako nang maaga."

"Ha? Hanggang doon ba naman sinundan ka niya?"

Bumuntonghininga ako at tumango. Ano kaya ang nangyari sa lalaking 'yon kagabi? Nakauwi kaya siya nang buhay?

"Ano? Nakikipagbalikan ba siya sa 'yo?"

Tumango ako kay Phoebe. Napasinghap naman siya at biglang naging iritado ang mukha.

"Ang kapal ng mukha ng hinayupak na 'yon na guluhin ka pagkatapos ka niyang lokohin! Humanda siya kapag nakita ko ulit siya. Ipamumukha ko sa kanyang tanga siya! Ang sarap nilang pagbuhulin ni Nineth niya, nakakaloka!" gigil na bulalas ni Phoebe.

Natawa ako at napailing.

"Nilinaw ko na ang sarili ko sa kanya kaya wala na siyang maaasahan sa 'kin. Isa pa, wala na akong feelings para sa kanya, 'no."

"Aba'y dapat lang! Cheating is non-negotiable! Naku, kapag si Paul talaga nagloko, uulan ng mga pako kahit saan siya magtago."

As if naman magloloko si Paul. Wala nang ibang nakikita 'yon kundi siya. Paul is a good person, and he's not someone likely to cheat.

"Pakasalan mo na kaya para wala na siyang kawala. Hindi ba nag-propose na siya sa 'yo? Bakit kasi nagdadalawang-isip ka pa?" untag ko.

"Hindi solusyon ang pagpapakasal para masigurado mong faithful sa 'yo ang tao, 'no. May mga mag-asawa ngang naghihiwalay. Alam mo namang hindi pa ako ready magpatali habang buhay. Marami pa akong gustong gawin at i-achieve."

"Gets ko naman ang point mo, Bakla. Ang akin lang naman e 'wag kang masyadong harsh kay Paul. He needs a sense of security. Sabihin mo sa kanya ang mga plano mo para alam niya kung may pupuntahan ba ang paghihintay niya o wala. Hindi 'yong sasabihin mo lang sa kanya na hindi ka pa ready."

Inikutan niya ako ng mga mata. Napatigil lang kami nang dumaan si Sir Hans. Binati naman siya ng officemates namin. Ni hindi man lang siya nag-respond at para lang kaming hangin sa kanya.

Napailing ako. Parang kagabi lang nginitian pa niya ako, ah. Kapag umaga pala nagta-transform siya.

"Alam mo 'yang si Sir Poker Face hindi ko pa nakikitang ngumiti since day 1. Parang labag sa loob niyang ipinanganak siya sa mundo," pabulong na komento ni Phoebe habang sinusundan ng tingin ang boss naming papasok sa kanyang opisina.

I just grinned and settled myself on the swivel chair. Ang suwerte ko pala kasi nginitian ako ni Sir kagabi. Dalawang beses pa.

Inilabas ko ang mug na regalo ni Sir Hans. Gagamitin ko ito mamaya. Napangiti na naman ako. Pero agad ding nagsalubong ang mga kilay ko nang mapansin ko si Philip na paparating. Madadaanan niya kasi ang cubicle ko.

Nagkunwari akong abala sa harapan ng computer ko. Pero ramdam ko ang pagtigil niya sa harapan ko. Hindi ko siya pinansin kahit na alam kong nakatitig siya sa 'kin.

"Ano'ng tinitingin-tingin mo?" biglang asik ni Phoebe.

Doon lang siya napatigil at walang imik na umalis. Inambahan pa siya ni Phoebe ng suntok kahit nakatalikod na ito.

"Kumalma ka nga, Bakla. Nakikita ka sa CCTV. Baka ma-report ka pa sa HR," saway ko sa kanya.

"Naku, pasalamat siya nandito tayo sa opisina. Kung nasa labas lang tayo ngayon kanina pa 'yon nakipaghalikan sa sahig!"

"Hayaan mo next time, pagtulungan natin siya. Gusto mo bang abangan natin siya mamaya sa parking lot? Tapos bugbugin natin," suhestiyon ko.

"Speaking of parking lot. I have better idea," untag naman niya sabay kindat.

Natawa ako. Mukhang alam ko na kasi ang nasa isip niya.

Hindi naman ako takot kay Philip. Subukan lang niya ulit akong kulitin, pagsisisihan niyang nakilala pa niya ako.

Napaangat ako ng tingin nang bumukas ang opisina ni Sir Hans. Nakita kong may bibit siyang documents. Agad akong tumayo at sinalubong siya.

"Sir, kung ipo-photocopy n'yo po 'yan, ako na po."

Tiningnan niya lang ako. "There's no need. This is just a trivial matter, I can take care of this."

"Exactly, Sir. That's why I have to do it. Akin na po 'yan."

Kinuha ko 'yon sa kamay niya. "Ilang kopya po, Sir?"

Umarko ang mga kilay niya na parang sinasabi niyang ang kulit ko. He sighed in defeat.

"Just one copy each."

"Areglado, Sir!"

Pansin kong napatingin sa amin ang officemates ko. Lalo na si Phoebe na kinindatan pa ako.

Agad akong nag-photocopy saka tiniyak na kompleto iyon bago kumatok sa opisina ni Sir Hans.

Naabutan ko siyang nagbabasa na naman ng laman ng isang folder. Parang walang kapaguran itong si Sir.

"Sir, narito na po ang files na kailangan ninyo."

"Thank you," hindi nakatinging sambit niya. Tumayo siya at kinuha ang original copies at inilagay sa isang folder.

"Ay, saan n'yo po dadalhin 'yan? Kay Sir Timothy po ba? Ako na po ang magdadala sa opisina niya," untag ko.

Napatigil naman siya at tiningnan ako. "I can manage—"

"Pero trabaho ko po 'yan," putol ko sa kanya.

His forehead creased.

"Sir, parte po 'yan ng trabaho ko kaya huwag kayong bida-bida. Sayang ang pinapasuweldo sa akin ng kompanya kung lahat ng gawain ko ay kayo ang ginagawa n'yo. Simula ngayon, dapat utusan n'yo ako kung kinakailangan. Akin na po 'yan."

Kinuha ko sa kamay niya ang folder. "Ako na po ang magbibigay nito kay Sir Timothy."

Napabuntonghininga siya.

"May ipag-uutos pa po ba kayo?"

Umiling lang siya at muling naupo. "I don't like ordering people around," aniya.

"Puwes, simula ngayon ay sanayin n'yo na po ang sarili n'yo, Sir. I, Honey Larissa, will always be at your command!"

Sumaludo pa ako sa kanya. He awkwardly stared at me.

Lumabas na ako at dumiretso sa opisina ng CEO.

Sa tingin ko naman makukuha ko rin ang loob ni Sir Hans. I just have to be more proactive. Kasi kakaiba talaga ang personality niya. I'm just thankful na kahit papaano ay kinakausap niya ako.

...

Kinahapunan ay naunang umalis si Phoebe dahil may dadaanan pa raw siya. Nag-ayos pa kasi ako ng files na kakailanganin sa presentation bukas.

Pagkapasok ko sa elevator ay saktong tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong binuksan pagkatapos kong isara ang elevator. Kaya lang biglang may pumigil. Pumasok si Philip.

Agad naman akong umtras para makalayo. Hindi ko siya pinansin at binuksan na lang ang message ni Phoebe. Napasinghap ako dahil isang picture ang ipinadala niya sa akin.

I'm awesome, right? He deserves it.

Iyon ang caption ng picture na ipinadala niya.

Bigla akong natawa. Pero nang ma-realize kong kasama ko pala si Philip sa elevator ay tinakpan ko ang bibig ko.

Ang loka-lokang Phoebe kasi, binutasan lang naman ang gulong ng kotse ni Philip!

"Do you really think that Hans loves you?" biglang sabi niya.

Nagbingi-bingihan ako. Itinuon ko ang pansin sa cellphone ko.

"Hindi ka man lang niya magawang ihatid sa inyo. Where is he?"

Doon ko na siya tiningnan nang masama.

"Ano ba'ng pakialam mo sa relasyon namin? Hindi naman ako demanding na girlfriend. I can go home on my own. Pareho kaming may trabaho kaya hindi sa lahat ng oras ay maihahatid niya ako."

Ngumisi lang siya. "Someone like him can't keep a relationship. Do you really think he will settle for a woman outside his circle?"

Nginisihan ko siya. "Oo naman. Mahal na mahal ako no'n, e. Hindi mo lang alam kung ilang beses siyang lumuhod para pumayag akong maging girlfriend niya."

Napangiwi ako sa mga pinagsasabi ko. Pero hindi ako magpapatalo kay Philip. It's obvious that he has prejudice against Sir Hans.

Sa kakasagot ko sa kanya ay hindi ko napansing sa parking na pala kami. Nalimutan ko palang pindutin kanina ang ground floor. Nasapo ko na lang ang noo ko at pinindot iyon.

"Come with me. Ihahatid kita," untag niya.

I glared at him.

Tiyak na magugulat siya kapag naabutan niyang flat ang gulong ng kotse niya.

"No, thanks. Hans just texted me. Hintayin ko raw siya sa lobby at ihahatid niya ako," labas sa ilong na sabi ko.

Tumiim ang kanyang bagang. Kinawayan ko siya pagkalabas niya ng elevator.

"Ride safe!" pahabol kong sigaw. Pero sarkastiko iyon.

Pagkarating ko sa lobby ay dire-diretso akong lumabas. Tatawid na sana ako sa kabila ngunit biglang may humimpil na pulang kumikinang na kotse sa harapan. Bumukas ang bintana niyon.

"Hop in."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Sir Hans?"


. . . .

A/N: Hi, guys! Maraming salamat po sa mga nag-subscribe sa Patreon ko. I really appreciate your support. As I bring my writing to another platform, I want you to know that I will still write content here on Wattpad. I really want writing to be my career since this is my safe zone and my source of joy and inspiration. And I am grateful for each of you who patiently waited for my every update. Ingat po kayo palagi. 

To read the advanced chapters, you may subscribe to my Patreon account. I am updating there daily and posting other exclusive contents. The link is on my Wattpad profile.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me