LoveTruyen.Me

Water Under The Bridge

Hangover

HINDI ko maiwasang mapangiti kasi parang totoong-totoo ang panaginip ko. His lips taste like no other—soft and palatable. He stiffened as soon as I deepened the kiss.

Natawa ako pagkatapos kong ihiwalay ang mga labi ko sa kanya. Muli kong ikinawit ang mga braso ko sa kanyang batok.

"Sir, hindi mo pa nararanasang humalik ng babae, 'no?" tudyo ko sa kanya.

His face remained stoic. Napakurap ako. I cupped his face with my both hands. He feels so real.

"Don't worry. Your secret is safe with me," I said.

I tried to reach for his lips one more time, but he avoided me. Napasimangot ako.

"Hay, kahit sa panaginip ko masungit ka pa rin! Pero hindi bale, at least nahalikan kita!"

I giggled. Muntik na akong matumba nang muli akong nakaramdam ng hilo pero nasambot niya ang baywang ko.

"I hope you will remember everything once you're sober," wika niya.

Ngumisi lang ako. Bakit ko naman siya makakalimutan? Kakaiba siya sa lahat ng boss na nakilala ko. At kakaiba rin siya sa mga lalaking nakasalamuha ko. He's deep and sensible. He's mysterious.

Niyakap ko siya nang mahigpit. Napaiyak ako.

"Pero sana hindi ka kagaya ni Philip at ni Paul. Sana hindi ka katulad nila na sinungaling at manloloko."

"What are you talking about? You're so drunk."

Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Bigla ko na naman kasing naalala ang nangyari sa akin at kay Phoebe.

"Bakit gano'n? May mga lalaki talagang manloloko. Nanahimik ang babae , liligaw-ligawan nila. Kapag sinagot na sila, sa una lang sila magaling. Kapag nagsawa na sila, itatapon lang nila ang mga babae na parang basura. Bakit pa sila nanligaw in the first place kung hindi rin naman nila kayang panindigan ang nararamdaman nila hanggang sa huli? Bakit kailangan nilang magsinungaling? Bakit kailangan nilang mag—"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil lalo akong nahilo at nandilim ang paningin ko.

"You're so troublesome."

Naramdaman ko na lang na parang umangat ako sa ere. Pero hindi ko na kayang imulat ang mga mata ko. Someone's carrying me!

Is this still a dream?

I heard some clicks. Hanggang sa naramdaman kong pinaupo ako. Am I inside the car?

"Huwag kang mag-alala, Phoebe. Makakalimutan mo rin si Paul. Magsama sila ng babae niya. Hindi niya deserve na iyakan mo kaya huwag ka nang umiyak, ah? Nandito lang ako para sa 'yo..."

Pinilit kong magmulat at hinanap si Phoebe ngunit hindi ko siya makita.

"Phoebe?"

"So, you drank with Phoebe because you thought Paul is cheating on her?"

Iwinaksi ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. "Nandito lang ako para sa 'yo, Phoebe. Magpalit ka na ng jowa, bukas na bukas din!"

"Tsk! You're unbelievable!"

. . .

Nagising ako na parang mababasag ang ulo ko. Sinubukan kong bumangon ngunit muli akong napahiga. Pero nang marinig kong may kalansing sa kusina ay muli akong napabangon.

Tiningnan ko ang oras. Mag-a-alas otso na ng umaga.

Pero napatigil ako nang mapansin ko ang suot kong damit.

Teka... ito ang suot ko kagabi nang magpunta kami ni Phoebe sa bar, ah.

Pilit kong inalala ang nangyari ngunit lalo akong nahilo.

Paano ako nakauwi? Hinatid ba ako ni Phoebe? Siya ba ang nasa kusina?

Kahit sobrang sakit ng ulo ko ay pinilit kong bumangon para lumabas ng kuwarto.

"Bakla, paano tayo nakauwi kagabi—"

Napatigil ako at nanlaki ang mga mata nang mapansin ko ang pamilyar na pigurang nakatalikod mula sa akin. He's wearing a pair of dark pants and a while long-sleeve polo. Nakatupi pa iyon hanggang sa siko niya. Suot-suot niya ang apron ko habang nakaharap sa kalan.

Ano'ng ginagawa ni Sir Hans dito?

Bigla siyang humarap kaya napatalikod ako.

"You're awake. Drink the soup before it gets cold. It's good for hangover," aniya.

Mariin akong napapikit. I held my head and tried to remember what happened last night, but I can't recall a single thing. Siya ba ang naghatid sa akin pauwi?

"I'm sorry, I used your kitchen. I had no choice, you were sound asleep. I was too worried to leave you in that state. That's why I decided to make you soup."

Nasapo ko na lamang ang noo ko. Ano na naman kayang kagagahan ang nagawa ko?

Tumikhim ako at marahang humarap. "Paano ka po nakapasok sa apartment ko?" nahihiyang tanong ko.

Kumunot ang noo niya. "You don't remember everything?"

Napaawang ako. Hindi kaya nalasing ako kagabi kaya wala akong maalala? Kaya pala sobrang sakit ng ulo ko.

"You were so drunk last night. I had to send you home. I got your keys inside your bag. Don't worry, I slept on the sofa."

Wala sa sariling napatingin ako sa sofa kong napakaliit. Paano kaya nagkasya ang malaki niyang katawan doon?

"Uhm... Paano n'yo po ako natunton sa bar?" nakangiwing tanong ko.

"Are you sure you want me to tell you everything in detail?" hamon niya.

Napalunok ako. Mukhang mas may nakakahiya pa yata akong nagawa. Ikinumpas ko ang kamay ko sa ere at umiling-iling.

"Sir, salamat po sa paghatid sa akin kagabi. Salamat po sa pagluluto pero—"

"Come back. Drink the soup first, then take your med."

Napatigil ako sa akmang pagpasok sa kuwarto at muling napaharap sa kanya. Inginuso niya ang bowl na may lamang soup. Sa gilid ay may isang baso ng tubig at isang tableta.

Nagkatitigan kami nang ilang segundo. Pero mukhang desidido talaga siyang hindi ako titigilan hangga't hindi ko iyon naiinom. Kaya napilitan akong umupo sa harap ng lamesa.

I focused my attention on the soup. Hindi ko siya kayang tingnan. Gusto ko nang batukan ang sarili ko. Bakit ba kasi hindi napansing napadami na ako ng inom?

Nakita ko sa gilid ng mga mata kong hinubad na niya ang apron. Dali-dali kong hinigop ang sabaw saka ininom ang gamot.

"Ma...Maraming salamat po, Sir."

Tiningnan niya lang ako. Napatingin din ako sa sarili ko at napahawak sa ulo. Namilog ako nang mapagtanto kong magulo ang itsura ko kaya dali-dali akong tumayo.

"Diyan na muna kayo, Sir. Maliligo lang ako."

Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Pumasok ako sa kuwarto saka napasandal sa likod ng pinto. Napahawak ako sa dibdib. Pakiramdam ko bigla akong tinakasan ng kaluluwa ko nang mapagtanto kong siya pala ang naghatid sa akin kagabi.

Tiningnan ko ang itsura ko sa full-length mirror dito sa kuwarto ko. Sabog ang buhok ko at ang oily pa ng mukha ko dahil hindi man lang ako nakapaghilamos siguro kagabi bago natulog.

"Honey Larissa, nakakahiya ka!"

Halos mapapadyak ako sa inis. Masakit ang ulo ko pero mas nangingibabaw sa akin ang kahihiyan. Pumasok na lang ako sa banyo para maligo.

Sinadya kong tagalan para mainip si Sir Hans at umalis. Pero nagulat ako nang pagkalabas ko ng sala ay natagpuan ko siyang prenteng nakaupo sa sofa. At nang tingnan ko ang lamesa ay mga pagkain na rin doon. Hindi ko napansing bukod pala sa soup ay may niluto rin siyang pang-agahan. Pinakialaman niya talaga ang laman ng refrigerator ko.

"You're just in time. Breakfast is ready. Kumain ka na," aniya.

Napangiwi ako at napakamot ng ulo.

I cleared my throat to hide my embarrassment.

"He-he, akala ko po umalis na kayo."

He just shrugged his shoulders. "Kumain ka na."

Wala sa sariling napatango ako. "Uhm, sabayan n'yo na po ako."

Tiningnan niya muna ako nang ilang segundo bago tumango. Marami nga naman siyang niluto. Hindi ko iyon mauubos. I'm surprised that he knows how to cook. Ang buong akala ko ay puro trabaho lang talaga ang alam niya.

"Ah, maraming salamat po pala sa paghatid sa akin kagabi kahit hindi ko talaga naaalala ang lahat. Nagkaroon kasi ng problema si Phoebe kaya—"

Natigilan ako nang bigla kong naalala ang kaibigan ko.

"Hala! Si—"

"Paul sent her home last night. Don't worry, she's safe," putol niya sa akin.

Nagulat ako. "Si Paul po ang naghatid sa kanya? Bakit siya?"

"Paul is her boyfriend. Of course, he will take care of her."

Napairap ako. "Naku, hindi mo lang alam ang ginawa ng lalaking 'yon sa kaibigan ko—"

"Paul is a good person. Don't accuse him of something he didn't do, especially when you don't know the real story behind it. It's their problem. Let them fix it themselves."

Napaawang ako at hindi makapaniwalang tiningnan siya. "Siyempre, kakampihan mo siya. Best friend mo 'yon, e. Pero hindi ko siya palalampasin sa ginawa niyang panloloko kay Phoebe."

Naibaba niya ang kubyertos dahil sa sinabi ko. Tiningnan niya ako nang malamig.

"Are you sure he cheated?"

Taas-noo naman akong tumango. "Kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang pakikipagkita niya kahapon sa isang babae sa restaurant. Tapos tinawagan siya ni Phoebe pero nagsinungaling siya. Kaya bakit hindi ako magagalit sa kanya kung napatunayan ko mismo ang kalokohan niya?"

Napailing si Sir Hans. "There must be a misunderstanding. Don't jump to conclusions yet. And just to let you know, I don't tolerate cheaters. So, don't accuse me of being partial to Paul just because he is my friend."

"Oh."

Napatahimik ako at hindi na nakapagsalita. Kalmado lang ang pagkakasabi ni Sir Hans. Pero halatang totoo nga ang mga tinuran niya. Pero naninibago pa rin ako na ang haba na niyang magsalita ngayon.

"Uhm, pasensya na po. Hindi ko naman intensyon na akusahan kayo ng hindi maganda. I'm just worried about Phoebe. I understand how she feels," mahinang sabi ko saka itinuloy ang pagkain.

"Don't mention it. I understand how you feel. You are a good friend to Phoebe," aniya.

Nagpakiramdaman kami hanggang sa matapos kaming kumain. Medyo masakit pa rin ang ulo ko pero kaya ko namang kumilos. Kaya nang makita kong tapos na rin siya ay tumayo ako para ligpitin ang mga plato. Kaya lang ay sabay naming nahawakan ang plato.

Nagkatitigan kami. Nang mapagtanto kong nahawakan ko ang kamay niya ay agad ko naman iyong binawi. Pansin ko rin ang bahagya niyang pagtigil.

There was an awkward moment of silence. Pareho kaming napaiwas ng tingin sa isa't isa.

"Ah... Ako na po. Kayo na ang nagluto. Kaya ko na po ito."

Muli kong kinuha ang mga plato at dali-daling dinala ang mga iyon sa lababo.

"Are you sure you're okay now?" seryosong tanong niya.

Tumango ako at ngumiti. "Sa...Salamat po ulit sa paghatid n'yo sa akin kagabi. Sana hindi ako nakaabala sa inyo nang matindi."

He looked away. "It's fine. Weekend naman. Wala naman akong ibang pupuntahan."

"Ano pong nangyari diyan?" biglang tanong ko nang mapansing may pulang mantsa sa bandang kuwelyo ng polo niya. Napatingin din siya roon.

It looks like a smudge of lipstick.

Muli siyang umiwas ng tingin. "There's no use to tell you about this. You don't remember everything anyway."

"Po?"

Napansin ko ang pamumula ng kanyang tainga. "No...Nothing."

Kinabahan ko at biglang hindi mapakali. "Uhm... Sir, wala po ba talaga akong nagawang kapalpakan kagabi?" paninigurado ko.

Nakita ko ang bahagyang pag-alon ng kanyang lalamunan.

I tried remembering everything again. Ang alam ko ay dumiretso kami ni Phoebe sa bar pagkatapos naming gumala dahil sa nakita naming panloloko ni Paul. Tapos kumanta kami at uminom. Tapos nanaginip ako na pinuntahan ako ni Sir Hans. Tapos hinalikan ko siya—

Nanlaki ang mga mata ko.

"Hindi iyon panaginip?!" malakas na bulalas ko. Maging si Sir Hans ay nagulat sa boses ko.

Napahawak ako sa mga labi ko.

Oh, God! Anong katangahan ang nagawa ko kagabi?

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: LoveTruyen.Me